Chapter 13
Myth
Hindi ko namamalayang napakabilis pala ng panahon parang kaylan lang kauumpisa lang ng school year tapos ngayon one year na pala.
At sa loob ng ilang buwan mas nakilala ko pa sya. Minsan masungit, minsan naman tatawa na lang bigla. Yung pagkakaibigan namin ay naging daan para mas malapit pa kami sa isa't isa. At masasabi kong hindi na rin masama, ang maituturing na kaibigan at malapit sa kanya ay isang achievement na atleast nakakasama at nakikita ko sya masaya na ako nun. Nandito lang naman ako palagi para sa kanya kahit hindi na para sakin.
Marami din akong nalaman tungkol sa kanya. Mga ayaw at gusto nya. Allergies. Pagdating sa sports he prepare chess, pang matatalino daw kase ang larong iyon. Grabe sya diba? Sa pagkain mas gusto nya ang home cook foods, mas masarap daw dahil may kasamang pagmamahal. Yung sa mga fast food chain ba o restaurants wala? At marami pang iba.
Nagdaan ang christmas. Umuwi ako sa bahay at nagcelebrate kami together with my family, titos and titas and my cousins. Then nung new year nagkita kita kaming magkakaibigan para mag celebrate together.
At syempre kasama sina Ash, Clythe, Lucas at Nicko hindi na yung bago simula nung nagpunta kami sa DT Island and Resort.
"Hey kulang ata kayo. Nasan si Ash?" tanong ko kina Clythe nang makaupo.
Nandito kami ngayon sa rooftop. Naging tambayan na namin ito tuwing break at walang klase. Simula nung nagkaroon kami ng bonding sa resort nina Ash always na kaming magkakasama. Naging close na rin kaming lahat at komportable na sa isa't isa.
Nagkatinginan ang dalawa saka nagkibit balikat.
Nakapagtataka. Ngayon lang sya hindi nakisama samin tuwing break. May nangyari kaya? Baka naman busy lang sa SC office.
"Guys February na pala at two weeks na lang Valentines Day na. Ano balak nyo?" Yumi asked.
"May date kami ni Ashley. Diba baby?" malambing na sagot ni Lucas.
Yumakap si Ashley sa braso ng kasintahan. Yes, sila na. Nakakakilig nga ang ginawang surprise ni Lucas para kay Ashley. The playboy already found his match.
"Right baby," kinikilig na sagot neto.
Araw araw naman yang kinikilig eh.
"Ayy. Sana all..." sabay na wika ni Yumi at Mariko.
"May mga booth na gagawin ang bawat department." Clythe said.
Dahil sya ang vice alam nya ang mga gagawin sa Valentines Day. Siguro busy lang talaga si Ash dahil sya ang President. Maraming gawaing nakaatang sa kanya.
"Sa pagkakatanda ko nangunguna ang Marriage Booth, at Dating Booth sa list. May Play Your Request, Dedication Booth at Free Wall din. Sa loob ng one week maraming program na magaganap. May battle of the bands din sa last day at ang inaabangan ng mga mag jowa at gustong magkajowa. Ang Two Days Together."
"Ano yun?" tanong ko bigla.
Ngumisi si Clythe. "Pwede kang pumili ng couple na nandito sa school at iyon ang isusulat mo sa List Your Request Couple na gusto mong makatanggap ng Two days Together. The school will provide all the expenses kaya wala kang kailangang gastusin. Pero may limit ang mapipili yun lang may maraming name list ang mananalo. At 10 pairs lang," paliwanag nya. Napanganga naman ako.
As in? Grabe!
"Whhaaa... talaga? Kailangan palang paunahan iyon," Ashley said.
"Hindi lang paunahan. Kailangan bias sa mga students yung dalawang taong isusulat mo. Syempre kapag malakas ang kapit sa iba may chance na yun ang isulat ng karamihan. Diba?"
"May point si Yumi. Kaya wala kang pag-asa Ashley," pang asar ni Mariko kaya hinampas sya neto.
"Asar ka. Huwag ka ngang nega dyan."
