7
Zandra's POV
Wala akong magawa dito sa pwesto namin. Nasa pinakalikod kasi yung room namin ni Clint. Hindi ko naman siya pwedeng kausapin kasi natutulog siya.
Tumayo ako at lumabas ng room namin kasi gusto kong libutin yung jet. Malaki rin naman kaya marami akong mapupuntahan.
Inisa-isa ko yung mga room. Pumunta ako sa room nina Rose at Patrick. Aba, close na agad sila? Kung mag-usap at magtawanan akala mo matagal na silang magkakilala. Sabagay parehas sila ng magic. Sabi nga nila, 'Birds of the same feather, flocks together.'
Pumunta naman ako sa room nina Carissa. Kabaligtaran naman nina Rose ang nakita ko sa room na ito. Nag-aaway kasi yung dalawa. Kulang nalang ay magbatuhan silang dalawa ng magic. Well, hindi ko masisisi si Carissa kasi hindi siya sociable na tao.
Next kong pinuntahan ay yung kina Daisy. Masayang nagkukwentuhan yung dalawa. Si JM, abot tenga yung ngiti. Si Daisy, ganun din. Ano kayang pinag-uusapan nung dalawa? Nacu-curious ako kaso masama namang mag-eavesdrop. Kaya umalis nalang ako.
Last kong pinuntahan ay yung kina Mara. Nakita kong natutulog si Mara. At base sa pwesto niya, para siyang nakasandal sa balikat ng isang tao pero wala naman siyang ibang kasama sa room niya. Wala naman ako balak na gisingin siya sa kanyang pagtulog kaya naisip kong umalis nalang.
Hahakbang na sana ako kaso may nakita akong hindi kanais nais. Biglang nagkaroon ng tao sa pwesto kung saan nakasandal si Mara. Well that makes sense. Si Mr. Yabang pala yung sinasandalan niya. Gumamit siya ng invisibility para walang makakita sa kanya.
Pero wrong move, nakita ko siya. At ipagkakalat ko sa kanila yun. Paalis na sana ako kaso bago ako makahakbang nakita ko si Kyle sa harap ko.
"Nakita mo lahat?" tanong niya sa akin. Tinaasan ko na lang siya kilay.
"Sumagot ka!" sigaw niya sa akin. Wala pang sumisigaw sa akin. Ever.
"Ikaw! Wala pang sumisigaw sa akin kahit isa!" sigaw ko pabalik sa kanya habang dinuduro ko siya.
"So I'm the first huh? I'm honored." sabi niya sa akin habang nakangisi.
"Ugh, you're definitely getting on my nerves." sabi ko sa kanya at nagsimula ng maglakad. Pero bago pa ako makalakad ng tuluyan ay hinarang niya ako at kinorner sa dingding.
"Tell me if you saw the whole thing." he said to me like he was threatening me.
"What if I say yes?" subukan ko nga muna ito.
"Then I'll do this everytime you say it to somebody." sabi at bigla akong hinalikan.
"Bakit mo ginawa yun?!" galit kong tanong sa kanya. Konti na lang talaga, puputok na ako. Namumuro na kasi siya eh. Argh!
"I did it to warn you. If you don't want to get kissed, better shut your mouth." he said then he smirked. God, I really hate that smirk.
"It's not like that! What I meant is bakit mo ninakaw yung first kiss ko?!" ako sigaw ng sigaw dito, siya naman kalmado lang.
"So anong gusto mong gawin ko? Ibalik sa'yo?" tanong niya sa akin.
"Aba ,oo nama—" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil hinalikan na naman niya ako.
"Bakit mo na naman ako—" bastos talaga yung tao na yun. Hindi pa ako tapos magsalita, bigla bigla naman siyang magteteleport.
At doon lang ako natauhan. Para maibalik niya sa akin yung first kiss ko, kailangan niya ulit akong halikan. Arrghh!!!! Hindi mo kasi kinokontrol yang bunganga mo Zandra!
Dapat pala hindi na ako pumunta sa room nung hayop na yun.
Bumalik na ako sa room ko habang nakatulala. Hindi ko talaga inaakala na mangyayari yun sa akin.
"Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong sa akin ni Clint.
Ikukwento ko ba sa kanya? Natatakot kasi ako na baka marinig ni Kyle. Bahala na. At ayun, inikwento ko na kay Clint lahat. As in lahat. Detalyadong detalyado pa nga eh.
"Alam mo, dapat hindi mo na sinabi yun kay Kyle. Iba kasi ang ugali niya kapag may hindi siya nagustuhang ugali sa isang tao." sabi niya sa akin. "At wag kang mag-alala, hindi ka niya maririnig dito. Sound proof lahat ang room dito kaya kahit magsisigaw ka, walang makakarinig sa'yo. Kahit gumamit pa si Kyle ng kanya enhanced senses." dugtong pa niya. Wow ha, ang haba ng speech niya.
Nagulat ako ng biglang sumulpot si Kyle sa harap ko at nagnakaw ng halik, tapos nawala agad.
"Sabi mo hindi niya kayang marinig lahat ng pinag-uusapan natin?" sabi ko sa kanya using my oh-so-famous baby voice. Para tuloy akong nagta-tantrums.
"Diba sabi mo kanina, nung nawala siya ay dumiretso ka na dito?" tanong niya at tumango naman ako.
"It can only mean one thing. Invisibility ang ginamit niya instead of teleportation." sabi niya sa akin.
"So you're telling me na sinundan niya ako dito?" tanong ko na parang naninigurado.
"Yup, and by the looks of it, ako yung kaunahan mong sinabihan ng secret niya." sabi niya at tumawa.
"Yah, stop that, will you?" pakiusap ko sa kanya at tumigil naman siya.
'Students, the jet will be landing in a few moments. Please, prepare the things you need and stay in you rooms.' yan ang sabi sa intercom ng jet.
I've got a feeling that this will not be good.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top