Chapter Twenty Nine

 Andi's POV

Argh! Gosh! Bakit di na magkasya itong shorts na ito. Kabibili lang namin ni Tristan nito. Tinignan ko ang label sa likod ng shorts baka nagkamali kami ng size na binili pero tama naman. Twenty four. Pinilit kong isara ang butones pero ayaw talaga.

"Mahal ko, ano'ng ginagawa mo?" Tanong ni Tristan ng makita ako.

"Hindi kasya sa akin itong shorts." Maktol ko.

Lumapit siya sa akin at sinubukan isara ang shorts ko, "Hiyang na hiyang ka kasi sa mga pagkain dito kaya tumataba ka na." Natatawang sabi niya. "Yung bestida na lang na binili natin ang isuot mo."

We both gave up! Hindi na talaga kasya sa akin. Nagsuot na lang ako ng simpleng dress at sinuklay ang buhok ko sa harap ng salamin. I looked at my body in the mirror. I DID gain weight. Hindi ko kasi mapigil ang kumain. Ang sarap kasi ng mga pagkain dito, especially yung mga fruits. 

Na concious tuloy ako. I used to be conscious about being too thin. Ngayon, I'm worried I might get fat. Kasi naman si Valerie, she's so skinny. If I get fat baka magustuhan ni Tristan si Valerie. No, stop it, brain! Sabi ni Tristan ako lang ang mahal niya. Sabi niya ako lang ang babaeng mamahalin niya. Naniniwala ako kay Tristan. 

"Mahal, am I really fat?" Tanong ko sa kanya. Nakaupo siya sa maliit na mesa and he was having his breakfast.

Binitawan niya ang hawak niyang baso na kape at tumingin sa akin. His eyes examined my body. Matagal niya akong tinignan bago sumagot. "You're the sexiest woman I've ever seen."

"Binobola mo na ko." I said irritated. Hinatak niya ang isang kamay ko hanggang mapaupo ako sa kandungan niya.

"Sexy ka nga." Yumakap siya sa akin.

"What if tumaba ako ng tumaba... would you still love me?" Tanong ko.

"Bakit ba conscious na conscious ka sa katawan mo?" He nuzzled his nose against my neck.

"You can't even answer my question!" Galit na sabi ko. Pilit kong tinanggal ang kamay niya na nakapulupot sa akin.

Tumawa lang siya at hinigpitan lalo ang yakap. "Hindi ka nga mataba at saka ano naman kung tumaba ka? Mamahalin kita kahit ikaw ang pinakamatabang babae sa mundo, because I love you just the 'weigh' you are. Get it? Weigh."

"Mahal ko, ang corny mo talaga." Hindi ko na napigilan ang matawa. 

"O, di ba, napatawa kita." He gave me a kiss on the cheek. "Kumain ka na, mahal. Huwag ka magda-diet ah. Alam mo kahit ano pang kilo mo ikaw lang ang babaeng titignan ko."

Sinubuan niya ako ng pandesal. I smiled at him before taking a bite.

Pagkatapos kumain napatingin siya sa relo niya. "Mahal, kailangan ko na umalis. May pupuntahan kami ni sir Jaime." 

"Kasama niyo si Valerie?" Hindi ko napigilan ang sarili kong magtanong.

Nagkibit-balikat siya. "Ewan ko. Baka."

Napasimangot ako. I tried to control and ignore my jealousy but sometimes I just can't help it. It's not that I don't trust Tristan, pakiramdam ko kasi gusto siya ni Valerie.

"O, yan ka na naman eh." He lifted up my chin with his fingers. "Ilang beses ko bang kailangan sabihin sa'yo na hindi ka dapat magselos."

"I'm not jealous." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Kunwari ka pa. Ang cute cute talaga ng mahal ko kapag nagseselos." 

"I said, I'm not jealous." Inis na ulit ko.

"Okay, hindi na." He pinched my nose. "Ba't ba ang init ng ulo mo ngayon?"

 "Hindi mainit ang ulo ko." Sumimangot ako. 

He laughed. "Sige, sabi mo eh. Alis na ko, bye mahal."

He gave me a hug and a quick kiss on the lips before leaving. 

