Chapter 12: Isla x Hurt

Day two here in DT Island & Resort and last night na namin 'to mamaya because tomorrow we will go back at WBSA.

Ash told us na pupunta kami ngayon sa kabilang isla. Maganda daw kase doon tsaka magandang mag abang ng sunset. So, it means na hanggang hapon kami doon. Yeeeyyyy!

"Guys ready na ba ang lahat ng ating dadalhin?" nakapameywang na tanong ni Ashley.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Why don't you help us kaya para mabilis matapos?"

Kumamot sya sa ulo saka ngumiti ng nang aasar.

"Ayyyy! Akala ko kase kaya nyo na yan eh kaya pa chill chill lang ako dito sa tabi. Sarrie!"

"Excuses Thalaine. Ang sabihin mo tinatamad ka lang. Tsk!" sumbat ni Yumi na ikina simangot ni Ashley.

She come close to us while pouting. She helped Yumi to pack our foods for lunch. Babalik din naman kami dito bandang 6 or 7.

"All done!"

"Great! Tara na, mas maaga mas maganda." Ash said.

"Tama! Para hindi mainit ang pag picture. Ayaw ko pang mangitim noh."

Maarteng komento ni Ashley. Kahit kaylan talaga ang girly ni Ashley.

Nanguna si Ash papunta sa yateng nakadaong sa may pangpang. Kasunod si Lucas at Nicko na syang may dala sa basket na naglalaman ng aming pagkain. Samantalang si Clythe ay machill chill lang sa gilid nilang dalawa.

Nakabusangot ang mukha ni Lucas. "Ang tamad talaga nung isa dyan. Malunod ka sana sa dagat."

Pagpaparinig neto.

Sumipol si Clythe saka ibinaba ang sunglass na suot at tumingin sa nag aalburutong si Lucas.

"Panu malulunod eh marunong lumangoy? Psh! Una na ako goodluck sa pagbubuhat ah."

Tumatawang aniya saka tumakbo papalapit kay Ash na nagaabang sa taas ng yate.

"Aaarrgghh! Langya ka talaga Tanceco. Makakatikim ka sakin mamaya, double."

Pinauna kaming girls na umakyat nina Lucas dahil mabigat ang basket.

Nang nasa last step na ako ng hagdan ay nagulat ako ng may dalawang kamay na nakalahad sa harap ko.

"Aaahhhmmm.."

Nagkatinginan sina Ash at Clythe. Parehong hindi nagpapa awat kung sino ang unang bibitaw.

Ano ba naman ang dalawang ito. Kaya ko namang umakyat mag isa eh.

Kaninong kamay ba tatanggapin ko? Kung wala na lang kaya? Ano ba yan????

Hindi pa rin sila magpapigil sa pagtititigan. I can feel the tense between them.

"Ahhhmmm... hello guys! Nangangalay na po kaya si Alexia tabi nga kayo dyan doon kayo magtitigan," pagtataray ni Ashley sa dalawa habang nakapameywang sa harap namin.

"Ako na okay? Ako na!"

Umiwas ng tingin ang dalawa at parehong tumikhim tsaka tumabi.

Tinulungan ako ni Ashley na umakyat. Saka sumunod sina Nicko buhat ang basket.

Pagkaakyat ng dalawa ay umandar na din ang yatch. Lumapit kami kina Yumi dahil mahangin sa tayo nila.

"Ang intense girl. Ramdam na ramdam ko yung kuryenteng nanggagaling sa dalawa," bulong sakin ni Ashley paglapit namin kina Yumi.

"Wala lang yun. Tumahimik ka nga dyan baka marinig ka pa nila."

"Ahh basta. I know na may something. I can smell fishy eh."

"Malamang nasa dagat tayo, maraming isda," sabat naman ni Yumi.

"Kinakausap ba kita? Did I ask for your opinion?" Sarkatikong sagot ni Ashley pabalik.

"Magsitigil nga kayo. Para kayong aso't pusa," pag awat ko.

"Girls dito tayo. Maganda ang view."

Sumunod kami kina Lucas paakyat sa top deck.

"Ahhh... So refreshing!"

"Sa inyo din ba ang islang pupuntahan natin Kaizer?" pagtatanong ni Mariko kay Ash na busy sa pagkukuha ng drinks.

"Yeah! Binili ni lolo ang lupang kinatatayuan ng resort kasama ang tatlong isla. Kaya its part of DT Island and Resort."

Inabutan nya ang lahat ng drinks. Mapagod din kase maglakad papunta sa pangpang.

"Krystal! You want coke or orange juice?" tanong nya sakin habang pinapakita ang dalawang drinks na hawak.

Importante ba talaga kung ano ang gusto ko? Eh bakit yung iba hindi nya tinanong?

Hindi ko na lang pinansin ang mga ideyang pumapasok sa isip ko.

Tiningala ko sya. Nakaupo kase ako sa beach chair at nakatayo sya sa harap ko.

"Coke na lang."

