12
Kyle's POV
Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Si Mara, nakatali sa isang kama. How could this happen?
Alam ko isa siya sa four legends dahil may enhanced eyesight siya. Actually, tatlo ang kagic niyan ni Mara. Kilala ko rin yung isa pa pero hindi ko na muna sasabihin dahil baka magulat kayo.
Agad ko naman siyang nilapitan at inumpisahan ko nang tanggalin ang mga nakatali sa kamay at paa niya.
Sa itsura niya, para siyang binugbog. Putok yung labi niya, may sugat siya sa may kilay, at may bali sa kanang braso niya.
Saka naman ako napaisip, what if may ibang tao dito sa lugar na ito bukod sa amin? Napaisip agad ako sa sinabi nung PrincEpal namin. Agad kong pinagana ang enhanced senses ko para magmanman sa paligid. Muli umilaw yung badge ko at naging 70 nalang ito.
Wala akong maramdaman na presence ng ibang tao kaya ginising ko na si Mara.
"Mara..." tapik ko sa balikat niya. Pero walang response mula sa kanya. Mukhang malala ang tama niya. Kaya naman binuhat ko siya at nag-teleport ako papunta kina Daisy.
Zandra's POV
Kasama ko ngayon si Carlo, Carissa at ang sobrang ingay na si Ren. Wala atang kapaguran ang bunganga nito eh. Kanina pa ito nagsasalita mula nung maghiwa-hiwalay kaming sampu.
"Manahimik ka nga jan Ren. Wala nang pumapasok sa utak ko kundi yang kaingayan mo eh." pagrereklamo ko sa kanya.
"Ayaw mo nun? Pumapasok ang boses kong maganda sa utak mo?" pang-aassar niya sa akin.
"Sige nga kumanta ka kung talagang maganda boses mo." asar ko sa kanya pabalik.
"Ikaw muna, pag panget boses mo kakanta ako. Pag maganda, mananahimik na ako." sabi niya na mukhang seryoso.
Kaya naman kumanta ako for the sake of silence.
'Just close your eyes, the sun is going down. You'll be alright, no one can hurt you now. Come morning light, you and I'll be safe and sound.'
Yan yung kinanta ko. Favorite ko kasi yan. Laging kinakanta sa akin ni Mom pag malungkot ako.
Narinig ko namang pumalakpak yung dalawa. Si Carissa at Carlo. Tingnan ko si Ren. Aba, mukhang kakanta pa ang loko. Eh mala-Taylor Swift na yung boses ko eh.
"Ako na ang kakanta. Di ko nagustuhan boses mo." aba't nang-asar pa.
Pumorma na siya at umaktong parang may hawak na mic.
'I came in like a wrecking ball!!!'
Napailing nalang kaming tatlo sa lalaking ito. Nakarinig naman kami ng ungol. Lumingon kami at nakita namin ang pagkarami-raming zombie.
"Naku naman Ren, nang dahil sa napakaganda mong boses, nakahakot ka nang audience. And what's worst, mga zombie pa. Ibigay kaya kita jan sa mga yan." sarkastikong sabi ni Clint. Naku, mukhang mag-aaway pa ata itong dalawang lalaking ito. Ren naman kasi eh.
"Manahimik kayong dalawa jan. Patumbahin nalang natin yang mga nakakadiring nilalang na yan at hanapin na natin yung iba." sabi ni Carissa. Hanapin? Agad-agad? Eh hindi pa nga namin nakikita yung artifact.
"Bakit naman? Hindi pa naman natin nakikita yung artifact ah?" tanong ni Carlo.
Tumuro muna si Carissa sa dulo ng hallway. "Dead end na yan oh." kaya naman napatango kami.
"Kung ganun, sugod na!" sigaw ni Ren, pero nahawakan siya ni Carlo sa kwelyo kaya naman napaupo siya.
"Kumapit kayo sa akin. Kayong lahat." serysong sabi ni Carlo kaya naman kumapit kami sa kanya.
"Walang bibitaw ha?" sabi niya ulit kaya naman tumango kami.
Kaya naman pala niya kami pinapakapit sa kanya kasi tatakbo siya ng mabilis. Wala pang dalawang segundo nakita na namin sila.
"Guys!" sigaw ni Carissa kaya napalingon sila.
Napansin ko na nandito na rin pala si Mara. Pero wala si Kyle. Saan na naman kaya nagsuot yung lalaking yun?
"Zandra?" ay shet! Sino ba ito?
"Mara?" tanong ko pabalik sa kanya.
"Parang lalim iniisip mo ah." sabi ni sa akin.
"Hindi naman. Iniisip ko lang kung bakit wala pa si Kyle dito. Eh diba magkasama kayo kanina?" tanong ko sa kanya.
"Ah, tungkol dun, may nangyari kasi kanina, at dahil sa nangyaring yun, sinabi niya na hintayin namin kayo at pag nakita na namin kayo eh lumabas na daw tayo at sa jet nalang daw natin siya hintayin." sagot niya sa akin.
"Eh? Bakit daw? May sinabi ba siyang dahilan kung bakit?" tanong ko ulit.
"Siya nalang daw maghahanap nung artifact. At kung hindi pa daw siya bumabalik within 30 minutes, umalis na daw tayo at iwan na siya." sagot niya ulit.
"Eh? Iwanan? Eh paano siya ga-graduate kung iiwanan natin siya dito?!" pasigaw kong tanong kaya naman narinig nung iba.
"Zandy, tama na. Masyado kang halata." sabi ni Patrick.
"Che! Manahimik ka jan! And don't call me Zandy kasi hindi ka si—"
"Kyle?" sabay sabay nilang sabi habang nakangisi.
"Bumalik na tayo jet. Baka abutan pa tayo ng mga zombie dito." sabi ni Mara.
"Oy, di mo pa sinasagot tanong ko kanina. So paano na si Kyle dito?" tanong ko pero malumanay na ang tono.
"Duh, he has teleportation." sagot niya. Naku, bakit ito nag-i-English? Eh nagsasalita lang siya nang English kapag nagseselos siya? Hmm, curious na ako.
Lumabas na kami at pagdating sa labas ay hindi na nagpaalam si Carlo at basta hinawakan ang kamay nina Rose at Carissa at tumakbo ng mabilis. Wala pang dalawang segundo ay nakabalik na siya at kami naman ni Mara ang isinunod. Hanggang sa nandito na kaming lahat sa jet maliban kay Kyle.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top