Tristan's POV

Hindi sumama si Valerie sa pupuntahan namin dahil dumating ang mga kaibigan niya na galing pa sa Maynila. Bago kami umalis, nagpapitas pa si sir Jaime ng mga bulaklak galing sa hardin nila. Lihim akong napangiti, mukhang aakyat pa yata ng ligaw ang matanda.

Tinuro ni sir Jaime ang direksyon sa pupuntahan namin hanggang sa patigilin niya ang kotse sa harap ng sementeryo. Mataas ang lugar kaya kitang-kita ang kagandahan ng buong probinsya. Makikita mula dito ang berdeng-berdeng mga burol at kapag tumingin ka naman sa baba makikita mo ang asul na lawa.

"Hijo, gusto mo bang sumama sa akin?" Tanong ni sir Jaime.

"Sige po, sir." Sagot ko.

Bumaba kami ng kotse at pumasok sa sementeryo. Tahimik ang lugar at walang tao. Naglakad kami ng konti bago huminto sa isang puntod. Ipinatong niya ang bulaklak doon at umupo. Rebecca Callanta-Zamora, iyon ang pangalan na nakaukit doon.

"May bagong bisita ka ngayon." Nakangiting sabi ni sir Jaime habang nakatingin sa puntod. "Kasama ko itong si Tristan. Siya ang nagligtas ng buhay ko. Hindi pa kasi kita pwedeng samahan d'yan dahil kailangan pa ako ng bunso natin. Hay, Becca, tama ka nga sa sinabi mo noon na namana ni Valerie ang katigasan ng ulo niya sa akin."

"Ang anak kaya natin na si Dominic, kumusta na kaya siya? Sana naman naging maganda ang buhay niya. Hindi pa rin ako tumitigil sa paghahanap sa panganay natin. Mabubuo din ang pamilya natin, hindi ba ipinangako ko sa'yo yun?" Nagsimula siyang magsindi ng kandila at nagdasal pagkatapos. "Becca, kailangan ko ng umalis. Dadalawin na lang ulit kita."

Tumayo na si sir Jaime at sumunod ako sa kanya pabalik sa kotse. Nakakatuwa isip na kahit wala na ang asawa niya hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ni sir Jaime para sa kanya.

Bumalik na kami sa hacienda pagkagaling sa sementeryo.

"Daddy..." Sinalubong agad kami ni Valerie pagkapasok sa mansyon kasunod niya ang tatlo pa niyang kaibigan na babae.

"Oh my god, he's really hot pala talaga." Bulong ng isang babaeng katabi ni Valerie. Siniko niya ito ng mahina.

"What is it, sweetheart?" Tanong ni sir Jaime.

"Can we borrow, Tristan? Magpapasama lang kami maghorseback riding." 

"Bakit hindi si mang Ernie ang isama mo? Yun ang maraming alam sa mga kabayo. Itong si Tristan galing ito sa Maynila at wala siyang alam sa mga yan." Sabi ni sir Jaime.

"Dad, may alam din ako sa mga horses. Kailangan lang namin ng magbabantay sa amin." Si Valerie.

"Mr. Zamora, please let us borrow Tristan. Para kung may maaksidente man sa amin nandyan siya, right girls?" Sabi ng isa sa mga kaibigan ni Valerie at um-oo naman ang tatlo.

Tumingin sa akin si sir Jaime. "Okay lang ba, Tristan?"

Sino ba naman ako para hindi-an ang lalaking tumulong sa amin ni Andi. "Ako na pong bahala sa kanila, sir Jaime."

Ngumiti siya sa akin. "Salamat, hijo. Aakyat na muna ako."

Pagkasabi ay umalis na si sir Jaime. 

"My name's Amy." Pakilala ng isang kaibigan ni Valerie.

"I'm Trina." 

"And I'm Venus." 

"Ako si Tristan." Pormal na sabi ko sa kanila.

"Yeah, we know. Ikaw kaya bukang-bibig nitong si Valerie simula ng dumating kami dito." Trina giggled.

"Whatever!" Inirapan ni Valerie ang kaibigan. "Ano ba magkukuwentuhan na lang ba tayo dito or what?"