Tumawa ng pang asar si Mariko at Yumi na ikina simangot ni Ashley.
"Pero bakit ka nandito?" tanong ko kay Clythe.
"Huh?"
"I mean is.... bakit ka nandito? Ikaw ang vice diba? Dapat katulong ka ni Ash doon. Marami kaya kayong dapat na gawin dahil wala sya dito."
Kumunot ang noo nya saka ngumisi.
"Bakit parang masyado ka yatang nag aalala para kay Kaizer? At isa pa tapos na kami. Ang bawat department na lang ang bahalang magtayo ng booth na mapipili nila. Is there something going on here Alexia?"
He look at me deep in the eye. Na para bang may gusto syang malaman.
Tumikhim ako saka umiwas ng tingin sa kanya.
"Ang intense ng usapan. Ano ka ba Clythe friendly concern lang yun ni Alexia. Saka tama naman sya dapat kasama ka nya dahil ikaw ang vice. Patamad tamad ka umalis ka na nga dito," pagtanggol sakin ni Yumi.
Tumawa si Clythe.
"Tinatamad ako eh. Tapos naman na ako sa part ko kay no prob. Pwede na ko mag chillax," sagot nya saka humiga sa couch na nandirito sa rooftop.
"At saka inaasar ko lang naman si Alexia. Hindi ko naman alam na seseryosohin nyo," natatawa pa rin sya.
Tawa na para bang may nalaman syang hindi dapat.
Nag usap usap pa sila about other stuff. Habang ako naman ay tahimik na lumipat ng pwesto yung kita ang buong soccer field.
Alam kong may gusto pa syang itanong sakin pero pinipigilan lang nya. Alam kong may napapansin na sya pero binabalewala lang nya. At iyong kanina ang isa sa mga senyales na totoo ang iniisip ko.
"Haayyy.."
"Ang lalim ah."
Hindi na ako nagulat dahil iniexpect kona na lalapit sya sakin.
Medyo malayo kami sa iba kaya okay lang na pag usapan ang dapat pag usapan.
"Itanong mo na kung anong gusto mong malaman. Alam kong may iniisip ka."
Narinig kong tumawa sya ng mahina.
"Wala akong dapat na paki alaman. Pero."
Tumigil sya saglit saka bumuntong hininga. This time his serious na.
"Pero kaibigan kita Alexia. I care for you at ayaw kong masaktan ka bandang huli. Kaya gusto kong malaman mula mismo sayo. May gusto ka ba kay Kaizer?"
Natigilan ako. Nakakakaba pala. Panu pa kaya kung kay Ash na mismo ako aamin?
"Naniniwala ka ba sa spark? Yung kuryente sa tuwing nahahawakan mo sya. Yung kakaibang tibok ng dibdib mo sa tuwing nandyan sya."
Tumingin sya sakin na naguguluhan.
"Naramdaman ko yun simula pa lang. Yung tingin nya sakin nung una ko syang nakita sa cafeteria nagbigay yun sakin ng kakaibang pakiramdam. Kahit napaka cold at blangko ng tinging iyo pagdating sakin napakalakas ng impact na para bang aatakihin ako sa puso anytime. Hindi ko makaya."
Ngumiti ako habang inaalala yung nangyari noon sa canteen.
"Nung napapalapit na sya sakin sabi ko sa sarili ko iiwasan ko ba sya baka kase lumala pa pero sabi sakin nina Ashley na why don't go with the flow na lang. Isa pa iwasan ko man sya pero kung meron namang magiging dahilan para magkalapit kami tulad ni Lucas na boyfriend na ngayon ng kaibigan ko hindi rin ako makakaiwas. Magkakalapit at magkakalapit din kaming dalawa. Kaya kung masaktan man ako parte na yun ng pagmamahal. Dahil hindi lahat ng nagmamahal nagtatagumpay na makasama yung mahal nila. May isang masasaktan at may isang magiging masaya. Alam kong nagmamalasakit ka lang sakin bilang kaibigan kaya salamat Clythe. Pero choice ko ito at kasiyahan ko. Kaya......"
Ngumiti sya sakin saka ginulo ang buhok ko.
"I will support you no matter what Alexia. At kung sakali man na saktan ka nya kahit kaibigan ko pa sya gugulpihin ko sya para sayo."
Natawa naman ako dahil sa sinabi nya na gugulpihin.
"Ang harsh mo."
"Pero hindi mo pa sinasagot ang mismong tanong ko."
Sumimangot naman ako. Akala ko pa naman gets na nya. Yun pala kailangan ko pang sagutin yun. Tsk talaga.
"Mahal ko."
"Kahit may mahal nang iba?"
Hinampas ko naman sya sa braso at tinawanan lang ako ng siraulo.
"Nakakainis ka."
"Asar talo."
Tumatawang pang asar nya pa sakin.
Pagkatapos ng break ay bumalik na kami sa kanya kanyang klase.
Pero dahil sa excited ang lahat para sa Valentines ay nagrequest silang huwag na munang magklase. Mag iisip daw kase kami ng gagawing booth next week. Pero kailangan naming mag advance reading dahil pagkatapos ng Valentines Day ay may surprise exam kami.
Okay lang naman. Nag aaral ako sa dorm bago matulog kayo no problem.
"Sweet Dessert na lang kaya? Tayo mismo ang magbi bake ng cookies, cupcakes, muffins and others na ititinda natin," suggest ni Kisha.
"Face painting kaya?" suggestion ni Tyron.
"Ikaw lang naman ang magaling mag paint dito sa klase eh."
"Sa Sweet Dessert na lang tayo guys. Lahat naman tayo marunong magbake. Magpaalam na lang tayo para magamit natin ang Cooking Lab. Hatiin na lang natin ang klase sa tatlong grupo. Isang grupo para bumili ng mga ingredients, isang grupo para sa magbi bake at isang grupo para sa pag aayos ng booth natin. Okay ba? Deal or No deal?" Mikael said.
We all agree to it kaya naghati hati ng ng grupo.
Kami ni Yumi ay napapunta sa bibili ng mga ingredients. Bale lima kami sa grupo. Ako, si Yumi, Marco, Jasmin at Kyro.
Napagpasyahan naming sa friday kami mamimili.
Mag hahalinhinan din kami sa pag bebenta. Tatlong tao bawat oras para may time din makapasyal sa ibang booth.
"Guys anong napili nyong booth?"
Tanong agad ni Ashley pagkarating naming apat sa dorm.
"Sweet Dessert samin," sagot ko.
"Wow! For sure mabibenta nyong lahat ang tinda nyo. Ipriority nyo ang chocolates. Maraming couples ang nangangailangan nyan. Hahaha."
Parang baliw na tawa ni Ashley.
"Isa ka na doon diba?"
"Uy! Uy! Uy! Grabe ka Alexia ah. Hindi kaya. Nakakataba ang chocolate kaya dedma muna ako dun."
"Sus! Let's see. Baka kayo agad ni Lucas ang mabungaran namin sa booth ah."
She just pout.
Pagkatapos kung magpalit ay nagpaalam ako na lalabas lang saglit. Hindi naman na sila nagtanong.
Napadpad ako sa Winter Fall River. Tama lang ang lakas ng hangin na nagpapatangay sa nakalugay kong buhok.
"Ang refreshing!"
Pumunta ako sa gitna ng bridge. Nakatungkod ang dalawa kong kamay sa hawakan ng tulay habang nakatanaw sa falls.
Pumikit ako habang dinadama ang hangin sa aking mukha.
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata nang may dumapong paru-paro sa kamay ko.
"Ang ganda mo naman. Nakakatuwang tingnan ang kulay ng pakpak mo. Siguro isa ka sa mga nangangalaga sa lugar na'to?"
Natawa naman ako dahil sa naiisip. Pati ang hayop kinakausap ko na.
Lumipad ito papunta sa kabila.
Pumunta din ako sa kabilang bahagi para tingnan kung anong meron doon. Na curious kase ako bigla. Nakakakaba man dahil sabi nga nila 'Curiousity kills the cat' tinuloy ko pa rin.
