Chapter 40


Final Chapter

Chapter 40

White

"You know, I can always turn the car around and you can just hang out with me and Dil tonight," pangatlong beses na pangungumbinsi ni Caleb habang inihihinto na ang sasakyan sa tapat ng bar.

"I can't do that. Ayaw ko namang mainsulto ang bestfriend ko dahil may usapan kami. Tuturuan lang naman ako ni Raffa na uminom at magpakasaya sa nalalabing pagiging single. Alam mo na... bago ako maitali sa'yo."

Bumuga siya ng hangin at muling pinasadahan ng tingin ang bar.

"You don't have to worry, Caleb," pagpapanatag ko sa loob niya. "Na-check mo na naman ang bar 'di ba? Plus, some of your men are also inside as additional security."

"Fine. Just...enjoy."

Napatingin ako sa anak namin na nasa tabi niya sa may frontseat. Mangha nitong pinagmamasdan ang kabuuan ng bar.

"Why are the lights being turned on and off, Nanay? And why's the music so loud?" nagtatakang tanong niya sabay sulyap sa akin.

Sinipat ko muna ng tingin si Caleb bago tinugunan ang anak.

"Uh... It's a party place, baby." Binalingan ko na ang ama niya. "I need to go. Sasabay na ako kay Raffa pag-uwi. Are you and Dil going to be okay?"

Ngumisi si Caleb at ginulo ang buhok ng aming anak.

"Yep. We're going to have our own boys' night out. Just me, Dil, and some video games."

Matagal ko munang pinagmasdan si Caleb. Ako na mismo ang nanghihinayang dahil sa pagtanggi niya sa alok ng mga kaibigan para bigyan siya ng stag party.

"Pwede mo namang tawagan ang mga kaibigan mo at sabihing ituloy na lang ang party," luhog ko.

"I don't need it. And besides, I'm sure the guys are going to use it as an excuse to hire some strippers. It'll just make my head ache."

"Alright. Pero paano kung may...hot male stripper din na ni-hire si Raffa...para sa akin o 'di kaya ay sasabay sa amin na makipag-inuman, " pang-uuyam ko. Gusto lang na manudyo sa kanya.

Kampanteng umangat ang sulok ng kanyang labi at may kakaibang ningning sa kanyang mga mata.

"That will never happen. I aready made sure of it," puno ng kumpiyansa niyang sabi. "Just drink. Have fun. No hanky panky. Our son and I will wait for you at home."

"Fine." Parang bata akong nanlabi. Marahan niya naman itong dinampian ng mababaw na halik.

"Bye, Nanay! Take care!" si Dillon.

Mabilisan ko siyang hinalikan sa pisngi at pagkatapos ay lumabas na ng sasakyan. Inayos ko ang suot na short black dress. Muntik na akong hindi payagan ni Caleb na suotin pa ito. Matapos kawayan ang mag-ama ay pumasok na ako sa loob ng bar.

Halos sumakit ang mata ko dahil sa makukulay na neon lights sa loob nito. Kasabay ng tugtog ng slow music ay ang pagpatay sindi rin ng mga ilaw.

Napasinghap ako nang maramdaman ang paghawak ng isang kamay sa aking braso. Madali akong lumingon at nakita ang matalik na kaibigan na napakalaki ng ngisi.

"Finally! Dumating ka na rin, day. Akala ko pa naman itinago ka na ni Senator!" tili niya. Ipinilitik niya ang mga daliri at kaagad na may lumapit sa aming isang matipunong lalaki na halatang staff ng bar dahil sa suot nitong maitim na printed tshirt.

Nagbaba ako ng tingin at nakita ang hawak nitong kulay pulang panyo.

"Lagyan mo na siya ng blindfold, beh," utos ni Raffa sa lalaki.

"Huh? B-Bakit pa ako pipiringan eh, iinom lang naman tayo!" pag-alma ko.

"Basta, day. Sumunod ka na lang. Don't worry, hindi naman ito hazing."