Inilahad nya sakin ang hawak at inabot ko naman iyon. Binuksan nya ang hawak na juice at nagulat ako ng sa harap ko pa nya ininom mismo iyon. Nakatingala lang ako sa kanya at bahagyang umawang ang labi ng makita kung panu magtaas baba ang kanyang adams apple dahil sa pag inom.

Ang swerte naman ng bote...

"Laway mo tumutulo na," rinig kung bulong ni Yumi sa gilid ko kay pinahid ko ang gilid ng labi na hindi pa rin inaalis ang tingin kay Ash.

Natigilan naman ako ng marealize kung anong ginawa ko. Mahinang tumawa si Yumi ng tingnan ko sya ng masama. Luminga linga pa ako sa paligid buti na lang may kanya kanya na silang ginagawa. Nakahinga ako ng maluwag pero muling bumalik ang irita ko dahil sa tawang narinig ko galing kay Yumi.

Langya talagang babae ito oh! Ahhhh... nakakahiya yung ginawa mo Alexia. Nakakahiya ka. Buti na lang kamo hindi yun napansin ni Ash.

"Tumigil ka na nga Yumi."

Naaasar na ako ah. Bakit ko ba kase ginawa yun? Pwede ko namang iiwas ang tingin pero, nang aakit kase yung bote. Sabi nya tingnan ko sya eh...
Nakakainis naman.

"Don't worry ako lang naman ang nakakita eh. Ang hot ni Kaizer noh?" May bahid pa ng pang aasar ang boses nya.

"Nakita mo ba lahat?"

Tumango sya. "Simula saan?"

Ngumisi sya sakin. "From the top, your jaw drop!" sagot nya sabay tawa ng malakas na ikinatingin ng lahat.

Napayuko naman ako dahil sa kahihiyan.

"Nakakahiya ka Yumi. Tawa mo pang lalaki."

Panunuya ni Ashley na ikina irap naman ng huli.

"Cheeee! May naalala lang kase ako na..... Secret!"

Tiningnan ko sya ng masama. Bwesit ka Yumi.

Natatanaw ko na ang isla. Medyo malayo din pala ito sa main resort akala ko malapit lang kung titingnan mo.

Nauna na akong bumaba dahil ramdam ko pa din yung hiya at pagkairita dahil sa nangyari. Bwesit din kase si Ash eh. Bakit ba sa harap ko pa sya uminom?

Nang makababa sa yate ay naramdaman ko agad ang malamig na simoy ng hangin. Kadalasan kapag nasa dagat ka mainit ang hangin pero iba dito. Malamig. Masarap sa pakiramdam.

Dahil sa excitement ay agad kong tinanggal ang suot na step-in at lumusong sa tubig. Hinayaan kong mabasa at umalos sa binti ko ang tubig dagat dahil naka shorts naman ako. Hindi ako mababasa.

"Alexia tingin!"

Tawag sakin ni Mariko na ikina lingon ko naman agad.

Click!

Click!

"Ayyyy! Pak na pak girl! Para kang model. Look oh," komento nya habang nakatingin sa camerang hawak.

She took a picture of me when the moment I looked at her. Ano kayang itsura ko dun?

Agad akong lumapit sa kanya at ganun din sina Ashley na kabababa lang mula sa yate.

"Ay may potential kang maging photographer Mariko. Ganda ng kuha eh."

Napa ismid ako sa sinabing iyon ni Yumi. Akala ko ako ang pupurihin nya. Meh!

"Maganda lang talaga yung pinicturan," agad kong komento.

"Eehhh?"

I look at the shoots. Ang ganda ko talaga! Chaarr! Nakatalikod ako pero bahagyang nakaharap ang aking mukha sa camera habang nililipad ang buhok. Ang ganda ng background. Asul na asul na dagat tapos kita din yung mga ulap sa likod ko.

Basta ang ganda KO! Hahahaha.

"Ako din! Ako din! Picturan mo'ko Mariko dali."

Agad na tumakbo sa tubig si Ashley. Naiwan silang dalawa doon habang kami naman ay nagdiretso sa resthouse nina Ash na nandoon.

"Sa may rock formation tayo pagkatapos nina Ashley na magpicture."

Nakangiting anunsyo ni Ash habang nag aayos ng mga pagkain namin sa mesang nasa kusina.

"Ang ganda naman ng bahay. May naglilinis ba neto?" i asked para kahit papaano mawala yung tensyon na nararamdaman ko.

Tumingin sakin si Ash na ikinaiwas ko naman ng tingin. Nag busy busihan ako sa pagtingin ng mga gamit. Naramdaman kong lumapit sya sakin.

"May caretaker si Mommy na pinapapunta dito every saturday. Kahit minsan lang namin 'tong stay-an she always maintain the cleanliness of this resthouse. Favorite tambayan kase ito ng lolo at lola nung nabubuhay pa sila."

Kwento nya habang masinsing nakatingin sa portrait ng mag asawa na nakasabit sa dingding. Siguro ito ang lolo at lola nya.

"Nag iisang anak ka ba?"

