The Sound of the Bell
The sound of the bell is always a bad omen.
Kung ang ibang mga negosyante, natutuwa tuwing naririnig ang ingay na nagsisilbing hudyat ng panibagong mamimili—which, of course, translates to a potential income—Willy always hated the sound of his shop's bell.
Dahil ba minana niya lang 'tong lumang negosyo sa kanyang yumaong ama? Dahil ba mas matinis ang tunog ng bell sa shop niya kung ikukumpara sa mga katabi nito?
No one really knows.
Not even Willy himself.
"Alam mo, ang wirdo mo talaga!" Hindi na napigilang sabihin ng may-ari ng flower boutique sa tapat nila. The man, who looked as if his pot belly had seen better days, grunted at Willy one fine morning while taking a smoke. "Eh, kung ako sa'yo matutuwa pa ako dahil palaging tumutunog ang bell sa shop mo. Palagi nga naming naririnig, eh. Shouldn't you be fucking grateful to have so many customers at this time of the year?"
Indeed, they were living in an era were every shop owner can distinguish the slightest "ting" of any bell.
At hindi naman ito nagsisinungaling o nagiging bitter lang noong sinabi niyang palaging tumutunog ang bell sa shop ni Willy.
"Magpasalamat ka na lang na laging may bumibisita sa pwesto mo," dagdag pa nito bago tuluyang naglakad papalayo. "Ang iba sa amin, dito lang inaasa ang ikinabubuhay namin!"
Naiwan si Willy sa gitna ng kalsada, hindi makaimik.
As if on cue, the bell of his shop rang once more. It was calling his attention. Malungkot na napangiti ang negosyante at sumulyap sa abandonadong gusali na matagal nang hindi dinadayo ng mga buhay. At tulad ng kanyang inaasahan, wala siyang nakita roon kung 'di ang kanyang repleksyon sa maruming salamin.
"Okay sana kung hindi funeral services ang negosyo ko, eh."
Dapat pa ba siyang magpasalamat?
Maya-maya pa, naaninag niya muli ang mga kabaong na nakadisplay roon... Nanghahalina. Nagbibigay-babala. Nang-aasar.
The bell rang again.
'The sound of the bell is always a bad omen,' Willy remembered the last words of his late father before he mysteriously died that night.
Before a 16-wheeler truck rounded a corner and came zooming into Willy's paralyzed body at full speed.
Magmula noon, hindi na muling narinig ang bell sa shop ni Willy.
END.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top