Chapter 36
A/N:
Good evening. As preparation for my first year anniversary on wattpad this December, I have decided to make a gc for my very own precious readers. Gusto ko pa kasi na nakakausap ko kayo at nagkakachikahan tayo tungkol sa stories ko lalong-lalo na sa Delilah Series. Nababasa ko kasi sa comment section ng story (TSW) ang mga comments niyo at hindi lahat narereplyan ko kahit na gustuhin ko man dahil hindi naman ako madalas nagagawi sa wattpad puwera nalang kung nag-uupdate ako ng new chapter.
So if you are interested, just send me a pm on my fb (Clary Clarita) or in here po para maisali ko kayo. Or mag-comment nalang po kayo. Maraming salamat. 💗
Chapter 36
Woman
"Dito lang kayo maghintay ni Dillon sa loob ng sasakyan," matigas na bilin ko sa nagmamanehong si Caleb.
Dalawang araw na ang lumipas simula noong nag-viral na interviews mula sa mga nagtanggol sa akin. Unti-unti na ngang humupa at nawa'y tuluyan nang matuldukan ang isyu. Kung may nambabatikos pa sa akin ay iilan nalang at maagap naman na binabara ng sa hindi ko maipaliwanag, ay dumarami ng sumusuporta sa akin.
"Dito lang naman talaga kami..." si Caleb. "Ten minutes will suffice. I think," pahabol niya pa sabay parada sa sasakyan sa may parking area.
Medyo tumalim ang tingin ko sa kanya. Nakita niya naman ito sa rearview mirror dahil nasa likod nila ako nakaupo.
"I'm going to break someone's heart, Caleb. It does not take only minutes. I need an hour."
Bumuntonghininga siya. "Fine..."
Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan at lumabas. Tiningnan ko ang kabuuan ng café kung saan naghihintay na sa loob si Theo. Napagpasyahan kong kausapin na siya. Pumasok na ako sa loob at nahagip kaagad ng mga mata ko si Theo na nakaupo na. Tumayo siya nang makita ako. Naglakad na ako papalapit sa kinaroroonan niya.
"Hi," bati niya at naggalaw ng upuan para sa akin.
Naupo na ako sa tapat niya.
"Kanina ka pa ba naghihintay?"
"Hindi naman masyado." Ngumiti siya at naupo na rin ulit.
Nilapitan kami ng waitress kaya um-order na rin kami. Parehong kape lang naman ang in-order namin.
"Pasensiya ka na at hindi ko madalas nasasagot ang mga tawag mo. Medyo... okupado lang kasi ang isip ko."
"It's okay," agap niya. "I totally understand because of your current situation. Nag-aalala lang ako."
Bumalik na rin ang waitress dala ang dalawang tasa ng kape. Matapos itong mailapag sa mesa ay umalis na rin siya.
"I had a talk with my mom. She agreed to give you your job back...kung tatanggapin mo pa," pahayag niya.
"Salamat. Pero hindi pa ako sigurado kung babalik ako. Ang dami na rin kasing nangyari. Siguro pag-iisipan ko pa."
"Take your time. Ano nga palang sasabihin mo?" Ngumiti man siya ay may sakit naman na dumaan sa kanyang mga mata. "Babasted-in mo na ba ako?"
"I'm... I'm sorry, Theo," sabi ko sa mahinang boses.
"I had it coming. Naramdaman ko naman 'yon simula no'ng bumalik ang ex mo. I was just hopeful so..."
Kinalabit ako ng konsensiya at kahihiyan.
"Pasensiya ka na at parang...pinaasa kita. Pinatagal ko pa talaga. Ayaw kong saktan ka pero mas lalo namang ayaw kong bitinin ka sa desisyon na walang kasiguraduhan."
Banayad niya akong pinagmasdan.
"I don't want you to feel guilty, Win. Ako naman ang kusang umasa. Hindi naman porque't pinili kita, ako na rin ang pipiliin mo," indulhente niyang sinabi. "I won't lie to you and say that it doesn't hurt because...damn it hurts like hell." Mahina man siyang tumawa ay nabasag naman ito sa huli.
