Chapter 39
Chapter 39
MARRIAGE
Paulit-ulit na pagtama ng tila ba isang maliit na bagay sa dingding ng kuwarto ko ang nagpanatili sa akin ng gising sa kabila ng malalim na gabi. Napabalikwas ako ng bangon at hindi na pinindot ang switch ng ilaw. Naka on naman ang lampshade kaya kahit papaano ay may kaonting liwanag pa rin sa loob ng kuwarto.
Suot ang knee length na sweater ay nagtungo ako sa bintana ng kuwarto sa may likurang bahagi na kung saan nagmumula ang ingay. Naisip kong baka naman mga bunga ng mangga ang nahulog.
Nang marating ang window glass ay tumingala ako sa sanga ng manggang pagmamay-ari ng kabilang bahay ngunit sumakabilang bakod lang dito sa amin. Kumunot ang noo ko sa pagtataka dahil wala pa naman akong nakikitang bunga.
"Psst!"
Napaigtad ako sa kinatatayuan at mabilis na tiningnan ang pinagmulan ng boses. Dahil na rin sa liwanag na nagmumula sa isang poste sa labas ay nakita ko ang isang silweta ng tao na nasa ibaba.
"Thank, God you're still awake," anas ng boses na kilalang-kilala ko.
"Caleb?! Anong ginagawa mo riyan sa baba?!" Bumagsak ang panga ko sa natuklasan. Mabilis kong binuksan ang malaking bintana.
"Shh..." Madali siyang nakaakyat sa may puno na napapalibutan na ng baging. Nang nasa tapat na ng window glass ay walang kahirap-hirap niyang pinasok ang bintana ko na ni hindi man lang nakagagawa ng tunog.
"Bakit ka nandito?! Baka makita ka ni Nanay!" natatarantang bulong ko sabay sulyap sa likod.
Pilyo siyang ngumisi. "I just miss you."
Napasinghap ako nang makarinig ng kabog ng pintuan sa may baba. Agaran kong hinawakan ang braso ni Caleb at hinila siya papasok ng kuwarto.
Napasandal ako sa dingding habang siya naman ay nasa harap ko. Sa lapit ay mistulan niya akong kinukubawan. Ilang segundo kaming nagkatitigan. Nang marahil ay napagtanto ang kapliyuhang ginagawa, sabay kaming mahinang natawa.
Mahina ko siyang tinampal sa bandang dibdib.
"Hindi ka pwede rito! Magagalit si Nanay!"
Inignora niya lang ang babala ko at dinampian niya ng halik ang tungki ng aking ilong.
"Na-miss nga kasi kita..." malambing niyang sabi.
Nagtaas ako ng isang kilay.
"Anong na-miss eh halos buong araw naman tayong magkasama kanina?"
Tusong umangat ang sulok ng kanyang labi.
"Miss ko lang na katabi ka..."sinulyapan niya ang kama, "sa kama," inilapit niya ang labi sa aking tainga, "pag gabi."
Kinurot ko siya sa kanyang tagiliran.
"Umayos ka nga. Inaantok na ako at saka kailangan mo pa akong pakasalan bago mo ako matatabihan sa kama."
"Pakakasalan naman talaga kita."
Mataray akong nag-iwas ng mukha.
"Tss. Ni hindi ka nga nag-propose sa'kin..."
Hindi man nakatingin sa kanya ay dahil sa lapit ng aming mga mukha ay ramdam ko naman ang pag-angat ng sulok ng kanyang labi.
"Sorry na. What kind of proposal do you want, hmm?"
"Wala. Matutulog na ako kaya umuwi ka na." Inismiran ko siya at naglakad na palapit sa kama.
Humiga na ako rito at inayos ang kumot para maibalot sa katawan lalong-lalo na sa bandang binti. Nanunuot na sa aking balat ang lamig na nagmumula sa aircon dahil medyo manipis ang sweater na suot ko.
Pumikit ako at narinig na lang ang muling pagsara ng sliding window. Siguro nga ay nakinig si Caleb sa sinabi ko at bumaba na. Ngunit natigilan ako nang maisip ang paraan ng pagbaba niya.
Pagod akong bumuntonghininga at nagpabaya na lang tutal malaki na naman siya. Puno ng kumpiyansa kong itinalukbong ang makapal na kumot at napasinghap na lamang nang maramdaman ang pagyakap ng isang braso sa akin. Hindi na ako nagduda pa kung kaninong braso ito.
