Chapter Eighteen
The car stopped in front of the mansion door. Bumaba ang mga bodyguard at binuksan ng isa ang pinto ng kotse. I still couldn't stop crying. I want to ran back to Tristan's apartment.
"Miss Andi, baba na po kayo." Sabi ng bodyguard.
I crossed my arms. "Hindi ako baba dito hangga't hindi niyo ako ibinabalik kay Tristan."
"Oh darling, you're acting like a kid. Get out of the car." Mom rolled her eyes.
"No!" Mariin na tanggi ko.
"Just drag her inside the house." Utos ni mommy sa mga bodyguard bago tumalikod papasok ng mansion.
Sumunod ang mga bodyguard sa kanya at hinatak nila ako palabas ng kotse. I screamed and screamed para pakawalan nila ako but they didn't listen. They dragged me inside the mansion.
"Hey, you're hurting my daughter." Nang marinig nilang sinabi iyon ni daddy binitawan nila ako. Tumakbo ako kay daddy at umiiyak na napaakap.
"Daddy..." I sobbed. Daddy gently rubbed my back.
"Shh... Don't cry, Andi." Daddy whispered. I missed my him so much. I admit, I'm a daddy's girl. Nawala ang lungkot ang galit ko ng makita ko ang daddy ko.
"I missed you, dad." Umiiyak na sabi ko.
"I know... I know, sweety. I missed you, too." Sabi niya. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang mga luha ko.
"Daddy, I can't marry Jason. Tell me you're not going to make me marry him." Sabi ko.
Bumaksak ang mukha niya. He sighed. "Sweety, you're not supposed to know about that yet."
"I know na! That's why I ran away. Tell me you're not going to make me marry him!" I shouted. Oh please, daddy! I know he's not going to make me do something I don't want to do.
"Listen, Miranda, hindi naman namin kayo ipakakasal agad. Bibigyan namin kayo ng panahon para makilala niyo ang isa't isa. You'll never know, baka mahulog ang loob mo sa kanya. Just get to know him. Will you do that for me, sweety?" Malumanay na sabi ni daddy.
Umiling ako. "No, I can't. I'm in love with someone else. Mahal ko na si Tristan."
"Who is Tristan?" Tanong ni daddy.
Kahit umiiyak ako hindi ko naiwasan ang mapangiti. "Oh, daddy he's a great guy. Mahal na mahal niya din ako. He took care of me nang umalis ako dito. He's the guy I want to marry and spend-"
"Stop it, Miranda! I don't want to here anymore of that." Pareho kaming napatingin kay mommy na galit na galit. "Isa lang ang taong pakakasalan mo at iyon ay si Jason. Para sa iyo itong ginagawa namin. Ikaw din ang makikinabang dito balang-araw. Hindi ka kayang buhayin ng Tristan na iyon at hindi niya kayang ibigay sa'yo ang buhay na nakasanayan mo."
"You don't understand, mom! Hindi man siya mayaman, ginagawa naman ni Tristan ang lahat para mabigyan ako ng comfortable life. Enough na iyon sa akin." Sabi ko.
"Sweety, bata ka pa kaya hindi mo pa naiintindihan ang mga bagay-bagay. Tama ang mommy mo." Dad said. I felt like bursting into tears. Pakiramdam ko pinagtutulungan nila ako. I was hoping na kakampi sa akin si daddy but he didn't.
I marched up my bedroom. Masamang-masama ang loob ko sa kanila. Why can't they understand na mahal ko si Tristan? I can't marry Jason! Sumubsob ako sa bed ko at umiiyak na napayakap sa unan ko. If only Tristan was here. I already miss him. Iniisip ko pa lang na hindi ko na siya makikita, it makes me sick.
Narinig ko ang katok sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko iyon pinansin. After a few minutes, nagbukas ito. I heard footsteps coming towards my bedroom. Lumubog ang gilid ng kama ko dahil may umupo doon. Then I felt a hand na sinusuklay ang buhok ko.
"Andi, baby... I know you're awake. Sorry kung nasigawan kita kanina. Huwag sanang sumama ang loob mo kay mommy. I love you kaya ginagawa ko ito." Mom said.
Hindi ako gumalaw.
I heard her sigh. She kissed me on the forehead and left the room. I kind of felt bad. Ngayon lang kami nag-away ni mommy ng ganito. Ngayon ko lang siya natiis at ngayon lang sumama ang loob ko sa kanila. They think they're doing the right thing for me. Malaki na ako, dapat hinahayaan na nila akong gumawa ng sarili kong desisyon. They have no rights to choose my life for me kahit pa anak nila ako.
Tristan's POV
Ipinarada ko ang motorsiklo ko at habang naglalakad ako iniisip ko kung ano bang masarap na pagkain ang niluto ngayon ni Andi. Gusto ko na mayakap at mahalikan ang mahal ko. At matutuloy na rin ang aming sexy time mamaya. Sana naman wala ng istorbo. Ilang araw din akong nagtiis!