Kinuha ko ang kamay niya na nakapatong sa mesa. Pinisil ko ito.
"Siguro hindi lang talaga ako ang babaeng para sa'yo. May nakalaan pang iba na mas karapat-dapat sa napakalaking pagmamahal na kaya mong ibigay."
Masakit ang pagngiti niya. "I'm not sure about that. You're the woman I want and wish for. Ikaw lang yata ang mamahalin ko."
"Please don't say that. You are capable of so much love, Theo. Huwag mong sayangin 'yan sa akin. The others will be more than lucky to have your love."
Pilit siyang tumango.
"Can I still talk to Dil?" aniya matapos ang ilang minutong pagiging tahimik.
Agaran akong tumango.
"Of course you can. Anytime you want. Alam mo naman na gustong-gusto ka no'n."
"I'm glad that you're now happy, Win," paos niyang sinabi, "even if it's not with me. I will always wish for your happiness even if it's with another man."
Maluha-luha na akong tumango sabay ngiti. Mas masakit pala ang pakawalan ang isang tulad niya na walang ibang ginawa kundi ang mahalin lang ako. Dahil sa nararamdamang sakit ay napagtanto ko na minahal ko rin pala talaga siya. Siguro ay hindi lang kasing bigat ng pagmamahal ko kay Caleb.
"Kapag...Kapag sinaktan ka niya ulit, sabihin mo sa'kin," aniya sa mapaglarong tono.
Kinagat ko ang ibabang labi at sinabayan na siya.
"Bakit? Anong gagawin mo?"
"I'm gonna finally tranq him."
Mahina akong natawa at medyo nawala na ang bigat na pasan sa dibdib. Sa huling pagkakataon, bilang manliligaw at nililigawan ay uminom kami ng kape. Ngunit umaasa ako na bilang magkaibigan ay hindi ito ang magiging huli. Dahil hindi ko yata kakayanin ang mawalan ng isang mabuting kaibigan na tulad ni Theo.
"Is he waiting for you outside?" si Theo nang pareho na naming naubos ang kape.
"Oo. Si Dil din."
Napasulyap muna siya sa pintuan bago ibinalik ang tingin sa akin.
"Mauna ka na. I think seeing you walk away will finally make me realize that I'm really rejected."
Pinalandas ko ang mga daliri sa hawakan ng tasa na nasa mesa. Tinitigan ko ang kanyang mukha.
"Uuwi ka rin naman 'di ba?"
"I think I'm gonna get drunk first..."
"Theo..."
Marahan siyang natawa. Banayad niyang pinagmasdan ang bawat sulok ng mukha ko. Ipinasilay niya ang ngiti sa mga labi. Kahit sa dulo ay ayaw niya talaga akong mag-alala sa nararamdaman niya. Hanggang sa kahuli-hulian ay ipinamalas niya pa rin sa akin ang hindi makasariling pagmamahal niya.
"Go now," marahan niyang sinabi. "He's waiting. They're waiting."
Nauna ako kay Theo sa paglabas ng café dahil iyon ang hiling niya. Nang makarating sa sasakyan ay huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto nito. Pumasok ako sa loob at hindi na nagulat nang makita ang nakaabang na paglingon ni Caleb.
"Are you okay?"
Marahan akong tumango.
Tinitigan niya pa ako gamit ang naninimbang na tingin bago binalingan ang anak namin. Malalim ang hinugot niyang hininga na kung makaasta ay pinipigilan ito kanina.
"Alright. I'll be your slave driver for the day. Where to?"
"Halo-Halo Hauz!" listong tugon ni Dil.
Ngumisi si Caleb. "Consider it done, little boss!"
Ganoon nga ang ginawa namin. Kumain kami ng halo-halo na si Dillon pa talaga ang naglalahad ng mga rekados. Kung umasal ay para bang expert na talaga.
