KABANATA 6
"Miss Derillo, are you okay?" He's worried, I could tell.
Tumango ako ng kaunti bilang sagot sa kanya.
"But you look—"
"I'm okay," sabi ko.
Tinitigan niya ako na animo'y hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. I diverted my gaze to avoid looking at him back.
I know. I know myself that I am not okay. That I am scared with the fact that he's here now. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng takot sa isiping baka, baka maulit na naman iyon.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya.
"What do you think of me, Samuel?" I asked him directly.
I saw Samuel taken aback when I asked him that. His face was fixated on me the moment I uttered those words. Marahil ay hindi niya inaasahan na itatanong ko iyon sa kanya dahil sa reaksiyon ng kanyang mukha.
"Am I not attractive enough that you can't even answer me?" tanong ko sa kanya.
Tinitigan niya pa ako ng mahigit ilang minuto bago sagutin ang tanong ko.
Umayos siya ng upo sa bermuda at tumingala sa kalangitan. I saw his adams apple protruded when he looked up to the sky. Ang matangos na ilong niya ay siyang umiiba sa hugis ng mukha niya.
He placed both of his arms on his back and settled his eyes up.
"I like you," he mumbled.
Hindi na ako nagulat pa nang sabihin niya iyon. It was clear to me. From the moment he say hi the day Yumi called him, I know exactly that he like me. But liking someone is foolishness.
Ipinatong ko ang librong hawak ko sa paanan ko at inunat ang magkabilang paa ko sa bermudang kinauupuan namin.
"Sige..." ani kong nakangiti ng bahagya. "Paki hanap na lang ng pake ko, Pres," dagdag ko.
I felt him quickly looked at me. Ngumiti lang ako matapos kong sabihin iyon sa kanya ngunit hindi ko siya nililingon at nanatiling nakatuon lamang sa taas ang mga mata ko.
"Seryoso ako, Poresa," dinig kong sabi niya.
Tumigil ako sa pagngiti nang marinig ko iyon mula sa kanya. Nilingon ko siya na ngayon ay nakatitig na rin sa akin.
"Liking is an act of stupidity, Samuel," saad kong nakatingin sa kanya.
His forehead creased hearing what I just said.
"You will never like someone if you're still sane. Believe me," sabi ko pa.
It true. Sa paniniwala ko, totoo 'yon. Tanga o bobo lang ang taong nagkakagusto sa isang tao. When you say you like a person, then you better have your self check with a psychiatrist. Because liking is just a madness.
"Did you even like someone?" biglang tanong niya.
Napabaling ako ng tingin sa kaliwa.
"I even loved him, Samuel," I answered.
Kung kahit nga mahal mo ang isang tao ay nagagawa ka pa rin nilang saktan, paano na lang kung gusto ka lang? They said that love is deeper than like. But what's the difference? Dahil ba kapag mahal mo ay mas malalim pa ang sugat kaysa kung pagkagusto lang ang nararamdaman mo? It's just bullshit. That reason is a trash.
"He broke you?" tanong na naman niya.
Broke? Not just he broke me. Because he ruined my whole existence. Sinira niya ang buhay ko. He made me felt like I don't deserve so many things that exist in this world. Siya, higit sa sinuman na inaasahan ko, ang sumira sa pagkatao ko.
Mapalit akong napangiti. A lone tear escaped from my eyes remembering him.
"Pinatay niya ako, Samuel," ani ko sa mababa at mahinang tinig.
Hindi ko makuha kahit ilang ulit ko pang ulitin at tanungin ang sarili ko kung bakit ginawa niya iyon. Hindi ko mahanap ang dapat na sagot niya kung ano ang rason at ginawa niya iyon.
"Poresa..." nag-aalang tawag niya sa pangalan ko.
Pumihit ako at humarap sa kanya. Ang kunot at nagtataka niyang mukha ay kita ko habang kaharap at nakatitig ako sa kanya.
"When you find out about my past, I wonder if you still say that you like me the way you said it right now," I said as I wiped the tears that stream down my face.
His deep eyes, it was staring at me intently. Ang bigat ng kanyang mga titig sa akin ay nagpapakaba sa dibdib ko.
"I like you now, yes," he uttered as he stared at me. "But I didn't know yet if I still like you tomorrow," he added with curiosity's visible on his eyes.
I laughed. Sarcastically, I laughed.
Sa sinabi niyang iyon ay napatawa na lamang ako ng mapakla. So I am right. Tama ako nang isipin kong hindi iyon malalim. Napatitig siya sa akin ng mariin nang bigla akong tumawa. I just waggled my brows. Biglang umurong ang dapat sanang luha ko.
"Iba ka rin pala mag-isip, Pres," I said instead.
Hindi niya ako nilubayan ng titig kahit tumayo na ako at pinagpagan ang likod ng saya ko.
"I'm being honest, Miss Derillo," habol pang aniya.
I shrugged my shoulders.
"To be honest, Pres..." I trailed off.
