Chapter Twenty Three
Tristan's POV
Nagising ako na nakayakap kay Andi. Ang sarap talagang magising sa tabi ng mahal ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa buhok niya at hinatak ang hubad na katawan niya papunta sa akin. Binigyan ko siya ng maliliit na halik sa buhok pababa sa leeg niya. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na nakatakip sa mukha niya at hinalikan ko siya sa pisngi. Maingat akong bumangon at bumaba sa kama. Nagluto ako ng almusal namin at kumain na ako. Baka kasi mamaya pa magising si Andi dahil alam kong napagod iyon kagabi, nakailang round ba naman kami kagabi. Tinirhan ko na lang siya ng almusal at naligo na ako. Pagkatapos maligo pumasok ulit ako sa kwarto para magbihis. Ang himbing pa rin ng tulog mahal ko. Nagsuot ako ng pantalon at simpleng puting tshirt. Umupo ako sa gilid ng kama para isuot ang medyas ko.
Biglang yumakap si Andi mula sa likod ko at hinalikan ako sa batok. "Good morning, husband."
"Good morning, wife." Nakangiting sagot ko bago ko hinarap ang ulo ko sa kanya.
"I love you." Malambing na sabi niya.
"I love you more." Sabi ko.
"I love you most." Humagikgik si Andi.
"I love you times infinity." Syempre hindi ako magpapatalo.
"I love you times infinity plus one." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa labi. Hinila niya ako hanggang mapahiga siya sa kama at mapadagan ako sa kanya.
"Mahal ko, may pasok ako ngayon." Habol hiningang sabi ko ng maghiwalay ang mga labi namin. Tinitigan niya ako sa mga at kinagat ang pang-ibabang labi niya. Nilaro niya ang buhok ko gamit ang daliri niya. Andi is starting to enjoy sex. Minsan siya pa nga ang nanglalambing sa akin katulad ngayon.
Hindi ko naman kayang tiisin ang mahal ko. Sumisikip na rin kasi ang pantalon ko. Hinalikan ako ni Andi sa dulo ng ilong ko at ipinikit ko ang mga mata ko. Hinayaan kong dumampi ang mga labi niya sa akin pababa sa labi ko. Tinugon ko ang halik niya at naglakbay ang mga kamay ko sa hubad na katawan niya. Pinulupot ni Andi ang mga hita niya sa baywang ko.
"Mmm..." Ungol ni Andi ng dumampi ang mga daliri ko sa pagkababae niya. Ibinuka niya ang mga hita niya upang mas malaya kong mahawakan iyon. It was a quick lovemaking session. Kahit madalian sinigurado ko naman na nasarapan din siya. Nagmamadali kong ipinasok ang junjun ko sa loob ng pantalon at tinaas ang zipper.
"Late na ko, mahal ko." I wish I could stay in bed the whole day with her. Kaso hindi pwede. Kailangan kong magtrabaho para sa kinabukasan namin ni Andi. Sisikapin ko maging karapat dapat kay para sa kanya. Hindi man ako mayaman sisiguraduhin ko naman na mabibigay ko lahat ng aking makakaya.
She smiled lazily. "Bye, mahal ko. Ingat ka."
Yumuko ako para halikan siya sa noo. "Tinirhan kita ng almusal."
"Thank you, mahal ko." She said.
"The pleasure is mine." Kinindatan ko siya at ngiti ang isinagot niya. Nagpaalam na ako at umalis na.
"Tristan, kailangan kitang makausap." Pormal ang mukhang bungad ni Ted sa akin pagpasok ko pa lang sa studio. Kinabahan ako. Kahit kailan hindi ko nakitang ganito kaseryoso si Ted. Sinundan ko siya at pumasok kami sa opisina niya.
"Ano'ng problema?" Nag-aalalang tanong ko.
Inabot niya sa akin ang puting envelope. "Ito na ang huling paycheck mo."
"Ano? Nagbibiro ka ba?" Gulat na sabi ko. Ilang taon na ako nagtatrabaho sa studio na ito at parang nakatatandang kapatid na ang turing ko kay Ted. Bakit naman bigla bigla yata ang pagsisante niya sa akin. Ang alam ko hindi pa naman na lulugi ang studio at walang balak si Ted na isara yun.
"Dinagdagan ko na yan. Pasensya na, Tristan." Hindi ito makatingin ng diretso. Nakayuko ang ulo niya sa sahig.
"Bakit biglaan naman yata?" Tanong ko.