Sa labas na rin kami kumain ng pananghalian. Hindi naging madali sa amin ang mga naglipas na araw. Naging mainit ang usapan patungkol kay Caleb sa senado. Hindi man aminin ni Caleb sa akin ang lahat, alam ko naman na nag-aalala siya sa magiging kahihinatnan ng kanyang posisyon bilang isang senador.
Mula sa restawrant ay nagtungo kami sa isang sikat na malaking toy store. Hindi na ako nag-alala pa sa publiko dahil kaibigan ni Caleb ang may-ari. Sinigurado niyang walang masyadong tao sa loob at parang kami lang ang eklusibong naroon.
"Can we buy it?" hiling na naman ni Dillon habang itinuturo ang isang laruan na robot.
Napabaling ako sa mga laruang bitbit ng bodyguard ni Caleb. Pinamili namin ang mga ito kanina pa.
"Ang dami na nating nabili, anak."
"But I really really really like this one, Nanay!" giit niya pa.
Napalinga ako kay Caleb na nasa likod. Abala siya sa pakikipag-usap sa kaibigang may-ari ng store. Sa hitsura ng dalawa, mukhang masinsinan at seryoso ang kanilang pinag-uusapan.
"Let me have a look at the price," sabi ko sabay hanap sa nakadikit na presyo nito sa ibaba. Nang matagpuan ito ay mabilis na nanlaki ang mata ko. Ang mahal! Ten thousand!
"Ang mahal, Dil..." anas ko. "Wala tayong pera, anak." Na-guilty pa ako dahil kasabay ng pagsabi nito ay naalala ang one millon na bigay ni Caleb sa bank account ko.
Ngumuso siya at kinusot ang mata.
"But... But..."
"Marami ka na namang laruan 'di ba? Sa susunod na lang natin bilhin 'to. Hindi tayo dapat nag-aaksaya ng pera, anak," marahang pangangaral ko.
"Maybe I can... I can return some of the toys I picked and have this instead? That way we can save money?" puno ng pag-asa ang kanyang pilit na pagtingin sa akin.
Napakamot ako sa ulo maski wala namang makati.
"I'm not even sure if we can save money. That is still very expensive, Dil."
Muli siyang napasulyap sa laruan at hinaplos ang nakabalot na makapal na plastik nito.
"May problema ba?" si Caleb na nasa likod ko na. Sa may pag-aalalang hitsura ay binalingan niya ang anak namin. "What's wrong, Dil?"
Kaagad na ibinaba ni Dil ang kamay na nakahawak sa laruan at itinago ito sa likod. Malungkot siyang yumuko na parang nahuli sa isang kasalanan. Bumuntonghininga naman ako at hinarap si Caleb.
"Gusto niya kasi 'yang toy robot," sabi ko.
Naningkit ang mga mata ni Caleb. "Then take it."
"Sobrang mahal, Caleb," protesta ko. Nagpatuloy ako sa mas mahinang boses dahil nakatanaw sa amin ang kaibigan niyang may-ari ng store. "Ten thousand para rito lang!"
"It's fine. We can afford it," kalmante niyang tugon sabay kuha ng laruan. Iniabot niya ito sa aming anak na malapad na ang ngiti. "Here, son. Do you like anything else?
"Caleb, you're spoiling him," agap ko.
Sa nangungusap na mga mata ay tiningnan niya ako.
"Kung kaya ko rin namang ibigay ang lahat sa anak natin, bakit pa ako magdadamot?"
Napahilamos ako sa mukha. Mukhang tatanda na ako nito agad sa kakakunsomisyon sa pagiging spoiler ng tatay ng anak ko.
Marahan niyang hinawakan ang braso ko at hinapit ako papalapit sa kanya. Mistulan na niya akong niyayapos. Uminit ang pisngi ko dahil sa lapit namin lalo na at may ibang mga tao na naroon at alam kong pinagmamasdan kami.
Dinampian niya ng marahang halik ang aking sentido.
" 'Wag ka nang mag-alala. Our son is a good boy. You've raised him a good person, Win," malambing niyang sinabi. Muli niyang sinulyapan ang anak namin na nakangisi ng pinagmamasdan ang laruan na hawak.
