Chapter Six

Nasa trabaho na naman si Tristan at katulad ng pangkaraniwang araw nasa loob na naman ako ng apartment niya. I'm cleaning his room. Ang messy messy kasi room ng lalakin iyon. He taught me how to make the bed, sweep the floor and alot of household chores. Unti-unti na akong natututo. At least I'm not as ignorant as I was before noong bago pa lang ako dito.  

His room is all messy. I picked up yung mga pictures na nakakalat sa sahig. He's a photographer kaya marami siyang photos sa room niya. What I noticed is marami siyang pictures ng magagandang places. It was breathtakingly beautiful. Meron mga pictures caves, beaches, cities. Maybe he likes going to different places. Tapos naka-hang sa wall niya naman mga picture ng Eiffel tower at yung mga white houses sa tabi ng dagat sa Greece. I organized the pictures at nilagay ko sa desk niya sa tabi ng kama. 

Tapos inayos ko ang kama niya at nagwalis ako ng buong bahay at naglampaso. I'm now a certified maid. Pagod na pagod akong napaupo sa couch. Pawis na pawis ako from all the house work I've been doing. My white- I mean Tristan's white shirt turned brownish na dahil sa mga dumi.  Tristan gave me some of his shirt para may pangbahay ako. I like wearing it. I feel like pagsuot ko ito Tristan is touching my body.

Napatingin ako sa orasan. My higlight of the day is yung paguwi ni Tristan from work. I pretend na his my husband in my mind. Oo nga pala, I forgot to take out the trash baka pagalitan pa ako ng hubby ko. Binitbit ko ang maliit na trash bin at bumaba sa apartment kung nasaan ang tapunan ng mga basura. I was walking when someone bumped in to me.. Napaupo ako sa sahig at natapon sa akin ang mga basura.

"Oh God!" Tinanggal ko ang ibang basura na natapon sa shirt ko. This is Tristan's shirt pa naman! Bwisit. 

"Sorry, hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko." Sabi ng isang lalaki. I looked up sa lalaki. He's a tall guy with a cute face. Inabot niya sa akin ang kamay niya para tulungan akong itayo. 

"No, kaya ko na tumayo mag-isa ko." Mataray na sabi ko. Naiinis ako! Why naman kasi yung shirt pa ni Tristan ang nadumihan. I got up sa floor.

"Sorry talaga, miss." Muli itong humingi ng tawad.

"Kuya, namiss kita! Saan ka nagpunta?" Tumakbo si Kim sa lalaki at niyakap ito. Siya yung batang babaeng kaibigan ko at nakalaro ko noon. 

"Namiss din kita. Pero kailangan ko magtrabaho para sa inyo ni nanay." Lumuhod ito at yumakap sa bata. Aww! That is so touching. He seems like a nice guy naman kaya forgiven na siya kahit pa nadumihan shirt ni Tristan ko.

Dinampot ko ang trash bin at isa-isa kong dinampot ang mga basura.

"Ako na ang magdadampot, ako naman kasi may kasalanan kung bakit natapon yan." He smiled at me. He began picking up the trash. Kinuha niya mula sa akin ang trash bin at siya na din ang nagtapon ng nito sa basurahan.

"Pasensya na ulit." Sabi niya ng iabot niya sa akin ang empty trash bin.

"It's ok." Sabi ko naman.

"Ako na ang bahala dyan sa tshirt mo. Ibigay mo na lang sa akin." Sabi nito.

Nanlaki ang mga mata ko. Gusto niyang maghubad ako dito at ibigay sa kanya ang shirt ko. "You're crazy! Hindi ko huhubarin ang damit ko dito!"

Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. "H-hindi iyon ang ibig kong sabihin."

"Ate Andi, punta ka sa amin! Naghanda si nanay para kay kuya. May mga damit din si ate dun." Aya ni Kim.

"N-no thanks. May gagawi-" 

"Sige na, ate Andi. Kahit sandali lang. Doon ka na lang samin magpalit ng damit, si nanay na ang maglalaba niya." Hinatak ako ni Kim.

"Oo nga. Daan ka muna sa amin kahit sandali lang para mapalitan naman yang damit mo." Sabi naman ng lalaking nakabangga sa akin.

"Kasi-"

"Sige na, ate Andi! Sandali lang naman!" Pilit ni Kim.

"Sige na nga." Pumayag na din ako. Hinila ako ni Kim at patakbong pumunta kami sa apartment nila. 

"Nanay, nandyan na si kuya!" Excited na sigaw nito ng makapasok kami sa loob.

