4-Ang Lagusan

Huwag kang kabahan, Tammy. Hinga lang ng malalim. Matatapos din ang lintik na assignment na ito.

Binuksan na ni Tammy ang pintuan sa basement ng Manila Art Museum. Pagpasok niya dito, ay tahimik lang ang buong paligid. May dilaw na ilaw na nanggagaling mula sa lightbulb sa kisame. May mga paintings na nakapalibot, pero lahat ay may puting kumot na nakatakip. Pwera sa isa.

Agad nilapitan ni Tammy ang painting ng La Señorita. Matagal niya itong pinagmasdan.

Kung tutuusin, wala namang nakakatakot dito sa painting, naisip niya. Pero iba talaga ang vibe nito pag kaharap mo na. Naku, Ma'am Señorita, ano bang hiwaga mayroon ka? Paano ko gagawin assignment ko tungkol sa iyo kung pa-mysterious ang effect mo? Help me naman.

Nilapitan pa ni Tammy ang painting para tignan kung may maaaninag ba siyang kakaibang detalye, kahit pirma ng gumawa nito. Inagat niya ang kamay niya at diniin ang kanyang palad sa pader na malapit sa painting.

Sa paghawak niya ng pader ay parang may gumalaw malapit sa painting.

"Ay!" Malakas niyang sambit. Umurong si Tammy palayo sa painting.

Ano yung gumalaw malapit sa pader?

Nilapitan ni Tammy ang gilid ng pader. Sinilip niya kung may nasa likod ng painting na maaring ikasira nito, gaya ng maluwag na turnilyo kung saan ito nakasabit, o baka yung frame mismo.

Sa halip, may nakita ang dalaga na labis niyang ikinamangha.

"Door knob? Hala, may pinto sa likod ng painting?!" Bulong niya sa sarili.

Di na niya inisip pa ang mga pwedeng mangyari. Inabot ni Tammy ang door knob sa likuran ng La Señorita. Nagkasya naman ang kamay niya sa likod nito. Madali niyang naiikot ang kulay-kalawang na knob. Ginalaw-galaw niya muna ito hanggang sa may naramdaman siyang nag-unlock.

Umurong patalikod si Tammy at tinignan kung kusa bang bubukas ang likod. Nang wala namang nangyari, siya na mismo ang tumingin dito.

Naka-awang na ang pader sa likod ng painting.

"OMG, teka, baka secret room ito sa likod ng museum!" Dama niya ang kaunting excitement, umaasang baka may matagpuan siyang kakaiba tungkol sa painting or sa museum.

Marahan na hinila ni Tammy ang nasabing pintuan. Umangat ang pader kasama ng painting, at nang niluwagan pa niya ang pagkakabukas ay may nakita siyang mga batong hagdan na pataas.

"Whoa, secret passage! Matignan nga!"

Pumasok si Tammy sa loob at binagtas na niya ang mga hagdan pataas. Gosh, explore muna ako tapos uwi na pagkatapos! Naisip niya.

Umakyat siya ng ilang baitang ng hagdan hanggang sa naramdaman na niyang nagdidilim na ang buong paligid. Napapalayo na siya sa ilaw mula sa basement, kaya kinuha na niya ang cellphone mula sa bulsa. Inilawan niya ang kanyang dinadaanan gamit ang screen ng cp, at laking pasalamat niya na di umiiral ang clumsiness niya ngayong araw na ito.

Matagal-tagal na siyang pumapanhik ng hagdan. Di na niya alam kung saan papunta ito. Kinakapos na siya ng hininga dahil wala nang hangin sa loob, at di rin sapat ang cellphone niya bilang isang flashlight. Naramdaman na rin niya ang tagaktak na pawis sa kanyang noo at likuran.

Grabe, di na matatapos ang pag-akyat ko?! Lord, dapat pala di ko na tinuloy ito! Pagsisisi niya.

Napatingin si Tammy sa itaas at may nakita siyang sinag ng liwanag. Binilisan niya ang pagkilos sa gitna ng kanyang pagkahapo. Nang marating na niya ang ibabaw ay agad niyang inangat ang kamay para maitulak ang bato na nakatakip sa butas.

Unti-unting nagliwanag ang buong kapaligiran nang maingat na ni Tammy ang batong nakatakip sa butas. Nalaman niyang kasing-laki ito ng isang manhole. Tinulak niya ang sarili paitaas, at unang sumalubong sa kanya ang masarap na simoy ng hangin sa labas.