Yumuko ako at kinuha ang libro ko. Inabot naman niya sa akin ang bag ko bago siya tumayo.
"Wala akong plano o balak na makipag-date. Just in case," ani ko sabay ayos ng bag ko at tumalikod mula sa gawi niya.
I started walking slowly. I could feel him making his steps behind me.
"It's alright. We're going to practice for the coronation night so I don't have time either," usal niya.
Tumigil ako sa paglalakad ko at nilingon siya. Napatigil din siya kagaya ko at tinignan ako.
He has his answer, huh?
"Kailangan ko ng pera kaya ayaw ko," saad kong nakaharap sa kanya.
Tumango lang siya sa akin bago maglakad ulit kaya lumakad na rin ako.
I didn't know that we're going to talk like that. That we will have a time to asked each other about such things. I've known Samuel as a senior who didn't bother himself to interact with someone he's not close. But he did to me.
"I'll drop you off at your house. I have my car with me now," he suddenly said.
Nasa may parking lot na kami ng university nang bigla niyang sabihin iyon. Tumigil ako ng lakad habang siya ay dumiretso sa may kulay itim na jaguar.
I didn't answer him yet but he already opened the door of his car for me. I just keep on staring at his car before stepping towards him.
Naglakad ako palapit sa kotse niya at tumigil sa may pintong binuksan niya para sa akin.
Dumungaw ako roon para tignan siya. He was also staring at me.
"Get in," utos niya.
I didn't move yet. Hindi pa rin ako gumagalaw dahil sa pag-iisip kung sasakay ba ako o hindi. Ngunit ang inaalala ko ay baka nandoon na naman siya...
Hinatak ko ang pinto ng kotse niya bago nag-desisyon na pumasok. I know that he was still staring at me. Particularly at my every move.
"Sa may Dalakit lang ako," sabi ko.
"Okay, I'll drop you there," aniya.
Tahimik lang ako. I didn't make a move and just focus my eyes in front while he was driving. But I felt him glancing at me sometimes. Hindi ko tuloy alam kung maiilang ako o ano.
Nagpababa lang ako sa harap ng flower shop ni Tita Hilda. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan niya at agad na bumaba.
"Salamat, Pres," I said.
He took a peek at the shop before looking at me.
"Go ahead. You should eat, it's late," sabi niya habang nakatingin sa akin.
Pinag-angatan ko siya ng magkabila kong kilay. Naglikot ang mga mata niya dahil sa ikinilos ko. He cleared his throat and swallowed hardly. I saw both of his ears reddened. Napangiti ako sa hitsura niya.
"Baka bukas niyan mas gusto mo na ako at hindi na lang gusto, Pres..." birong sabi ko.
"W-what—hey!" angal niya sa sinabi ko.
Tumawa ako dahil sa reaksiyon niya. He was too defensive that it made me laugh seeing how he defended himself for my accusations.
"Y-you're being assuming, Miss Derillo..." depensa niya sa sarili niya.
Mas lalo lamang akong tumawa nang makita kong mas lalong mamula ang likod ng tainga niya.
Lakas maka bakla ng reaksiyon niya!
I stopped laughing after less than five minutes.
"Assuming? Ako?" hamon ko sa kanya.
He pinched his nose and stared at me directly. But I know that he was just fighting against himself.
"Yes. You," mariing sagot niya.
Talaga lang, ah?
Bigla akong napangisi sa loob-loob ko nang may biglang pumasok na ideya sa loob ng isip ko.
I stared at him back and smiled creepily. His eyes widened with my smile.
"What are you thinking?" I know that he was nervous. His voice says it.
Humakbang ako papunta sa pinto ng kotse niya ulit at inilagay ang kamay kong walang hawak na libro sa hamba no'n bago ipasok ang ulo ko sa loob ng sasakyan niya.
I heard him stopping himself to breathe. Mas napapangisi ako na parang animal dahil sa reaksiyon ng katawan niya.
Goodness, Pres. Malala ka na... Tsk, tsk...
I stopped just an inch away from his face. Our nose were almost touching and I could feel his breathing fanning on my face.
"H-hey, s-stop that—"
"Halikan kaya kita, Pres?" diretsong tanong ko.
Mas nanlaki pa ang kanyang mga mata at nag-parte ang mga labi niya nang magtanong ako sa kanya ng gano'n. While I was stopping myself not to laugh so hard in front of his face.
"W-what?" utal na tanong niya.
Inilapit ko pa lalo ang mukha ko sa kanya. Halos kalahating sentimetero na lang at magdidikit na talaga ang mga labi namin. Ramdam ko na nga na mag dikit ng kaunti ang mga ilong namin.
"Halikan kamo kita—"
What the fuck?!
My eyes went wide and my heart started hammering inside my chest when I felt a soft and wet lips pressing on mine. I stopped breathing and my cheeks heated knowing what Rexos Emmanuel Villosillo did!
What the hell is this?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top