"You have no idea the joy it gives me whenever I see him smiling like that. I can even trade the world for it, " anas niya.
Pinilit kong kumalma ngunit tila ba nag-aalburoto naman ang damdamin ko sa ibang dahilan at hindi na sa pagtutol sa laruang binili. Emosyon na nararamdaman ko lang sa tuwing ganito si Caleb sa akin. Masyadong malapit. Malambing.
Nabulabog kami nang tumunog ang cellphone niya dahil sa isa na namang panibagong tawag. Kunot-noo niya itong dinukot mula sa bulsa at sinagot.
Tahimik pa siya habang nakikinig lang sa sinasabi ng nasa kabilang linya. Nagtagpo ang kilay niya at binalingan ako. Inilayo niya ang cellphone mula sa tainga at dahan-dahan itong iniabot sa akin.
"My secretary wants to talk to you..." Puno ng pagtataka sa kanyang hitsura.
Tinatagan ko ang loob at tinanggap na ang iniabot na cellphone. Ito na ang hinihintay ko ngayong araw.
"Hello. Si Winona 'to." Mahinahon ang boses ko.
"Good morning po, ma'am. Everything is set na po just like what you've requested."
"Alright. Pupunta na ako." Ibinaba ko na ang tawag at isinoli ang cellphone kay Caleb.
"What's going on?" aniya na bakas ang kaguluhan.
"Ngayon 'yong interview ko."
"I thought we've talked about this the other day? 'Di ba sabi ko na okay lang naman na hindi ka na humarap pa sa publiko?" pagtutol niya.
"Naprotektahan mo na ako, Caleb. Ngayon, ako naman ang magtatanggol sa'yo."
"Win..."
"Please, hayaan mo akong gawin 'to para sa'yo," giit ko. "You told me to fight for us. Us means Dil, you, and I. You have already defended Dil and I. Let me defend you."
Namumungay na ang kanyang mga mata.
"Alam mo minsan, akala ko sagad na ang pagkahulog ko sa'yo. But here you are again, as always, keep on doing things that make me fall the hardest and deepest."
"Ang galing mo talagang mambola, ano?"
Muli niyang malambing na hinawakan ang magkabilang braso ko.
"Hindi naman ako nambobola. It's true. Tanungin mo pa si Mama."
Napangiti ako at parang may kumubaw na mainit na emosyon sa damdamin.
Umalis na kami at umuwi ng bahay kung saan gagawin ang exclusive interview sa akin. Hindi ako nakaramdam ng anumang kaba. Naging panatag ako dahil na rin sa nakukuhang matibay na suporta mula sa mga mahal sa buhay. Upang maging mas komportable ay sa balkonahe ng bahay ginawa ang interview.
Gaya na lamang ng hiniling ko, isang babaeng journalist ang kinuha. Ako mismo ang pumili sa kanya dahil naging idolo ko siya sa mga ulat niya patungkol sa Women Empowerment. Advocate din kasi siya ng mga kababaihan. Pinili ko siya hindi dahil sa gusto kong kampihan niya ako. Pinili ko siya dahil alam kung sa matuwid ang kanyang panig. Gusto kong maging patas ang mangyayaring interview. Ayaw kong umangat. Ayaw kong may maapakan.
"Good afternoon. I am here with Miss Winona Arabella Santibañez for an exclusive interview," aniya na nasa camera ang matalas na tingin. Binalingan na niya ako ng tingin. "Good afternoon, Miss Santibañez."
"Good afternoon din."
"First, I want to thank you for this opportunity. For trusting me with this exclusive interview." May dumaang pang-unawa sa kanyang mga mata ngunit agaran din naman itong bumalik sa pagiging matalas at tagos. "Recently, your relationship with Senator Caleb Del Fuego in the past had caused a media wildfire. Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan, na ikaw ay nabansagang," mapait siyang ngumiti, "I am sorry to say this, 'Mistress'. What can you say about the label they've given you?"