"Caleb!" matinis na bulong ko sa kanya. Iniiwasan na magdulot ng anumang ingay at baka magising pa si Dil na nasa kabilang kuwarto lang.
"I can't go home. Pinauwi ko na ang drayber ko," kalmante niyang tugon at mas lalo lang na isinubsob ang mukha sa bandang leeg ko.
Kaagad napawi ng kanyang mainit na paghingang dumampi sa leeg ko ang lamig na naramdaman ko kanina. Tinunaw nito ang paninindigan ko kanina at hinayaan na lang siya.
"Magiging abala na naman ako sa senado simula bukas. Hindi ako sigurado kung makakabisita ako rito sa inyo ng anak natin," aniya na pumukaw sa tahimik na gabi.
"Naiintindihan naman namin ng anak mo. Hindi lang naman basta trabaho lang ang turing mo sa pagiging senador. Dil and I both understand that it's part of your principle. Serving is your passion."
"I'm grateful that they gave me a chance to stay in the service. Malaki rin ang naitulong ng track record ko and all the other accomplishments I've made ever since I became a senator in this country. Kaya namatay na rin ang... isyu."
Bumuntonghininga siya at mas hinigit pa ang katawan ko sa kanya. Iniba ko ang posisyon at ngayon ay hinarap na siya.
" 'Di ba may mga kanya-kanya kayong committee na mga senador? Ano pala ang committee na hinahawakan mo?"
"I handle the committee on Peace, Unification, and Reconciliation."
"Para saan 'yan? Iwas giyera, gano'n?"
"Yeah. Kinda. Basically we try to avoid conflict and look for solutions. We negotiate for peace to be implemented and prevail. We even talk to rebels."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko.
"Rebelde?! Hindi ba 'yan mapanganib? Ikaw mismo ang kumakausap?"
Tumango si Caleb at ngumiti na parang may inaalala.
"Kung posible naman mas gusto ko talaga na ako ang kumakausap. Gusto ko na pinakikinggan ang mga hinaing nila. Tao rin naman sila. They have needs too. They have principles in life that they want to fight for. Kadalasan nga lang ay sa hindi tamang paraan."
"Kaya pala binansagan ka ni Kim at ng iba pa na isang living hero..." wala sa sarili kong pahayag.
"Huh?"
Hinaplos ko ang pisngi niya at ngumiti.
"Wala. Matulog na tayo at baka mapuyat ka pa bukas."
Kinabukasan ay nagising na lamang ako na wala na nga si Caleb sa tabi. Siguro ay maagang umalis para hindi mabisto ni Nanay. Napangiti na lang ako habang naiisip ang kapilyuhan niya kagabi.
Bumaba ako para sa agahan. Inihatid ko na rin si Dillon sa eskwela at pagkatapos ay dumeretso na ako sa gusaling ipinapatayo ni Caleb. Pagpasok ko palang ay kaagad na akong binati ng mga trabahador. Kinausap ko rin ang head engineer nito.
Tumingala ako sa kabuuan. Kahit na scaffoldings palang ang nakikita ko dahil halos isang linggo pa naman itong tinatrabaho ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Sa bilis ng pagtatrabaho nila rito, mga ilang buwan na lang siguro ay matatapos na rin ang nursing home na ipinapatayo namin ni Caleb.
Naalala ko pa noong pinag-usapan namin ang tungkol sa paghahanap ko ng trabaho. Ang sabi niya bilang regalo nalang sa magiging birthday ko, papatayuan niya ako ng nursing home. Natawa pa ako at mabilis siyang tinanggihan dahil ano ba naman ang alam ko sa pamamalakad nito? Ngunit nagpumilit siya at sinabihan ako na magtatalaga naman siya ng mga eksperto rito na magiging katuwang ko. Marahil nga ay ito talaga ang passion ko. Dahil sa huli ay pumayag ako.
Kinahapunan ay muli akong bumalik sa Pillars para asikasuhin ang mga papeles ng magiging kauna-unahan kong residente sa ipinapatayong nursing home.
Simula noong uminit na balita tungkol sa amin ni Caleb sa medya, ito pa lang ang kauna-unahang beses ng muli kong pag-apak sa Pillars. Hindi na ako nagtaka pa nang mapansin ang hindi ko pagkakaramdam ng kaba dahil siguro nga ay puno na ng kapanatagan ang loob ko.
Huminto ako sa station kung saan ako na-assign noon at nadatnan si Kim na abala sa mga gamot. Hindi niya ako napansin.
"Winona?!"
Isang singhap na nanggagaling sa aking likuran ang narinig ko. Mabilis akong lumingon dito at nakita si Jane na malapad ang ngiti sa mga labi. Nahawa na rin ako.
"Oh my God! Na-miss ka namin!" dagdag niya habang inaalog na ang magkabilang balikat ko sa saya.
"Miss ko rin kayo," tugon ko. Nang sulyapan si Kim ay nakangiting nakatingin na rin siya sa akin.
"Sana nagsabi ka na bibisita ka para nakapaghanda man lang kami ng red carpet," mapagbirong sabad ni Kim.
Nilinga ko ang buong station. "Si Nurse Abby?"
"Nag-resign na. Noong nakaraang linggo lang."
Napatingin ako kay Kim dahil sa sinabi niya.
"Huh? Bakit naman?"
Nagkibit lang siya ng balikat.
"Anyways, dalawang linggo na lang at kasal mo na 'di ba?" Bahagyang umawang ang labi ko dahil hindi inakalang makakarating sa kanila ang balita.
Siguro ay napansin ni Kim ang gulat ko kaya nagpatuloy siya.
"Alam mo naman ang chismis, madaling makarating sa aming mga chismosa. Bibisitahin mo ba ang soon to be Mother in law mo?"
"Oo. Aasikasuhin ko na rin ang papers niya para sa paglipat."
Malungkot akong tiningnan ni Jane na ngayon ay tinabihan na si Kim sa loob ng station.
"Tuloy na talaga ang paglipat niya? Akala ko, hindi totoo 'yong sinabi ng sekretarya ni Senator noong nagpunta rito."
"Tuloy na. Nag-volunteer ako kay Caleb na ako na lang ang aasikaso dahil wala pa naman akong ginagawa."
"Bakit? Hindi ka ba busy sa wedding preparations?" si Kim.
"Hindi na. Napaka-efficient naman kasi ng nakuhang wedding organizers ni Caleb kaya parang wala na akong ginagawa. At saka nalagpasan na namin 'yong mga importanteng detalye ng kasal. Imbitado kayo ha, bukas magpapadala ako ng wedding invitations dito para sa inyong dalawa."
Sabay silang nagtilian. Natawa na lang ako sa reaksiyon nilang dalawa.
"Saang nursing home pala ililipat si Nanay Luz?" si Jane na siyang unang natapos sa pagtili.
Kinagat ko ang ibabang labi habang kinokonsedera kung sasabihin ba sa kanila ang tungkol sa nursing home na ipinapatayo. Magsisinungaling na sana ako nang sumagi ang isang salita sa isipan ko. Tiwala. Naniwala silang dalawa sa akin kahit sa kasagsagan ng eskandalo sa medya noon. Siguro naman ay nararapat din na ibigay ko rin sa kanila ang tiwala na hindi nila ipinagkait sa akin noon.
"Sa Winona's Home Care," sabi ko at nagkuwento sa dalawa tungkol dito.
Hindi rin naman nagtagal ang pag-uusap namin ng mga katrabahong naging tunay ko ng kaibigan. Inasikaso ko ang papeles ni Nanay Luz para kapag natapos na ang gusaling ipinapatayo ay deretso na ang paglabas niya. Nagkuwentuhan pa kami ng ina ni Caleb na sa paglipas ng dalawang linggo ay magiging ina ko na rin.
Napakasaya ko. Pakiramdam ko wala ng mangyayaring masama. Lahat ng mga mapapait na pinagdaanan ay kusa ng nabubura dahil sa kasiyahan na natatamasa ko ngayon. Kasiyahan na buong-buong ibinibigay at hindi ipinagkakait ni Caleb at ng mga taong nagmamahal sa akin.
Dumaan ang panibagong linggo. Nag-uusap kami ng wedding organizers sa isang restaurant isang hapon nang tawagan ako ni Caleb para makipagkita sa magiging bahay namin malapit sa lawa. May problema raw kasi sa restoration at gusto akong makausap ng architect.
Kumunot ang noo ko nang mapasulyap sa suot na relo. Mag-aalas singko na ng hapon at medyo malayo iyon. Bumuntonghininga ako at tinapos na lamang ang pag-uusap sa wedding organizers.
Medyo madilim na nang makarating ako sa ginigibang mansiyon. Nagtaka rin ako dahil walang ilaw ang loob ng bahay. Isang poste lang ng bombilya ang nakita kong lumiliwanag. Inihinto ko ang kotse sa may gilid at lumabas mula rito.
Muli kong tiningnan ang cellphone at ni-dial ulit ang numero ni Caleb. May mga lamok ng umaaligid sa akin dahil sa dilim. Nilinga ko ulit ang mansiyon habang hinihintay ang pagsagot ni Caleb sa tawag ko. Napakaimposible naman yata kung nariyan siya at ang architect sa loob. Sa dilim ay nasisiguro kong walang tao rito.
"Hey," boses ni Caleb sa kabilang linya na nagpaalerto sa akin.
"Nandito na ako sa labas ng mansiyon. Ang dilim. Nasaan ba kayo?"
"I'm right here."
Kumunot ang noo ko at muling nilingap ang paligid.
"Huh? Saan eh ang dilim dilim!"
"My love will be your torch and guide," makahulugan niyang sinabi. "Look at the lake."
Napatingin ako rito dahil sa utos niya. Wala pa rin naman akong nakikita. Nag-ugat ang paa ko sa lupa. Hindi ako humakbang dahil natatakot na baka madapa dahil sa dilim.
"Caleb!" pag-angal ko.
"Exactly 13 days, 14 hours, and 12 seconds. Those are the only remaining time I have to wait before I can finally marry you. You will never be just my woman. You will be my wife," paos niyang sabi sa kabilang linya.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone habang sinusubukan siyang makita sa kabila ng kadiliman. Tanging boses niya lang kasi ang naririnig ko.
"And right at this moment, I'm going to give the marriage proposal that you've been waiting for," may bahid ng panunukso ang boses niya.
"Nasaan ka ba, Caleb?" patuloy na pangungulit ko kahit na halos mabingi na sa lakas ng kabog sa dibdib.
Mahina siyang natawa na para bang nakikita niya ang reaksiyon ko.
"Tonight, and for the rest of our lives, this is the kind of marriage I promise to give you..."
Matapos niya itong sabihin ay napaawang ang labi ko dahil sa nakitang lantern na nakasindi sa ibabaw ng boardwalk sa may lawa. Unti-unti itong umaangat sa ere. Isa itong hugis parisukat at sa harapan ay may nakasulat na letra, isang M.
"M, is for 'Me'," malambing niyang sambit. "Throughout our marriage, I promise to give you, to Dil, and to our soon to be more children, my whole self, Win. Even my life."
Masyado pa yatang dumilim dahil sa nangingilid na luha sa mga mata ko habang tinitingala ang lantern na unti-unti ng lumilipad sa himpapawid.
Namangha na naman ako dahil sa nakikitang isa pang lantern na umaangat sa ere. Ngayon ay letrang A na naman ang nakasulat sa harapan nito.
"A, Affection," pagpapatuloy ni Caleb. "Babalaan na agad kita. Mas susuyuin pa kita araw-araw. I will give all the love and affection to you and our children."
Nakakamangha dahil lumalapit ang lantern sa nauna.
"R, is for Respect," aniya na sinabayan ng pag-angat ng isang lantern. "Know that I will always give you my respect as you have always given me yours. I will respect your views, opinions. I will always seek your advice in every decision that I make."
"R, is for Room. We make mistakes. Be it small or big. There is always room for it. Palagi kitang patatawarin kahit 'di mo pa hingin sa'kin."
Ngayon ay apat na lanterns na ang nasa itaas. Mistulan na nagsisilbing liwanag sa dilim. Unti-unti ko ng nakikita ang daan patungo sa kanya. Nababanaag ko na siya na nakatayo sa may boardwalk. Kahit ang pagyuko niya para sindihan at pulutin ang susunod na lantern ay napagmamasdan ko na.
Tila ba hinaharap niya ako habang hawak-hawak ang lantern na may nakasulat na 'I' sa harapan at sa kabilang kamay niya naman ay cellphone na nakadampi sa tainga niya.
"I. For 'In love'. From the very first day that I met you and for the rest of my life, I will always stay in love with you."
Binitiwan niya na ito at nagsimula naman akong humakbang palapit sa kinaroroonan niya.
"A is for Attendance. Ibibigay ko 'yan sa lahat ng accomplishments mo. Sa lahat ng importanteng events sa buhay ni Dillon at ng iba pang magiging anak natin. Soccer practice, basketball practice, graduation. Or whenever they want Tatay's advice about getting a girlfriend. Pero siyempre kapag may babaeng anak tayo, no boyfriends until she's thirty," mahina siyang natawa. Natawa na rin ako kahit umiiyak na habang dahan-dahang naglalakad papalapit sa kanya.
"G. God." Muling nagseryoso ang kanyang boses. "He will be the center of everything. Of our family."
Sobrang liwanag na dahil sa mga lanterns. Pati ngiti niya ay nakikita ko na. Wala na akong kahirap-hirap na marating siya. Hanggang sa tuluyan na nga akong huminto sa harap niya. Sabay naming ibinaba ang mga cellphones at muli itong isinuksok sa kanya-kanyang bulsa.
"E is for Effort. Lahat pagsisikapan kong gawin para sa pamilya natin." Huminga siya ng malalim habang tinitingala ang mga naunang lanterns sa langit. Pinakawalan na niya ang huling hawak na lantern.
"That's the marriage I promise you." Nagbaba na siya ng tingin at nagkatitigan kami ng ilang saglit.
Ngumisi siya. "Why are you crying?"
"Ang d-dilim kasi kanina..." hikbi ko.
Mahina siyang natawa. Dahan-dahan siyang lumuhod sa harap ko at may dinudukot sa bulsa ng suot na dark jeans. Kagat ang ibabang labi ay pinagmasdan ko ang maliit na pulang kahon na hawak niya.
Unti-unti niya itong binuksan at tumambad sa akin ang isang diamond ring na tila ba kumikinang kasama ng mga bituin sa langit. Sa namumungay na mga mata ay tinitigan niya ako.
"Win, after hearing those promises I made for our marriage..."Nakita ko ang paglunok niya, "pakakasal ka pa rin ba sa'kin? Will you allow me to be the keeper of those promises?"
Hindi ko na mapigilan pa ang pagragasa ng mga luha ko. Paulit-ulit ko man itong palisin ay hindi pa rin nauubos kaya naman sumuko na ako at hinayaan nalang na bumuhos lahat.
Sa nanlalabong mga mata ay tiningnan ko siya.
"P-parang pang wedding vows na 'yong pinagsasabi mo kanina," pahikbing pahayag ko.
Ngumiti siya.
"It's because I believe that a marriage proposal should be like that. Dapat naglalatag ka na ng mga alas mo to win your future wife. I'm offering you marriage. I'm offering you the kind of man I am even after our marriage." Kahit may kumpiyansa man ay maiangat niya pa rin akong tinititigan. "So... Will you accept? Will you marry me, Win?"
"Yes," anas ko. "Pakakasal pa rin ako sa'yo. Alam kong matagal na naman akong nakapagdesisyon na pakasalan ka... Pero dahil sa mga sinabi mo, mas lalo lang tumibay ang desisyon ko. So, yes, Caleb. I will marry you."
Lumapad ang ngiti niya at tumayo na siya. Kinuha niya ang singsing at isinuot sa daliri ko.
"I love you," bulong niya sabay haplos sa buhok ko.
"I love you more." Hinalikan ko siya sa pisngi.
Marahan niyang dinampian ng halik ang aking noo.
"I love you most..."
Hindi ko maiwasang mangiti dahil sa panggagaya niya sa anak namin.
"I love you to infinity and beyond," marahan kong sinabi.
Hinapit niya ako sa baywang at niyapos.
"I love you even in my next life..."
Sinuklian ko ang mainit niyang yakap.
"Oo na. Panalo ka na. You got the last words, Mr. Senator," sabi ko sa mapagbirong tono.
Imbes na sumagot ay niyakap niya lang ako nang mahigpit. Pakiramdam ko ay napakaperpekto na ng lahat. Na maski kadiliman ay perpekto. At dahil ito sa pagmamahal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top