Chapter 9

Chapter 9

Carpet

Pareho naming hindi inalintana ang pag-ambon na sinabayan ng humahagupit na hangin. Naging manhid ako sa lamig dahil sa init ng mga halik na iginagawad ni Caleb sa akin. Unti-unti akong napakapit sa magkabilang balikat niya habang humigpit naman ang paghapit niya sa beywang ko. Wala akong karanasan sa paghalik kaya nagpaubaya na lang ako sa pag giya niya sa akin. Ang isang kamay niya ay nakahawak na sa batok ko at mas pinalalim pa ang pag-angkin sa aking mga labi.

Nagsisimula nang manghina ang mga tuhod ko dahil sa sensasyon na nararamdaman. Minsan ay parang nanunudyo ang halik niya. Sa simula ay mababaw, ngunit nagbabago rin at nagiging malalim. Mapusok.

Bahagya akong napatalon nang bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Mula sa mariin na pagpikit ay dumilat ako at nakitang ganoon din ang ginawa niya. Nakatitig pa rin siya sa akin sa namumungay na mga mata. Pansin ko na nagsisimula ng maging basa ang kanyang buhok.

Kumapit ako sa kanyang braso habang ang isang kamay ay nakataklob sa ulo ko, ginagawang proteksiyon sa ulan kahit wala rin naman itong naitulong dahil sa lakas nito.

"Kailangan nating sumilong!"

Napatingala siya sa langit na para bang ngayon lang napasin na umuulan na. Ibinalik niya ang tingin sa akin at hinawakan ang palapulsuhan ko.

"Come on. Let's go to the cabin."

Tumango ako kaya nanakbo na kami patungo sa cabin. Dahil nakatuntong ito sa paanan ng pangpang na bato ay medyo hindi ito naging madali sa amin. Inakay niya pa ako dahil sa matatalim na mga bato. Ramdam na ramdam ko na ang panunuot ng tubig sa katawan ko dahil sa basang-basa ng suot.

Medyo guminhawa rin ang pakiramdam ko nang marating na namin ang cabin. Huminto na kami sa may pintuan at kaagad na sinuri ni Caleb ang padlock nito.

"Hindi naka-lock..." aniya at kaagad na binuksan ang pinto.

Kumapit ako sa braso niya at pumasok na kami sa loob. Tumambad sa paningin namin ang may kalakihang espasyo. Halos lahat ng mga nakikita naming muwebles dito ay gawa sa matitibay na kahoy. Binitiwan ko na siya upang mayapos ang sarili dahil sa lamig.

Dalawa lamang ang silya at ang isa ay rocking chair pa. Mayroon ding center table sa gitna na terno naman sa upuang kahoy. Wala kaming nakikitang telebisyon o 'di kaya ay radyo. Kunsabagay wala rin naman yatang kuryente ang isla. Wala rin itong kuwarto.

"Nilalamig ka na. Maghahanap lang ako kung may damit ba rito o kahit ano..." si Caleb na mabilisang nagbubukas na ng cabinet na nasa sulok.

Nilapitan ko ang silya at naupo rito. Kinuha ko ang backpack na nasa likod at binuksan. Hindi na ako nagtaka nang kinuha ang camera na basa na dahil maski backpack ko ay parang ibinabad sa tubig.

"Nabasa ang camera. Sira na yata," sambit ko.

"That's a waterproof camera so that's okay," tugon niya na nasa drawers na ang atensiyon. Pansin ko ang pagpi-flex ng muscles niya sa braso dahil sa bilis ng pagbubukas niya sa mga drawers habang nakayuko..

Nag-iwas ako ng tingin dahil naalala ang halikan namin kanina. Binalingan ko ang salamin at pinagmasdan ang ulan sa labas. Dumidilim na rin.

"I think this will suffice."

Bumaling ulit ako sa kanya at nakita ang hawak niyang  tila isang makapal na kumot. Sa isang kamay niya naman ay may nakita akong isang malaking kandila. Lumapit na siya sa akin.

"Come here."

Tumayo ako at ibinalot niya sa akin ang makapal na kumot.

"Paano ka? Basang-basa ka na rin," nag-aalala kong sabi.

"Okay lang ako."

"Baka magkasakit ka pa. Malaki naman 'tong kumot. Kasya tayong dalawa." Tinanggal ko ulit ito at iminuwestra ang dulong bahagi sa kanya.

Bumuntonghininga siya at nagpatianod na rin.

