Chapter Four
"Sabi mo nga di ba mukha akong matandang dalaga? Bakit naman ako pagiinteresan ng mga lalaki doon?" Dahilan ko.
"Takpan lang nila mukha mo pwede ka na sa kanila." He chuckled. I was really offended pero para akong nabunutan ng tinik nang mag mellow down na siya. Kasi kanina he looked like he was going to skin me alive.
"You are so mean!" Nakasimangot na sabi ko.
Sumeryoso ulit ang mukha nito. "But seriously, don't ever do that again. Pag nakita ulit kita paglalakarin kita sa labas ng naka bra at panty lang para hindi na mahirapan yung mga tambay mamboso sayo."
"It won't happen again, ok?!" Inis na sabi ko. Tumawa lang siya. Gosh! This guy is so bastos.
"Nagmeryenda ka na?" Tanong nito.
Now that he mentioned it. Bigla akong nakaramdam ng gutom. I was too busy playing with my new friends at hindi ko naisip kumain. Besides, wala naman akong pera at hindi ako marunong magluto.
"Hindi pa." Sabi ko.
"You can't even fucking feed yourself. Ano ka three year old?" He rolled his eyes.
"You didn't leave me anything to eat for lunch." Sabi ko.
"Why would I do that? I'm not your nanny. Can't you make yourself a fucking sandwich or something." Galit na sabi nito. Gosh! This guy is so bipolar. Ang bilis niya magalit tapos babalik sa normal tapos magagalit na naman.
"No wonder you are so skinny." He said staring at me from head to toe. That's another one of my insecurity. Why does he have to point out all my flaws and make me feel like I'm the most ugly human being in this earth? I get teased alot for being too thin when I was in high school.
"I don't know how to make a sandwich." Nahihiyang sabi ko. Ok now I feel so useless.
He looked at me surprised. "God, sandwich na lang hindi ka pa marunong? You don't know anything! What am I going to do with you, Andi?"
I don't know why but I feel like I'm going to cry right now. I basically feel like an idiot.
"Are you going to kick me out of here?" Basag ang boses na tanong ko.
Nagbago ang anyo niya. His face soften a little bit. "No, I'm not going to do that. You paid to stay here for a month, remember?" He sighed. "Kumakain ka ba ng instant noodles?"
"No, daddy said it's unhealthy." Sabi ko.
"Well, you'd have to start eating it. Kasi iyon lang ang dinner natin ngayon." Sabi niya. He went to the kitchen and started getting instant noodles from the cupboard. Nag heat siya ng water at nilagay ang noodle dun.Then after a few minutes he took out the noodles from the boiling water and there you have it... cooked noodles. Easy peasy. I could probably do that myself.
"Come on, kumain na tayo." Sabi niya habang nilalagay ang noodles sa plato.
We ate together. The instant noodles wasn't as bad as I thought it would be. It's the first time I've ever tasted this. I'm not maarte naman when it comes to food but daddy is just really strict with what I eat. Kaya nga siguro naging picky-eater ako.
"Sorry wala akong pera ngayon kaya ito lang ang dinner natin. I'm broke as fuck. Kailangan kong ibayad sa landlady yung perang binigay mo sa akin kasi tatlong buwan na akong hindi nakakabayad ng renta." He said in an apologetic tone of voice.
"It's ok. It's quite good, actually." I smiled.
Sinapo niya sa kamay niya ang kanyang ulo. "Fuck! Hindi pa pala ako nakakabayad ng electricity at water bills."
Pagkatapos namin kumain I did the dishes cause basically ayun lang ang alam kong gawin... sa ngayon. I mean, I could learn naman sa mga house chores. I'll try. Naaawa din ako kay Tristan cause he had to deal with me. I know marami siyang pinoproblema base sa sinabi niya kanina. He's broke and he has to work hard for everything he has right now. Tapos magiging pabigat pa ako sa kanya.
"Tristan, sorry I'm useless." Tinabihan ko siya sa couch after ko mag wash ng dishes.
"Massage mo na lang ako para maging useful ka naman. My back is killing me." Sabi niya. Then he took of his shirt. Holy mother of Christ! Napatulala ako sa katawan niya. Damn it! He is so hot. I feel my cheeks burning. Am I blushing?
Dumapa siya sa couch. "My back isn't going to massage itself, you know."
I sat sa gilid ng couch. Para akong nakuryente ng dumampi ang kamay ko sa bare back niya. Do I really have to do this? This is so embarrasing.
"Igalaw mo yung kamay mo." Utos niya.
"L- like this?" Sabi ko at iginalaw ko ang kamay ko. I pressed his back with my thumbs.
"Yeah, like that. Do it harder." Sabi nito. I pressed my thumb harder.
"That's good..." He said.
