Chapter Thirty Five
Pinagmasdan ko ang magazine na nakapatong sa coffee table. Nakita kong binabasa ng secretary ko ito kanina at ang nakaagaw ng pansin ko ay ang cover ng magazine. Nakaupo si Andi sa couch ng nightclub habanag nakasubsob ang mukha ng lalaking katabi niya sa leeg niya.
Kurt Bennett caught kissing model Miranda de Veyra.
Just days after announcing his split from fiance, Alison Brandt, Kurt Bennett was spotted partying at a nightclub in Los Angeles with Miranda de Veyra. The pair was snapped with various photos of them getting intimate.
Wala na akong nagawa kung hindi mapailing na lang habang binubuklat ko ang mga pahina at tinitignan ang mga larawan niyang kasama ang aktor. Two weeks ago lang yata ng makita ko sa internet ang picture niya kahalikan ang isang sikat na singer sa beach. Kung ako nga nagngingitngit sa galit habang tinitignan ang mga larawang iyon, ano kayang nararamdaman ng asawa niya? Hindi ba niya alam ang mga ginagawa ni Andi? Wala ba siyang pakialam? Maybe, Jason didn't love her enough kaya naghahanap siya ng pagmamahal sa ibang lalaki. I would kill to be in his place. Hindi niya ba alam kung gaano siya kaswerte kay Andi?
We really loved each other. Malas lang nga dahil minahal namin ang isa't isa sa maling panahon at pagkakataon. Kung ngayon kami nagtagpo ang landas namin magiging madali na siguro ang lahat para sa amin. Hindi na ako mahirap, kaya ko na siyang buhayin at siguro matatanggap na ako ng pamilya niya.
Nagising ako sa malalim na pag-iisip ng marinig kong tumunog ang door bell. Tumayo ako para buksan iyon.
"Tristaaaaaan!" Yumakap si Valerie sa akin. "Surprise! Surprise!"
"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya.
"Why? Ayaw mo ba ako dito?" Lumabi siya na parang bata. Pumasok siya sa unit ko at tumingin sa paligid. "Hmm... siguro meron kang kasamang babae, no?"
"Loko loko!" Pabirong ginulo ko ang buhok niya.
"Tristan naman! Kakagaling ko lang ng salon." Maktol niya.
"Yan ang bagong hairstyle ngayon. Bed hair look." Biro ko.
She made a face. "I hate you." Sabi niya habang inaayos ang buhok gamit ang daliri niya.
"Magpapa-salon ka lang pumunta ka pa dito sa Manila?" Tanong ko sa kanya.
"Nakipagkita ako sa mga friends ko dito so dinaanan na din kita." Pasalampak na umupo si Valerie sa couch. Kinuha niya ang magazine sa ibabaw ng coffee table at tinignan ito. "Inii-stalk mo na naman si Andi." Naiiling na sabi niya habang nakatingin sa magazine.
"Hindi. Nakita ko lang yan sa secretary ko." Sabi ko at umupo ako sa tabi niya.
"Oh my god, she's dating Kurt!" Tili ni Valerie. "I thought she was dating Dash Stonem? Divorced na ba sila ng asawa niya?"
"No. She's still using Jason's last name." Sagot ko.
"Updated na updated ka kay Andi." Sabi ni Valerie. "Magmove on ka na. It's been years. Mukha naman masaya na si Andi sa buhay niya and you deserve to be happy too."
"I am happy." Really? Bakit kahit ang sarili ko hindi ko makumbinsi.
"You should start dating again."
"I tried but..." Napailing ako.
"Huwag mo kasi silang i-compare kay Andi. Kahit i-date mo lahat ng babae dito sa Pilipinas wala kang mahahanap na katulad niya."
"Hindi ko sila ikinukumpara kay Andi. I just haven't found the right person." I shrugged. I already did... pinakawalan ko lang. "Kumusta na nga pala si dad?" Pag-iiba ko sa usapan.
"He misses you. Hindi ka ba bibisita sa hacienda?" Tanong ni Valerie.
"Maybe, some other time. Abala kasi ako sa trabaho. Aayain ko na lang kumain sa labas si dad next weekend." Sabi ko. Minsan lang akong dumadalaw sa hacienda at sandali lang. Hindi ko kayang magtagal sa lugar na iyon. Naaalala ko lang lalo si Andi.
"Okay." Kibit-balikat na sabi niya.
Nang magising ako sa dalawang buwan na pagka-coma meron na akong pamilya. Meron na akong kapatid at ama. Ako na si Dominic Zamora. It feels like I'm living someone else's life. Parang lahat ng nangyari sa buhay ko noon ay isa lang panaginip.