Napatingin sya sakin. Natakpan ko naman ang bibig dahil sa kadaldalan.

Ngumiti sya. "Unfurtunately, Yes!"  Tumango lang ako baka kase kung ano pa ang matanong ko.

"Hey guys! Gala na tayo! Ready na ang memory at camera ko. Pati ang gallery ready na ding mapuno."

Natawa kami ni Ash sa sinigaw ni Ashley.

Inabot din kami ng ilang sa pamamasyal sa buong isla. May iilang shoots din kami na magkasama ni Ash sa picture. And my favorite is yung nakangiti si Ash sa camera tapos ako ay nakatingin sa kanya. Nakasandal kami sa railings habang kita sa likod namin ang asul na dagat at ang maaliwalas na kalangitan. I even send it to my cellphone. Pang wallpaper manlang!
Ang cute lang kase namin doon.

Bago kami bumalik may nakita pang puno ng mangga si Ashley kaya nanguha pa sila Lucas ng ilang bunga nito.

Habang kumakain at nagkukwentuhan biglang tumunog ang cellphone ni Ash na nasa ibabaw ng mesa. Napasulyap ako doon at nakita kung sino ang tumatawag sa kanya.

It's a capital letter LOVE❤ with a heart! No other than the girl of his life, Nathalie!

"Excuse me for a while."

Paalam nya saka sinagot ang tawag ng may ngiti sa labi. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makalabas sya. Nakaramdam ako ng sakit sa nakita.

Ano ka ba naman Alexia wala kang karapatang masaktan o magselos dahil wala namang kayo ni Ash. Walang kayo!

And it hurts me more.

Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay naglakad lakad kami ni Yumi sa dalampasigan habang ang iba naman ay nagkakatuwaan sa loob ng bahay.

"Alexia Okay ka lang?"

"Huh?"

"Kung okay ka lang ba? Kanina pa ako nagsasalita pero ang lalim ng iniisip mo. Si Kaizer ba?"

I sigh and smile at her. "Hindi. Wala lang 'to. Balik na tayo dun."

Tumango sya saka naglakad na kami pabalik sa resthouse.

Nagpunta kami sa mataas na bahagi ng rock formation para hintayin ang paglubog ng araw.

"Guys ayan na! Ready na ba ang mga camera?" masiglang tanong ni Ashley.

"Ready na!"

"Ang ganda! Mamimiss ko ang lugar na'to," mahinang sabi ko sa sarili.

"Tama ka ang ganda nga."

Napatingin ako sa taong tumabi sakin. Diretso lang ang tingin nya sa palubog na araw. Nakangiti at halatang masaya sya.

"Kahit na marami mang magagandang nangyari buong araw ang pagsikat at paglubog parin ng araw ang pinakamaganda sa lahat. Pero para sakin mas gusto ko pa rin ang pagsapit ng dilim. Alam mo ba kung bakit?"

Tumingin sya sakin saka ako umiling.

"Dahil ang buwan ang nagiging saksi sa lahat ng mga problema at sakit na itinatago natin at ayaw ipakita sa lahat."

Ibinalik nya ang tingin sa kulay kahel na langit.

"Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na okay lang yan mabilis lang ang panahon, babalik din sya agad, maghintay ka lang, dahil mahal ko sya at naiintindihan ko na nandoon ang kinabukasan at career nya. Naiintindihan ko sya at iintindihin pa rin. Pero......"

Tumigil sya saglit at yumuko. Alam kong nagpipigil lang sya na huwag umiyak. Ayaw nyang ipakitang nasasaktan din sya. Naiintindihan ko ang nararamdaman nya. I slowly pat his back continuously.

"Kahit nagkikita kami sa skype at naguusap sa cellphone iba pa rin kapag nandyan sya at kasama ko. Sobrang miss na miss na miss ko na sya."

Pumikit sya.

"Sana magsakasama na ulit kaming dalawa."

Mahinang bulong nya.

I secretly took a picture of him. Nakapikit ang mga mata habang naka ngiti. Mahangin dito kaya may iilang buhok na nililipad sa may noo nya. Napahawak ako sa aking dibdib. Halo-halong pakiramdam ang nararamdaman ko, tuwa, sakit at pagka lungkot.

Sa pagkakataong ito, gusto ko syang icomfort bilang isang tunay na kaibigan at hindi bilang Alexia na nagmamahal sa kanya. Nasasaktan sya dahil namimiss nya yung babaeng mahal nya at wala syang magawa.

At nasasaktan din ako dahil nasasaktan sya kahit alam kong wala akong karapatan.

Pero hindi ko mapigilan eh.

Dahil yung lalaking minamahal ko ay mahal ng iba.


******

A/N: wala talaga ako sa mood magsulat Hindi ko alam kung bakit. Pagtyagaan nyo na lang ang chapter na 'to. 😂😁😁 charrr..
Sana magustuhan nyo😊 don't forget to vote and comment your saloobin.😁

Kamsahamnida! Lovelots!💕

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top