Naupo kami sa sahig habang nakabalot pa rin ang kumot sa katawan. Sabay kaming napatawa nang parehas na nagtanggal ng suot na basang mga sapatos.

Napansin ko ang unti-unti niyang pagtatanggal sa butones ng kanyang pang-itaas na suot.

"A-anong ginagawa mo?"

"Maghuhubad ako para 'di masyadong malamig," kalmante niyang tugon.

Mas mabilis pa sa kidlat ang pag-iwas ko ng mukha para hindi lang siya matingnan. Hindi pa ako nakontento at nagtakip pa ng mata gamit ang isang kamay.

Hindi ko maiwasan ang biglang pagkaramdam ng nerbiyos. Alam kong ipinagpapatuloy niya pa rin ang paghuhubad dahil nararamdaman ko pa ang paggalaw niya.

"Maghubad ka na rin."

"Ano?!" Suminghap ako at matalim siyang tiningnan. Natutop ko ang bibig nang makita ang hubad niyang katawan maliban sa shorts na hindi niya tinanggal.

Pilyo siyang ngumisi. " 'Yang long sleeve na suot lang ang hubarin mo, Winona dahil masyadong basa. Ano ba nasa isip mo?"

Parang tinamnan ng napakaanghang na sili ang pisngi ko dahil sa pag-init nito. nakita ko na ang kandilang nakasindi na at nakatirik sa sahig. Hinubad ko na rin ang suot na long sleeve at panloob na tube top lang ang natira.

"Hindi na talaga dadating si Kuya," wala sa sariling nasabi ko. Pareho kaming nakatanaw lang sa labas na sinasakop na ng dilim at lumiliwanag lang sa tuwing may kidlat.

"Nilalamig ka pa ba?" tanong niya.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Hindi na masyado."

Naramdaman ko ang braso niya sa balikat ko. Niyapos niya ako kaya mas lalo kaming nagkadikit sa isa't-isa. Isiniksik ko ang sarili sa kanya.

"Mabuti na lang marami tayong nakain kaninang tanghalian," natatawang sabi ko. Hindi niya ako sinabayan sa pagtawa kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Nanatiling seryoso at mapag-alala ang tingin niya.

"Makakauwi rin tayo, Caleb."

"Nag-aalala lang ako na baka magkasakit ka..." marahan niyang sabi.

Parang may humawak sa puso ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng may nag-aalala sa akin maliban kay Raffa at Nanay Lolit. Mas isiniksik ko pa ang sarili sa kanya dahil sa umaapaw na emosyon.

"Sanay na ako..." pahayag ko sa malambot na boses.

"Sanay na ano? Magkasakit?" Tumalim ang kanyang tingin at lumamig ang boses.

"Oo. Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay. Kaya mabilis na nakakarecover ang katawan ko."

Naningkit ang mga mata niya na parang hindi siya makapaniwala sa narinig.

"Do you think that would give me some comfort?"

Ramdam ko ang tensyon sa katawan niya kaya naghanap ako ng paraan para maalu siya. Ngumuso ako.

"Pagagalitan mo na naman ba ako? Nilalamig na nga ako tapos..."

Bumuntonghininga siya bilang anyo ng pagsuko at lumamlam ang mga mata.

"Move a little closer. In between my thighs."

Sinunod ko ang utos niya. Halos nakakandong na ako sa kanya. Nararamdaman ko ang maninipis na balahibo sa binti niya dahil sa lapit ng mga binti namin. Kinain na niya lahat ng espasyo at walang itinira. Hinawakan niya ang magkabilang dulo ng kumot at mas ibinalot pa ito sa amin.

"Maghahanap lang ako ng pwede nating ilapag sa sahig para 'di masyadong malamig," aniya matapos ang ilang sandali ng komportableng katahimikan.

"Tulungan na kita."

"No. Just stay here," agap niya. Tumayo na siya at inayos ang pagbalot sa kumot sa katawan ko.

Matapos ang ilang sandali na paghahanap ay may dala na siyang isang makapal na kulay pulang tela.

"I found an old carpet."

"Pwede na 'yan!" Tumayo na rin ako para tulungan siya sa paglalapag. Muntikan pa akong natumba dahil sa kumot.

Nang mailapag na ito ay nahiga na kami rito. Itinalukbong namin ang kumot. Medyo nabawasan na rin ang lamig dahil sa carpet. Ramdam ko rin ang init ng katawan niya. Ginawa kong unan ang kanyang braso at tumagilid ng puwesto kaya nakatalikod ako sa kanya. Dahil na rin siguro sa pagod na ginawa namin buong maghapon ay napahikab ako.

"Good night,Winona," namamaos niyang sinabi.

"Night."

Nagising ako sa talim ng kutsilyo na nakatutok sa leeg ko. Tumambad sa akin ang nanlilisik na mga mata ni Tiyong.

"Hindi ka makakatakas sa akin!" matalim niyang sabi kasabay ng pagkulog at kidlat.

"T-tiyong! Tiyong! 'Wag!" sigaw ko.

Humalakhak siya na parang demonyo at kinubawan na ako. Nanigas ako nang maramdaman ang pagyugyog niya sa balikat ko. Pumikit ako nang mariin habang patuloy na nagpupumiglas upang makawala.

"Winona! Damn it! Wake up!" untag ng pinaghalong takot at nababahalang boses. Ngunit parang napakalayo niya.

Nagpatuloy ako sa pagsigaw at pagpupumiglas. Naging kalmado ako nang maramdaman ang paulit-ulit na marahang halik sa noo ko, sa sentido, at ang paulit-ulit na bulong na may bahid ng pagsusumamo.

"Wake up...Nananaginip ka lang...Come back to me..."

Habol ang hininga ay unti-unti akong dumilat. Kadiliman ang bumalot sa paningin ko. Wala akong naaaninag maliban sa nadamang init na nanggagaling sa katawan na parang kinukubawan na ako. Doon ko na napagtanto kung nasaan ako at kung kaninong boses ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.

"C-Caleb?"

Dinig ko ang marahas na pagbitiw niya ng hininga. Naramdaman ko rin ang pagyuko niya.

"Thank God you're fine..."

"Bakit ang dilim?"

Mahina siyang napamura.

"Sorry. Napatid ko ang kandila habang...ginigising kita."

Napabalikwas ako ng bangon at naupo na lang. Napahilamos ako sa mukha gamit ang dalawang kamay.

"P-pasensiya na...Masamang panaginip...N-ngayon lang naman ako b-binangungot."

Hindi ko man siya nakikita dahil sa dilim ay naramdaman ko naman ang pag-upo niya sa tabi ko.

Marahas siyang bumuntonghininga.

"You need to talk to someone. I'll schedule a psychologist for you."

"Hindi na kailangan. Kaya ko namang resolbahin 'to. Mawawala rin 'to dahil makakalimutan ko rin ang lahat. Sanay naman akong nireresolba ang sariling problema—"

Mahina siyang nagmura ulit. Tumatagos hanggang sa akin ang galit niya.

"That fucking word again! Sanay? Hindi ka na pwedeng masanay lang, Winona. Hindi ka na nag-iisa ngayon. I will protect you with everything that I've got so don't you fucking live like that again!"

Suminghot ako. Kaagad na pinalis ang luhang lumalandas na pala sa pisngi. Hindi ito dahil takot ako sa galit niya kundi dahil gustong-gusto ko. Uhaw ako sa proteksiyon. Uhaw ako sa kalinga. At uhaw na uhaw ako sa pagmamahal.

Dinaluhan niya kaagad ako.

"Hey. Bakit ka umiiyak?" marahan niyang tanong habang pinapalis ang mga luha ko gamit ang kanyang kamay. Hindi ko alam kung paano niya natutunton ang mga luha ko gayong madilim naman.

"Natatakot ako..."

Humigpit ang hawak niya sa balikat ko. "Hindi ka na masasaktan ulit ng tiyuhin mo, Winona."

Umiling ako. "Hindi naman iyon ang ikinakatakot ko..."

"What is it then?"

"Natatakot ako na...na masanay ako sa'yo. Na nagugustuhan na kita..."

Alam kong natigilan siya sa sinabi ko dahil napako ang kamay niya sa balikat ko. Pagkalaon ng ilang segundo ay maginhawa siyang nagpakawala ng hininga.

"Really?" bulong niya. Dinig ko ang tuwa rito.

"That's good. Because I like you very much," walang preno niyang pagbitiw.

Imbes na mukha ay dibdib niya ang nakapa ng kamay ko. Deretso ang dampi na ginawad ng palad ko sa balat niya dahil sa kawalan niya ng saplot. Para akong sinilaban dahil sa naramdamang init ng kanyang katawan.

Marahan kong pinalandas ang palad sa kanyang dibdib pababa sa kanyang tiyan. Nag-iinit ako sa nakakapang matitigas na parte. Alam kong nagwo-work out siya para mapanatili ang maganda niyang pangangatawan dahil sa pagiging fit.

Kagat ang ibabang labi ay mas ibinaba ko pa ang palad. Mabilis niyang hinuli ang palapulsuhan ko.

"Baby, you're getting closer to a dangerous territory," mahina niyang bulong sa paos na boses.

Unti-unti akong lumuhod at dahil sa dilim ay nagbabakasali na lang na nakaharap sa kanya. Binitiwan na niya ang palapulsuhan ko kaya malaya kong nailagay ang mga kamay sa magkabilang balikat niya.

"Halikan mo na kasi...ako," bulong ko pabalik.

Hindi ko na kinailangang ulitin pa ang sinabi dahil agaran niyang hinawakan ang panga ko at sa kabila ng kadiliman ay natagpuan ang aking mga labi. Ramdam ko na sa pagkakataong ito ay hindi lang kami hanggang halikan dahil sa paraan ng paghalik niya sa akin. May pananabik. Masyadong mapusok.

Tila mapaghanap ang kanyang kamay na lumalandas sa katawan ko. Hindi ko na namamalayan na unti-unti na pala akong humihiga sa carpet hanggang sa bigla ko na lang naramdaman ang pagdampi ng likod ko sa makapal na tela. Tuluyan niya na akong kinubawan.

Sinakop niya ang buong labi ko. Mumunting halinghing ang pinakawalan ko nang maramdaman ang palad niyang pumapailalim na sa aking suot na tube top. Kasabay ng pagbaba ng halik niya sa aking leeg ay ang tuluyang pagtuklas niya sa pinakasensitibong parte ng aking dibdib. Napaungol ako nang pinaikot niya ito gamit ang kanyang mga daliri. Ginawaran niya rin ng parehong atensiyon ang kabila. Nilamon ng kanyang umaatikabong halik ang aking sunod-sunod na ungol.

Hindi na ako magpirmi sa higaan dahil para akong sinisilaban. Habang bumababa ulit ang halik niya sa leeg ko ay abala naman ang kanyang kamay sa unti-unting pagbaba ng suot kong tube top. Huminto lang siya ng nasa beywang ko na ito. Ngayon ay wala ng damit ang namagitan sa aming dalawa. Derekta na ang pagdampi ng kanyang mainit na katawan sa aking balat.

Nagpatuloy siya sa kanyang mumunting maiinit na halik. Hinalikan niya ang gitna ng aking dibdib. Dahil sa dilim ay hindi ko alam kung ano ang sunod na gagawin niya. Parang patay ang mga kamay kong nalaglag nang maramdaman ang mga labi niyang nilalaro na ang aking dibdib. Tumindi ang pagkapit ko sa carpet at napakagat ako sa ibabang labi dahil sa kakaibang kiliti at sensasyon na nararamdaman.

"C-Caleb..." halinghing ko.

Napadilat ako nang tumigil siya at naglakbay na naman pababa. Mumunting halik ang naramdaman ko sa bandang tiyan. Sa isang iglap ay marahas at tuluyan na niyang ibinaba ang tube top ko hanggang sa matanggal na ito. Mabilis niyang tinanggal ang butones sa suot kong maong shorts. Sa galing ng kamay niya'y hindi nagsegundo ay natanggal din ito. Tuluyan na niyang tinanggal lahat. Wala na siyang itinira.

Napaigtad ako nang derekta niyang dinampi ang magaspang at mainit niyang palad sa ibabang parte ko. Hindi na magpirmi ang ulo ko dahil parang may gusto akong marating na hindi ko alam kung ano.

"Caleb...please..." ungol ko nang maramdaman ang kanyang daliri na tila ba gumagalugad doon.

"Baby you're so wet for me..." aniya sa paos na boses ngunit nabahiran pa rin ng tawa. Alam kong basa ako ngunit hindi iyon dahil sa ulan kanina.

Mistulang isang magnet ang magaling niyang daliri dahil hindi ko na mapigilan ang sarili na mapasunod dito sa pag giling.

"Caleb...gusto kong...gusto kong..." Halos magdeliryo na ako at hindi na alam ang bagay na hinihiling.

"Alam ko. I know what you want...Ibibigay ko," indulhente niyang sabi. Batid ko ang paggalaw niya dahil bumalik ang labi niya sa aking panga.

Napahawak ako sa buhok niya. Hindi na ako siguro kung nakapikit ba ako o nakadilat dahil nasanay na ang mga mata ko sa dilim.