Hay salamat, nakahinga rin ako!

Lumabas na si Tammy mula sa butas. Naramdaman ng mga palad niya ang mga damo sa lupa. Nang makatayo na siya ay inusisa niya muna ang kapaligiran.

Puro mga puno at damo ang kanyang nakita. Lumingon siya, at sa malayo ay may nakira siyang mga bubungan ng bahay kubo.

Nasaan ang museum? Nakarating ba ako sa probinsiya? Pagtataka niya. Lumingon siya para hanapin ang butas kung saan siya nagmula, pero laking gulat niya na wala na pala ito.

Hala! Nae-engkanto na ba ako? Siguro may engkantong nakatira sa painting! Babaliktarin ko na ba ang damit ko?

Nag-isip si Tammy. Siguro maglalakad muna siya at magtatanong kung anong lugar ito, at paano makakabalik sa museum.

Tinahak na ng dalaga ang daan, at hinayaan na lang niya kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. May mga nadadaanan siyang mga bahay-kubo, pero laking pagtataka niya ay parang walang mga tao sa loob.

Ano ba ito, ghost town? Siyet, parang Silent Hill lang ah!

Napatingin si Tammy sa malayo, at nagulat siya nang makita ang isang mahabang hilera ng pader na gawa sa bato ang mga tiles.

Phew, nasa Intramuros area lang pala ako! Papasok ako sa loob at uuwi sakay ng jeep, naisip niya.

Tinakbo niya ang daan papunta sa pamilyar na Walled City. Nang makarating siya sa may gate ay may nakita siyang lalaki na naka uniform ng Guardia Civil.

Ngumiti si Tammy at nagsimula. "Hi Manong! Ask ko lang po kung paano ako makakasakay ng jeep. Saan po pwede lumabas dito?"

Tinignan siya ng lalaking naka uniporme. May inusal ito na mga salita na di niya naintindihan.

"Sir, di ko alam sinasabi niyo. Di ko kayo maintindihan," diin niya.

May dumaan pa na isang lalaking pareho rin ang uniporme. Sumenyas ang guard sa gate at nilapitan siya nito. Bumulong ang unang guard sa kanya, at nang matapos na ang kanilang usapan ay binalikan ng guard si Tammy.

"Hija..." May mga sinabi itong salita na di naintindihan ni Tammy pagkatapos ng salitang hija.

"Ano po sinasabi ninyo?" Tanong niya.

Naisip niya agad na baka arestuhin siya, kaya agad siyang kumaripas ng takbo bago pa siya mahuli ng mga ito. Nagtatakbo na siya at di na inalintana ang mga taong nakabangga niya. Di na niya alam kung saan siya pupunta. Naisipan niya munang magtago, at nang may nakita siyang gusali ay pinuntahan niya ang likuran nito.

Pagod na sumandal si Tammy sa may pader at napasalampak siya sa sahig. Bakit ganoon sila magsalita? Kastila ba iyon... Wait, baka may shooting dito ng pelikula tapos kasama ako sa mga ekstra! Napangiti si Tammy sa naiisip, pero agad din ito nawala.

Sumilip siya at tinignan ang mga tao sa paligid. Karamihan sa kanila ay mga naka baro't saya at kamisa at pantalon. May mga pamaypay ang mga kababaihan, habang ang mga kalalakihan naman ay naka-sumbrero. May kalesa na dumaan. Napansin agad ni Tammy na lahat ay iisa ang itsura. Wala man lang camera o direktor na sumisigaw sa paligid.

Sa makatuwid, natural lang ang kilos ng mga tao.

Hindi ito movie set.

Naalala ni Tammy ang guardia civil. Wikang Kastila pala ang sinasabi niya kaya di niya ito maintindihan.

Hala, baka... Baka wala na ako sa present time... Di pwede iyon... Di kaya...

Naputol ang kanyang iniisip nang may naramdaman siyang tumapik sa kanyang balikat at isang boses na binati siya ng:

Buenas Dias, Señorita.

(Itutuloy)

A/N: Fictitious po ang Manila Art Museum. Sa kwentong ito ay malapit siya sa Intramuros.

Malalaman niyo rin ang connection ng Intramuros sa kwentong ito. Salamat sa pagbabasa! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top