6
Clint's POV
Nasaan na yung babaeng yun? Kanina pa kaming siyam dito sa meeting place samantalang siya wala pa rin. Nakakaasar na siya ah. Siya pa man din ang partner ko.
"Rose Ann, nakita mo si Zandra?" tanong ko sa kanya, malay mo alam niya kung nasaan.
"Hindi eh. Hanapin mo na lang, ikaw ang may super speed jan, hindi mo gamitin." sagot niya sa akin ng pabalang. Aba, baka gusto niyang gawin ko din sa kanya yung ginawa ni Kyle.
Nilapitan ko na lang si Kyle.
"Tol, pahanap naman si Zandra." pakiusap ko sa kanya.
"And why would I do that?" tanong niya sa akin ng hindi tumitingin.
"Uhm, kasi ikaw yung may enhanced senses? Duh, enhanced senses pero common sense mo hindi na-enhace." sarkastiko kong sagot sa kanya.
Sinamaan lang niya ako ng tingin bago siya pumikit. Pagmulat niya, iba na ang kulay ng mata niya. Kapag nag-iba na ang kulay ng mata ni Kyle, ibig sabihin, ginagamit niya ang kanyang 'long distance sighting magic' na nakapaloob sa enhanced sesnses niya. Kahit ilang ulit ko ng nakikitang ginagawa ni Kyle yun, namamangha pa rin ako.
"Nandun siya sa kwarto ng private room nila, natutulog." sabi ni Kyle at bumalik na sa paglalaro sa kanyang cellphone.
Hala, kung kailan aalis na kami, saka siya matutulog? Hays. Tumakbo na lang ako ng super fast papunta sa kanya. Naabutan ko siya na kagigising lang.
"Hey, bilisan mo na. 3 minutes na lang, aalis na tayo." sabi ko sa kanya.
"Oo na, eto na nga. Labas ka na." sabi niya sabay pasok sa cr.
Naghintay ako sa labas. After 2 minutes and 43 seconds, lumabas na siya. Hinawakan ko naman yung kamay niya. Nakita ko namang nagbago yung expression ng mukha niya.
Hinayaan ko na lang yun at nagsimulang tumakbo. Narinig ko pa ngang sumigaw si Zandra eh. Haha, kawawa naman siya.
Nakarating kami sa private jet. Kami na lang pala yung hinihintay. Umupo na ako sa bakanteng upuan sa katabi ni Zandra.
Naramdaman ko na parang umaangat na yung jet. Ibig sabihin, paalis na kami. Excited na ako sa mga mangyayari sa adventure namin.
Kyle's POV
Ngayon palang, kinakabahan na ako sa posibleng mangyari sa amin. Si Mr. PrincEpal kasi eh, kung ano-ano pang sinasabi. Na kesyo hindi lahat sa amin ang makakaligtas, na may mga killer sa bawat lugar na pupuntahan namin.
I just erased the thought of it at napatingin sa katabi ko. Si Mara pala ang katabi ko. Natutulog siya. At kaya pala ramdam kong parang may mabigat sa balikat ko kasi nakapatong ang ulo niya dito. Hinayaan ko na lang siya.
Now that I see her up close, cute pala siya. Tinitigan ko yung mukha niya. Napakaamo nito. Nagulat ako nung gumalaw yung ulo niya.
"Done admiring my face?" she asked me while smirking.
"I'm not admiring your face. May dumi kasi kaya ako napatingin." palusot ko. Maniwala ka.
Kumuha siya ng salamin sa backpack niya. At bago pa man siya makatingin doon, hinipan ko yung mukha niya.
"Bakit mo hinipan yung mukha ko?!" galit na tanong niya sa akin. Haha, cute.
"Hinipan ko mukha mo para tanggalin yung dumi." malumanay kong sagot sa kanya.
"Ah ok." sagot niya sa akin. Haha, Kyle wins again.
Nakita kong nahihirapan siyang matulog kasi sa bintana siya nakasandal.
"You know, you can use my shoulder as a pillow." sabi ko sa kanya. Aba, ngayon lang ako nagmagandang loob sa isang babae, lubos-lubusin na niya.
"Really?" tanong niya habang kumikinang yung mga mata. What's with that?
Tumango naman ako at isinandal na niya yung ulo niya sa balikat ko.
"Brad, bilis mong dumiskarte ah. Eh yung katabi ko, kahit tingin ayaw ibigay eh." sabi sa akin ni Ren na para bang naiingit. Haha, ingay-ingay kasi eh.
"Wag kang magulo kung ayaw mong masunog." pananakot ko sa kanya.
"Para namang kaya mong gawin yun eh." Aba, sinusubukan ata ako nito ah.
Tiningnan ko siya gamit ang mata ng full transformation ko. Pero yung mata lang ang pinalitan ko. Nanlaki naman ang mga mata ni Ren. Haha, serves you right.
"Ikaw naman brad, hindi ka mabiro." sabi niya sabay balik sa upuan niya.
"Ingay niyo naman jan." sabi ni Mara sa akin. "At saka, bakit biglang uminit kanina?" tanong niya naman.
"Wala naman. May peste lang akong pinalayas. Nangungulit kasi eh." sabi ko sa kanya at nakita ko si Ren na ang sama ng tingin sa akin. Haha, para namang matatakot ako sa kanya.
Wala pang dalawang minuto, nakatulog na ulit si Mara. Ang bilis naman nitong makatulog. Maya maya, nakaramdam naman ako ng antok. Pumikit na ako at natulog.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top