Nagkamot ako sa batok at sumang-ayon na lang sa gusto ng kaibigan. Piniringan ako ng lalaking staff gamit ang pulang panyo. Purong kadiliman na ang sumakop sa akin. Naramdaman ko ang pag-alalay ni Raffa habang iginigiya niya ako sa paghakbang. Kung saan niya man ako dadalhin at kung ano man ang balak niya ay nagpaubaya na ako.

Ilang hakbang pa ang ginawa ko bago narinig ang paglangitngit ng tila ba binubuksang pinto. Marahas kong nahila ang dulong bahagi ng tshirt na suot ni Raffa nang marinig ang pagsara nito. Hindi man nakikita ang paligid, nakasisiguro naman akong nasa loob kami ng isang silid. Binalot kami ng katahimikan. Wala na akong tugtog na naririnig.

"Nasaan ba tayo?" namalat ang boses ko. Nakikisabay sa nakabibinging katahimikan. Parang isang akong nangapa sa paligid.

Sa halip na sagutin ay marahang kinuha ni Raffa ang nakapiring sa mga mata ko. Unti-unti akong dumilat at doon na tumambad sa akin ang pamilyar na mga mukha.

"Surprise!" tili ng mga taong naging kaibigan ko na.

Bagsak ang panga at sa nanlalaki na mga mata ay iginala ko ang tingin. Maliwanag sa loob at hindi tulad sa ilaw sa labas na patay-sindi. Nakita ko sina Kim at Jane. Ang mga kasamahan ko noon sa nursing home sa Canada na sina Nurse Min at Shiela. Mas lalo pa akong nagulat nang makita ang mga naging kasamahan ko sa pinakaunang naging trabaho sa café na sina Ate Jelay at Lyn. Hindi ko nakita si Ma'am Caitlyn. Pati si Yasmin na nakapalagayan ko na ng loob noon sa pageant ay kasama rin.

"Ano ba ang meron?" sambit ko sabay lingon kay Raffa.

"Pa-bridal shower naman 'to sa'yo, day!" masigla niyang anunsiyo.

Muli kong binalingan ang iba pang mga kaibigan habang nakaawang ang labi dahil hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari.

Isa-isa nila akong nilapitan at binati. Niyakap ako nang mahigpit ni Ate Jelay na maluha-luha na ang mga mata. Halos kalahating oras din ang naging batian at kumustahan namin habang nag-iinuman. Tila ba hindi kami nauubusan ng alcoholic drinks.

Nasa kalagitnaan kami ng maingay na tawanan nang bigla na lamang madramang tumayo si Raffa na may hawak pang isang shot ng inumin sa kabilang kamay.

"Okay! It's time for the most awaited second yummy surprise!" Pagaray-garay siyang naglakad malapit sa may pintuan dahil malakas na ang tama sa ininom na alak.

Kinatok niya ang pinto ng dalawang beses at saka binuksan. Pumasok ang isang mascot na malaking hotdog. Sabay na napasinghap ang lahat nang wala man lang abiso ay namatay ang ilaw. Natahimik ang lahat habang naghihintay sa susunod na mangyayari.

May lumabas na nag-iisang liwanag na tumama sa isang matipunong katawan ng lalaki. Tanging boxers briefs lang ang saplot nito. Umawang ang labi ko at doon na napagtanto na ang mascot ito kanina na isang  macho dancer pala.

Sinabayan ito ng isang marahang tunog ng instrumental na sensual. Kasabay ng unti-unti nitong paglakas ay ang pagsisimula ng blinking neon lights. Nagsimula na rin ang lalaki sa pag-indayog sa musika.

Tumili si Raffa na nasa tabi ko at tinampal ako sa braso.

"Wah! Mabuti na lang talaga at naipuslit ko siya. Ayaw kasi ng future husband mo at sobrang istrikto. Huwag mong sasabihin kay Senator, huh!"

"Diyos ko," bulong ko sa sarili at nanginginig ang kamay na kinuha ang inumin na nakalapag sa mesa. Isang lagokan lang ang ginawa ko at muli na namang napasulyap sa lalaking gumigiling na sa harapan.

"Bride! Bride! Bride!" Nagsimulang mag-chant ang mga kaibigan ko na lango na rin sa alak. May tunog man ay namayani pa rin ang pag-iingay nila sa buong kuwarto.

Nanigas ako sa kinauupuan nang maramdaman ang isang bagay na nakapatong sa ulo ko. Sinuotan nila ako ng belong pang kasal. Wala sa sarili akong malakas na napahiyaw dahil nakikitang gumiling na naglalakad ang macho dancer papunta sa kinauupuan ko.

May narinig akong malakas na sipol at hiyawan ng mga lasing ko ng kasama nang huminto ang lalaki sa mismong harapan ko. Hindi man siguro sinasadya ay para bang ibinabalandra niya ang napakaklarong umbok sa gitna ng kanyang mga hita. Uminit ang pisngi ko.

"Sayawan mo na dahil kukunin na 'yan ni Senator!" Dinig kong hiyaw ni Kim sa bandang likuran.

Sinunod ng macho dancer ang suhestiyon na iyon at mas lalo pang inilapit ang sarili sa akin. Tila ba naglalangis ang matipunong katawan nito. Ipinaling ko ang tingin sa ibang deriksiyon dahil sa kaasiwaang nararamdaman.

Inabutan ako ng shot ng nakangising si Raffa.

"Lagokin mo 'to, day para mawala ang hiya mo!" Mabilis akong umiling. Sapilitan niyang inilagay sa kamay ko ang maliit na baso. "Sige na at hindi mo na mararansan 'to kapag kasal ka na!"

Bigla akong napasinok nang maramdaman ang mainit at magaspang na kamay ng lalaki sa braso ko. Napapikit ako ng mariin dahil iginigiya niya ang kamay ko sa bandang dibdib niya.

Lumakas ang tilian ng lahat. Nanatili akong nakapikit at hinigpitan ang pagkakahawak sa maliit na baso. Sa hindi magpirming kamay dahil sa panginginig ay nilagok ko ang laman nito.

Parang nilalagari ang ulo ko dahil sa sakit nang magising kinabukasan. Nanatili muna ako sa malambot na kama at nagbabakasakaling maibsan ang sakit nito. Nang walang nangyari ay napaungol ako at mabilis na bumangon. Wala akong maalala sa nangyari kagabi. Ang huling naaalala ko lang ay ang pagsakay namin ni Raffa sa taxi pauwi. Napahilamos ako sa mukha at pagkatapos ay unti-unting dumilat na.

Bumulaga sa paningin ko ang mag-ama na magkatabing nakatayo sa harapan ng kama ko. Parehong nakakrus ang kanilang braso sa harapan habang pinagmamasdan ako gamit ang matigas na tingin. Sa kanilang hitsura na presko tingnan ay nahinuha kong tapos na silang maligo.

Tumikhim ako at idinaan sa ngiti para mawala ang kaba na biglang naramdaman dahil sa paraan ng pagtitig nila.

"G-Good m-morning..." bati ko sa dalawa.

Sabay silang marahang nailing at sinabayan pa ng pagpilitik ng kanilang dila na tila ba dismayado sa naging asal ko. Nag-iwas ako ng tingin at idinapo ito sa maliit na cabinet sa gilid ng kama.

May nakita akong nakapatong na isang tasa at baso. May tableta rin.

"P-Para sa akin ba 'yan?" baling ko sa dalawa. Kabado pa rin sa pagiging tahimik nila.

"You were so drunk last night, Nanay. Tatay and I had to carry you towards the bed," dismayadong sabi ni Dil.

"S-sorry naman," mas lalong pumaos ang boses ko.

Bumuntonghininga si Caleb at nilapitan na ang cabinet. Kinuha niya ang tableta at binuksan ito. Iniabot niya ito sa akin pati na rin ang baso ng tubig.

"Drink this. Para mawala na 'yang sakit ng ulo mo dahil sa hang over. I made you coffee too."

Tumango ako na parang kuting at tinanggap na ito. Dahan-dahan akong uminom habang pinagmamasdan ang kanyang suot na white inner longsleeve and black pants.

"May lakad ka?" tanong ko sabay baba ng baso.

"I have an emergency conference today. Ihahatid ko muna kayo sa bahay ng nanay mo bago ako tumulak. Or do you wanna stay in our house today?"

"Sa bahay na lang ni Nanay. May kailangan din kasi kaming gawin doon kasama ang mga organizers para sa finishing touches ng kasal."

"Alright. Bring your coffee downstairs. I already prepared breakfast."

Inihatid kami ni Caleb sa bahay. Naghihintay na rin pala sa akin dito ang dalawang wedding organizers namin. Tatlong oras din ang nangyaring pag-uusap. Wala ng idinagdag na detalye ng kasal at talaga namang nakahanda na ang lahat.

Gabi na nang makauwi si Caleb. Matapos ang hapunan ay nagpunta kami ng balkonahe dahil may sasabihin daw siya sa akin. Magkatabi kaming nakatayo habang tinitingala ang malaking buwan sa mapayapang gabi.

"I have to go to Maguindanao tomorrow," sabi niya.

"Bakit biglaan naman yata?"

Naghilot siya sa sentido. Kanina ko pa napapansin na pagod siya ngayong araw.

"We received an intelligence report. May sumabog daw na bomba malapit sa kampo ng mga sundalo. We haven't confirmed yet if it's intentional or what," aniya sa mahinang boses.

"Bakit kailangan mo pang pumunta do'n? Hindi ba delikado?" pag-aalala ko.

Napatingin siya sa paligid. Na para bang sinusuri kung may makakarinig sa susunod na sasabihin.

"We...we also lost two soldiers, Win," bulong niya. "The latest report in my office says that they haven't found the bodies yet. The captain suspects that the two soldiers are being held hostage by the people who may be responsible for the bombings."

Napatakip ako sa bibig dahil sa sindak at pagkabigla. Maingat akong tinitigan ni Caleb.

"This is a top secret. Iniiwasan namin na makarating 'to sa medya habang kinokompirma pa. I have to be there. My men need me."

"Alam ko... Kaya lang natatakot pa rin ako."

Banayad niyang hinaplos ang aking braso. Niyakap niya ako at hinagkan sa bandang noo.

"Alam kong tatlong araw nalang kasal na natin. But, " malalim siyang huminga, "I can't just turn my back on these people who are willing to sacrifice their lives for this country. Babalik din ako isang araw bago ang kasal. Pangako ko 'yan sa'yo."

Tumango ako at inilingkis ang braso sa kanyang baywang.

"Dito ka nalang matulog," sabi ko, mahigpit pa rin ang yakap sa kanya.

"Pagagalitan tayo ng Nanay mo." Mahina siyang natawa. "Ayaw kong ma-bad shot sa magiging future mother in law ko. Tatlong gabi nalang din naman ang hihintayin natin."

"Tatlong gabi pa," pagtatama ko at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya.

Nagising ako kinaumagahan dahil sa sunod-sunod na naririnig na katok mula sa pintuan. Napasulyap ako sa oras at nakitang alas kuwatro pa ng madaling araw.  Kumunot ang noo ko sa pagtataka at bumangon para daluhan ang kumakatok.

Nang mabuksan ang pinto ay nakita ko si Nanay na nakasuot pa ng pantulog.

"May naghihintay sa'yo sa labas. Security personnel ni Caleb," seryoso niyang sabi.

Ginapangan ako ng kaba at walang anu-ano ay mabilis na lumabas at bumaba na ng hagdanan. Hindi ko na inisip na nakaternong suot na panjamang pantulog lang din ako.

"Anong nangyari kay Caleb?!" deretsong tanong ko nang makababa na at nasa harap na ng kanyang bodyguard na nagulat nang makita ako.

"Okay lang po si Senator, Ma'am. Ipinapasundo niya lang po kayo sa akin. Ngayon kasi ang alis niya."

Nakahinga ako nang maluwag dahil sa kanyang sinabi.

"Sige! Sasama ako."

Lumabas na kami at papasok na sana ng kotse nang tawagin ni Nanay. Iniabot niya sa akin ang jacket na ibinigay sa akin ni Caleb. Sinuot ko ito at nagpaalam na.

Mabilis kaming nakarating sa matayog na gusali na tinutukoy ng bodyguard. Pumasok kami sa loob at sumakay na ng elevator. Hindi ako nagsalita habang hinihintay na makarating sa rooftop dahil sa lalim ng iniisip.

Huminto na ang elevator sa pinakataas. Lumabas kami mula rito at naglakad nalang paakyat sa rooftop kung saan daw naghihintay si Caleb.

Unang tumambad sa paningin ko ang isang helicopter na nakatuntong rito. Agaran kong iginala ang tingin at mabilis na nakita si Caleb na nakatayo habang nakatanaw sa naglalakihang mga gusali sa ibaba. Ngunit mas nagtaka ako nang makita kung sino ang nakatayo sa tabi niya.

Humakbang ako patungo sa kinatatayuan nilang dalawa ni Theo. Sabay silang napalingon sa akin.

"Ano ba ang nangyayari?" bungad ko nang mahinto na sa harap ng dalawa.

Nag-iwas ng tingin ang nakapamulsang si Theo. Marahang hinawakan naman ni Caleb ang braso ko upang mapalapit ako sa kanya.

"I...I want you to promise me something," si Caleb.

"Ano ba 'to? Bakit nandito si Theo? Ano ba ang nangyayari, Caleb?" Medyo lumakas na ang boses ko.

Napalunok siya. Nang sulyapan ko naman si Theo ay hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Nanatiling nakatiim bagang.

"The two soldiers are confirmed to be held hostage,"salaysay ni Caleb na hindi na rin makatingin sa mga mata ko. "It was confirmed to be a terrorists attack. I can't be sure with my safety—"

Kinalas ko ang braso na hawak niya. Nanlabo ang paningin ko.

"Hindi kita maintindihan!" sigaw ko kahit na unti-unti na namang nagiging klaro ang pangamba.

"I asked Theo to stand as my proxy... If... If I can't come to our wedding day," namamaos na bulong niya.

Para akong binuhusan ng isang baldeng tubig na may kasamang yelo. Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan sa mukha.

"I...Ipinamimigay mo ba ako sa kanya?" anas ko.

May dumaang sakit sa kanyang mga mata.

"I-postpone nalang natin 'tong kasal at hintayin na makabalik ka. Pwede naman 'di ba? Pag balik mo na lang..." desperadang dagdag ko.

"It's just a precaution, Win," maligalig ang boses niya. "Kung 'di man ako makakauwi nang ligtas... at least alam ko na...na nasa tamang tao ka pa rin."

Isa-isa ng bumagsak ang mga luha ko.

"Nababaliw ka na ba?!" bulalas ko. "Naririnig mo ba ang sarili mo, Caleb?!"

"Winona," si Theo sa kauna-unahang pagkakataon. Nahinto ako at napatingin sa kanya. Malungkot siyang ngumiti at nagpatuloy. "Just agree for now so you can send him off peacefully. He will be able to return to you safely. Just trust in him."

Napatingin ako sa helicopter na nagsisimula ng mag-ingay dahil unti-unti nang ginigising ang makina.

"Win..." pagsusumamo ni Caleb.

Tinanguan ko siya at tinatagan ang loob.

"Sige. Pumapayag na ako. Pumapayag na ako sa gusto mo kaya bumalik ka sa akin. Bumalik ka sa akin ng ligtas para mapakasalan mo na ako. Maghihintay ako sayo, Caleb..."

Niyakap niya ako nang mahigpit. Ang yakap niya ay yakap ng pamamaalam samantalang ang sa akin naman ay yakap na kumakapit.

"Whoever will wait for you at the altar... If it's me or Dr. Hemendez... Kung si Dr. Hemendez man, gusto ko lang na malaman mo Win na hindi ako magagalit."

"Maghihintay ako sa'yo!" matigas kong sinabi. Inignora ang sinabi niya.

"Kung hindi man ako 'yon, magiging panatag pa rin ako kung si Theo dahil alam kong mahal na mahal niya kayong dalawa ni Dil..." mabilis niyang sinabi. Mas naramdaman ko lang na aalis na talaga siya.

Mas lalo pa akong kumapit.

"Hihintayin kita kaya bumalik ka!" pagpupumilit ko.

"I love you. Please don't forget to tell Dil that I love him too," habilin niya sa basag na boses at kumalas na sa yakap.

Tinanguan niya si Theo at mabilis na nagpunta na sa maingay ng helicopter.

Tumigil na ako sa pag-iyak habang tinitingala ang helicopter na ngayon ay nasa ere. Sa isang iglap ay lumayo na ito. Babalik siya. Alam ko na babalikan ako ni Caleb at pakakasalan.

"Day, ibigay mo na sa'kin 'yang cellphone mo." Hindi ko na mabilang kung pang ilang beses na itong pangungumbinsi sa akin ni Raffa.

"Hinihintay ko pa ang tawag ni Caleb..."

Marahas siyang huminga.

"Tama na 'yan. Baka kaya hindi siya tumatawag ay dahil nandoon na sa altar. Ten minutes nalang magsisimula na ang wedding ceremony mo! Tumayo ka na riyan!"

Nabuhayan ako ng loob. 

"Tingin mo?! Dumating na kaya siya? May... May balita na ba?"

Malungkot siyang umiling at ngayon ay hindi na makatingin sa akin nang deretso. Simula noong umalis si Caleb ay wala na akong narinig mula sa kanya. Kinulit ko man ang kanyang sekretarya para sa balita ay wala rin itong alam sa nangyayari sa Maguindanao.

Dahan-dahan akong tumayo at kumakapit pa rin sa pinaniniwalaan kong pag-asa. Pinagmasdan ko ang sarili sa harap ng malaking salamin. Nakapusod ang ayos ng aking buhok na natatakpan din ng puting belo na gawa sa lace. Nakasuot ako ng off shoulder fit lace white wedding gown na pinapalibutan ng diamond sequence kung saan kumikinang kapag natatamaan ng sinag ng araw.

Hinarap ko ang matalik na kaibigan at tinanguan. Lumabas na kami ng kuwarto at naglakad patungo sa lawa. Sa ginigibang mansiyon namin napagpasyahan ni Caleb na ikasal.

Pinagmasdan ko ang malaking puting tela na nakatabing. Alam ko na sa likod nito ay ang mga nakahilerang upuan kung nasaan ang mga bisitang kaibigan at kakilala para tunghayan ang pag-iisang dibdib namin ni Caleb. At sa dulo nito, sa may boardwalk, alam kong naghihintay ang pari at higit sa lahat, ang lalaking pakakasalan ko.

Nilapitan ako ni Nanay at ng ama kong si Teodoricio Albes at niyakap. Nasa likuran ko naman si Raffa na siyang nag-aalalay sa mabigat at mahabang trail na laylayan ng wedding gown ko. Matapos akong yakapin ng mga magulang ay tumabi na sila sa magkabilang gilid. Pumikit ako nang mariin at malalim na huminga nang magsimula na ang pagtugtog ng instrumental song na 'You Are The Reason'.

Sa pagdilat ko ay tiningala ko ang magandang araw habang nagdarasal na sana sa dulo ay naghihintay ang taong mahal ko.

Mistulang isang tarangkahan ng langit ang paghati ng napakalaking puting tela sa gitna. Unti-unti na akong humakbang at sinalubong ang lahat. Sa bawat paghakbang ko ay nilalagpasan ang tingin sa mga bisitang namamanghang nakabaling sa akin. Ang gusto ko lang makita ay ang hitsura ng lalaking nasa dulo nito.

Natihil ang paghakbang ko at nag-ugat ang suot na puting heels nang maaninag ang mukha ng lalaking nasa dulo. Si Theo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top