Simula

Simula

Hindi ko na maramdaman ang mga daliri ko sapagkat mistulan na itong naging manhid sa pakiramdam. Marahan akong pumikit sabay lunok dahil natuyo na ang lalamunan ko sa kaba. Muli akong dumilat at sa nanginginig na kamay ay sinimulan ko na ang pag-dial sa telepono.

Mas lalo akong nanigas sa kinatatayuan nang mag-ring na ito. Ilang segundo pa ang lumipas, kaagad na may sumagot na sa kabilang linya.

"Senator Del Fuego's office, how may I help you today?" magiliw na bungad ng kanyang babaeng sekretarya sa kabilang linya. Hindi na ako nagulat pa na siya ang bumungad sa akin.

"Pwede ko bang makausap si Sen. Del Fuego?" tanong ko sa namamaos na boses.

"Pasensya na po, ma'am. Senator is currently in a conference meeting. May I know who is calling? I can just take a message."

Mas humigpit pa ang pagkakahawak ko sa telepono. Pumikit ulit ako nang mariin.

"Tell him... Tell him it's Winona."

Kaagad siyang tumahimik sa kabilang linya. Hindi ko na masyadong inisip pa kung ano ang rason nito. Nasagot ang katanungan ko nang my nagsalita ulit.

"Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa'yo na huwag mo akong tatawagan sa opisina. What is it?"mababang boses ni Caleb Del Fuego.

"Buntis ako," deretsahan kong tugon. Inignora ang malupit na tono ng pananalita niya.

Natahimik siya sa kabilang linya. Marahas siyang bumuntonghininga.

"What are you saying? How did it happen?"

Parang may bumarang mapait na lason sa lalamunan ko.

"How did it happen?" Mahina akong natawa ngunit wala itong bahid ng tuwa,"Ilang beses tayong nagtalik. Ipinutok mo sa loob at nagbunga iyon... t-tapos tatanungin m-mo ako niyan?"

Tanging paghinga lang niya ang naririnig ko.

"Caleb...," sambit ko na punong-puno ng pagsusumamo.

"You know that I can't father your child," aniya sa matigas na boses.

Tuluyan ng kumiwala ang luha mula sa mga mata ko. Kahit inasahan ko naman na magiging ganoon ang sagot niya ay hindi ko pa rin maiwasang maramdaman ang tagos sa butong sakit.

Isang patak ulit ng luha. Dalawang patak hanggang tuluyan na ang walang tigil na pagbuhos. Pinigilan kong humikbi. Ayaw kong marinig niya ang pag-iyak ko. Ayaw kong magmakaawa na naman para sa kapiranggot na atensiyon niya.

Muli kaming tahimik. Ni hindi ko pinalis ang mga luha ko at hinayaan ito.

"Walang pwedeng makaalam niyan. I just won the senatorial election. You know that," sabi niya.

Para akong sinampal. Akala ko tapos na siya sa pananakit ngunit hindi pa pala.

"Winona, narinig mo ba ako? Walang dapat na makaalam.

Lumunok ulit ako kahit na mahirap. Tumango ako maski hindi niya naman nakikita.

"Alam ko... N-naiintindihan ko," matapang kong sinabi sa kabila ng panlulumo at pangangatog ng tuhod ko.

Dinig ko ang pagod sa pagbuntonghininga niya.

"Ano ang gagawin mo? I can give you money. I can only support you financially. That's all I can give."

Malamyos kong hinaplos ang aking tiyan na hindi pa naman kalakihan dahil wala pa namang sampong linggo.

"Ipapalaglag ko," malambot kong pagkakasabi. Para bang hindi imoral ang desisyon na ipinapahayag.

Minuto pa ang lumipas bago siya sumagot.

"Sigurado ka ba?"

Gusto kong matawa. Umasa na naman kasi ako. Umasa na naman na pipigilan niya. Gusto kong sampalin ang sarili upang tuluyan na talagang magising sa katangahan at bulag na pagmamahal ko sa kanya.

Hinigpitan ko ang pagkakayapos sa sarili gamit ang isang kamay. Ang pagkakayapos sa tiyan, sa isa pang buhay na nasa sinapupunan ko. Parang anyo ito ng isang ina na handang gawin ang lahat maprotektahan lang ang kanyang anak.

Huminga ako ng malalim at unti-unting pumikit. Tanging tunog lang ng mga sasakyan na nagmula sa labas ng bintana ng inuupahan kong apartment ang namayani. Ngunit sa isang iglap ay may natatanging tunog ako na narinig. Isang tibok ng puso na nanggagaling sa aking sinapupunan. Alam kong maaga pa para marinig ko ang heartbeat niya pero . . .

"Sigurado ka ba na ipapalaglag mo, Winona?" Boses na naman ng walang pusong ama niya na pumukaw sa akin.

Mas hinigpitan ko ang mistulang pagyapos sa bagong buhay na dinadala. Napangiti ako sa sarili.

"Oo, Senator Caleb Del Fuego. Sigurado na ako," sambit ko at ibinaba na ang telepono.

Dahan-dahan akong lumayo na mula sa bintana at tinungo ang salamin sa sulok. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. Nakita ko ang isang babaeng mistulang isang multo dahil sa suot na puting bestida. Nakalugay ang mahabang napakaitim na buhok na kulot sa dulo. Wala na ang kolorete sa mukha na nakapang-akit sa isa sa mga pinakamakapangyarihang tao sa bansa.

Hubad.

Makasalanan.

Isang apid sa lipunan.

Anay ng pamilya.

Ako si Winona Arabella Santibañez.

Ako ay isang kabit.

I am The Senator's Woman.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top