"Hala! Caloy? Ikaw na ba yan? Naging babae ka na?" Nakatingin sa akin ang babae. She looks like she's on her late 40s na at she's small, hanggang balikat ko lang yata at medyo chubby ito. But she looks nice naman. "Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Bakit hindi mo agad pinagtapat sa amin na bading ka?!"


"Nay-" Magsasalita dapat si Kim pero hindi mapigilan ang pagsasalita ng babae.

"Ok lang naman maging bakla anak pero sana yung perang ginamit mo na pagpaparetoke sa mukha mo at katawan mo, sana ipinadala mo na lang sa amin. May mga bading naman na lalaki pa rin ang itsura. Alam mo naman kung gaano kahirap ang buhay natin! Tapos inuna mo pa yan! Anak naman, sana tinulungan mo muna ka-"

"Nay!" Biglang pumasok ang lalaki sa pinto.

"Caloy, anak!" Tumakbo ang babae at yumakap sa anak niya. Nang kumalas ito sa pagkayakap bigla itong tumingin sa akin.

"Pasensya ka na, akala ko kasi ikaw na si Caloy. Alam mo naman minsan may mga taong umaalis sa bansa pagbalik babae na." Sabi nito sa akin.

I smiled at her. "Ok lang po."


"Ayan na ba ang girlfriend mo. Kagandang babae!" Tanong nito sa anak niya.


"Nay hindi-"


"Ah alam ko na! Asawa mo?" 


"Hindi, nay. Taga-dito din siya nanay." Singit ni Kim. "Kaibigan ko siya."


"Ah ganun pa. Naku pasensya na. Pasensya na din sa pagkamadaldal ko. Ano ba yang dala mo ineng?" Ngumuso ito sa trash bin na dala ko.

"Ah akin na yan. Ilapag mo muna yan." Kinuha ito ni Caloy mula sa akin at humarap sa nanay niya. "Nay, nasan na ba yung damit ni Grace? Pahiramin muna natin siya."


"Ah sige, kukuha ako ng damit." Sabi ng babae at pumasok ito sa kwarto.

"Pagpasensyahan mo na si nanay. Ganyan lang talaga yun." Nahihiyang napakamot ito ng batok.

"It's ok. Nakakatuwa nga siya eh." Natatawang sabi ko.

"Ano nga bang pangalan mo?" Tanong niya. 

"Andi." Sagot ko.

"Hindi ko makita yung mga damit ni Grace baka nasa labahan pa, alam mo naman yung kapatid mong yun ang tamad tamad kahit sarili niyang damit hindi malabhan. Ito na lang kay Ruben." Inabot ng ginang sa akin ang itim na tshirt na may nakalagay na 'Bad Boy' sa harap.

"Sige na suotin mo na yan at iwan mo na ang tshirt mo dito. Ibabalik ko na lang sayo pag nalaban na." Sabi ni Caloy.

"Saan ba pwedeng magbihis?" Tanong ko.

"Ay sorry. Dito sa kwarto ko na lang." Binuksan nito ang pinto sa isang kwarto. Pumasok ako sa kwarto niya at inilock ko iyon. Mabilis ko sinuot ang damit na ipinahiram nila. It's loose like Tristan's shirt, syempre lalaki din ang may-ari. Lumabas akong dala-dala ang white shirt.

"Akin na yan." Kinuha ni Caloy ang shirt na hinubad ko.

"Uuwi na ako." Paalam ko.

"Sandali, kumain ka muna dito. Madami naman inihanda si nanay." Aya nito.

"Huwag na lang." Sabi ko.

"Ate Andi, nalagyan ko na ang plato mo." Sabi naman ni Kim.

"Sayang naman kung hindi mo kakainin. Pinaghanda ka pa naman ng bata." Sabi ni Caloy.

"Sige na nga." Sumuko na ako. He pulled a chair for me. We started eating. May spaghetti at whole chicken at mga ulam na nakahain sa mesa. Nagsidatingan ang iba pang mga tao at lahat sila parang sabik na sabik makita si Caloy. Siguro he's been gone for too long.

"Kuya, sino yang kasama mo? Huwag mong sabihin nag-asawa ka na?" Sabi ng kausap ni Caloy.

"Hindi, taga-dito siya. Kaibigan siya ni Kim." Sagot nito.

"Ah ganun ba, taga san ka miss?" Tanong ng lalaki. Mukhang bata pa ito, siguro mga 15 years old lang ito.

"Sa fourth floor." Sagot ko.

"Kapit bahay ka pala namin. Bakit hindi ka namin nakikita?" Tanong naman ng nanay ni Caloy.

"Hindi po ako masyadong lumalabas." Sagot ko.