"This will hurt, Win," bulong niya sa tenga ko.

Naramdaman ko na nga ang isang matigas na bagay na parang tumutusok sa akin. Hindi ko maiwasang mapapikit nang mariin dahil sa hapdi na dulot nito.

Kaagad niyang hinalikan ang sentido ko habang marahang bumubulong ng mga salitang hindi ko na maintindihan dahil sa pagiging abala sa pagdaramdam sa hapdi.

Natagpuan niya ulit ang labi ko at ginawaran ako ng mararahang halik. Sinuklian ko ito pero natigilan din nang tuluyan nang maramdaman ang pagpasok niya. Napahiyaw ako sa sakit. Malaki siya. Ramdam ko iyon sa kabila ng kadiliman.

Huminto ulit siya. Batid ko sa tensiyon sa kanyang katawan ang matinding pagpipigil. Hinayaan niya akong makapag-adjust na muna. Inulanan niya ulit ako ng halik na nasuklian ko na. Nang gumalaw siya ay unti-unti ng napalitan ang hapdi ng kakaibang makamundong sensasyon. Nagawa ko ng salubungin ang bawat pagbaon niya.

Tanging malalakas na halinghing ko at mumunting ungol niya lang ang namayani sa buong cabin. Iisa na ang galaw ng aming katawan dahil sa kadiliman ay tuluyan na kaming naging isa.

"Did I hurt you?" tanong niya nang umusbong na ang bukang liwayway sa labas ng pader na salamin.

Nakahiga na ako sa dibdib niya habang niyayapos niya naman ako. Nakabalot na ang kumot sa aming mga katawan.

"H-hindi naman..."

Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko.

"F-first time...ko 'yon," sabi ko sa maliit na boses.

Dinig ko ang pagbuntonghininga niya. "Alam ko."

Nag-angat ako ng tingin at nakita ang pag-aabang ng namumungay niyang mga mata.

"Kuwentuhan mo ako tungkol sa asawa mo."

Mahina siyang napamura. Siguro ay napansin niyang seryoso akong naghihintay sa isasagot niya, naging pagsuko ang kanyang sunod na pagbuntonghininga.

"Why the need to talk about her after what we just did? Nagi-guilty ka ba, Winona?"

Malungkot ko siyang nginitian. "Alam ko kung ano ang pinasok ko, Caleb. Kaya alam ko na hindi na matatanggal ang guilt sa buhay ko."

Pumikit siya nang mariin at kumibot ang kanyang labi dahil sa ibinubulong na siguro ay mura na naman.

"Sige na. Kuwentuhan mo na ako tungkol sa kanya. Pa'no kayo nagkakilala?"

Mariin niya pa akong tinititigan ng ilang segundo.

"Ninong ko ang papa niya. The former Governor Teodoricio Albes. You see, my father was his loyal driver for twenty years...Hindi ako namulat sa magarbong buhay. Sakto lang..."

Prinoseso ko ang detalye sa parte ng buhay niyang 'yon.

"I remember I was in high school when I first step on their mansion. I was automatically amazed...Inutusan ako ng Papa ko na ihatid doon ang naiwan niyang uniporme. Nagkausap muna kami ni Gov. He then introduced me to his daughter, si Fatima. That was the first time we officially met. She's a year younger than I."

Habang nagkukwento siya ay ni minsan hindi siya bumitiw sa pagtitig sa akin.

"Eventually, the Governor sent me to law school...Ganoon din ang ginawa niya kay Fatima. Since I was a year ahead of her, I helped her out..."

"And eventually...you fell in love," sabad ko.

Mabilis ang ginawa niyang pag-iling. "No.No...You see, pakiramdam ko naging planado na ang buong buhay ko. Simula noong nag-college ako...nag law school...Lahat ng iyon dahil kay Governor. I felt like I owed him a lot. Kaya noong nireto niya ako kay Fatima, and then he told me to marry her....I agreed. Wala naman akong naging girlfriend no'n. Just...flings. I was too busy with school."

Nagbaba ako ng tingin at itinuon ito sa kamay na nasa dibdib niya.

"Baka...destiny talaga kayo sa isa't-isa." Pinilit ko mang gawing magaang ang boses ko'y nabahiran pa rin ito ng pait.

Marahan niyang hinawakan ang baba ko para maingat ang tingin sa kanya. May lihim na ngiti sa kanyang labi at nanatili ang pamumungay ng kanyang mata.

"I didn't choose her, Winona. But I chose you...And I am choosing you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top