Napasulyap ako kay Caleb na nakakrus ang braso habang nakatayo lang sa tapat namin. Mistulang isang guard dog na nagbabantay. Kasabay ng pag-igting ng kanyang panga ay ang pagtalim ng tingin. Ibinalik ko ang buong atensiyon sa babaeng journalist.
"I will not deny the truth. Yes, I was Senator Caleb Del Fuego's mistress five years ago," matapang kong pag-amin sa napakalinaw na boses. "I knew it was wrong. I was ashamed of myself."
Kritikal niya akong tinitigan.
"Why come out and talk now? The issue would probably just die down and you could have just keep your silence."
"Because I want to speak my side. I want to tell my story."
"Is this because you want to defend yourself?"
"No." Mabilis akong umiling. "Alam ko naman na nagkamali ako noon. Inaamin ko 'to. Pero gusto ko lang na hindi iyon ang ihusga ng iba sa buong pagkatao ko. Gusto ko rin na hindi ang nakaraang pagkakamali na 'yon ang maging larawan ng buong pagkatao ni Senator Caleb Del Fuego."
Nagtaas siya ng isang kilay.
"So you are speaking right now to defend the senator?"
Gusto kong ma-intimidate sa kanyang mabibigat na mga tanong pero alam ko naman na ginagawa niya lang ang trabaho niya bilang isang mamamahayag.
"Oo. Bakit naman hindi?" deretsahan kong sagot. "Ipinagtanggol niya ako sa lahat. Sa kabila ng maraming bagay na maaaring mawala sa kanya, hindi siya natakot. Bakit ko ipagkakait sa kanya ang isang bagay na pinakakailangan niya ngayon?"
"Do you still love him, Miss Santibañez?"
Muli na naman akong napasulyap kay Caleb. Mahinahon man siyang nakamasid na sa akin, hindi naman nakalagpas sa paningin ko ang tila ba tensiyon sa kanyang mga balikat. Na para bang pati siya ay nag-aabang sa isasagot ko.
"Yes, I do," bulong ko na parang kay Caleb mismo ito sinasabi. Binalingan ko ang journalist. "Alam kong mali ang mahalin siya noon kaya ako umiwas at lumayo. Kaya ko siya lubusang nasaktan. Pero...pero siguro naman ang pagmamahal ko ngayon para sa kanya ay tama na. Pwede na."
Marahang tumango si Miss Reynes. Namutawi na sa kanyang mga mata ang pang-unawa.
"What can you say to the women who, same as you, entered in a forbidden love. A mistress in the past."
Tumitig ako sa camera at ngumiti.
"I just want to say that it's wrong. However you might think that it's love, if it's not right it can never be okay. You will never be happy. There will always be a dark hole in your heart that will eventually eat you out as a woman. Hindi porque't mahal mo, ipaglalaban mo lalong-lalo na kung alam mo naman sa simula pa mali na."
Napatingin ako kay Nanay. Nakatayo na siya sa tabi ni Caleb. Alam kong pareho kami na nagkamali at ng natutunan mula rito.
"I'm not proud of what I did in the past. What I'm proud of right now is the lesson that it had taught me. It made me stronger as a woman, as a mother. Natutunan ko na hindi masama ang magkamali. Ang masama ay ang ipagpatuloy ang pagkakamali na iyon. Hindi masama ang maging mahina. Dahil ang kahinaan ang magpapakita sa'yo kung gaano ka talaga katatag na tao."
Ngumiti ako kay Nanay. Sa pinakamatatag na babaeng kilala ko. Nginitian niya ako pabalik.
"Hindi pa huli ang lahat para magbago," marahan kong sinabi. "True love does not destroy. It builds. A righteous woman does not covet from another woman. She empowers. Give that kind of love. Be that kind of woman."
Nang matapos ang interview ay niyakap ako nang mahigpit ni Nanay. Naghintay naman sa kanyang likuran si Caleb. Niyakap niya rin ako. Nang makalas ang yakap ay inilingkis ko ang braso sa leeg niya at tinitigan siya nang matagal. Tinitigan niya rin ako pabalik at mainit na hinawakan ang baywang ko.
