Chapter Twenty Six
Tatlong araw pa kami nanatili sa ospital bago pinayagan umuwi si Andi ng doktor. Tuwang-tuwa si Andi nang malaman niyang pwede na kami makauwi. Syempre masaya din ako dahil mabuti na ang kalagayan ng mahal ko pero hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kaba. Hindi ko pa kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang nangyari sa amin ni Didith habang nasa ospital siya.
"Mahal ko, kanina ka pa tahimik." Pumulupot ang mga kamay niya sa leeg ko mula sa likod at isinubsob ang mukha niya sa leeg ko.
"Huh? Ah... masaya lang ako kasi magaling ka na." Humarap ako sa kanya at binigyan ng mabilis na halik sa labi. Ang totoo niyan natatakot akong magsalita dahil baka hindi ko mapigil ang sarili ko... ang konsensya ko, at baka masabi ko sa kanya iyon. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa'yo."
"Hindi mo naman kasalanan iyon." Sabi ni Andi.
"Kasalanan ko dahil hindi kung naalagaan lang kita maigi hindi ka magkakasakit."
"Stop blaming yourself." Malumanay na sabi niya. "Pareho naman natin hindi ginusto iyon."
"Tinakot mo ako, alam mo ba yun?" Seryosong sabi ko. Naramdaman ko na lang na nangingilid na ang luha sa mga mata ko. "Kapag may nararamdaman ka, magsabi ka sa akin. You shouldn't keep anything from me."
"Well, right now... I feel like kissing you." Nangingislap ang mga mata niya habang nakatitig sa mukha ko.
Naudlot ang pagtulo ng luha ko at napalitan iyon ng ngiti. Kinabig niya ang ulo ko at hinalikan ako.
"Ikaw talaga. Kagagaling mo lang sa sakit gusto mo na naman?" Nakangising sabi ko.
"Hindi ah." She blushed. "I just missed your kiss."
Walang nangyari sa amin nang gabing iyon. Bumabawi pa ang katawan niya ng pahinga at nagpapasalamat naman ako doon. Hindi dahil ayokong makipagtalik sa kanya kundi dahil nandidiri ako sa sarili ko. Nandidiri ako sa ginawa ko at pakiramdam ko kapag ginalaw ko si Andi marurumihan siya.
Hahanap lang ako ng magandang tiyempo para mapagtapat ko sa kanya ang nangyari. Ayokong maglihim sa kanya. She's my wife, I owe her the truth. Sana lang maintindihan niya na para sa kanya ang ginawa ko. Ginawa ko yun dahil kailangan. Sana magawa niya pa akong mapatawad. Sana hindi niya ako pangdirihan. Iniisip ko pa lang iyon hindi ko na maiwasan ang mapaluha. Ang dami ko nang napagdaanan pero kahit kailan hindi ko iniyakan ang mga iyon. Pero pagdating kay Andi, pag siya na ang involve, ang bilis kong lumuha.
Pinagmasdan ko lang si Andi habang kumakain siya. She looked at me and smiled. "Why aren't you eating your food?"
"Ang sarap mo kasing panoorin habang kumakain." Sabi ko. Isang linggo na ang nakakaraan mula ng lumabas siya sa ospital at ngayon ay bumalik na ang dating lakas niya. We still hadn't made love. Maraming beses na niyang ipinararamdam na gusto niya pero hindi niya masabi sa akin. Inililihis ko na lang ang atensyon niya sa ibang bagay. Sobrang pagpipigil na nga ang ginagawa ko.
Ito na ang pagkakataon ko para masabi sa kanya.
"Ands..." Tawag ko sa kanya.
Huminto siya sa pagkain at tumingin sa akin. Matagal akong hindi nakapagsalita. Bumilis ang tibok ng puso ko at naramdaman ko. Tinaas niya ang mga kilay niya habang hinihintay akong magsalita.
"What?" Hindi niya na siguro napigilan ang sarili niyang magtanong.
"Noong nasa ospital ka... nakipag-sex ako sa ibang babae kapalit ng pera." Diretsang sabi ko. Wala ng mas madaling paraan para sabihin sa kanya iyon. Kahit anong sabihin ko masasaktan pa rin siya.
Nabitawan niya ang hawak niyang tinidor at nahulog iyon sa sahig. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha niya kaya mas lalo akong natakot. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya.
Maya-maya ay tumawa siya na labis kong ikinagulat ngunit may namumuong luha sa gilid ng mga mata niya. "Y-you're kidding, right?"
"Mahal ko." Sinubukan kong hawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa ngunit mabilis niyang inilayo iyon.
"Tell me this is just a joke!" Tumaas ang boses niya.
"I'm sorry. Hindi ko ginusto iyon. Kinailangan kong gawin iyon para may maipangbayad ako sa ospital."
"You should've left me to die! Kasi ngayon pa lang pakiramdam ko namamatay na ako." Umiiyak na sabi niya.
"Mahal ko..." Nanginginig ang boses na sabi ko.
"Who is she?!" Naniningkit ang mga mata niya sa galit.
"Andi-"
"Don't Andi me! Sino siya?" Pilit niya.
"Mahal, siya... siya yung sinasabi kong nagpaaral sa akin noon."
"Is she better than me ha? Mas masarap siya kesa sa akin? Mas experienced siya di ba? Is she the reason why you won't have sex with me?"
"Andi..." Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit ako sa tabi niya. Bago ko pa siya mahawakan tinulak niya ako at tumakbo papasok sa kwarto. Para akong nanghihina kaya napaupo ako sa silya. Sinubsob ang aking mukha sa mga palad ko at hinayaan ko nang tumulo ang luha ko. Inaasahan ko na ang ganitong reaksyon niya pero ang sakit pa rin. Yung makita yung pinaghalong galit at lungkot sa mga mata niya.
Nang mahimasmasan ako agad akong nagtungo sa pinto ng kwarto para sana kausapin siya pero naka-lock iyon. Kahit anong katok at pagmamakaawa ko hindi niya ako pinagbuksan ng pinto.
"Leave me alone." Sigaw niya mula sa loob ng kwarto.
"Mahal, mag-usap tayo." Sabi ko.
"I don't wanna talk to you right now." Humihikbing sabi niya.
"Yun na lang kasi yung alam kong pwede kong pagkakitaan ng pera." Paliwanag ko sa kanya. Alam kong nakikinig siya mula sa loob. "Hindi kita masisisi kung magalit ka sa akin at pandirihan mo ko."
"Please, iwanan mo muna ako." Medyo kumalma na ang boses niya pero alam kong umiiyak pa rin siya.
Napabuntong-hininga ako. Mas makakabuti nga siguro kung pababayaan ko muna siya para makapag-isip siya. Bahala na sa kung anuman ang magiging desisyon niya. Kung aalis man siya at iiwan ako maluwag ko iyong tatanggapin.
Sa sala ako natulog nang gabing iyon. Hindi naman ako nakatulog masyado dahil hinihintay ko talagang lumabas siya mula sa kwarto. Umaga na ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto at agad naman ako napabalikwas mula sa kinahihigaan ko. Andi looked at me, her eyes were puffy and red. Wala ng bakas ng galit sa mukha nito pero nandun ang lungkot.
"Mahal, pag-usapan natin ito." Tumayo ako at lumapit sa kanya. Nilagpasan niya lang ako at sumunod ako sa kanya. Hinaranga ko siya sa pamamagitan ng katawan ko.
"Tristan, bigyan mo muna ako ng space." Kalmanteng sabi niya bago ako mahinang itinulak. Tumabi na ako at hinayaan ko siyang dumaan. Wala akong nagawa kung hindi panoorin siya habang ginagawa niya ang daily routines niya.
Buong araw kaming hindi nag-usap. At least hindi niya ako nilayasan. Naniniwala pa rin ako na mapapatawad niya ako dahil hindi niya pa rin ako iniiwan hanggang ngayon. Maaayos din namin ito.
"Tristan." Pormal ang mukhang tawag sa akin ni Andi nang makita niya akong papasok sa kabilang kwarto. Tumingin ako sa kanya. "Dito ka na matulog sa kwarto natin."
Pagkasabi ay pumasok na siya sa loob. Sabi na eh, hindi ako matitiis ng mahal ko. Hindi ko maiwasan ang mapangiti bago ako sumunod sa kanya. Nakahiga na siya sa kama ng pumasok ako sa kwarto. Nasa pinakadulo siya ng kama at nakatalikod. It's still better than sleeping alone. Okay na sa akin yung hinayaan niya akong tumabi sa kanya ngayong gabi.
Nagising ako ng marinig ko ang malakas na kalampag. Tumama ang pinto ng kwarto sa dingding sa tabi nito at pumasok ang ilang mga lalaki, puro malalaki ang kanilang mga katawan. Nananaginip ba ako?
"Sino kayo?" Tanong ko sa kanila. Anak ng puta! Mga magnanakaw yata ang mga ito.
Hindi sumagot ang mga ito. Unti-unti silang lumapit. Agad akong nabahala dahil nasa likod ko lang si Andi at mahimbing pa rin siyang natutulog. Kapag hinawakan nila kahit dulo ng daliri ng mahal ko magkakamatayan kami.
"Ano bang kailangan niyo? Kunin niyo na ang gusto niyo at umalis na kayo dito!" Sigaw ko sa kanila.
"Tristan... ano b- Ahhh!" Tili ni Andi ng makita niya ang mga lalaki. "Sino sila?"
Bago pa ako makapagsalita hinablot ng isang lalaki ang damit ko at isinandal ako sa pader. "Yan mukhang 'yan ba kinababaliwan ng asawa ni gov?" Tanong ng isang lalaki at nagtawanan ang mga kasama niya. Tangina! Ang asawa ni Meredith ang may kagagawan nito.
"Hindi lang asawa ni gov... pati anak ni mayor." Nakangising sabi ng isa bago hinablot si Andi sa braso. Napasigaw si Andi.
"Putangina niyo! Huwag niyong idamay si Andi dito!" Sigaw ko sa kanila. Pilit akong nanlaban at kumawala. Binigyan ako ng isa sa mga lalaki ng suntok sa tiyan.
"Huwag kang maangas, ulol ka!" Sabi ng lalaki bago ako inambaan ng suntok sa mukha.
"Bitawan niyo ako!" Sigaw ni Andi. Hawak siya ng dalawang lalaki sa magkabilang kamay. Sinipa ko ang lalaking humahawak sa akin at nang makawala ako sa kanya ay mabilis akong tumakbo papunta kay Andi. Bago pa man ako nakalapi kay Andi may humatak sa akin at hinawakan ako sa leeg.
"Tarantado ka ah!" Naninigkit ang mga matang sabi niya. Hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak sa leeg ko hanggang sa hindi ni ako makahinga. Pilit kong tinanggal ang mga kamay niya sa leeg ko.
"Stop! Please, don't kill him." Humihikbing sabi ni Andi.
"Ilabas niyo na yan. Kami na ang bahalang tumapos sa kumag na 'to." Utos ng lalaking sinipa ko kanina sa dalawang lalaking nakahawak kay Andi. Bigla akong nagpanic. Nagpumiglas ako, natatakot ako na baka may gawin silang masama sa mahal ko.
Pilit kong inabot ang mukha ng lalaking nakahawak sa leeg ko at sinapak siya.
"Putangina mo, hindi ka titigil ha?" Bumunot ng baril mula sa bulsa niya ang lalaking nasa tabi ko at itinutok sa noo ko.
Narinig ko ang malakas na sigaw ni Andi.
"Don't kill him! Please, nagmamakaawa ako sa inyo. Let us go! Hindi kami magsusumbong sa pulis!" Naghihisterikal na sigaw ni Andi. Hindi siya pinansin ng mga ito.
"Ilabas niyo na sabi yan!" Sigaw ng lalaking may hawak ng baril. Nang humarap siya sa dalawa nagkaroon ako ng pagkakataon para makuha sa kanya ang baril. Hinatak ko ang lalaking may hawak sa akin at inipit ang leeg niya sa bisig ko habang ang isang kamay ko ay nakahawak sa baril at nakatutok sa ulo niya.
"Kinangina! Tatanga-tanga ka kasi!" Sigaw ng lalaking may hawak kay Andi sa kasamahan niya.
"Pakawalan niyo si Andi, kung hindi babarilin ko ito." Banta ko sa kanila, Nagpalitan ng tingin ang tatlo.
"P're, p-pakawalan n-n-niyo n-na." Nanginginig ang boses ng sabi ng lalaking hawak ko.
Tumango ang isang lalaki at dahan-dahan naman nilang binitawan si Andi. Agad na tumakbo si Andi sa akin. Pinagtago ko siya sa likod ko.
"Pakawalan mo na ang kasama namin." Sabi ng lalaki. Hindi ako ganun katanga. Syempre pagpinakawalan ko yun baka kung ano pang gawin nila sa amin.
"Huwag kang lalayo sa tabi ko, mahal." Sabi ko sa kanya. Dahan-dahan akong naglakad ,patalikod kung saan makikita ko sila habang nakahawak sa akin si Andi, at lumabas ng kwarto. Sumunod ang mga lalaki sa amin.
Nagmamadaling lumabas kami sa apartment at isinara ko ang pinto nun, naiwan sa loob ang tatlo. Itinulak ko ang lalaking hawak ko at hinatak si Andi. Mabilis kaming tumakbo sa hagdan at bumaba.
"Dali, habulin niyo!" Narinig kong utos ng isa sa mga lalaki habang bumababa kami sa hagdan. Lalo kong binilisan ang pagtakbo at hinigpitan pa ang hawak ko sa kamay ni Andi ng marinig ko ang mabibigat na yabag ng mga paa nila.
Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa makalabas kami ng compound. Nakakita agad kami ng tricycle na masasakyan. Nagpahatid kami sa sakayan ng bus.
"Akala ko papatayin ka na nila. I was so scared." Umiiyak na sabi ni Andi.
Niyakap ko siya. "Wala na sila, mahal ko."
"I'm sorry, Tristan. I'm so sorry, I was selfish." Hinilig niya ang ulo niya sa dibdib ko. "I wasn't disgusted with you. I just- it makes me mad that you had sex with another girl. But I still love you. Dapat inintindi kita, you only did it because of me."
"Tapos na yun. Kalimutan na natin ang mga lahat ng nangyari." Sabi ko habang hinahaplos ang buhok niya at pilit siyang pinapatahan.
Huminto ang tricycle sa bus terminal. Mabuti na lang may konti pa akong pera sa bulsa ko at nabayaran ko ang tricycle driver. Pero hind yun sapat pangbili ng ticket sa bus. Napamura ako ng mahina. Paano kami makakaalis ngayon nito?
"Tristan, saan tayo pupunta?" Tanong ni Andi habang nakakapit sa braso ko.
"Kahit saan, basta malayo dito." Sagot ko.
Lumapit ako sa bilihan ng ticket at tinanong kung magkano ang isang ticket. Katulad ng inaasahan ko kulang na kulang ang perang dala ko.
"Uhm, what if ibigay ko sa'yo itong earrings ko." Hinubad ni Andi ang suot niyang hikaw sa magkabilang tenga at inilapag sa harap ng nagbebenta ng ticket. "Gold yan."
Tinignan sandali ito ng babae bago niya mabilis na kinuha at itinago.
"Saang lugar?" Tanong niya.
Nagkatinginan kami ni Andi at pareho kaming napangiti.
"Kahit saan basta yung papaalis na." Sagot ko. Binigyan niya kami ng dalawang ticket. Sumakay agad kami sa bus at ilang minuto pa ay umandar na ito. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi na kami masusunod ng mga humahabol sa amin. Hinilig ni Andi ang ulo niya sa balikat ko at yumakap sa braso ko. Maya-maya ay nakatulog muli siya. Hinalikan ko ang noo niya. Pwede na kaming magsimula ng panibagong buhay sa pupuntahan namin. Sa lugar na walang nakakakilala sa amin. Hindi na nila kami magugulo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top