Naunang lumabas si Valerie, sinundan ko siya at sumunod din ang tatlong babae sa akin. Sumakay ulit ako sa kotse, sa driver's seat habang si Valerie ay nakaupo sa tabi ko. Nasa likod naman ang tatlo.

"Ilang taon ka na Tristan?" Inilapit ni Amy ang ulo niya sa akin mula sa likod.

"Twenty-seven." Maikling sagot ko.

"Single?" Si Venus naman ang nagtanong.

"May asawa na ako."

"Seryoso?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Venus.

"Yes."  Sabi ko.

"Oh, Tristan, you should've waited for me." Sabi naman ni Amy at natawa silang magkakaibigan.

Hininto ko ang sasakyan sa harap ng kwadra ng kabayo, nag-unahan tumakbo palabas ng kotse ang apat na babae.

"Tristan, c'mon." Aya sa akin ni Valerie.

Napabuntong-hininga na lang ako bago napilitang bumaba ng kotse. 

"Tristan, help me naman oh." Sabi ni Venus. "Tulungan mo akong umakyat sa kabayo."

"Me first, Tristan." Sabi naman ni Amy.

"Nooo. Ako muna!" Sigaw ni Trina. Daig ko pa yata ang nagbebaby sit ng mga bata. Gusto kong magsisi kung bakit pumayag pa akong samahan ang mga babaeng ito.

Isa-isa ko silang tinulungan sumakay sa kanilang mga kabayo. 

"Ikaw? Hindi ka ba sasakay sa kabayo?" Tanong ko kay Valerie na nakahalupkipkip ang mga kamay.

"No. Sinamahan ko lang naman sila eh." Sabi niya. "Pasensya ka na pala sa kanila. Alam kong naiinis ka na sa kanila."

"Hindi naman masyado." Tanggi ko.

"Hindi naman masyadong halata?" Natatawang sabi niya.

"Parang ganun na nga." Sabi ko. 

Lumabas kami sa kwadra at pinanood ang tatlong babae.

"Pinuntahan na naman ni daddy si mommy kanina, ano?" Tanong ni Valerie.

"Oo, kala ko nga aakyat ng ligaw si sir kanina dahil may bulaklak pang dala." 

Ngumiti si Valerie. "Palagi niyang dinadalan ng bulaklak si mommy. Ano na naman kinuwento ni daddy kay mommy?"

"Matigas daw ulo mo." Sabi ko at tumawa lang si Valerie. "At sabi niya di pa rin siya tumitigil sa paghahanap kay Dominic."

"Sana mahanap na nga ni daddy si kuya Dominic."

"Ano nga bang nangyari sa kuya mo?" Hindi ko napigilan ang magtanong.

"Hindi ko pa siya nakikita kahit kailan.  Sabi ni daddy, two years old pa lang si kuya Dominic nang mawala siya. Fiesta daw dito noong nangyari iyon maraming bisita tapos naaliw daw sa pakikipagkuwentuhan yung yaya ni kuya. Nang maalala siya ng yaya niya wala na siya." Kuwento ni Valerie.  Marami siyang naikuwento sa akin tungkol sa sarili niya at sa pamilya niya. Papalubog na ang araw ng mapagod ang tatlong babae at mag-ayang umuwi.

"Tristan, ido-drop off ka na lang namin sa inyo tapos ako na magda-drive papunta sa mansyon." Sabi ni Valerie habang nagmamaneho ako.

"Okay lang sa'yo?" Tanong ko.

"Sure. Para naman makauwi ka na ng diretso."

"Kung gusto mo doon ka na rin matulog sa mansyon, sa tabi ko." Sabi ni Amy.

"Yeah, Tristan, do you wanna sleep with us?" Tanong naman ni Trina.

"Girls, tigilan niyo na nga si Tristan." Saway ni Valerie.

"No, thanks. Mas gusto kong matulog kasama ang asawa ko." Sagot ko kay Trina.

"Aww..."  Sabay-sabay na sabi ng tatlong babae. 

"Ang faithful mo naman na husband." Sabi ni Venus. "Pwede akin ka na lang?"


