Chapter 5
Chapter 5
Rescue
Nanigas ako sa kinatatayuan. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi naman ako pwedeng magpanggap na hindi siya napansin dahil alam kong batid niya na alam kong nariyan siya. Ibubuka ko na sana ang bibig ngunit naunahan niya ako dahil sa pagtikhim niya.
"How are you?" nakangiting tanong niya sa baritonong boses. Umusog siya nang kaunti at tuluyan na nga siyang nakatayo sa tabi ko.
"Okay lang po, Gov," matipid na tugon ko ngunit napagtanto na para naman akong bastos kaya ay dinugtungan ko na, "K-kayo po? How are....you?"
Napansin ko ang lihim na ngiti sa kanyang mga labi samantalang ang mga mata niya naman ay may kakaibang kislap.
"I'm good. Never been better."
"Ah." Tumango-tango lang ako at hindi na alam ang sasabihin. Nagdasal ako na sana ay umalis na siya at nang hindi na ako makaramdam pa ng kaasiwaan. Ngunit nadismaya ako kaagad nang mapagtanto na wala yata siyang balak na umalis.
"Is she the last one?" aniya sabay sulyap kay Isabelle na hindi pa rin tapos.
"Opo," sagot ko na ibinaling na rin ang atensiyon kay Isabelle.
Muli kaming binalot ng katahimikan maliban na lamang sa nagsasalitang si Isabelle sa harapan. Pumikit ako nang mariin at napakagat sa ibabang labi. Naisip ko na baka kaya ako asiwa sa kanya ay dahil hindi pa talaga ako nakahingi ng paumanhin sa nangyaring pang-aakusa sa kanya. Lumunok ako at marahan siyang hinarap. Pansin ko ang pagiging alerto ng mga bodyguards niyang nakatayo sa malapit na para bang anumang oras ay ipapahamak ko ang boss nila.
"Gusto ko lang po sanang humingi ng paumanhin sa nangyaring eskandalo noon. Alam ko po na hindi tama iyong nagawa ko at nakakahiya naman talaga... "
"What you did was the right thing." agap niya.
Napakurap ako ng ilang beses. "P-po?"
"Tama lang iyong ginawa mo, Winona. Kailangan mo rin namang protektahan ang sarili mo."
Wala sa isip kong pinalandas ang dila sa ibabang labi dahil sa kaba. Napuna ko na nakuha nito ang atensiyon niya dahil nagbaba siya ng tingin sa aking mga labi.
"Pero nagkamali po kasi ako dahil hindi naman po kayo. . . "
Pagod siyang bumuntonghininga at muling nag-angat ng tingin sa aking mga mata.
"Paano kung hindi ako iyon at masamang tao talaga? You were only defending yourself. It was only right. Hanggang ngayon ba ipinag-aalala mo pa rin iyong ginawa mo?"
Hindi na ako nakasagot at nag-iwas na lang ng tingin.
"Kung nagi-guilty ka dapat mas ma-guilty pala ako," bigla niyang sinabi.
Mabilis akong napatingin sa kanya. "Bakit naman po? Wala naman po kayong ginawang kasalanan."
"It was me who hid in the dark in the first place. Kung hindi ko na sana ginawa 'yon, hindi mo na sana ako napagkamalan na . . . manyak."
Uminit ang pisngi ko sa huling salita na sinabi niya. Naningkit naman ang mga mata niya at kumurba paitaas ang sulok ng kanyang labi.
"You're blushing," patuya niyang sabi.
Napasinghap ako at agarang napadampi sa magkabilang pisngi.
"Hindi kaya!"
Pilyo siyang ngumisi. Sa malapitan ay napansin ko ang dimple na lumantad sa kaliwang pisngi niya. Hindi maipagkakaila na tama nga ang sinabi ng iba pang kandidatang 'pogi' siya.
Tumikhim ako at inayos ang sarili. Ibinaling ko ang tingin sa mukhang patapos na yatang si Isabelle.
"To ease your guilt, I have a proposition for you then," si Governor.
Muli ko siyang tiningnan. "Ano po ang ibig niyong sabihin?"
"Hayaan mo akong ihatid kita sa inyo pauwi mamaya. And after that let's call it quits so that you can forget about what happened."
Awang ang labi ay tinitigan ko pa siya ng ilang segundo. Hindi na ako sigurado kung isang gobernador pa ba ang kaharap ko.
"Nakakahiya naman po sa inyo, Gov! Hindi na po pala ako guilty. Huwag niyo na po akong ihatid!" natatarantang agap ko.
"I'm afraid this time I won't take no for an answer." Ngumiti man siya ay hindi nawala ang determinasyon sa mga mata niya.
Nagmumukha na siguro akong isda dahil sa paulit-ulit na pagbuka-sara ng bibig ko. Hindi ko na alam ang sasabihin sa kanya.
"Lunch na muna tayo, everyone!"
Magkasabay kaming napalinga sa pinanggalingan ng tawag. Napatingin kami kay Miss Tess na siya pa lang nagyaya para sa pananghalian. Nilapitan na rin kami ni Mayor. Ngumiti siya sa akin at tinapik niya naman sa balikat si Governor.
"Come on now, hijo. Lunch is served," sambit ni Mayor.
Nakita ko rin ang pagkaway ni Yasmin sa akin at napansin ang paniningkit ng mga mata niya habang mariing nakatitig kina Mayor at Gov. Mabilis akong bumaling sa dalawang politiko at nagpaalam.
"Magkakilala pala kayo ni Mayor at Gov?" bulong sa akin ni Yasmin nang makalapit na ako sa kinatatayuan niya.
"Uh . . . H-hindi naman. May itinanong lang."
Tumango lang siya at ngumiti. Nilapitan na namin ang cottage kung saan nakalapag ang mga pagkain. Tahimik lang ako habang kumakain samantalang ang iba naman ay nakikipagkuwentuhan. Sa may 'di kalayuang isa pang cottage ay kumakain din sina Mayor at Governor kasama si Miss Tess. Dalawa pa lang ang cottage sa isla kaya talaga namang siksikan kami sa loob.
Pagkatapos naming kumain ay may pa-series of pictorial pa kasama si Mayor. Humilera na kami sa gilid ng dalampasigan at pinagitnaan si Mayor Cariño at kinuhanan ng unang shots. Kahit na alam kong nanonood sa amin si Governor ay iniwasan ko pa ring dumapo ang tingin sa kanya. Matamis akong ngumiti at itinutok ang tingin sa camera na nasa harap.
Sunod namang kinuhanan ay kasama na ang iba pang staffs. Kinulit din ni Mayor si Gov para sumama na kaya wala na rin siyang nagawa kundi ang magpatianod at tumabi kay Mayor.
Alas tres y medya na at patapos na kami sa picture taking nang bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan. Para kaming mga langgam na nagsitakbuhan papunta sa cottages upang sumilong. Halos isang oras din ang itinagal ng pag-ulan. Napasulyap ako sa suot na relos nang tumila na ito. Nakita ko na alas kuwatro y medya na pala.
Hindi na kami nagtagal pa sa isla at baka maabutan pa ng dilim habang bumibiyahe. Muli na kaming sumakay sa bangka. Hindi namin kasama sina Mayor, Gov, at ang mga tauhan nito dahil may dala silang pribadong bangka. Habang nakaupo na ay binuksan ko ang backpack na nakakandong lang sa hita ko. Kinuha ko mula rito ang kulay itim na jacket dahil sa nararamdamang lamig ng simoy ng hangin. Ganoon din ang ginawa ng iba pa.
Matapos ang mahigit isang oras na biyahe ay dumaong na rin ang bangka sa pier. Bumaba na kami at kaagad kong napansin na may mga sasakyan na naghihintay doon. Nang may sumalubong kay Isabelle na isang lalaking matanda ay doon ko na napagtanto na mga sundo na pala nila ito. Pansin ko na hindi pa rin nakaalis sina Mayor at Gov dahil kausap pa rin nila ang ibang staff. May magagarang sasakyan na rin na naghihintay sa kanila. Biglang sumagi ulit sa isipan ko ang sinabi ni Governor na ihahatid niya ako. Hindi naman siguro siya seryoso noong sinabi niya 'yon? Napailing na lang ako sa sarili.
Kinuha ko ang cellphone upang i-text sana si Raffa para masundo ako dahil pansin kong wala ng mga tricycle na namamasada dahil sa sama ng panahon. Nahinto ako sa pagtipa nang marinig ang pagtawag ni Miss Tess sa akin dahilan upang mapalingon ako sa kanya.
"Winona, wala ka bang sundo? Sumabay ka na sa akin!" Pinagbuksan siya ng pinto ng kotse ng isang lalaki na siguro ay asawa niya.
"Hindi na kailangan, Tess. Ako na ang bahala kay Winona," biglang sabad ni Mayor. Tapos na silang mag-usap ng ibang staff at mukhang nakaalis na rin ang mga ito. Hindi ko na rin nakita pa si Governor.
May pagtataka man sa mukha ng head of tourism ng aming lungsod ay hindi naman siya umalma pa. Tinanguan niya si Mayor at pumasok na sa kanyang sasakyan. Ilang sandali pa ay humarurot na rin ito paalis.
Iminuwestra ni Mayor ang isang BMW na sasakyan. Sinenyasan niya ang bodyguard na nakatayo sa gilid lang nito. Kaagad namang nakuha ng bodyguard ang utos ni Mayor at binuksan ito. Tiningnan nila akong pareho at hinintay. Nahihiya man ay pumayag na lang ako sa gusto ni Mayor at humakbang na papalapit sa sasakyan. Pumasok na ako sa loob nito at nilinga ang bodyguard na nagbukas.
"Salamat po," nakangiting sabi ko sa kanya.
Bahagya lang siyang tumango at isinara na ulit ang pinto. Huminga ako ng malalim at mistulang niyapos ang dalang backpack.
"I told you I'd give you a ride home," biglang sabi ng boses sa gilid ko.
Parang biglang nahulog ang puso ko nang makitang si Governor ito na nakaupo sa tabi ko. Napalunok ako at natameme.
Umangat ang sulok ng labi niya. "What's your address, Winona?"
Hindi ko alam kung paano ko naibigay sa kanya ang address ko. Mistulan kasi akong wala sa sarili habang sinasabi ito sa kanya.
"May ibibigay pala ako sa'yo," aniya habang kinukuha ang paper bag na nasa gilid niya. Iniabot niya ito sa akin at tinanggap ko naman.
"Ano po ba 'to?"
"Buksan mo."
Sinunod ko ang utos niya at tinanggal ang naka-staple sa bukana ng paper bag. Dinukot ko ang laman nito at inangat ang isang bagay. Tinitigan ko ito nang maigi.
"B-baygon?" pinaghalong naguguluhan at manghang tanong ko na nakatingin na sa kanya.
Ngumisi siya at may nakakubling tawa ang kanyang mga mata. "Pinalitan ko 'yong ibinato mo sa'kin. Use it as a protection against . . . manyak."
Uminit ang pisngi ko at alam kong nangungulay kamatis na ito. Awkward ako na tumikhim at mabilisang ibinalik sa loob ng paper bag ang Baygon spray. Inilapag ko ito sa espasyo na nasa gitna naming dalawa.
Hindi na ako umimik pa at ibinaling na lang ang tingin sa kalsada. Kahit na alam kong nakatingin siya sa akin ay hindi pa rin ako lumingon. Makalipas ang ilang minuto ay narinig ko lang ang pagbuntonghininga niya na para bang may malaking ipinoproblema.