"May mga lalaking pumunta dito noong isang araw. Tinakot nila ako na kapag hindi daw kita tinanggal sa trabaho susunugin nila ang studio. Nireport ko na nga sa mga pulis pero ang sabi sa akin sumunod na lang daw ako sa gusto ng mga lalaki para hindi na ako maperwisyo. Nahihiya ako sayo, Tristan, ang tagal na natin magkasama pero may pamilya akong binubuhay." Paliwanag ni Ted.
Isa lang ang alam kong pwede gumawa nun. Ang mga magulang ni Andi. Pinilit kong ngumiti at tinapik ko ang braso niya. "Naiintindihan kita."
"Salamat, pare." Ngumiti na rin siya. Nagpaalam na kami sa isa't isa.
Kinuha ko na ang mga gamit ko at nagpaalam na rin ako kay Cholo.
"Parekoy, huwag mo kong kalilimutan ah." Madramang sabi nito. Yumakap siya sa akin. "Mamimiss ka namin. "
"Sige na, aalis na ako." Paalam ko at sinubukan kong kumawala sa pagkayap niya. Lalo lang humigpit ang yakap ni Cholo.
"Ikaw ang pinakamagaling na photographer para sa akin." Sabi niya.
"Oo na, pakawalan mo na ako." Natatawang sabi ko. Bumitaw na si Cholo.
"Basta parekoy, kapag kailangan mo ng tulong alam mo kung saan kami makikita." Maluha-luhang sabi niya. Pinipigilan kong huwag matawa sa sobrang OA ni Cholo.
"Good luck sa paghahanap ng bagong trabaho." Sabi ni Ted.
Nginitian ko sila at tumango bago ako tumalikod. Nabura ang ngiting iyon paglabas ko ng studio. Ginagawa ng mga magulang ni Andi ito para pahirapan kami. Sinuklay ko ang aking mga daliri sa buhok ko. Kailangan kong makahanap agad ng trabaho. Hindi sana'y si Andi sa hirap at wala akong balak iparanas sa kanya iyon.
Nagpunta agad ako sa iba't ibang studio para mag-apply. Kung hindi hiring sinasabi nila na tatawagan na lang nila ako. Magagabi na rin kaya naisipan ko na umuwi.
"Mahal ko." Masayang bati sa akin ni Andi at niyakap ako. I hugged her back tightly. I didn't want to let go of her. Nawala agad ng takot at pagod ko ng yakapin niya ako.
"May problema ba?" Humiwalay siya sa pagkayakap at tinitigan ako.
Pinilit kong ngumiti at umiling. "Wala naman."
She smiled back. "Hulaan mo kung ano'ng ulam natin!"
"Ano?"
"Sinigang na baboy! Tinuruan ako ni aling Nelia magluto." Pagmamalaki niya. Si aling Nelia ay isa sa mga kapit bahay namin na madalas kakuwentuhan ni Andi.
"Baka naman ginawa mo nang kanin baboy yan ah." Biro ko pa.
Tumulis ang nguso niya. "Hindi kaya! Masarap ang luto ko, promise."
"Mas masarap sa akin?" Tanong ko.
"Syempre hindi." She giggled.
"Tikman na nga natin yang luto mo." Aya ko sa kanya. "Mamaya ikaw naman ang titikman ko." Bulong ko sa tainga niya.
Kinurot niya ako sa pisngi. "Perv!"
Isang buwan na ang lumipas ngunit wala pa rin akong naririnig ni isa mula sa mga inapplyan ko. Nag-apply na nga ako kahit sa mga fast food restaurants hindi pa rin ako matanggap-tanggap. Graduate ako sa Ateneo de Manila pero hindi ako matanggap kahit service crew?! Sigurado na talaga ako na may kinalaman dito ang mga magulang ni Andi.
Hanggang ngayon din hindi ko pa masabi kay Andi ang totoo. Umaalis ako araw-araw para maghanap ng trabaho. Nauubos na ang huling sweldong ibinigay ni Ted sa akin sa pang-araw-araw na gastusin at ang iba ay napunta sa renta ng apartment at bill ng kuryente't tubig. Hindi ko na nga ginagamit ang motorsiklo ko sa tuwing aalis ako para makatipid din sa pang gas. Binebenta ko na nga iyon kaso wala pang buyer. Buong araw ako naglalakad para maghanap ng trabaho kaya pagod na pagod ako pag-uwi ko.
Lalong lumalaki ang takot sa dibdib ko sa bawat araw na dumadaan. Sanay ako sa wala pero si Andi hindi. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera. Minsan hindi ko na maiwasan ang panghinaan ng loob pero naisip ko hindi pwede. Hindi ko isusuko si Andi. Hindi ko susukuan ang babaeng kahit kailan ay hindi sumuko sa akin.