Sinabi ni Valerie kay sir Jaime ang nangyari sa bayan. Nag-alala si sir Jaime sa amin ng malaman niyang umalis na kami sa hacienda kaya kumuha siya ng private investigator para hanapin kami. Doon na niya nalaman ang lahat ng tungkol sa akin. Nalaman niyang galing ako sa isang bahay-ampunan. Dalawang taon gulang daw ako ng may lalaking nagdala sa akin doon. Nakita daw nila ako sa likod ng truck kasama ng mga gulay na idedeliver nila sa Maynila. Hindi niya alam kung saan ako ibabalik kaya dinala niya na lang ako sa bahay-ampunan. Tristan ang pangalan na ibinigay nila sa akin. Nagtutugma iyon sa impormasyon na nakuha nila sa paghahanap kay Dominic Zamora. Kinutuban na si sir Jaime na baka ako ang nawawalang anak niya.
Siya ang unang taong nakita ko nang magising ako sa paka-coma. Niyakap niya ako at naluluhang ipinaliwanag sa akin ang mga nalaman niya tungkol sa pagkatao ko. Sinabi niya na may posibilidad na ako si Dominic. Pumayag akong magpa-DNA test at nang lumabas ang resulta, doon na nag-iba ang buhay ko. Ako na ngayon si Dominic Zamora, ang anak ng isang mayamang haciendero.
Andi's POV
I woke up to the sound of my phone ringing. I groaned and looked at the clock on the bedside table. It's 5 o'clock in the fucking morning. And it's Sunday! Who the hell calls someone at five in the morning? I yawned before reaching over for my phone. I glanced a the screen and frowned when I saw it was from an unknown number. Nag-isip pa ako kung sasagutin ko ba ito o hindi. Since naistorbo niya na ang tulog ko sinagot ko na ang phone. This better be good.
"Hello?" I said while rubbing my eyes.
"Andi, anak..." I heard the familiar voice on the other line. I gritted my teeth and gripped the phone tightly. I wanted to scream at her! Gusto ko siyang murahin. How dare she call me anak? At ang kapal ng mukha niyang tawagan ako. Pinigilan ko ang sarili ko at ibababa ko na sana ang phone ng marinig ko siyang umiyak.
"What do you want?" I asked in an angry tone.
"You're dad... had a heart attack." She said in between sobs.
I stayed silent for a few minutes. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin at maramdaman.
"Palagi kang hinahanap ng daddy mo, anak. We miss you so much." Umiiyak na sabi niya. "Umuwi ka na dito. Daddy wants to see you."
Ang kapal ng mukha nila. Pagkatapos ng ginawa nila sa akin at sa anak ko may gana pa silang tawagan ako at pakiusapan umuwi sa Pilipinas. Paano ko patutunguhan ang mga taong pumatay sa anak ko? Am I just going to pretend that everything is ok just because that old man is sick? To hell with them!
Walang sabi-sabing binaba ko ang phone. I tried to go back to sleep. Sinubukan kong kalimutan ang sinabi ni Olivia. But I couldn't get myself back to sleep and ended up tossing and turning. Umupo ako sa kama. I know there's a part of me that still does care and I hate it.
Hindi na ako nakatiis and I tried to call my dad's brother, uncle James. Sa kanya ako nagtanong. Nasa stable condition na daw si Harold. Why should I even be worried? Nakalimutan kong matagal mamatay ang masamang damo.
Huminto ang taxi sa harap ng ospital kung saan naka-confined si Harold. Dumiretso na ako dito galing sa airport. I glared outside the car window and a wry smile formed on my lips. Harold and Olivia will surely be surprised when they see me. May pasalubong pa ako kay Harold, I hope he likes it. I heard his doing better now.
Bumaba ako sa taxi at pinakuha ko sa driver ang bulaklak na binili ko kanina sa nadaanan naming flower shop.
"Pakidala na lang yan." Sabi ko sa driver.
Naglakad ako papasok sa ospital at sumunod sa akin ang driver na hawak ang bulaklak.
"Ma'am, dadalhin ito sa loob ng ospital?" Nag-aalinlangan na sabi ng driver nang nasa harap na kami ng ospital.
"Yes." Maikling sagot ko.
Bago kami nakapasok sa ospital hinarang kami ng security guard. He gave the driver a weird look.
"Is there any problem?" Tanong ko sa security guard.
Napakamot siya ng ulo. "Bawal po yan dito."
"Bawal magdala ng bulaklak sa ospital?" I looked at him skeptically.
"Eh, bulaklak po yan pangpatay." Sagot ng guard.
"I'm asking you, bawal bang magdala ng bulaklak?" Nakataas ang kilay na sabi ko.
"H-hindi po." Sagot niya.
"Hindi naman pala eh." I rolled my eyes at him. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Everyone was staring at the taxi driver. They were all probably wondering kung bakit may siya may dalang bulaklak ng patay.
