28-Mga Kasagutan
"Julian din ang pangalan ng anak ng iyong great-great grandmother na si Almira. Namatay si Almira sa kumbento at inampon ang kanyang sanggol ng isang haciendero. He went by the name of Julian Mercado."
Labis ang emosyon na naramdaman ni Tammy pagkatapos basahin ang liham ni Almira sa madre na tumulong sa kanya. Pinakalma siya ni Aunt Terry at saglit siyang niyakap.
"Okay ka na? Shall we continue?"
"Opo."
Hinimas ni Aunt Terry ang buhok ng dalaga. Bumalik siya sa kanyang pwesto at nagpatuloy.
"Julian Mercado grew up wealthy. He fell in love with their Chinese househelp, a young woman named Adela. Dahil oppressed ang mga Chinese dito noong kapanahunan nila, Julian ran away with his girlfriend and started a family, much to the dismay of his adoptive father. With his own savings, nagtayo ng bigasan si Julian para masustento ang kanyang pamilya."
"Naulit ang nakaraan ni Almira sa kanyang anak," wika ni Tammy.
"Yes, history just repeats itself. But unlike Almira's story, naging maayos ang buhay pamilya nila Julian and Adela. His adoptive father forgave him and welcomed him again in their lives. They have three daughters: Anita, Felisa, and Leonora."
"Si Anita po lola ko, nanay ni Mommy," wika ni Tammy.
"And Felisa is my mother," ngiti sa kanya ni Aunt Terry. "Your mom and I grew up together in Cebu. We also found our husbands there, your dad and your cousin's dad, your Kuya Sev. But originally, we lived in Binondo."
"Bakit po kayo lumipat?"
"Your Grandma Leonora killed herself. She was twenty-one. An American soldier abused her and her sisters found out she was one month pregnant."
"Oh no, just like Julian Sr.," malungkot na sambit ni Tammy.
"That's why we moved as far as we could after that incident. You know, Grandpa Julian blamed it on his mother's painting. Naniniwala siya naipasa ang jinx sa pamilya niya, kaya binenta niya ito."
"So di po totoo yung mga nababasa ko sa Internet?"
"After your grandpa sold the painting, a businessman acquired it. Siya yung sinasabing nawalan ng asawa dahil nagkasakit ito. Then for some weird reason, Sir Popoy, or your Uncle Popoy, bought the painting from a garage sale in Calamba. Mahilig kasi siya sa antiques. It hung here in our house until I miscarried the baby I had with him. Kaya I told him to get rid of it. Sabi ko pagmamay-ari iyan before ni Lolo Julian. I showed him the letters and he was amazed I kept it all these years. Your Grandpa Julian passed it on to my grandmother, then I inherited it from my mom."
Napabuntong-hininga si Aunt Terry.
"Now you're asking me about the painting. I believe the lady in the painting guided you to me. Fate really has a way of connecting things. But I don't believe the painting caused bad luck. Most of the time, tayo ang gumagawa ng ikapapahamak natin."
"Agree po ako sa inyo." Tumango si Tammy.
"So there. You can tell that La Señorita is part of your family history. Interesting, di ba?"
Ngumiti si Tammy at patuloy na tinignan ang mga liham.
May nakita siyang isa pang liham written in Tagalog.
Aking kaibigan,
Pinagtagpo tayo ng tadhana. Aking pinagsisisihan ang kalupitan ko sa iyo. Kung nasaan ka man, sana ikaw ay nasa mabuting kalagayan. Patawarin mo ako dahil ako ang may kasalanan sa pagkamatay ng kapatid ni Julian, si Manuel na iyong minamahal.
-Almira de Izquierdo
29 Deciembre
"Oh my gosh, ako itong tinutukoy ni Almira," bulong ni Tammy. Na-realize niya na hindi panaginip ang lahat ng nangyari.
Natapos nang basahin ni Tammy ang mga sulat. Ibinalik na niya ito sa envelope.
"Thank you po at you let me read these." Inabot ni Tammy ang envelope kay Aunt Terry.
"No problem. You deserve to know your family history." Ngumiti sa kanya si Aunt Terry. "Ay teka nga pala, I want to show you something."
Inabot nito kay Tammy ang isang black and white na larawan na balot sa clear plastic.
"Your Grandpa Julian got this at an old antique shop before World War II broke out. Galing daw ito dati sa isang sinaunang photo studio. He showed it to the nun na umampon kay Almira, and the nun recognized this as Grandpa Julian's mother, Señorita Almira. He kept it from then on. He passed it on to Lola Felisa. He connected with the picture unang kita pa lang niya."
Tinignan ni Tammy ang una at huling larawan ni Señorita Almira. Mas bata ito sa huli niyang nakita. Sa studio ito kinuha at bakas na bakas ang kanyang kagandahan.
"Di ba, kamukha mo? Mag-lola nga kayo!" Ngiti ni Aunt Terry.
"Oo nga po eh."
Sa wakas, nasagot din ang lahat ng gustong malaman ni Tammy.
---
Dumaan ang Bagong Taon at sinalubong ito ni Tammy kasama ang kanyang pamilya. Binisita rin nila si Aunt Terry at doon nakilala ni Tammy si Sir Popoy, na asawa ng kanyang tiyahin.
One week later, back to school na ulit si Tammy. Siya ang nakakuha ng highest score sa kanyang Humanities assignment. Doon nalaman ng buong klase na hindi pala malas ang painting ng La Señorita.
"Great job, Miss Cho! Ang tiyaga mo, na-trace iyon sa family history mo!"
"Thanks po Prof," wika ng dalaga.
Dismissed na ang klase. Lumabas na si Tammy ng classroom. Tumingin siya sa kalangitan at nanalangin.
Diyos ko, nawa'y makamtan ni Señorita Almira ang kapayapaan ng kaluluwa. Thank you po at nakabalik pa ako sa aking kapanahunan. Di ko po kakalimutan ang mga leksyon na natutunan ko sa aking experience.
At sana po... Malaman ko kung ano ang nangyari sa aking mga kaibigan noong nakaraan.
Pero sa ngayon, okay na ako. Kayo na Po bahala.
(Itutuloy)
A/N: Weee double update! Thanks for the reads. :)
Patapos na itong kwento. Huhuhu. Pero watch out for a treat! Abangan!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top