29-Muling Pagkikita
Patuloy lang ang buhay. Maraming maaring mangyari ngunit ang mga magagandang alaala ay nagsisilbing gabay para matuto at ngumiti pa rin sa kabila ng mga pagsubok.
Nakapagtapos na si Tammy ng kolehiyo. Agad din siyang nag-abroad patungong Hong Kong para magtrabaho sa insurance firm kung saan CEO ang kanyang ama. Ngunit di siya nagtagal doon. Pagkatapos ng isang taon, na-realize niya na di niya gusto ang trabahong pang-opisina at related sa insurance. Isa pa, ayaw din niya na nasa parehong trabaho kung saan nandoon ang kanyang ama. Naranasan kasi niya ang diskriminasyon dahil anak siya ng CEO.
I'm glad to be out there. It's no joke being the CEO's daughter. Aba, di naman ako asal-prinsesa doon, nanghuhusga pa rin sila. Now I don't know what to do after this. But at least I can start again. Maybe I should relax muna?
Ito ang mga nasa isip ni Tammy habang nakasakay ng eroplano pauwing Pilipinas.
Naisip niya na aligaga na naman siya dahil di niya alam ang magiging trabaho pagkatapos nito. Di excuse ang pagiging may kaya niya para di magtrabaho. Pero sa dami ng kanyang pinagdaanan, gusto niya munang matagpuan ang sarili at malaman kung ano ang tamang landas na kanyang tatahakin.
---
"Hija! Buti napadalaw ka."
Nakipagkita si Tammy kay Aling Simang sa dormitorio. Nasa may salas sila ngayon at nagkakape.
"Tagal na po nating hindi nagkikita. Kumusta po sila Dario?"
"Lahat sila ay tapos na sa pag-aaral. Doktor na ngayon si Dario at asawa niya si Tetay." Natawa si Senyora Simang sa naiisip.
"Talaga po?" Ang lawak ng ngiti ni Tammy nang marinig ang masayang balita.
"Si Juan naman, abogado na. Ngunit si Ilyong..."
Natigilan ang Senyora.
"Ano pong nangyari kay Ilyong?"
"May sinalihan na lihim na samahan at di na tinapos ang abogasya. Huli kong balita ay heneral na siya. Batang iyon... Ngunit di ko siya masisisi kung iyon ang gusto niya."
Umiling si Senyora Simang. "Ikaw naman, kumusta ka?"
"May maayos na pong trabaho," ngiti ni Tammy.
"Ah mabuti kung ganoon..."
---
"We're now in Manila."
Naalimpungatan si Tammy at nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nalaman niya na nag-landing na ang eroplano sa Pilipinas.
Naalala niya agad ang kanyang panaginip. Halos nakalimutan na niya ang paglalakbay sa nakaraan at ang kanyang mga nakilala. Sobrang busy niya kasi dahil sa kanyang naging trabaho.
Mukha namang masaya si Aling Simang sa panaginip ko. Si Dario naging doktor at napang-asawa si Tetay, si Juan naging abogado, tapos si Ilyong, may sinalihan na grupo tapos naging Heneral? Teka, paano si Manuel? Ay oo nga, pumanaw nga si Manuel.
Binalot ng kalungkutan si Tammy. Bumaba siya ng eroplano at naglakad papasok sa airport. Agad niyang kinuha ang maleta sa baggage carousel. Hila-hila niya iyon at sa lalim ng kanyang iniisip ay nakalimutan niya kung saan siya papunta.
Ay, oo nga, susunduin ako ng kotse at iuuwi.
Tulala lang siyang naglakad at di niya napansin na may lalaking naglalakad patungo sa kanyang direksyon. Nagkabanggaan silang dalawa.
"Ay! Sorry po!" Malakas na sigaw ni Tammy.
Nahawakan siya ng lalaki sa magkabilang balikat.
"It's okay, miss."
Mahinahon ang boses nito. Tumingala si Tammy at napatingin sa lalaki.
Nakasuot ito ng black jacket, jeans, at may black cap sa ulo. Nagulat siya nang malaman na may kahawig ang lalaki.
Hindi.... Hindi maari. Baka kamukha lang niya.
"Señorita, are you okay?" Tanong ng binata.
Señorita. Oh no, it cannot be. Ano ba itong naiisip ko.
"Yes, okay lang ako. Sorry po."
"That's nothing. Hey, you're a Filipino, right?"
"Yes..actually, half-Chinese ako."
"Kaya pala chinita!" Ngumiti ang lalaki sa kanya. "Cute ah!"
"Ang presko mo naman!" Umismid si Tammy. "Ngayon lang tayo nagkakilala ah."
"Oh, sorry about that. Tagal ko nang hindi nakakaapak dito sa Pinas dahil 1 year and a half ako sa Madrid. I worked as an IT staff and Web Developer, kaya puro Español mga nakakasalamuha ko. Na-miss ko mag-Tagalog eh. And isa pa, I have this weird feeling na nagkita na tayo dati."
Tammy felt her heart skipped a beat.
"Anong nagkita na tayo dati?" Kumunot ang noo ni Tammy.
Natawa ang lalaki. "Ah, must be my wild imagination. Baka may kamukha ka na nakita ko dati. Sige, gotta go. Nice meeting you!"
Lalakad na sana ang lalaki ngunit tinawag siya ni Tammy.
"Wait, ano name mo?"
Lumingon ang lalaki. Lumapit siya ulit sa dalaga at sinabing:
"Yo soy Manuel Luis de Leon. I.T. guy and techie. But you can call me Manuel or Lu."
Manuel Luis de Leon.
OMG.
"I'm Tammy Cho," wika niya.
Nakipagkamay sila sa isa't isa.
"Nice! Maybe I can add you on social media? Let's meet up sometime. Naghahanap ka ba ng work?"
"Sa ngayon, pero di naman ganoon ka-importante. Sige, see you on FB."
Kumaway na palayo si Manuel at nagkapaalamanan sila.
Nakasakay si Tammy sa kanilang kotse at umuwi na. All this time, she was in a daze. Mas lalo siyang napaisip nang marinig ang awitin sa radyo.
Can it be true
Could I be wrong
That somewhere in my past there was also me and you...
"Kuya, sino pong kumanta niyan?" Wala sa sarili niyang tinanong.
"Ah, iyan po ba? Artista siya dati na naging singer. Si Julie Vega. Somewhere In My Past po ang title."
"Ah ok."
May mensahe kaya ang awiting ito at sa taong kanyang nakilala sa airport?
---
Sa mga araw na nagdaan, nagpahinga lang si Tammy sa kanilang tahanan. Hinanap niya sa social media si Manuel Luis de Leon. Nakita niya agad ang profile nito.
Puro mga larawan sa Madrid ang naka-public view. Wala namang nakalista na in a relationship, kaya inadd niya ito.
Isang minuto ang nakaraan at confirmed na ang friend request niya kay Manuel.
Yo, what's up?
Nag-pop ang chatbox ni Tammy. Agad siyang nag-reply kay Manuel.
Ok lang. Thanks for adding me. :)
At doon na nagsimula ang pagkakaibigan nila Tammy at Manuel Luis. Gabi sila nag-uusap, at minsan inaabot na ng madaling araw dahil pareho naman silang walang trabaho.
Kapwa sila di pa alam ang gagawin sa buhay.
Manuel: okay lang iyon. Life is a process of discovering who you are. It doesn't end with the college degree you took. It doesn't determine your fate.
Tammy: salamat ah. I feel better with what you said :)
Manuel: hey, if u don't mind, can we have coffee tomorrow?
Tammy: sure.
Nag-log out na si Tammy at nag-off ng laptop. Napahiga siya sa kama at nakatulog ng may ngiti sa labi.
---
Nakipagkita siya kay Manuel sa malapit na coffee shop sa kanila. Nag-kape sila at kung ano-ano ang napag-usapan. Hindi maitanggi ng dalaga na palagay ang loob niya sa binata. With him, she can laugh and be herself.
"That was a great afternoon," ngiti ni Tammy habang naglalakad sila pauwi.
"It was fun being with you."
Tinignan ni Tammy ang kasama at dama niya ang wagas na ngiti ng binata.
Maybe... Maybe he came back? But this one is so different. Yet he is just as awesome as the one I've known.
Tahimik silang naglakad hanggang sa makarating sa gate nila Tammy.
"Sige, dito na lang ako," wika ng dalaga. "See you again."
Hindi pa agad umalis si Manuel. Hinawakan niya si Tammy sa braso at nagkatinginan sila.
Unti-unting nilalapit ni Manuel ang mukha kay Tammy. Kinabahan ang dalaga, ngunit nawala agad iyon nang matanggap niya ang marahan na halik mula sa kanya.
Tatlong segundo lang ang tinagal bago ulit nilayo ni Manuel ang mukha sa dalaga. Awkward silence followed.
"Sorry about that."
"Manuel...ah... Wala iyon."
"I was thinking if you want us to be serious."
Nag-isip si Tammy. Saan kaya siya dadalhin ng taong ito? Saan sila dadalhin ng tadhana at panahon? Alam niyang magkaiba ang Manuel na nakilala niya at nasa harapan niya sa mga oras na ito. Magkamukha man sila, ngunit iba pa rin sa isa't isa.
Wala namang mawawala kung susubukan, hindi ba?
"Sure... I want us to grow together."
At isang mainit na yakap ang natanggap niya mula sa binata.
(Wakas)
A/N: Hi readers! But wait, there's more! Kung shipper ka ng Tamilio, dumiretso ka na sa Chapter 30! Cheers! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top