I went up to the front desk and asked the nurse what room Harold Cordova is in. Binigay niya ang room number at pumunta ako doon. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang papalapit ako sa kwarto. After three years, makakaharap ko na naman ang demonyong pumatay sa anak ko. I took in a deep breathe and reached for the door knob.
Binuksan ko ang pinto. Harold was in his bed, he looked... different. He looked like he had lost some weight, he was pale and he had gray streaks in his hair. He looked so weak and helpless, malayo sa itsura noon. Nakaupo sa tabi niya si Olivia at mukhang natutulog ito.
"Andi..." He said in a raspy voice. His eyes began to water. Gusto kong tumalikod at umalis na pero parang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. "Anak, I missed you so much."
Nag-angat ng ulo si Olivia at tumingin sa akin. A shocked look crossed her face. "Andi?" Napatayo siya sa upuan at lumapit sa akin. She hugged me. Napakuyom ang mga palad ko. I tried as hard as I could to fight back my tears.
"Oh my god. You should've told as na babalik ka dito sa Pilipinas. Sana napaghandaan namin." Sabi ni Olivia.
"Ma'am, saan ko ito ilalagay?" Napatingin siya sa taxi driver. I heard her gasp.
I smirked. "Ipasok mo dito."
"Andi, what is this?" Tanong ni Olivia.
I looked at her with hate before smiling. "Pasalubong ko."
Ipinasok ng taxi driver ang bulaklak sa kwarto. Nawala ang ngiti sa mukha ni Harold. He had pain expression in his eyes.
"Thanks, manong." Sabi ko sa driver bago binigay ang bayad ko. Binigyan ko siya ng malaking tip at tuwang-tuwa naman siyang umalis.
"Nagustuhan mo ba... dad?" I said sarcastically with my arms crossed. Hindi siya sumagot.
"Andi," Tawag ni Olivia. "Ano'ng ibig sabihin nito."
"Hindi niyo ba nagustuhan?" Nagpalit-palit ako ng tingin sa kanila.
"Please, Miranda, don't do this. Not now. May sakit ang daddy mo." Pakiusap ni Olivia.
"I can see that." I smiled as I look at Harold. "That's what you call karma and you deserve so much worse than this."
"Noong nalaman kong inatake ka sa puso, alam mo bang pinagdasal kong huwag kang mamatay. Death is too easy for you." My jaws clenched. "I'd rather watch you suffer first. Gusto kong makitang naghihirap ka. Gusto kong maramdaman mo ang sakit na naramdaman ko."
He looked down. His shoulders were shaking and tears drip down his face. "Patawarin mo ako, anak. Pinagsisisihan ko ang ginawa ko."
I felt a lump in my throat. I couldn't hold my tears anymore kaya tumalikod ako. I don't want to cry in front of them. I don't want to show my weakness. Hindi na ako ang dating Andi.
"Andi." Olivia said, her voice cracking. Hinawakan niya ako sa balikat. I shrugged her hands off my shoulder and walked away.
Tristan's POV
Bumaba ako sa kotse at naglakad papasok sa bar. I just need a drink or maybe a few. Galing ako sa trabaho at gusto kong magrelax. Ayoko naman pumunta sa nightclub. Masyadong maingay doon at magulo.
Umupo ako sa bakanteng stool sa pinakadulo ng bar counter.
"One scotch on the rocks." Sabi ko ng lumapit ang bartender sa akin. Maya maya pa ay inabot niya na sa akin ang order ko.
I took a sip of my scotch. Ibinaba ko ang baso. I swirled it around a bit. Maganda na ang buhay ko ngayon kumpara dati. May pamilya na ako, may trabaho ako, may pera ako at nabibili ko lahat ng gusto ko. Pero pakiramdam ko may kulang pa rin sa buhay ko. May kulang naman talaga.
I took a deep sigh. I would give anything to have her back. Ang mahal ko. Wala sa sariling napangiti ako ng maalala ko ang tawagan namin noon. Kumusta na kaya si Andi? Sana masaya na siya at sana napatawad niya na ako. Naiisip niya rin kaya ako... kahit minsan lang? Mahal ko pa rin siya, hindi nawala iyon kahit kailan. I tried to move on. Nakipagdate ako sa ibang mga babae pero hindi nagwork. Hindi ko kayang ibigay sa kanila kahit konti ng pagmamahal ko para kay Andi.
"Can I have an appletini?" Narinig kong sabi ng babaeng umupo sa tabi ko.
Hindi ko siya masyadong binigyan pansin at nagpatuloy ako sa pag-ikot ng baso ko. Nakatingin ako sa yelong umiikot sa loob ng baso. I took another sip.
I heard her sniff and it turned to muffled sobs. She's crying. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumingin ako sa kanya. I blinked a couple of times. Ni hindi ko pa nga nauubos itong isang baso ng scotch. Sigurado akong hindi ako lasing.
"A-andi?"
Tumingin siya sa akin...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top