"Bakit gising ka pa?" Naalimpungatan na tanong ni Andi.
"Wala. Gusto lang kita panoorin." Sagot ko.
Napangiti siya. Yumakap siya sa akin at muling nakatulog. Dahan-dahan akong tumayo sa kama at nagtungo sa cabinet kung saan ko nilagay ang natitirang pera. Nilabas ko iyon at binilang ko. Three hundred pesos. Gaano ba kalayo ang mararating ng perang iyon? Hindi ko na napigilan ang mapaluha. I'm so fucking mentally exhausted. Mauubos na ang natatanging perang meron ako at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung saan ako kukuha ng pera.
Kailangan ko na sabihin kay Andi ang totoo. Iniiwasan kong sabihin sa kanya iyon dahil ayokong pati siya mamroblema. Hindi ko na pwedeng itago dahil mauubos na ang pera namin. Baka lalo siyang magulat kapag isang araw wala na kaming makain.
Katulad ng mga nakaraang gabi, hindi ako masyadong nakatulog ng gabing iyon.
"Good morning. Maaga ka na naman nagising." Nakangiting sabi ni Andi. Hinaplos niya ang pisngi ko. "You really are getting thinner."
"Imagination mo lang yun." Dahilan ko para hindi na siya mag-alala. Noong mga nakaraang araw iyon palagi ang napupuna ni Andi sa akin. Paano ba naman buong araw ako hindi kumakain. Nakakakain lang ako sa tuwing aalis ako ng bahay at pag-uwi ko sa gabi. Kailangan magtipid at saka wala rin naman akong gana.
"I told you di ba? Kumain ka ng madami." Nakasimangot na sabi niya.
"Kinakain namin kita ng madami ah." I joked.
Kinurot niya ako sa tagiliran. "That's not what I meant. Kumain ka ng food. Ang dirty talaga ng mind mo."
"Ah ok." Patay malisyang sabi ko. Kinuha ko ang isang kamay niya at dinala sa mga labi ko. "Mahal ko, may sasabihin ako sa'yo."
"What?"
"Isang buwan na akong walang trabaho." Pagtatapat ko.
Nagulat ito sa sinabi ko at ilang sandaling hindi nakapagsalita. "Then where do you go pag umaalis ka everyday?"
"Araw-araw akong naghahanap ng trabaho pero kahit saan ako mag-apply hindi ako natatanggap." Paliwanag ko.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Tanong niya.
"Ayokong pati ikaw mamroblema. Problema ko iyon kaso... kaso hindi ko akalain na hahantong sa ganito na wala na halos tayong pera. Akala ko makakahanap din ako ng trabaho. Kahit saan ako magpunta hindi ako matanggap-tanggap." Sabi ko.
"You're my husband. Your problem is my problem." Sabi niya. "Mahal ko, you should have told me una pa lang. Tutulong naman ako eh, I'll find a job too."
"Ako ang lalaki, ako dapat ang nagtatrabaho at bumubuhay sa'yo." Sabi ko.
"This is the 21st century." She rolled her eyes.
"Andi, hindi kita isinami dito para pagtrabahuin lang."
"But I want to help."
"Makakahanap din ako ng trabaho."
"Paano pag naubos na ang pera natin?"
"Hahanap ako ng paraan."
"I think dad has something to do with this." Mahinang sabi niya.
"Alam ko."
"I'm sorry." Naiiyak na sabi niya.
"Huwag kang humingi ng sorry. Wala kang kasalanan." Sabi ko.
"I'll talk to him. I'll ask him to stop."
"Hindi!" Mariin na sabi ko. "Hindi ka magmamakaawa sa kanya, Andi. Ipakikita natin sa daddy mo na kahit anong gawin niya hindi niya tayo masisira."
Matagal siyang hindi nakakibo at parang malalim ang iniisip.
"Kung nahihirapan ka na sabihin mo lang sa akin. Hindi ako magagalit kung babalik ka sa kanila. Maiintindihan kita. Basta alam mo naman na nandito lang ako hindi ba?" Nag-init ang sulok ng aking mga mata.
"I'll never leave you! Di ba nag promise tayo... till death do us part." Ngumiti siya kahit namamasa na ang mga mata niya.
Mas lalo akong naging pursigidong ipaglaban si Andi. Malalagpasan din namin ito. Magsasawa din ang daddy niya sa panggugulo sa amin. May mga maliliit na trabaho naman na hindi masyado binibigyan pansin ang resume. Yung mga hindi na kailangan i-check ang background.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top