Mahigit kumulang bente minutos ang ibiyenahe namin. Medyo malayo ang bayan namin sa kanila kaya hindi ko maunawaan kung bakit niya pa ako ihahatid. Pwera na lang kung kina Mayor pa rin siya uuwi eh tapos na naman ang pista. Nang makitang malapit na kami sa eskinita papunta sa amin ay ipinahinto ko na ang sasakyan.
"Are you sure? It's kinda dark. Idederetso ka na lamg namin sa bahay niyo mismo," pahayag ni Gov.
Tinanggal ko na ang suot na seatbelt. "Hindi na po. Malapit lang naman ang bahay namin dito. Pwede lang na lakarin." Sa wakas ay natanggal ko na rin ang seatbelt. Tiningnan ko siya at nginitian, "Maraming salamat po sa paghatid, Governor. Hindi na po kayo kailangan pang ma-guilty dahil quits na po tayo."
Kahit nakita ko man ang pagtutol sa hitchura niya ay lumabas na ako ng sasakyan bitbit ang bag ko. Ako na mismo ang nagbukas ng pinto nito. Kinawayan ko muna siya bago isinarang muli ang sasakyan. Panatag ako na hindi na magkukrus ang aming landas at wala na kaming magiging ugnayan pa.
Mabilis akong naglakad papasok sa eskinita. May mga ilaw pa naman sa kalsada at may mga tao pa rin na nagkukwentuhan sa labas ng kanilang mga bahay. Mayroon pa ngang nagtitinda ng barbeque sa gilid. Kahit na medyo malayo ang bahay namin taliwas sa sinabi ko kay Governor, kampante naman ako na walang masamang loob dahil mababait ang mga tao.
Alam kong masama ang magsinungaling pero nagsinungaling pa rin ako kay Gov. Ayaw ko naman na pagpiyestahan siya lalo na at kapansin-pansin naman talaga ang magara niyang sasakyan. At higit sa lahat, ayaw kong makita ni Tiyang dahil alam kong mas lalo niya lang akong huhusgahan.
Paglaon ng halos sampong minutong lakaran ay nakarating na rin ako sa tapat ng bahay. Binuksan ko na ang pinto ng gate at pumasok sa loob. Kinuha ko ang susi mula sa bag at binuksan ang pinto. Medyo nagtaka pa ako dahil nakapatay ang ilaw. Pinindot ko ang switch na nasa gilid lang ng bintana para magkaroon ng liwanag. Sinulyapan ko ang relo at nakitang alas otso na ng gabi. Marahil ay nasa simbahan pa si Tiyang. Ewan ko na lang kay Tiyong, baka naman nag-inuman pa sa labas.
Pumasok na ako sa kuwarto at pagod na inilapag ang bag sa kama. Ni hindi ko pa napipindot ang switch ng ilaw. Hinubad ko ang jacket na suot dahil naiinitan na ako. Kinukumbinsi na ako ng katawan kong matulog kaya napagpasyahan ko na huhubarin na ang suot na bra. Nahawakan ko na ang strap nito nang may nahagip ang mata ko sa bandang sulok sa kabila ng kadiliman. Nanigas ako sa kinauupuan. Walang ano-ano'y mabilis akong tumayo upang pindutin na ang switch ng ilaw. Nahindik ako nang kasabay ng pagtayo ko ay ang tuluyang paggalaw ng nasa gilid.
Dahil sa liwanag ay tuluyan ko nang nakita ang tiyuhin ko na hawak-hawak na ang kutsilyo na matagal ng nakatago sa ilalim ng unan ko.
"Shh. Huwag kang sisigaw kung hindi babalatan ko 'yang pagmumukha mo," pagbabanta niya sa akin. Lumapit siya sa pintuan upang maharangan ito.
Mas nahindik ako dahil hindi ko naamoy ang alak sa kanya. "H-hindi p-po kayo lasing . . . "
Nakapangingilabot ang ngisi niya. "Siyempre. Para mas maramdaman kita."
Natatakot man ay mas pinatatag ko ang loob ko. Itinuon ko ang pansin sa kutsilyo na hawak-hawak niya. Pansin ko na humigpit ang pagkakahawak niya rito. Matalim ito, alam na alam ko. Inangat niya ito sa ere.
"Hubad na," matigas na utos niya habang hinagod ako nang mapagnasang tingin mula ulo hanggang paa.
"T-tiyong . . . h-huwag po . . ." Pilit ko mang pinatatag ang boses sa huli ay nabasag pa rin ito.
"Hubad na! Alam kong marami na rin ang nakatikim sa'yo tapos mag-iinarte ka pa!" Dumura siya sa sahig.
"Isusumbong kita kay Tiyang!" sabi ko. Ngunit alam kong kulang ito ng pananalig. Dahil pareho naming alam na wala talaga akong aasahan sa sariling tiyahin.
Mala-demonyo siyang humalakhak. Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para sumigaw nang malakas.
"Tulong! Tulungan niyo ako!!"
Sunud-sunod na mura ang pinakawalan niya at sinugod ako. Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang isang kamay habang ang kutsilyo naman na hawak niya sa kabilang kamay ay dumiin sa leeg ko.
"Punyeta ka talaga kahit kailan eh!" matalim niyang sinabi.
Halos hindi na ako makahinga dahil sa higpit ng pagtakip niya. Batid ko man na wala nang makakarinig pa sa akin ay nagpatuloy ako sa pagsigaw hanggang sa tuluyan na nga akong mawalan ng boses. Malakas si Tiyong. Matangkad din siyang tao at may malaking katawan. Wala akong kalaban-laban sa kanya. Mula sa pagpupumiglas ay unti-unti akong nanghina.
Ang buong akala ko ay tuluyan na nga akong mawawalan ng malay. Ngunit naging alerto ulit ako nang marinig ko ang marahas na pagpunit niya sa manggas ng suot kong off shoulder white dress. Nabuhayan ulit ako at buong lakas na inapakan ang paa niya. Napaimpit siya sa sakit at naging maluwag ang kanina'y mahigpit na pagkakahawak niya sa akin. Kinuha ko itong oportunidad upang makawala sa kanya.
Matindi ang panginginig ng kamay ko habang iniikot ang doorknob. Mabilis at natataranta ko itong binuksan. Dinig ko ang malulutong na mura ni Tiyong sa likod. Tumakbo na ako papalabas. Dere-deretso ko itong ginawa hanggang sa tuluyan na nga akong makalabas ng bahay. Makalabas sa impiyerno.
Nanghihina man ay ipinagpatuloy ko ang pagtakbo hanggang sa makalabas na ako ng gate. Tila nagdidilim ang paningin ko nang makitang may kaunting dugo ng dumadaloy mula sa leeg ko. Pagaray-garay na ako sa daan. Nanindig ang balahibo ko sa takot nang nabunggo ako sa matigas na katawan ng isang lalaki.
Si Tiyong? Ni hindi ko na magawang mag-angat ng tingin dahil sa panghihinang naramdaman. Sa natitirang lakas ay ikinuyom ko ang kanina pang nanginginig na mga kamay at sunod-sunod na sinuntok ang dibdib ng lalaki na sa mga oras na iyon ay walang iba sa isip ko kundi si Tiyong.
Sa pangatlong suntok ay mariin na hinawakan ng lalaki ang palapulsuhan ko upang matigil na ako. Doon na ako huminto dahil hindi ito kamay ni Tiyong. Unti-unti akong nag-angat ng tingin. Tumambad sa akin ang pinaghalong matinding pag-aalala, galit, at siguro ay hinagpis na bumalatay sa mukha ni Governor Caleb Del Fuego.
'"What the hell happened to you?" tanong niya sa matigas at mapaghimagsik na boses.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top