I feel like I'm burning. And right now I'm imagining him doing naughty stuff to me. Like what heros do to their heroines sa mga romance novels. Lumalalim ang paghinga ko. Am I getting, what do they call it... um, horny? I bit my lower lips. Nararamdaman kaya niya iyon? Well, I guess not because I just heard him snore. Haha. He must be so tired. Lumuhod ako sa may ulunan niya kung saan nakikita ko ng malapitan ang mukha niya. He's so cute. Ang himbing-himbing ng tulog niya. We've only been together for two days pero attracted na ako sa kanya. Kahit naman kasi may pagka-rude siya he still cares for me. Like the time when nadulas ako and when he cooks food for me. He isn't the romance novel hero type of guy and his poor pero there's something about him na special.
I went to his room and got his pillow and blanket. Inangat ko ang ulo niya at nilagay ang pillow dun at kinumutan ko siya. Naupo ako sa sahig sa tabi ng couch. Ipinatong ko ang ulo ko sa gilid ng couch and just watched his handsome face while he sleeps. Then I felt my eyelids get heavier and heavier. Hindi ko namalayang nakatulog na din pala ako.
I woke up na nakahiga na ako sa couch. Agad kong napansin ang yellow thing na nakaharang sa between ng eyes ko. Kinuha ko iyon. Another sticky note sa forehead ko.
Do you really have to sleep on the floor? I made you a breakfast. Ginawa na din kita ng sandwich para sa meryenda mo. Don't forget to eat. -Tristan
PS I'm really serious papalakarin talaga kita ng naka bra at panty sa labas pag nakita ulit kita.
I smiled as I hugged the sticky note. He really cares about me. I happily ate the food that he made for me. Then katulad kahapon I took a bath and went outside. Nakita ko na naman ang mga friends ko.
"Hi ate Andi." Bati ni Tina.
"Hello." I smiled and waved at her. I can't play with them anymore. I have to act lady-like.
"Laro po tayo." Aya niya.
"Kayo na lang." Nakangiting sabi ko. Tumabi sa akin ang mga bata.
"Pinagalitan po ikaw ni kuya Tristan?" Tanong ni Kim. Hindi ako nakasagot kasi totoo naman na napagalitan nga ako. "Hindi ka na pwedeng makipaglaro sa akin."
"Ah hindi naman sa ganon. Sabi kasi niya uhm, hindi na bagay sa akin yung mga ganung laro." Sabi ko.
"Boyfriend mo po ba si kuya Tristan?" Tanong ni Tina. How I wish!
"Hindi. Ikaw, ang bata-bata mo pa kung anu ano na ang tinatanong mo." I tried not to smile.
"Pero bagay po kayo." Sabi ni Bebang. Talang itong mga batang ito!
"Kayo talaga! O sya, maglaro na ulit kayo. May bibilhin lang ako sa labas." Sabi ko. Tumakbo na ulit ang mga bata at nagsimulang maglaro ng chinese garter. Nakakainis! I want to join them pero hindi pwede. I don't want to walk around on my bra and panties!
Lumabas ako sa compound. Hindi ko pa nalilibot ang lugar na ito. It's very different sa mga lugar na napuntahan ko. May mga vendors sa gilid ng kalsada. May mga naka park na trycicle. Maingay ang mga tao.
Then I saw this little kid na gumagapang sa gitna ng kalsada at may trycicle na dumadating. No one seems to be noticing the kid. I quickly ran to the kid and grabbed him. The next thing I knew I was lying on the side of the street with the kid on my arms.
"Maraming salamat!" Tumakbo ang ale para kuhanin ang bata sa akin. At matilim na tinitigan ang dalaga sa tabi niya. "Sabi ko hindi ba alagaan mo si Erik! Letse ka! Masasagasaan na yung bata puro katext mo pa rin ang iniintindi mo! Wala ka talagang kwenta! Makukunan pa ako sa'yo nyan eh!"
I just saved a kid's life! This is the greatest think I've done in my whole life. I'm so proud of myself.
"Utang na loob ko sa'yo ang buhay ng anak ko." Sabi sa aki ng babae. "Teka, hindi ba ikaw yung babaeng kasama ni Tristan?"
Oh right! And she's the woman na nagtitinda ng barbeque.
"Opo." Sabi ko.
"Hindi nga nagkamali ang batang iyon sa pagpili sa iyo." Nakangiting sabi niya. "Halika! Magmeryenda ka muna sa kainan ko."
"Naku! Huwag na po." Sabi ko.
"Halika na! Huwag ka na mahiya. Iniligtas mo naman ang anak ko." Hinili niya ako at wala na akong nagawa. May kung anu-anong pagkain na nakahain sa isang mesa. It's kind of like a buffet. Tapos may nakalatag din na mga upuan at mesa.
"Akala ko po barbeque ang tinitinda niyo?" Tanong ko.
"Sa umaga mga meryenda ang tinitinda namin tapos sa gabi naman barbeque naman ang inilalabas namin." Sagot ng ale. "Mamili ka na kung ano ang gusto mong kainin. Kahit ano."
"Huwag na po. Busog pa naman po ako." Sabi ko.
"Ano ka ba? Subukan mo lang itong mga tinda ko. Subukan mo itong palabok ko! Naku! Gustong-gusto ito ni Tristan." Sabi ng ale.
"Pwedeng ibalot niyo na lang po para kay Tristan na lang."
"Ang swerte-swerte talaga sa'yo ni Tristan. Hayaan mo ibabalot ko rin siya nito pero kumain ka din." Pilit nito. Wala na akong nagawa kung hindi kainin ang ibinigay sa akin ng ale. Masarap nga ang palabok niya. "Ako nga pala si Beth. Ikaw ano ang pangalan mo?"
"Andi po. Matagal na po ba si Tristan dito?" Tanong ko. Para kasing kilalang-kilala niya na ito.
Tumango ito. "Bata pa lang yan nandito na yan. Dati nga namamalimos lang yan. Binibigyan-bigyan ko na lang ng pagkain. Pero kita mo naman ngayon, kahit paano nakakaangat na siya."
Si Tristan namamalimos? I suddenly felt bad for him. He must have had a rough childhood. Matagal din kaming nag-usap ni aleng Beth at marami akong nalaman tungkol kay Tristan. He's a photographer and he grew up in the street because he ran away sa bahay-ampunan dahil pinagmamalupitan sila ng mga nag-aalaga sa kanila doon. I feel like I want to hug him. Ang dami dami niyang dinanas and he had no one to care for him.
Nagpaalam na ako kay aleng Beth at bumalik sa compound. Then a man got in my way. Hinarang niya ako.
"Hi miss, anong pangalan mo?" He looked at me like he was undressing me.
"I- I'm Andi." Sabi ko.
"Ang ganda mo naman." Sabi nito. He was the first to say that and I should feel good but I felt disgusted. Parang may malisya ang pagkasabi niya. "Gusto mong sumama sa akin?"
Why does he think I would come with him? "No thanks."
Lalakad na ako palayo ng harangin niya ulit ako. "Ang sungit mo naman." Then hinawakan niya ang ilang hibla ng buhok na nahulog sa tali ko sa buhok at inipit sa likod ng tenga ko. Now I'm totally creeped out.
Then may umakbay sa akin. I looked up and it was Tristan. My hero just arrived in time.
"May problema ba Raul?" Tristan said in a monotone voice.
"W-wala naman, nakikipagkilala lang ako." Halata sa mukha nito ang takot.
"Mukhang ayaw magpakilala sa'yo ng syota ko. Sa susunod na makita kitang lumapit sa kanya babasagin ko mukha mo." Banta nito. Oh my god! Did he just say na girlfriend niya ako? Di ba ang syota ibig sabihin nun girlfriend? Right?
"Pasensya na. Hindi ko naman alam na syota mo yan." Sabi nito at umalis na.
"Saan ka galing?" Kunot ang noong tanong niya sa akin.
"Sa tindahan ni aling Beth. May dala nga ako sa'yo sabi niya gusto mo daw kasi ng palabok niya." Itinaas ko ang naka plastic na palabok. His expression changed and he smiled.
Umakyat kami sa apartment.
"Did you eat lunch?" Tanong nito.
"Oo naman. Pinakain ako ni aling Beth kasi I saved his son from getting hit by a trycicle." Proud na sabi ko.
Ginulo niya ang buhok ko na parang bata at ngumiti. "Good job."
Napasimangot ako sa ginawa niya. He doesn't seem to treat me like a woman. He thinks I'm some stupid girl na kailangan niyang alagaan. Well, because I'm stupid and dumb.
"Are you liking it here?" Tanong niya. Are you kidding? I love it here! I feel like I truly belong here. I have Tristan, na nag-aalaga sa akin at may nagiging mga kaibigan na ako. Hindi katulad dati. Libro ko lang ang mga kaibigan ko.
"Yes. I wish I could stay here longer." Sabi ko.
Hindi agad nakakibo si Tristan. After a minute nagsalita siya. "Hindi ka ba hinahanap sa inyo?"
"I don't want to go back there." Even my own parents betrayed me! Why would I want to go back there!
"I'm sure nag-aalala na sa'yo ang mga magulang mo. Saka hindi mo ba namimiss ang buhay mo sa inyo? Mahirap ang buhay dito. Minsan wala tayong makain katulad kagabi hindi ba instant noodles lang ang dinner natin? Saka walang aircon dito. Sigurado sa inyo may aircon. Saka minsan napuputulan pa ako ng kuryente." Sabi nito. Is he trying to convince me na umalis na sabi apartment niya? I must really be a pain in the ass for him.
"Hindi naman ako nagrereklamo, di ba?" Inis na sabi ko.
"Mahihirapan ka lang dito. Look, I could find some way para maibalik ko sa'yo yung pera mo. Umuwi ka lang sa inyo." Sabi niya.
Naningkit ang mga mata ko. "You're kicking me out, aren't you?"
"No... no, it's not like that. It's for your own good. Alam kong hindi ka sanay sa mga ganitong bagay." Sabi nito.
"I could get used to it."
He sighed. "Ok, kung gusto mo talagang mag-stay then fine."
"Are you getting annoyed with me kaya mo ako pinapaalis." I asked.
"Hindi, kapakanan mo lang ang iniisip ko. I don't want to drag you in my miserable life. Ayokong mahirapan ka din." Sabi nito. Aww that was the most touching thing someone had ever said to me. It's nice to know that somebody really cares about me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top