Puno ng matataas na punong kahoy ang kabilang bahagi ng tulay. Maraming halaman at pati mga nagliliparang ibon. Tahimik akong naglalakad at ni walang ingay na maririnig maliban sa huni ng mga ibon.
"Wow!"
Napanganga ako sa nakita. Ang mga nagkalat na puno ay naging dalawang linya na lang pagdating sa pagting ito, na may daan sa gitnang bahagi. Ang mga puno ay naka hilera sa magkabilang gilid. Napahawak ako sa isang puno.
'Te Amo Mahal ko!
C&L'
Yan ang naka ukit sa puno. Hinawakan ko ang sulat at napangiti.
"Siguro ang asawa ng may ari ng school ang nag ukit neto. Nakakatuwa naman dahil mahal na mahal nya ang asawa. Dahil kahit sa puno iniexpress nya ang kanyang pagibig dito."
Hindi na ako tumuloy hanggang sa dulo dahil wala akong kasama.
Nakangiting bumalik ako sa tulay.
"Krystal?"
Nagulat ako dahil sa biglang pagtawag na iyon sa pangalan ko.
"Ash? A-Anong ginagawa mo dito?"
Kinakabahan at nauutal na tanong ko sa kanya. Hindi nya ako sinagot at tahimik lang na tinitigan. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko makaya ang kanyang malalim na tingin.
Nakatayo kami sa magkabilang bahagi ng tulay habang nakatingin sa isa't isa. Lumakas ang hangin kaya may iilang tuyong dahon ng mga puno ang naglaglagan.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin. Pero sya na din agad ang pumutol.
"You should go to your dorm now. Masyado ng dumidilim baka mapanu ka pa dito."
Seryosong sabi nya at hindi sinagot ang tanong ko. Tatalikod na sana sya pero pinigilan ko.
"Ash wait."
Tumigil naman sya kaya tumakbo ako papalapit sa kanya. Hinawakan ko sya sa braso.
"Sabay na tayo pabalik," nakangiting sabi ko.
Tumango naman sya at nauna ng lumakad.
"May problema ba? Ang tahimik mo kase. Hindi ako sanay."
Umiling lang sya saka ginulo ang buhok ko.
"Wala," ngumiti sya pero alam kong pilit lang.
"Sure ka?" tumango sya.
"May naisip lang ako bigla pero hindi naman masyadong importante. Tara na ihahatid na kita sa dorm nyo."
"Sige."
Nang makapasok sa loob ay agad ako natigilan ng biglang may maalala.
Ang myth ng Winter Fall River. Nangyari samin ni Ash kanila lang at ngayon lang iyon pumasok sa isipan ko. Totoo kaya iyon? Ahhhhhh! Bakit hindi ko agad naisip yon? Nakakainis.
"Ahhhhhhhh! Ohhh... Myyyy... Goshhhh!"
Tili ko na ikinagulat ng tatlo.
"Asan ang sunog!"
"May magnanakaw! Saan? Papatayin ko."
"Waiiitttt... ano ba kayong dalawa. Si Alexia lang yan."
Timingin sakin si Yumi. "Ano ba kasing sinisigaw mo dyan? Nakakagulat ka naman eh."
Nag peace sign lang ako saka patakbong pumasok sa kwarto. Inihagis ko ang sarili sa kama at tumitig sa ceiling habang hindi pa rin maka get over sa nangyari kanina.
Maniniwala ba ako? Napaka imposible kase eh. Baka naman nagkataon lang iyon at hindi talaga totoo. Aaaiissttt.. nakakainis naman. Buong gabi na naman akong pag iisipin neto. Haaay!
****
A/N: hi mga kaibigan ko. Namiss nyo ba ako? Charr!
Yun pong myth sa Winter Fall River ay nasa CHAPTER 8 Kung natatandaan nyo kung hindi balik kayo dun. Haha.
By the way, sana nagustuhan nyo ang Chapter na'to.😊😊
Happy Reading! Keep safe po tayong lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top