17-Lihim na Sandali
Sabay na nag-almusal sila Tammy at Señorita Almira. Masaya silang nag-usap habang kumakain ng pan de sal, tortillas, galletas, at mainit na tsokolate. Laking pasalamat na lang ni Tammy na di na muling nabanggit ni Almira ang tungkol kina Julian at Sebastian. Di kasi alam kung anong ipapayo niya tungkol dito.
Pagkatapos ng agahan, ay pinahatid na ni Señorita Almira si Tammy pabalik ng dormitoryo.
"Maraming salamat sa inyo, Señorita," ngiti ni Tammy sa kanya.
"Sana'y makadalaw ka ulit dito." Yumakap sa kanya si Almira.
Sumakay na si Tammy ng calesa at kumaway siya bago ito umalis. Mabilis siyang nakarating sa dormitoryo. Araw ng Linggo ngayon, kaya wala pa rin ang karamihan sa mga estudyante. Mga bandang hapon pa sila dadating.
"Kumusta na, hija?" Sinalubong si Tammy ni Aling Simang. "Mabuti na ba ang pakiramdam mo?"
"Opo, Senyora." Ngumiti si Tammy habang hinawakan ni Aling Simang ang kanyang kamay. "Maayos naman po ang pakitungo nila Señorita. Pinakain na po nila ako ng agahan."
"Mabuti! Marami tayong gagawin ngayong araw. Darating ang mga estudyante ngayon, kaya kailangan natin maglinis. Sandali muna, kaya mo na bang kumilos?" Pag-aalala ng matanda.
"Kaya ko na po, Senyora!" Natawa si Tammy. Lihim siyang nagagalak na may malasakit pala sa kanya si Aling Simang. "Handa na po ako sa aking mga gawain."
"Oh siya, magsimula na tayo! Una nating gagawin ay magpalit ng mga kobre kama."
Iyon ang pinagkaabalahan nila hanggang sa dumating ang tanghalian. Pagkatapos nilang kumain ay nagpahinga muna sila at naglinis naman ng salas.
Dumating ang bandang hapon at unti-unti nang nagsisibalikan ang mga estudyanteng galing sa kani-kanilang mga tahanan. Unang nagsidatingan sila Juan at Dario.
"Buenas dias, Senyora Simang! May natira ba na meryenda?" Masayang tanong ni Dario.
"Mayroon pa. Magmadali kayo bago namin maubos ni Tami," tawa ng Senyora.
Naupo sila Dario at Juan sa lamesa kasama ang dalawa. Tahimik silang kumain ng churros at tsokolate.
"Wala pa ba sila Manuel at Ilyong?" Tanong ni Juan.
"Oo nga, di ko napansin na wala si Manuel," wika ni Tammy.
"Umuwi si Manuel sa kuya niya upang kumuha ng ilang mga kagamitan," sagot ni Aling Simang. "Kakaalis lang niya kaninang umaga, baka ngayon din siya babalik."
Tumango na lang sila Tammy at ang dalawang binata. Nang natapos na sila sa kanilang meryenda ay nagpunta muna sila sa kanilang mga kwarto. Si Tammy naman ay inutusan ni Aling Simang na magpunta sa likod-bahay upang kunin ang mga sinampay na kumot.
Ginawa ni Tammy ang iniutos sa kanya. Nang makababa na siya sa likod-bahay ay agad niyang narinig ang mga boses nila Tetay at Emilio. Nagtago si Tammy sa likod ng puting kumot para makinig sa kanilang usapan.
"Oh, para saan ang gumamelang iyan?" Sumilip si Tammy at nakita si Tetay na nakaharap kay Emilio. May hawak na gumamela ang binata na mukhang para kay Tetay.
"Ah... Binibining Tetay, nais ko lamang humingi ng tawad ukol sa inasal ko sa iyo mga ilang gabi na ang nakararaan."
Oh my gosh, Ilyong is so sweet! Biglang kinilig ang nanonood na si Tammy.
Tumalikod si Tetay sa kanya. "Di mo ako madadaan diyan, Señorito! Magmula ngayon ay kinalimutan ko na ang nararamdaman ko para sa iyo!"
"Ako'y humihingi lang ng dispensa sa nangyari---"
"Kalimutan mo na iyon! Wala iyon sa akin..."
Lalakad na sana palayo si Tetay ngunit hinatak siya ni Emilio at hinarap niya ito sa kanya.
"Alam kong mali ang aking inasal sa iyo. Ang totoo niyan, kinaiinisan ko ang iyong pagkahumaling at paghahabol sa akin. Ako sana'y patawarin sa aking pagkakamali at di ko inunawa ang iyong damdamin."
Nanaig ang katahimikan. Nakayuko si Tetay, na parang humihikbi.
"Ilyong... Alam mo naman na may pagtingin ako sa iyo, at alam ko rin na di mo ito kayang suklian. Tinatanggap ko na ito ngayon pa lang. Sana bigyan mo ako ng panahon para maghilom ang aking mga sugat."
Tuluyan nang umiyak si Tetay. Nagulat si Tammy nang yumakap si Emilio sa kanya. Matagal silang naging ganoon hanggang sa nagsalita muli si Emilio.
"Patawarin mo ako, Binibini."
"Emilio... Oh siya sige na, pinapatawad na kita." Maluha-luhang ngumiti si Tetay habang nakatingin sa kanya.
"Ang para sa iyo ay kusang darating. Hindi mo pa kakayanin magmahal sa ganyang kalagayan. Aking inaasam na maging mabuti ang lahat para sa iyo."
"Siguro tama ka nga. Kaya magmula ngayon, di na kita guguluhin."
Kinuha ni Tetay ang gumamela sa kamay ni Emilio. "Salamat pala dito. Teka, may isa pa akong kahilingan."
"Ano iyon?" Pagtataka ng binata.
"Maari bang humalik?"
Halata ang pagkagulat sa mukha ni Emilio. Muntik nang dumausdos si Tammy mula sa kanyang pinagtataguan, pero buti na lang at nakahawak siya sa kumot.
"Pilya ka talaga. Kakasabi mo lang na wala ka nang nararamdaman para sa akin!" Tawa nito.
Binigyan ni Emilio ng isang halik sa noo ang dalaga.
"Iyon lang?!" Iritang wika ni Tetay.
"May hinihiling ka pa ba?"
"Bakit sa noo?!"
"Magpakabait ka na, pilyang dalaga!" Di mapigilan ni Ilyong na ngumisi.
"Ito talaga!" Pinalo ni Tetay si Emilio sa balikat habang parehong natatawa sa isa't isa.
Naghabulan silang dalawa hanggang sa mawala na sila sa paningin ni Tammy.
Ang cute naman nilang dalawa! Sana nga maka-get over si Tetay kay Ilyong.
Parang nanalo sa lotto si Tammy at naging saksi siya sa kanilang nakakakilig na sandali.
(Itutuloy)
A/N: Sa mga nakabasa na ng The Katipunero and I, you can think of Emilio here as EJ (Emilio Jacinto). Di ko lang nilalagyan ng apleyido para safe, hehehe. Kumbaga, pwedeng fictional version. 😉
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top