Oh shoot! Si Tristan! Napatingin ako sa orasan na nakahang sa wall. Hindi ko namalayan ang oras. For sure, nasa apartment na si Tristan. 

"Kailangan ko na pong umuwi. Salamat sa pagkain." Sabi ko.

"Hatid na kita." Sabi ni Caloy.

"Huwag na, malapit lang naman ako." Sabi ko.

"Si kuya oh! Kauuwi lang may pinopormahan na." Tukso ng babaeng kapatid niya.

"Tigilan niyo nga ako. Hatid na kita, Andi." Pamimilit nito. At kinuha ang trash bin na nilapag niya kanina. "Ako na magdadala nito."



Hindi na ako nakatanggi pa dahil sa pamimilit niya. 

"Saan ka ba galing?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa hallway.

"Nagtrabaho ako ng dalawang taon sa Qatar para makatulong kay nanay. Nakita mo naman kung gaano kalaki ang pamilya namin." Sagot nito.

"Kaya pala mukhang miss na miss ka na nila." Sabi ko.

"Oo nga, eh. Miss na miss ko din naman sila." 

"Babalik ka pa dun?"

"Siguro. Pagnakakuha ako ng trabaho dito baka hindi na." Sabi nito. 

Malayo pa lang natatanaw ko na si Tristan. Nakasandal ito sa pinto ng apartment. Nakataas ang isang paa at nagsisigarilyo.

"Dito na ako. Salamat sa paghatid mo." Kinuha ko ang trash bin mula sa kanya.

Lumingon si Tristan at nagtama ang mga mata namin. He looked angry. Marahas niyang itinapon sa lapag ang sigarilyo at inapakan iyon.

"Saan ka galing? Hindi mo ba alam kung anong oras na?" Lumapit si Tristan sa amin. Tinitigan nito si Caloy mula ulo hanggang paa. "Sino ka?"


"A-ako si Caloy. Taga-baba ako." He looked intimidated by Tristan.

Walang sabi-sabing hinablot ako ni Tristan sa braso at kinaladkad papasok ng apartment. Marahas na ibinato niya ako sa couch. I've never seen him this angry before. 

"Ano'ng ginawa niyo? Ha?" Tanong nito.

"Wala. Kumain lang ako sa kan-" Hindi pa ako tapos sumagot ng tanungin niya ulit ako.

"Kaninong damit yang suot mo?" 

Nagbaba ako ng tingin sa suot kong damit. "S-sa kapatid niya yata."


"Tangina! Bakit suot mo yan?" Nagtaas ito ng boses. He's really scary when he's angry. I've never seen him like this before.

"Kasi natapunan niya yung shirt ko ng basura." Sabi ko.

"Saan ka nagbihis?" Tanong niya.

"Sa kwarto niya." 

"Sa harap niya?" Nanlaki ang mga mata nito.

"No! Why would I do that?" 

"Bakit sumasama ka sa kung sinu-sino? Paano kung rapist yung gagong yun? You shouldn't trust everyone, Andi. May mga mapagsamantalang mga tao dyan." Sabi nito. He's still angry and it's really scaring me.

"Kuya naman siya ni Kim, eh. Saka mabait naman si Caloy." Sabi ko.

"Wala akong pakialam! Huwag na huwag na ulit kitang makitang sumasama kung kani-kanino. I will kick you out of my house." Pagbabanta nito. 

"And that shirt is fucking ugly!" Tinitigan nito ng masama ang shirt na suot ko. Nagulat ako ng hawakan niya ang ibaba ng shirt at pilit niyang itinaas iyon.

"What are you doing, Tristan?" Gulat na pilit kong ibinababa iyon.

"I'm taking it off." Sabi niya. Pilit niyang inaangat ito.

"Stop it!" Saway ko.

"No!" Matigas na sabi nito. "You have nothing to hide, Andi. Nakita ko na lahat ng itinatago mo."


"You are such a jerk. Let go!" Pilit kong ibinababa ang tshirt na suot ko.

"Fine! Ayaw mo pahubad sa akin." He suddenly ripped the shirt in half at marahas na ibinato ito. Now, bra na lang ang suot ko.

I hugged myself para matago ang exposed na part ng katawan ko. "This is borderline molestation, Tristan."


"Molestation, my ass." Sabi niya bago pumasok sa kwarto niya. Agad din itong lumabas na may dala-dalang puting shirt. Ibinato niya iyon sa akin at tumama sa mukha ko. 

"Suotin mo yan." Paggalit na sabi niya bago ito muling pumasok sa kwarto niya at ibinagsak ang pinto. Ang kapal naman ng mukha niya. Siya pa may ganang magalit ako na nga ang hinubaran niya. Bwisit na lalaking yun! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: