Chapter 38
A/N: Hi! Lumalayag na po ang gc natin. To join, please click the link below and send me a message there so I can add you and you can join in our conversation! :)
https://www.facebook.com/clary.clarita.3
Chapter 38
Blessing
Dalawang oras matapos ang agahan ay nagtungo muna ako sa balkonahe upang lumanghap ng sariwang hangin. Gusto ko rin munang mag-isip sa lahat ng mga nangyayari. Kahit na sa kaibuturan ng pagkatao ko ay alam kong matagal ko ng hinihintay ito, parang pakiramdam ko may kulang pa rin. Humugot ako ng malalim na hininga at pinagmasdan ang mga bulaklak na bago palang namumukadkad.
"Oh, bakit tulaley ka riyan?" si Raffa. Naupo siya sa bakanteng silya na nasa tapat ko. "Hindi ka ba masaya na pakakasalan ka ni Senator?"
"Masaya naman."
"Hindi halata. Ano bang pinoproblema mo riyan? Sabihin mo sa'kin at umalis na naman si Senator para sa emergency conference," pangungulit niya.
Bumuntonghininga ulit ako at itinuon na ang buong atensiyon sa kaibigan.
"Para kasing... Parang may kulang..."
Kumunot ang noo niya at bahagyang inilapit ang mukha sa akin na parang hindi ako naririnig.
"Huh? Anong kulang? Asin, gano'n?"
Umirap ako at humagikgik naman siya.
"Biro lang! Ito naman! Ano nga kasi ang problema?"
"Hindi man lang siya nag-propose sa akin! Dumeretso siya kay Nanay." Sa wakas ay napunto ko na ang kulang. Nagulat na lang ako sa sariling pag-amin.
"Asus! 'Yan lang pala. Hindi na uso ang proposal ngayon, day! Mabuti nga at napaka-gentleman pa rin ni Senator at pormal na hiningi niya pa talaga ang kamay mo kay Mommy V."
Kinagat ko ang ibabang labi at pagod na napasandal sa backrest ng upuan.
"Kahit naman ganito lang ako, may ideal wedding proposal pa rin ako na pinapangarap simula noong bata 'no."
Bumuntonghininga siya at ginaya na rin ang posisyon ko. Mariin niya akong tinititigan.
"So...disappointed ka kanina? Gusto mo ng bonggang proposal. 'Yong mamamatay ka sa kilig?"
"Grabe ka naman," agap ko. "Hindi naman ako disappointed. Siguro medyo may kaonting lungkot lang."
"Pakakasalan mo si Senator o hindi?" deretsahan niyang tanong matapos ang ilang segundong katahimikan.
"Pakakasalan... siyempre."
"Huwag mo nang isipin pa ang proposal, day. Malay natin may plano pala talaga si Senator. Baka isang araw magulat ka na lang na tatalon siya mula sa helicopter habang sumisigaw ng 'Will you marry me, Win?" o 'di kaya ay magkakaroon ng fireworks display ang buong bansa at sa dulo nito may 'Will you marry me?' O baka! Luluhod siya sa Luneta park ng isang buong araw tapos may kulog at kidlat at sa dulo nito kahit nangingisay na siya sa lamig at kahit hirap na hirap na dahil sa paghihingalo ay sasambitin niya pa rin ang mga salitang 'Will you marry me, Win?'"
"Ay grabe siya," sabi ko na lang na ginaya ang linya niya.
Umalis kami ni Dillon matapos ang pananghalian para sa weekly therapy niya. Pagdating namin sa ospital ay agaran siyang inasikaso ni Doc Lisa. Matapos ang ilang tests kay Dil ay kinausap na ako ng doctor. Nasa playroom kami nakatanaw kay Dil na kasalukuyang naglalaro.
"Dillon has made some really great progressed earlier," sabi ni Doc Lisa. "One of these is his ability to make an eye contact at some point."
"Napansin ko nga rin po 'yan, Doc. Lalong-lalo na sa...tatay niya."
Banayad akong ginawaran ng ngiti ng doktor.
"Maybe it's because he had been waiting for him for so long. And now his wait for his father is over. He wants to make an effort to really see him."
"Sa tingin mo po ba magtutuloy-tuloy na ang progress ng anak ko?"
Kumpiyansa siyang tumango.
"Oh I believe so. Just keep doing whatever it is that you're doing. Children like him, all they need is unending love and support from their family. Especially their parents."
Binalot kami ng katahimikan habang tinatanaw lang ang anak ko na ngayon ay abala sa domino cards. Muli kong binalingan ang doktor.
"Kaya ko rin po ba?" tanong ko sa maliit na boses. "Kaya ko rin bang matingnan ang... ang ama ko sa mga mata... kung sakali na magkita man kami?"
Puno ng pang-unawa ang tingin niyang ipinupukol sa akin.
"You know, being a psychiatrist, I do not just believe in the true power of the mind. What I mostly believe in is the great power of the heart. If your heart longs for him, then your mind will accept him. That's when you will see the goodness of forgiving."
Habang bumibiyahe na kami pauwi ni Dillon ay tumatak sa isipan ko ang sinabi ni Doc Lisa. Siguro nga ay panahon na rin para harapin ko ang ama ko. Kung nakaya nga ng aking anak na harapin ang tatay niya, marahil makakaya ko rin. Kung sa pagkikita namin ni Teodoricio Albes ay madiskobre ko na kinamumuhian niya ako dahil sa nagawa kay Fatima, tatanggapin ko. Ang importante ay masasabi ko sa sarili at sa kanya mismo na napatawad ko na siya. Masasabi kong naharap at nakita ko na siya.
Kinabukasan ay pinag-usapan namin ni Caleb kasama ang pamilya ko ang kasal. Nasa hapagkainan kami at kakatapos lang mananghalian.
"Can we get married on your 27th birthday?" si Caleb na nakaupo sa tabi ko.
"Huh? Eh next month na 'yon, ah. Hindi ba masyadong mabilis?" apila ko.
"Ang masyadong mabilis, Win ay bukas. I waited for you for five years. Ayaw ko nang maghintay pa," malambing niyang sinabi kahit pa alam niya namang hindi lang kaming dalawa ang nasa hapag.
Tumikhim naman si Nanay kaya sabay kami ni Caleb na napatingin sa kanya.
"Tama si Winona, Caleb. Hindi ba masyadong maaga naman? Paano ang preparasyon sa kasal?"
"Ako na po ang bahala. I will hire some organizers who are expert in a short time wedding preparations," sagot ni Caleb.
Tinanguan siya ni Nanay. Tahimik naman akong kumuha ng isang tasa ng kape at sumimsim mula rito.
"Saan mo ititira ang anak at ang apo ko?"
Muntik ko nang maibuga ang kape dahil sa tanong na iyon ni Nanay. Kailangan pa ba talaga niyang tanungin iyon? Sa dami ba naman ng properties ni Caleb kung makapagtanong siya parang salat naman sa buhay ang mapapang-asawa ko.
"May binili na po akong bahay, ma'am, " kalmante namang sagot ni Caleb. Punong-puno pa rin ng respeto sa Nanay ko. "Though it'll probably be just temporary while I'm still doing some renovations on the house I bought near the lake."
Imbes na punahin siya sa 'house'na sinabi dahil 'mansiyon' naman ang tinutukoy niya ay iba ang naging tanong ko.
"You're going to tear it all down? Sayang naman, Caleb."
Tiningnan niya ako at nginitian.
"We'll just do some changes based on what you want. I will make some arrangements with our architect. Isasama kita."
Ngumiti ako. May mga importante pang detalye na pinag-usapan kasunod nito gaya na lamang ng kung saan gaganapin ang kasal, at iba pa. Sa susunod na araw ay kakausapin na rin namin ang wedding organizer para sa iba pang masusing detalye.
Sa sumunod na mga araw ay hindi na muling pinatulog si Caleb sa bahay. Mariin kasing tumutol si Nanay dahil sa paniniwala. Ang sabi niya pa hangga't hindi pa raw kami kasal ni Caleb ay hindi na muna siya makakapasok sa kuwarto ko. Hindi ko na ipinaalala sa kanya na baka nakakalimutan niyang may Dil na kami ni Caleb. Hinayaan ko na lang siya.
Nanonood kaming tatlo nina Dil at Caleb ng tv isang hapon. O baka ako lang ang nanonood nito dahil abala ang mag-ama sa pakikipagkulitan sa isa't-isa sa sofa. Ililipat ko na sana ang channel nang nakuha ang atensiyon dahil sa isang breaking news. Kaagad kong ibinaba ang remote na hawak at pinanood ito.
"He abused me. He...He hurt me physically," anang magandang babae na umiiyak. "Alec Von Cua is a monster..."
Natigilan ako at hindi na nasundan pa ang ibang sinasabi ng babae.
Bakit parang pamilyar sa akin ang pangalan na tinutukoy niya?
Kaagad na nahinto sa kulitan sina Caleb at Dil. Bumaling na rin sila sa balita. Mabilis kong pinatay ang telebisyon dahil ayaw kong mapanood ito ni Dillon.
Madaling tumayo si Caleb at dinukot ang kanyang cellphone mula sa bulsa. Halatang may tinatawagan siya.
Nang makita ang pagdaan ni Ate Weng sa may sala ay tinawag ko siya.
"Ate, pwede bang paliguan mo muna si Dil?"
"Sige po, ma'am."
Umalis na ang dalawa. Nanatili naman akong nakaupo sa sofa habang pinagmamasdan si Caleb na nakatayo, naghihilot ng sentido habang ang cellphone ay nakalapat sa kanyang tainga at halatang naghihintay na may sumagot sa kabilang linya.
"Have you seen the news?" alertong sabi niya nang siguro ay may sumagot na. Nakinig pa siya ng ilang sandali.
"Will you just allow her destroy your name?" Mababakas sa boses ni Caleb ang mariin na pagtutol. "Well...you're in a real deep shit, man..."
Nang maibaba na ang tawag ay binalingan ako ni Caleb. Siguro ay nakita niya ang tanong sa hitsura ko kaya nagpaliwanag siya.
"Si Alec Von Cua 'yong kausap ko. Remember him? You've met him. The owner of Etheral Palace." Tumango ako at nagpatuloy naman siya. "That woman on the news earlier is his...estranged wife."
Umawang ang labi ko at muling napalingon sa tv kahit na wala na naman dahil pinatay ko. Muli kong tiningnan si Caleb.
"Totoo ba ang sinasabi niya? Kaya ba siya naglayas dahil...dahil inabuso siya ng kaibigan mo?"
Mabilis na umiling si Caleb.
"No. No. I know Alec. He wouldn't do that to her. He's crazy in love with her."
Tumango na lang ako at muling natahimik.
"Si Dil?" tanong niya habang nakatingin sa paligid.
"Pinaakyat ko kasama ni Ate Weng para paliguan. Ayaw ko rin na marinig niya ang ganitong usapan."
Pagod siyang bumuntonghininga at muling naupo sa tabi ko.
"Nagkikita pa rin ba kayo ni Teodoricio Albes?" mahina kong tanong paglaon ng ilang minutong pagiging tahimik.
Mariin muna siyang napatitig sa bawat sulok ng mukha ko. Na para bang may hinahanap siya ng kung ano.
"Hindi na madalas," bulong niya. "Why?"
"Gusto ko sana siyang makausap."
"Alright. I'll make some arrangements. I already told him about you...five years ago. I told him about my infidelity towards Fatima."
Napasinghap ako dahil sa sinabi niya. Umangat ang sulok ng kanyang labi.
"Nasuntok niya pa nga ako. He was fuming mad but when he calmed down we sat down...and had a really long talk." Mahina siyang natawa. Puno pa rin ito ng paghanga.
Huminga ako ng malalim.
"Pwede ba na ikaw na ang magsabi sa kanya tungkol sa pagkatao ko? Na...anak niya ako."
Napalunok siya at hindi pa rin tinatanggal ang masidhing pagtitig sa akin. Marahan niyang kinuha ang kamay ko at pinatakan ng halik ang aking noo.
"Of course. Gagawin ko 'yan. Anything you want. Anything you need."
Kinagabihan nang makaalis na si Caleb ay sinabi ko rin kay Nanay ang plano. Hindi naman siya tumutol pa at sinuportahan lang ako. Alam niya siguro na ito lang ang huling bagay na bubuo sa sarili ko. Ang bubuo sa pagkatao ko.
Naging abala na rin kami ni Caleb sa mga sumunod na araw. Halos pinagsabay na namin ang pakikipag-usap sa wedding organizer at sa architect na mag-aayos ng mansiyon malapit sa lake. Dinala niya rin ako sa bahay na nasa Makati lang din kung saan kami pansamantalang maninirahan pagkatapos ng kasal.
Malaki ang bahay. Kung tutuusin ay pwede na namang dito na talaga kami manirahan ng matagal. Pero kunsabagay, maganda rin naman ang malapit sa lake at isa pa gustong-gusto ni Dillon doon.
"We can have an indoor pool and outdoor pool as well," si Caleb.
Nakaupo kami sa sofa sa isang bahay niya sa Makati. Nasa tapat naman namin ang babaeng architect at lalaking engineer na mag-aayos sa mansiyon.
"An outdoor pool is very possible, Senator. Since the lot is quite big. Plus there are trees around. They can give a natural shade from the sun," pahayag ng architect.
Binalingan ako ni Caleb. "What do you think, Win?"
"Ayos lang sa'kin."
"That is decided then," baling niya sa dalawa.
"So basically, what you want is both restoration and renovation of the mansion," ang engineer naman ang nagsalita.
Muling bumaling sa akin si Caleb na para bang gusto niyang ako naman ang magsalita.
"Sayang din kasi ang istruktura ng buong mansiyon kung gigibain talaga ang lahat," sabi ko. "I fell in love with it the first time I saw it because of it's classic feels. Siguro may mga parts lang na dapat i-modernized."
"Alright, Ms. Santibañez," nakangiting tugon sa akin ng lalaking engineer.
Tumikhim naman ang katabi kong si Caleb sabay usog papalapit sa akin kahit na wala na namang espasyo. Dikit na dikit na siya.
"Please address her as Mrs. Del Fuego. Since she's going to be my wife real soon."
"Uh...S-Sure, Senator. And congratulations again," tugon ng engineer sabay tuwid ng upo.
Matapos ang usapan ay inihatid namin ang dalawa sa labas. Hindi pa man sila nakakapasok sa kani-kanilang sasakyan ay malambing na akong niyakap ni Caleb galing likod.
"Hmm. Perhaps we should change our engineer," aniya na parang wala sa sarili.
Nilinga ko siya at kinunotan ng noo.
"Bakit naman? Magaling naman siya, ah."
"I don't like the way he looks at you."
Inirapan ko siya. "Ang OA mo talaga! Hindi naman ako tumitingin sa kanya pabalik."
Parang malungkot pa siyang bumuntonghininga at kinagat ang ibabang labi.
"Talaga? But he is your type..."
Ngayon ay naniningkit na ang mga mata ko at tuluyan na nga siyang hinarap. Marahan kong inilapat ang mga kamay sa kanyang magkabilang balikat.
"Anong type ang sinasabi mo?"
Nag-iwas siya ng tingin at umigting ang kanyang panga.
"Your ideal guy...You know... 'Yong hindi matangkad. Kulot ang buhok, manipis ang kilay, at hindi matangos ang ilong. He has even brown eyes." Sinundan niya pa ito ng mahinang pagmura.
Bumagsak ang panga ko habang nakatitig lang sa kanyang hitsura na binalatayan ng pinaghalong pagtatampo at inis.
Humugot siya ng malalim na hininga at sa wakas ay nagawa na rin akong tingnan.
" 'Yan ang sinabi mo kay Mama noong nagtanong siya ng tipo mong lalaki. Don't even try to deny it."
Matigas kong itinikom ang bibig upang maiwasan na bumunghalit sa tawa. Dahil sa ginawa kong pagpipigil ay umaalog ang braso ko.
Nagtagpo ang kanyang kilay. Napakaseryoso pa rin ng kanyang awra.
"What's funny?"
Tinabunan ko ang tawa ng pag-ubo at inayos ang sarili. Minsan talaga nagiging masyadong inosente ang tusong lalaki na ito.
"Wala... Hindi ko siya type, Caleb. Ayaw ko sa engineer," mariin kong sinabi.
Bahagyang nalagyan ng pag-asa ang kanyang mga mata. Pinalandas niya ang dila sa ibabang labi sabay titig sa mga labi ko.
"Really? Eh 'di... Sino ang type mo at ano pala ang gusto mo?"
"Ikaw ang type ko at senador ang gusto ko," malambing kong sinabi sabay haplos sa kanyang batok.
Mabilis na namungay ang kanyang mga mata at walang pasabing dinampian ang labi ko ng mababaw na halik. Kaagad ko itong sinuklian. Madaling nagbago ang paraan ng paghalik niya at mas naging mariin ito. Humigpit na rin ang pagkakahawak niya sa aking baywang.
Nang humihingal na ay hinalikan niya ang tungki ng aking ilong.
"I want to talk to him now," malamyos kong bulong.
Isang beses siyang tumango. Alam niya kung sino ang taong tinutukoy ko.
Hinawakan niya ang magkabila kong kamay.
"I will bring you to him. Naghihintay na rin siya sa'yo..."
Malakas ang pintig ng puso ko nang nasa loob na kami ng sasakyan ni Caleb habang bumibiyahe patungo sa bahay ng ama ko. Hindi ko alam kung ano ang aasahan sa magiging pagkikita namin ni Teodoricio Albes. Ngunit lumakas ang loob ko at medyo napanatag dahil alam ko namang narito lang si Caleb sa tabi ko.
Ilang minuto pa ay biglang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bakal na gate. Kaagad itong binuksan ng isang security guard at dere-deretso na ang pagpasok ng sasakyan. Bumungad sa paningin ko ang isang malaking bahay na mayroong dalawang palapag.
Ipinarada ni Caleb ang kotse sa labas nito at lumabas na kami ng sasakyan.
Kinuha niya ang kamay ko at mariin itong hinawakan. Siya na ang gumiya sa akin papasok sa loob ng bahay.
Nang nasa loob na ay napansin ko ang dahan-dahang pagtayo mula sa rocking chair ng isang matandang lalaki na maputi na ang buhok.
"Winona...." anas niya. Nababanaag ko sa kanyang hitsura ang pagkamangha.
Unti-unti akong lumapit sa kanya. Hindi matanggal ang titig ko sa kanyang hitsura. Matangkad siya. Kahit may katandaan man ay hindi pa rin nawawala ang bakas ng pagiging magandang lalaki niya noon. Isa siguro sa mga katangian kung bakit minahal siya ni Nanay.
"G-Good morning po..." usal ko.
Dahan-dahang sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Umaliwalas din ang kanyang mukha.
"Ang... Ang akala ko ay hindi na kita makakaharap pa."
Ngumiti na rin ako sa kanya. Iminuwestra niya ang sofa na nasa tabi niya.
"Will you take a seat beside me?"
Marahan akong tumango at saka sinulyapan si Caleb na tahimik lang sa tabi ko. Kinuha ko bilang hudyat ang pagtango niya at naupo na rin. Nagpaalam muna si Caleb at lumabas para bigyan kami ng privacy ng ama ko upang makapag-usap.
"I don't even know where to start," panimula ng ama ko. "Sa dami ba naman ng kasalanan at pagkukulang ko sa'yo. Mula sa napakalaking kasalanan ko sa nanay mo."
"Gusto ko lang po na sabihin sa inyong kahit kailan hindi ako nagkimkim ng anumang galit para sa'yo," sabi ko. "Huwag na po nating balikan pa ang masakit na nakaraan."
"Naiintindihan ko ang kagustuhan mo. Pero hayaan mo sana akong humingi ng tawad bilang ama mo."
Tumango ako at malungkot siyang pinagmasdan.
"Kung iniisip mo man na tutol ako sa relasyon ninyo ni Caleb ngayon dahil sa...sa kapatid mo... Hindi, hija. Huwag mo sanang iisipin iyan."
"Maybe one day... I can have a chance to meet my grandson?" nahihiya niyang sinabi.
"Oo naman po."
"Will you call, Caleb? I have something to say to him too."
Sinunod ko ang sinabi niya at tinawag na si Caleb. Sabay kaming pumasok ulit at naupo sa sofa. Tuwid na tuwid ang pagkakaupo ni Caleb sa tabi ko.
"Sir..." baling niya sa ama ko.
Mariin siyang tinitigan ng ama kong naging father in law na niya.
"You have told me that you will marry my daughter."
Napasulyap muna si Caleb sa akin bago muling tiningnan ang ama ko.
"Yes, sir. And I am asking for your blessing on our marriage."
Banayad na ngumiti ang dating gobernador.
"I am very grateful and honored that you even thought of asking my blessing despite the weight of pain I had given Veronica and Winona. I'm also sorry if I made you felt pressured on marrying you off to Fatima in the past." Sinulyapan niya ako at namutawi sa kanyang mga mata ang pagtanggap. "And this time, you are finally marrying the woman whom you truly love. Na sa utos ng tadhana ay anak ko pa rin..." mahina siyang natawa. Puno ng galak.
Seryoso niyang tiningnan na si Caleb.
"You have my blessing and my full suppport."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top