"You never really fail to amaze me. For me you are the strongest woman. " bulong niya.
"I'm only strong because of you and this family."
"Ay wow! Ang taray! PDA na 'yan!!" Parehas kaming napapikit ni Caleb dahil sa narinig na matinis na pagtili ni Raffa.
Sabay kaming napalingon sa kanya at nakitang mukhang kararating niya lang yata. May bitbit siyang dalawang bote ng wine sa magkabilang kamay.
"This calls for a celebration dahil tingin ko pang-shut up interview to the bashers ang nangyari kanina," pagdadaldal niya pa.
Umirap ako at kumalas na kay Caleb para harapin ang kaibigan.
"Ni hindi mo nga napanood ang interview. At saka sabi ni Miss Reynes na baka sa susunod na araw pa iyon ilalabas."
Pinilitik niya ang kanyang dila at umismid.
"Kilala ko na ang tabas ng dila mo, day. Hindi ko na kailangang marinig ang interview mo kanina dahil alam ko na ang mga makabagbag damdamin mong words of wisdom! Pang Miss U! Shut up na ang bashers do'n for sure."
Naiiling na lang ako.
"O siya, pasok na tayo sa loob at nang magkaroon ng excuse para maglasing. Broken hearted na naman kasi akes," dagdag niya. Tinalikuran na kami at humakbang na siya papasok ng bahay.
"Na naman?" sambit ko at sumunod na sa loob. Nasa likuran ko naman si Caleb. Ang isang braso niya ay mainit na nakayapos sa aking baywang.
Nahinto si Raffa at bigla kaming nilingon. Dumapo ang tingin niya sa isang braso ni Caleb na mapang-angking nakayapos sa baywang ko. Tinaasan niya kami ng kilay.
"Ang sweet, huh. Maya niyan magkaroon na ng kapatid si baby Dillon!"
Nasamid ako sa sariling laway at napaubo ng dis oras. Mahina namang natawa si Caleb sa likod ko ngunit hindi pa rin nagtanggal ng kamay. Nag-peace sign ang bakla at nagpatuloy na sa paglalakad papasok ng bahay.
Pinagsaluhan namin ang maagang hapunan. Nag-inuman nga kami pero kalahati lang ng wine sa wineglass ang ininom ko. Si Caleb naman ang umubos nito para sa akin. Puno ng tawanan ang hapag dahil kay Raffa. Tinotoo niya nga ang sinabi na maglalasing dahil nag-request pa siya kay Nanay ng isang case ng beer. May karamay naman siya dahil balak rin yata ni Ate Weng na maglasing.
Para makaiwas sa inuman ay nagpaalam na akong aakyat ng kuwarto dahil hindi naman talaga ako umiinom. Nabigla rin ako nang nagpaalam na rin si Caleb. Sabay kaming umakyat ng kuwarto. Inaasahan kong nasa kama na si Dillon at natutulog ngunit laking gulat ko na lang nang pagbukas ng pinto ay makitang wala ito sa loob.
"Maybe he went to his room?" paghula ni Caleb sa aking likuran.
Dahil sa lapit ng mukha niya sa bandang leeg ko ay naamoy ko ang mainit na wine. Nag-init ako bigla.
Tumikhim ako upang i-ayos ang sarili.
"S-Sige... Puntahan ko lang..."
"Alright. I'm just gonna take a shower," sabi niya.
Lumabas ulit ako ng kuwarto at tinungo ang kuwarto ni Dil. Binuksan ko ang pinto nito at tumambad sa aking paningin si Dillon na mahimbing ng natutulog sa kanyang sariling kama.
Wala sa sarili kong isinarang muli ang pintuan at naglakad na pabalik ng kuwarto. Sa nag-iinit na pakiramdam kahit na kaonti lang naman ang nainom na wine ay binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Kumalabog ang puso ko habang naririnig ang pag-agos ng tubig sa shower. Uminit ang pisngi ko nang maalala ang sinabi ni Raffa kanina. Makakatulog ba ako nito ngayong gabi?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top