"Tristan!" Tawag ni Gardo. Tulad ng inaasahan ko, nag-iinuman na naman sila ng kapwa niya lasenggero.
"Bakit?" Tanong ko.
"Alam mo bang dumatung yung nanay ni Andi kanina at kinuha siya. Ang gaganda ng kotseng dala nila at ang dami pang bodyguard. Mayaman pala yung chicks mo, ano?" Sabi nito.
"Halata naman eh. Ang kinis kinis kaya nun." Sabi ng kainunam nito.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Umalis na si Andi? Nagmamadaling tumakbo ako paakyat sa apartment. Gusto kong makasiguro na totoo ang sinasabi nila. Baka lasing lang ang mga iyon kaya kung anu-ano na ang sinasabi nila. Umaasa pa rin ako na sasalubungin ako ni Andi pagpasok ko.
Marahas kong binuksan ang pinto. Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa akin. Binuksan ko ang pinto sa kwarto namin, sa banyo, sa dating kwarto niya... wala nga siya! Wala ang mahal ko. Nanghihinang napaupo ako sa sahig.
Parang gusto ko ng umiyak. Saan ko hahanapin ngayon si Andi? Hindi ko alam kung saan siya nakatira o kung ano ang totoong pangalan niya! Dumating na ang araw na ikinatatakot ko. Iniwan na ako ni Andi. Hindi! Babalikan ako ni Andi, alam ko babalik siya dito!
Know I haven't slept a week at all since you've been gone and my eyes are kind of tired from crying all night long. Know I've never been to good at cooking just for one. It's so lonely here without you baby come back home. Cause I'm half-crazy feeling sorry for myself. Half-crazy, worried you'd find someone else to love.
Tangina talaga! Ramdam na ramdam ko yung kanta. Parang tumatagos hanggang kaluluwa ko ang bawat salita. Totoo pala na kapag malungkot ka mas naiintindihan mo ang lyrics. Ilang araw na ba mula ng umalis si Andi? Pang-pitong araw. Hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik.
"Naks! May pinaghuhugutan." Sigaw ni Wayne. Inaya ko ang mga barkada ko dito sa apartment para mag-inuman. Si Nick lang ang absent sa amin dito dahil may importante daw siyang pupuntahan. Nakakalungkot kasi pag ako lang ang mag-isa. Bawat sulok ng kwartong ito, si Andi ang nakikita ko.
"Sige, kanta pa. Ilabas mo lahat yan." Natatawang sabi naman ni Seth. Gagong mga 'to! Hindi ba nila alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon at nagawa pa nilang tumawa.
Binitawan ko ang mic. Nawala na ako sa mood na kumanta. "Ayoko na!"
Inabot sa akin ni Axel ang bote ng beer. "Iinom mo na lang ulit ng matahimik ka na. Nakakarindi na ang boses mo."
Marahas kong kinuha ang bote at tinungga ko iyon ng straight. "Isa pa!"
"Malalasing ka agad sa ginagawa mong 'yan." Sabi ni Wayne. Yun nga ang point! Inaya ko sila dito para maglasing. Gusto ko yung sobrang lasing na lasing na lasing na ako para diretso tulog na. Hindi ko na maiisip si Andi.
"Mga dude, may napansin ba kayo?" Tanong ni Axel.
Nagkatitigan si Wayne at Seth. At halos sabay na sumagot. "Wala."
"Wala na si Andi dito ngayon. Siguro kaya ka naglalasing." Sabi ni Axel.
"Oo nga, no. Akala ko ba hindi mo girlfriend si Andi?" Tanong ni Seth.
"Pwede ba huwag niyo akong pakialaman. Uminom na lang tayo!" Sabi ko habang binubuksan ang isa pang bote ng beer. Nagkibit-balikat na lang ang mga ito at nagpatuloy sa pagkukuwentuhan.
Andi's POV
"I don't want to go outside." Nakasimangot na sabi ko sa maid namin. Pinatatawag na ako nina mommy at daddy para bumaba. It's daddy's birthday today. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin sila kinakausap at nagkukulong ako sa kwarto. Miss na miss na miss na miss ko na ang mahal ko. I hope ganun din siya. And God, sana wala pa siyang ibang babae. Kapag nakakuha ako ng pagkakataon tatakas talaga ako dito.
"Miss Andi, sabi ng mommy mo kailangan mo daw lumabas. Pagagalitan ako ni ma'am niyan kapag hindi ka sumunod sa akin." Sabi nito.
"Andi, darling..." Nakatayo si mommy sa may pinto. As usual, she looked stunning in her cream colored long dress. My mom is a fashionista socialite. Everybody admires her. Palagi nilang sinasabi na opposite ako ng mommy ko. I don't know how to socialize with people and I'm definitely not a fashionista. "It's your daddy's birthday. Kalimutan mo na muna ang galit mo sa amin kahit ngayon araw lang. This would mean alot to your dad."
Hindi ako nagsalita. I acted like I didn't hear her.
"Hayaan mo na siya, Melani." Sabi niya sa maid namin. "Sweety, bumaba ka na lang kung gusto mo. Hihintayin ka namin ng daddy mo."
Lumabas na ang maid at isinara ang pinto. My conscience is poking me. Birthday ni daddy ngayon. Dad would be really upset kapag hindi ako pumunta sa birthday niya. Maybe tama lang na makipagbati na ako sa kanila. They're still my parents after all. Pero hindi ibig sabihin nun, ok na sa akin na ipakasal nila ako kay Jason. I would rather die than marry him.
I jumped out of the bed and went to the bathroom. I took a quick shower at inayos ko ang sarili ko. Sinuot ko yung dress na iniwan sa akin ng maid. It was a pink dress that's long in the back and short in the front. It doesn't show too much skin, alam kasi ni mommy I would never wear it if it does.
Tinali ko sa ponytail ang buhok. Naglagay ng konting powder at lipgloss pagkatapos bumaba na ako.
"That dress looks beautiful on you, darling." Nakangiting sabi ni mommy ng makasalubong ko siya. "But you need some makeup. Tanggalin mo din yang ponytail mo. May mga media sa labas so you have to look really gorgeous. Wait, I'll call Vita!"
Vita is my mom's personal makeup artist at siya din ang pinakasikat sa Pilipinas. I hate wearing makeup. The only time na ginusto ko magmakeup noong gusto kong mapansin ako ni Tristan.
"Mom, you don't have to-"
"Darling, you can't go out ng hindi ka perfect." Sabi ni mommy. Tristan things I'm perfect kahit anong suotin ko o kahit anong itsura ko. Kung nandito siya ngayon, he'd say I'm the most beautiful girl. I just miss him so much. "Maraming tao ang nasa party. and it's going to be all over the society pages. You have to look perfect."
I don't want to argue with her over sa maliit ng bagay. I just shut my mouth up at pumayag na ako sa gusto niya. She called her hair stylist and makeup artist. Kung anu-anong ginawa nila sa mukha ko at buhok ko.
"Daddy!" Yumakap ako kay daddy ng makita ko siya. "Happy birthday."
"Thank you, sweetheart." Masayang sabi ni daddy.
Sabay-sabay kaming sumakay sa limousine at huminto iyon sa harap ng sikat na hotel kung saan gaganapin ang birthday ni daddy. Pagkababa pa lang namin may mga kumukuha na ng mga pictures. Pumasok na kami sa loob at maraming photographer ang sumunod sa amin. I don't like all these attention I'm getting. Lumayo ako kina mommy at daddy para malayo din ako sa mga photographer. I was suprised when some of them followed me!
"Hi miss Miranda Cordova, you look beautiful." Sabi sa akin ng isang lalaking may hawak ng microphone.
"T-thank you." Nahihiyang sabi ko.
"What can you say about your father?" Tanong niya.
"Ohhh... my dad's... he's great." I awkwardly answered. Seriously, hindi ako prepared sa mga ganito.
"Is it true that Mr. Harold Cordova is going to run for vice president next election?" Sunod na tanong niya. My daddy had alot of experience with politics. He ran and won as Mayor sa Quezon City years ago.
"I have no idea." I answered, honestly. They asked alot of questions and it's making me uncomfortable. I excused myself para makalayo sa kanila.
Nakahinga ako ng maluwag ng maiwan na ako mag-isa.
"Hey." Napalingon ako sa nagmamay-ari ng boses na iyon.
"Phoenix!" I smiled when I saw him.
"Bakit mag-isa ka dito?" Tanong niya.
"Oh, ang dami kasing tao doon. I feel suffocated." Sabi ko.
"How are you and Tristan? Kanina tumawag siya sa akin, inaaya nga akong umin-"
"Wait! Oh my god! Hulog ka ng langit!" I jumped out of my seat. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "I need to talk to Tristan, Phoenix! Please help me."
"Sure. Yun lang pala." Inilabas niya ang phone niya from his pocket. He dialed Tristan's number and gave the phone to me. I want to hear his voice. Kahit boses niya lang.
"Hello?" Napangiti ako ng marinig ko ang boses niya. I gripped the phone so hard I could crack it.
"Mahal ko..." My eyes began to water pero hindi pa rin nawawala ang ngiti ko.
"Andi!" Napasigaw siya.
"Mahal ko, I miss you so bad." Humihikbing sabi ko.
"Andi, nasaan ka? Pupuntahan kita." Tanong niya.
"Nasa Manila Hotel ako." Sabi ko.
"Hintayin mo ako d'yan. Pupuntahan kita."
"Tristan, I love you."
"I love you, too." Sabi niya at ibinaba ang phone. Pinunasan ko ang luha ko at inabot ang phone kay Phoenix.
"T-thank you. Thank you so much!" Napayakap na lang ako kay Phoenix sa sobrang tuwa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top