Natatawang umiling-iling ako. Ininterview nila ako ng ininterview hanggang sa makarating na ako sa tapat ng bahay namin. Hay salamat at makakalayo na ako sa mga babaeng ito. Agad kong nakita si Andi na nakaupo sa labas ng bahay.

"Buh bye, Tristan!" Paalam nila sa akin. Bumaba ako ng kotse at lumapit kay Andi.

"Bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya.

"Tristan!" Napalingon ako ng tawagin ako ni Venus. Nakadungaw siya sa bintana ng kotse. "Goodnight! Mwah." Nag-flying kiss pa siya.

Biglang tumayo si Andi sa kinauupuan niya at padabog na pumasok sa bahay. Sumunod ako sa kanya sa loob.

"Mahal, walang ibig sabihin iyon." Agad na sabi ko.

"Bakit? Nagtatanong ba ako?" Walang bahid ng kahit anong emosyon sa mukha niya.

"Mahal naman." Yumakap ako sa kanya.

Tinanggal niya ang mga kamay kong nakapulupot sa baywang niya at lumayo sa akin. 

"Mahal huwag ka naman magalit sa akin." Sabi ko.

 Tumingin siya sa akin at humugot ng malalim na hininga. "I'm not mad..."

"Hindi ka galit?" Lumapit ako sa kanya at iniharap ang mukha niya sa akin.

Nagbaba siya ng tingin bago yumuko. Yumugyog ang mga balikat niya at humagulgol siya. I pulled her to my chest and hugged her. Hinagod ko ang likod niya habang umiiyak siya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang umiyak.

"Mahal, bakit ka ba umiiyak?" 

"I don't know." Humihikbing sabi niya.

"Ano'ng 'you don't know'? Pwede ba yun?" Tanong ko.

Tinulak niya ang dibdb ko at pilit kumawala sa pagkakayakap. "Eh, sa hindi ko alam!" 

Ano ba naman itong babaeng ito? Iiyak tapos biglang magsusungit. Naku, kung hindi ko lang mahal ang babaeng ito.

"Ano bang nangyayari sa'yo?" Nag-aalalang tanong ko.

"Ikaw kasi, nagutom na ako kakahintay sa'yo." Lumabi siya.

Tumawa ako. Gutom lang pala ang mahal ko kaya tinotopak. 

"Bakit ka natatawa?" Salubong ang kilay na tanong ni Andi.

Umiling ako. "Lika na nga, kumain na tayo para mawala na yang init ng ulo mo."

Nakahanda na sa la mesa ang niluto ni Andi na adobo. Kumuha ako ng dalawang plato at kutsara't tinidor at inilipag ko iyon sa mesa. Nagsimula na kaming kumain.

"Stop it!" Bigla siyang sumigaw habang kumakain kami.

"Stop what?" Tanong ko sa kanya.

"Stop chewing so loud. It's annoying." Nakasimangot na sabi niya.

Ganito naman ako kumain noon pa? Ang dami naman napapansin ng babaeng ito. Nagdahan-dahan na lang ako sa pagnguya para hindi na siya mainis.

 

Andi's POV

I don't understand myself. I just feel so tired and cranky all day. Hindi ko mapigilan hindi mainis kay Tristan. Everything he does irritates me. He isn't even doing anything wrong and I feel really bad. Kanina hindi pa yata siya nakakain mabuti dahil nagreklamo ako sa pagnguya niya. 

"Mahal..." Nakahiga na kami ngayon sa kama. I scooted closer to him."I'm sorry."

"Sorry saan?" Tanong niya.

"Sorry for being a bitch." 

"Okay lang yun. Siguro pagod ka lang kaya magpahinga ka na." He started stroking my hair. 

"You still love me kahit naging mean ako sa'yo?" 

"Oo naman. Kahit gaano ka pa ka topakin ngayon hindi mawawala ang pagmamahal ko sa'yo."

"Huwag kang maghahanap ng ibang girl ah."

"Never."

"I love you." I kissed him on the cheek.

"Dito din." Ngumuso siya.

I giggled before giving him a kiss on the lips. I felt him smile against my lips and then he grabbed me and pulled me on top of him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: