Chapter 11: Beach
Yey! This is the day.
Two days kami sa DT Island and Resort. Bago kami umalis nag message muna ako kina Mommy na may lakad kami ng mga kaibigan ko baka kase mag post sina Ashley at makita nina mommy, magulat sila at nasa beach kami pero hindi manlang ako nagsabi.
Hindi naman sila mahigpit pero ganun ang gawain ng mabait na anak diba?. Marunong magpaalam. Hihihi
"Girls let's go na. Nasa labas na ang sundo natin."
Sigaw ni Mariko mula sa labas ng kwarto. Kinuha ko na ang maliit na maleta ko at shoulder bag saka lumabas na. Ganun din ang ginawa ng dalawa. Naabutan namin sa salas si Mariko na may malawak na ngiti.
Hindi ko na lang pinansin.
I'm wearing a white highwaist shorts tsaka tinernuhan ko ng black croptop and flat slipper. Si Ashley naman ay skyblue summer dress na tinernuhan ng flat doll shoes. May pa hat pa yan ahhh...
Pupunta sa dagat naka doll shoes??? Purmahan talaga neto. Pa impress kay Lucas?
Si Yumi at Mariko naman ay parehong naka maong short shorts. Sa top lang nagkaiba. Si Yumi ay naka off-shoulder na yellow at si Mariko ay naka loose see-through shirt na hanggang tuhod kaya itinak-in nya sa harap pero sa likod hindi.
Pag labas namin ay agad na lumapit samin ang boys. Agad na kinuha ni Ash ang dala kong maleta at inilagay sa likod ng van.
Marami na ding estudyante ang handa ng lumabas ng school. Syempre nakakamiss din kaya ang sariling bahay pati na din syempre family nila.
Next month ako uuwi sa bahay. Miss ko na din kase si mom and dad eh. Pati kwarto ko.
Pumasok na kami sa van. Kasya naman kaming walo eh. Speaking of WALO....
"Uy! Hi! You must be Nickolai, right?" nakangiting tanong ko dun sa lalaking katabi ni Lucas sa likod namin.
Ngumiti sya. "Yeah!" maikling sagot nya. Infairness gwapo talaga ang lalaking ito. Bagay sila ni Mariko.
"Mariko ipakilala mo naman kami. Diba sabi mo yun?"
Ipinakilala naman nya kaming lahat. So, bale ganito ang pwesto namin. Sa driver seat ay si Ash dahil sya ang may alam ng daan then sa front seat ay si Clythe para daw may kahalili sya mag drive. Aangal pa nga sana si Clythe pero nakatikim na agad ng sapak mula kay Ash. First row naman ang pwesto namin, si Mariko ay katapat ni Nicko na nasa likod, sa gitna si Yumi tsaka ako. Sa third row naman ay sina Nicko, Lucas at Ashley.
"Medyo malayo ang resort pwede kayong matulog muna," anunsyo ni Ash habang nagda drive.
"Ako bro hindi matutulog kailangang daldalin kita baka kase makatulog ka din. Kahit na sobrang antik ko pa dahil ang aga kong magising dahil sa ingay nyong dalawa," nanunuyang sagot ni Clythe.
Napangiwi naman si Ash sa tinuran ng kaibigan.
Iidlip muna ako. Antok na antok pa kase ako dahil 5:00 am pa lang ginising na ako ni Ashley dahil sa excitement. 6:30 pa lang ng umaga.
Nagising ako dahil sa tugtog na naririnig. Nag sound trip pala ang dalawa sa unahan. Tumingin ako sa labas ng bintana habang kinukusot ang mata. Wala na akong makitang building puro puno at bundok na ang aking napagmamasdan. Siguro malayo talaga ang resort nila sa city.
"Krystal gutom kana ba?"
Nagulat ako sa biglaang tanong ni Ash. Nakita kong nakatingin sya sakin mula sa salaming nasa itaas. Himdi ko kase naoansin dahil busy ako sa panonood sa labas.
"Ahhmm... hindi pa naman," nahihiyang sagot ko. Ano kayang itsura ko kapag bagong gising. Hindi naman siguro gross diba?
"Malapit na tayo. Paki gising naman yung iba."
"Ahh.. sige!"
"Yumi! Mariko! Gising na malapit na tayo sige kayo iiwan namin kayo dito sa van. Ashley paki gising naman sina Lucas oh!"
"Ahhmmm... si Clythe gising ba yan? Bakit tahimik yata?" Tanong ko kay Ash nang masiging ang iba.
Natawa naman sya. "Tulog na tulog. Nakipagpalit agad sakin ng pagdadrive wala pang kalahating oras inaantok na. Kaya ako na lang nagdrive ulit baka makabunggo pa." Napangiwi naman ako sa narinig.
"Nangangalay ka na siguro. Gusto mo si Lucas na ang magdrive?"
"Its okay Krystal. Sanay na ako sa mahabang byahe kaya wala kang dapat na ikabahala. Okay?"
Tumango ako. Ganun naman pala kaya nakahinga na ako ng maluwag. Nag aalala kase ako baka nangangalay na sya eh. Mapagod din namang magdrive ng tatlong oras.
Pumasok ang van sa isang gate na napupuluputan ng banging na may mga bulaklak.
'Welcome Visitors!'
Naka engrave sa taas ng gate gamit ang mga bulaklak na animo'y hindi nalalanta.
Dumaan kami sa hallway na semento. Napapaligiran din ito ng mga halaman. Tumambad samin ang kahoy na may nakasulat na 'Del Tiero Island and Resort'. Parang hindi resort parang hacienda lang ang style. Ipinarada ni Ash ang van sa gilid ng medyo may kalakihang bahay. Gawa ito sa kahoy at kawayan. Simple lang pero mahahalata mo pa ring mayaman ang may ari.
Bumaba kami. Si Ash na ang nagdala ng gamit ko tsaka kami pumasok sa loob.
"Good morning Sir Del Tiero! Nakahanda na po lahat ng pinareserve nyo." nakangiting sabi ng receptionist na sumalubong samin.
"Okay! Maraming salamat."
Tumango lang ang babae tsaka kami nagpatuloy sa pagpasok.
"Dito ba tayo tutuloy ng two days? Ganito ba ang hotel at cottage dito sa resort nyo Pres.?" Ashley asked out of the blue sabay turo sa second floor ng bahay. Siniko ko naman sya. Nakakahiya ka Ashley!
Tumawa ng mahina si Ash na para bang may mali sa sinabi ni Ashley.
"Hindi diyan. Dito tayo."
Sabi nya tsaka binuksan ang malaking double door sa gilid nya.
Tumambad samin ang hagdan pababa sa pino at puting buhangin ng resort.
Wow! Nagtatago sa mala enchanted na halamanang iyon ang magandang beach na ito? Ang galing! Mamamangha talaga ang mga taong pupunta dito.
May mga cottage at lounge. Ang bawat puno ng niyog ay may duyan na natatabunan ng dahon nito para hindi mainit.
"Amazing!" Bulalas ni Ashley na halatang manghang mangha sa nakikita.
"Namiss ko ang dagat." Sigaw ni Mariko saka tumakbo paibaba sa buhanginan. Tuwang tuwa na parang bata.
Nagpunta kami sa hotel na nasa medyo kalayuan mula sa mga cottage. Tatlong naglalakihang gusali ang nandoon at ang hotel ay isa sa tatlo. May swimming pool din sa gilid at mga tables. Malawak ang dagat at may mga isla sa di kalayuan.
"Ash sakop din ba ng resort nyo ang mga islang iyon?" Tinuro ko ang tatlong isla na natatanaw mula dito.
"Yeah! Yan ang Isla del Tiero. Bukas dyan tayo pupunta. Maganda ang isla ngayon dahil mababaw ang tubig. Maraming star fish at mga pawikan ang nagkalat sa dalampasigan."
"Wow! Excited nako," masayang saad ko na ikinangiti nya.
Pumasok na kami sa aming silid. Boys sa kabila at girls naman dito. Malaki ang suit para sa aming tatlo.
Hihiga na sana ako sa kama ng bigla akong hilahin ni Mariko para magbihis. Kakain daw kase kami sa seaside tsaka mamamasyal. Syempre hindi mawawala ang picture taking.
Nag white summer dress na lang ako at tsinelas. Nagsuot na din ako ng two piece sa loob baka kase bigla na pang silang manghila sa dagat edi prepared diba?
"Tara na mga sistah!"
Paglabas ko ng kwarto ay Ashley at Yumi na nag aasaran agad ang nabungaran ko.
"Grabe ha! Kung makasuot ng backless sando bra wagas," sabi ni Ashley na may bahid ng pang aasar sa boses.
"Kesa naman sa hindi daw magsusuot ng too much revealing pero ang suot off-shoulder nga harap lang naman ang may tabon," sagot naman ni Yumi.
"Atleast may tabon pa."
"Atleast ako nakabra."
Natawa na lang ako sa pinag aawayan ng dalawa. Always naman silang ganyan. Hindi magkasundo sa damit na suot.
"Alam nyo mag gown na lang kaya kayong dalawa para walang away. Tara na nga kanina pa ako nagugutom," awat ni Mariko sa dalawa tsaka kami tinalikuran at nauna nang lumabas.
"Kakain ba tayo o mag ga gown kayo?" inosenteng tanong ko. Saglit kaming nagkatinginan tatlo saka natawa.
Nakarating kami sa seaside. Maraming table doon na nagseserve para may makainan ang mga turista. Ang ganda naman kase ng view. Hindi mainit at hindi rin malilom tama lang. Malamig din ang simoy ng hangin.
Umupo ako sa tabi ni Ash. Yun na lang kase ang vacant. Parang sinadya talaga nila.
"Wow! Ang dami naman. Kaya nyo bang ubusin lahat nyan?" tanong ko.
Ang daming pagkaing nakahain sa mesa. May inihaw na isda, sinabawan na hipon at ukoy na hipon, may tempura, crabs, may gulay din at iba pa.
"Sabi kase nina Mariko hindi pa kayo nag aalmusal kaya pinadagdagan ko na ang pinaluto ko," Ash answered.
"Ang thoughtful mo naman. Thanks!"
"No prob."
"Let's eat na guys! Mukhang masisira pa yata ang diet ko ngayon ah. Yummy!" Ashley said.
"Baby kahit naman tumaba ka pa ikaw pa rin ang pinakamaganda, pinakasexy at pinakagusto ko."
Napatigil kami sa biglaang banat ni Lucas. Namula naman si Ashley. "Bolero ka baby." Hinampas pa nya ito na parang nahihiya.
"Tama na nga yan sakit nyo sa mata ah!" Bulalas ni Mariko.
"Nahihili ka? Nicko ilabas mo nga asukal mo sa katawan pakitaan mo yang kaibigan namin naiinggit eh," natatawang hamon ni Ashley kay Nicko na nakangisi na ngayon.
"Wag ka masyadong magpakabusog Mariko. Hinay hinay lang sa pagkain baka kase hindi mo kayanin mamaya kapag ikaw na ang kinain ko," seryosong banat ni Nicko habang umiinom ng buko juice.
Muntik ko nang maibuga ang tubig na iniinom.
"Kyyaaahhh! Ang wild!" tili ni Ashley.
"Uy! Uy! SPG ka ah," sita ni Mariko na ikinatawa ng mahina ni Nicko.
"May iba pa yatang balak kainin ang isang tropa natin dito ah," natatawang sabi ni Clythe. "Ibang putahe daw!" sagot naman ni Lucas.
"Baka malingat lang kami wala na kayong bigla," pang asar pa ni Ashley na ikina pula ng pisnge ni Mariko.
"Guys stop it kumakain ako oh."
Natawa naman kami dahil nahihiya na si Mariko. Sana all. Hahaha
"Ikaw Pres. wala ka bang banat dyan. Biruan lang naman para mas masaya ang atmosphere."
Pinanlakihan ko naman ng mata si Ashley dahil sa sinabi nya pero nginitian lang ako ng gaga.
"Lahat daw ng may jowa sweet diba? Pres. isang sample naman dyan," dugtong pa ni Yumi.
"Kumain na lang kayo. Idadamay nyo pa ko sa mga kalokohan nyo," natatawang sagot ni Ash saka umiling iling.
"Ang kj bro ah."
Nagpatulong na lang ulit kami sa pagkain. May paminsan minsang tawanan at kulitan.
"Try this choco cheesecake Krystal masarap yan. Pero mas masarap pa rin ako kesa dyan."
Natigilan naman ako sa bigla biglaan nyang sinasabi. Hindi manlang nagpasabi muntik ko pang maitapon sa mukha nya ang iniinom na tubig.
"Yoowwnn ohhh!"
Hiyaw ng lahat maliban sakin. Nakatingin lang ako kay Ash na hindi pa rin makapaniwala.
"May pabigla biglang banat pala si Pres eh!"
"Ehheeemmmm.... May kinikilig."
"Si Pres dumadamoves. Hahahaha."
"Guys! Stop it!" suway ko sa pang aasar nila.
"Its okay Krystal. Katuwaan lang naman," nakangiting sabi ni Ash sakin.
Pero para sakin hindi lang pang katuwaan yun. Hindi ko man maamin pero may part sakin na kinikilig kahit na nagbibiro lang sya.
Tumango na lang ako.
Pagkatapos naming kumain at magkwentuhan ay nagpasya kaming girls na mamasyal.
"Baka naman pagbalik namin may ibang babae ka nang kasama ah. Marami pa namang makakating isda sa dagat. Malalagot ka talaga sakin," pagbabanta ni Ashley kay Lucas na nangangamot sa batok.
"Baby naman. Nagbago na'ko. Loyal kaya 'to sayo. Kahit pa isang libong isda ang lumapit sakin ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko."
Mapapa SANA ALL ka na lang talaga.
"Talaga ba?"
"Talagang talaga! Kainin man ako ng pating."
"Kainin ka sana! Lalandi nyo!" pasinghal na sigaw ni Clythe na naka upo pa rin.
"Inggit ka lang." sigaw na sagot ni Lucas pabalik.
"Manigas ka."
Inawat na sila ni Ash baka magkalat pa dito sa seaside nakakahiya sa mga nandirito.
Nagpicture taking kami sa dalampasigan tapos nag libot libot sa buong resort. Napaka refreshing ng paligid. Bandang 3:00 pm ay naligo na kaming lahat sa dagat. Magna night swimming daw sila hindi na ako sumama dahil lalamigin lang ako. Nag stay lang ako sa cottage habang pinagmamasdan ang paligid.
Sinabi ko sa sarili ko babalik ako dito. Kasama ko man o hindi si Ash.
****
A/N: hindi ko knows kung maganda ang chapt na 'to. Lutang kase ako nung sinusulat ko ang chapter na 'to eh. Pag tyagaan nyo na lang guys hahaha...
Happy Reading! Don't forget to tap the star😊😊 Mag comment din kayo dagdag pampagood vibes😁
Annyeong! Kamsahamnida erobun!😘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top