KABANATA 7
"Hanggang kailan ka aasta na parang hindi mo kamag-anak si Papa, Poresa?" si Tita Hilda habang inaayos ko ang lamesa.
I didn't talk back.
Hindi ako umimik na animo'y wala akong narinig na sinabi niya. Naglatag lang ako ng mga pinggan, kutsara at tinidor habang nakatalikod mula sa gawi niya.
I wasn't expecting that he would chose this place to stay when he knew that I am staying here. Sa lawak ba naman kase ng Catarman ay sa bahay pa ni Tita Hilda siya nag-desisyon na tumira.
"Poresa, kinakausap kita, ano ka ba?" dinig kong ulit niya.
Tinapos ko ang ginagawa ko sa lamesa at pumihit paharap sa gawi ng kapatid ni Mama at inilagay ang braso banda sa may dibdib ko.
She was busy stirring the juice on the pitcher when I turned my body to face her.
"Do I need to treat him well, tita?" natanong ko na lang.
Sa halos isang segundo lang na itinagal ay humarap siya nang biglaan sa akin habang kunot na kunot ang mukhang nakatingin sa akin.
"Ama siya ng ina mo na kapatid ko, Poresa," she stated rigidly. "Lolo mo," she denoted.
Sa narinig ko ay hindi ko mapigilan ang mapatawa nang walang buhay. Tita Hilda and her slitting eyes focused on me.
Lolo...
I shrugged my shoulder nonchalantly.
"Kung alam mo lang, tita..." I said. Confusing her.
Narinig ko ang boses ni Eunice na pumailanglang sa buong bahay na siyang umagaw sa atensiyon ko.
"Lolo! Stop it! It's tickling!" Her laughed roamed around the house.
Nakita kong mapangiti si Tita Hilda dahil marahil sa narinig niya. But what I was thinking was way different from them.
He's a rapist. A maniac. So how can I possibly thought of something that is accurate and proper?
Marahil nga sa ginawa niya ngayon kay Eunice ay iba na ang iniisip niya. An animal like him don't deserve to be sheltered whether a family or an orphanage.
Naglakad ako patungo sa lababo katabi ni tita at itinukod ko ang mga braso ko mula sa semento bago pahilig na tumayo.
"Didn't you ever wonder why my mother died, tita?" I asked in a sudden.
Agad na napawi ang kaninang ngiti niya nang narinig niya ang tanong ko. Napatitig na lamang ako sa reaksiyon na ginawa ng mukha niya.
I couldn't stop thinking if she even know it. If she ever cared for Mama. If she's even curious about what caused her death.
Nang hindi siya magsalita at manatiling nakatuon lang sa akin ang kanyang mga mata ay ibinuka kong muli ang bibig ko para tanungin siya.
"Sigurado ka nga kaya, na ang niri-respeto mong tao ay dapat na makatanggap niyan, Tita Hilda?" tanong kong nakatitig sa kanyang mga mata.
She didn't speak. She didn't answer me yet.
I want to know. Gusto kong malaman kahit sa ganitong paraan lang kung kaya niya pa kayang hayaan na tumungtong ang taong tinatawag niyang ama sa bahay na ito kapag nalaman niya ang totoo?
"You shouldn't trust anyone aside from yourself, tita," ani kong sigurado ako. "You can't even trust a father to respect your femininity," dugtong ko.
Tinitigan lang ako ni Tita Hilda na animo'y kabaliwan lang ang sinasabi ko.
"Why are you saying that, Poresa, ha?" galit na tanong sa akin ni Tita Hilda.
Tumingin na lang muna ako sa kanya at tinimbang ang kanyang mga titig.
I wonder when will be the time that she'll understand my sentiments regarding her father. Because in everyday of my life, I am living with fear and disgust with myself.
Takot na baka maulit sa akin ang nangyari kay Mama o baka maulit ang minsang ginawa niya sa amin. At pagkasuya sa sarili ko dahil din sa kinahinatnan ko sa mga kamay niya.
I heaved deeply and stood straight.
"I don't want Eunice to go through what I have been just because of the same person, Tita Hilda," seryosong saad ko bago umalis ng kusina.
Can't... Can't he just disappear for good? Can't he just vanish quietly?
It's not every time that I can hold a control on myself to not to say it loudly. Dahil hindi sa bawat araw ay kaya kong itago ang sakit na dala sa akin ng gabing iyon.
Alam ko na darating ang araw na masasabi ko iyon. Na ako mismo ang uungkat sa mga nangyari. But I don't think I can make it lightly when the scars of the past are still remaining.
"Samuel, may rehearsal ba tayo ngayon? Sabado naman, eh," untag kong nakatingin sa maulap na langit.
I didn't know how we ended to be together again this day. Basta ang alam ko lang ay nasa Mang Inasal ako kanina at nag-o-order ng manok nang makita ko siyang papasok din.
"Are you free?" balik na tanong niya.
I nodded my head to answer him.
"Mayro'n naman... Hanggang alas otso lang ako ngayon. Baka kase hanapin ako ni Tita kapag alas nuwebe na ay wala pa rin ako sa bahay," mahabang sabi ko.
Narinig ko siyang tumawa na lang bigla nang matapos akong magsalita.
I looked at him. Nagtataka.
"Natawa ka?" tanong ko.
He stopped laughing and stared at me. But I know that he was still amused and trying his best to be serious.
"You're a third year college. Kung tutuosin ay malapit ka nang mag-asawa pero..." Hindi niya tinapos ang dapat sanang sasabihin niya.
Is it bad? Ano naman ngayon?
"Nakikitira lang ako, Samuel, kaya kailangan kong sumunod sa oras nila," ani ko.
Napatitig siya sa akin.
"Your parents?" he asked and it made me froze.
Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya. His question was personal but I didn't know why I had the urge to tell him about them. Maybe it was because he was comfortable to be with despite of the looks on his eyes.
I played with my phone and stopped walking. Tumigil din siya at tinitigan ako. I smiled at him. He remained staring at my being.
"Wala ako no'n, Pres," tipid na sagot ko lang.
Hindi na ako naghintay pa sa sasabihin niya at nanguna nang humakbang kaysa sa kanya. Naramdaman ko na lang na sumunod na siya sa akin.
It wasn't any of my thoughts that I'll be spending a day of my weekends with him. Hindi ko naman kase siya kaibigan kaya hindi ko iyon inisip. But here we are right now, walking around the plaza at six in the evening.
Nasa may parke na kami nang may isang matanda na humarang sa amin. He was selling bouquet of different types of flowers with strings attached on it.
"Sinto-singkwenta la, Apo, para sa imo upod na mahusay nga babaye," an old man said.
Bigla naman akong nahiya sa sinabi niya. He was using our first dialect which is waray-waray and it made me felt fluttered a bit being called pretty at this state.
"Paimod po, Lo... Bain man la maruyagan sa ako upod an imo baligya," Samuel said while smirking lightly.
Aba't!
Napangiti na rin ako nang tignan niya ang mga paninda ni Manong. What got his attention was the flower that was colored yellow. And if I wasn't mistaken, it was Forsythia flowers that symbolizes excitement and anticipation.
Also... It symbolizes, devoted love...
"Heto ho, Lo, kapangalan niya," ani Samuel sabay baling ng nakangiti sa akin.
Mas lalo akong ginapang ng hiya dahil sa sinabi niyang iyon. He chose the flower that named just like mine. Hindi ko tuloy alam kung ano ang mararamdaman ko dahil sa kilos niya.
Alam ko naman na nilalandi niya lang ako. That Samuel was just flirting with me. But it doesn't suit him, I should say.
Samuel handed the money to the seller of the flowers. The old man left us after giving us a malicious grin. I just pursed my lips and didn't talk not after he left completely.
"Here..." Napatingin ako pabalik kay Samuel nang inabot niya sa akin ang bungkos ng bulaklak na binili niya.
Tinitigan ko muna ang hawak niyang bulaklak nang muli siyang magsalita.
"Get it. There's no use of being pabebe in front of me, Poresa," aniyang nagpataas ng husto sa mga kilay ko.
What?! Seryoso siya? Ako? Pabebe sa harap niya?!
Matunog akong nagpakawala ng hininga at pabalang na kinuha ang bungkos ng bulaklak na hawak niya mula sa kanya.
"Pabebe mo otot mo, Pres! Lakas ng tama mo, ah?" Depensa ko sa sarili ko dahil sa sinabi niya.
Humalakhak lamang siya sa sinabi ko at sinampay ang kanang braso niya sa balikat ko.
"You're line's kinda disgusting but it's fucking funny," aniya pa.
Inirapan ko na lang siya at hindi na pinansin ang braso niyang nasa balikat ko.
"Feeler mo rin, eh," bulong ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top