Chapter 33
Chapter 33
Mistress
Sunod-sunod ang pagkalabog ng puso ko habang naghihintay sa pagsagot ni Caleb sa kabilang linya. Hindi na ako magpirmi sa kinatatayuan sa loob ng kwarto. Ang panganib na pinakakinatatakutan ko ay mukhang magsisimula na.
Walang sumasagot sa kabilang linya sa numero ng kanyang opisina. Kagat ang ibabang labi at hinihilot ang sentido ay ang private number naman ni Caleb ang tinawagan ko. Dumaan pa ang ilang beses na pag-ring bago niya ito sinagot.
"Winona..." Mistulang paghinga ang pagsambit niya sa pangalan ko.
"Alam na nila," nanginginig kong sinabi. "Nakita ko sa balita... Alam na nila ang tungkol kay Dillon. Ang anak ko... Baka may mangyari sa anak ko... Caleb, natatakot ako-"
"I will never let that happen," agap niya sa determinadong tono. "I will protect you and our son. I'm doing everything, Win. Please be at peace... Let me worry about it."
Marahas akong nagbuga ng hininga.
"Paano ako mapapanatag?! Napakalaking gulo nito, Caleb!" mababakas na sa boses ko ang sindak.
"My team and I are doing everything to block the media out. I promise you, they won't be able to touch you."
Napapikit ako nang mariin. Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone. Ilang sandali pa kaming natahimik at tanging paghinga lang namin ang naririnig.
"Paano ka?" tanong ko sa maliit na boses.
"I... I don't care." Dinig ko ang kanyang pagsuko. "I will send some of my men to protect you and our son. Kahit na gusto kong puntahan kayo ng anak natin, hindi pwede dahil masyadong mainit ang mata ng media sa'kin ngayon."
"O-Okay..." Sinubukan kong patatagin ang loob at magpaubaya.
"When all of these die down, I will come to you. But for now, kiss my son for me, will you? I love him so much," aniya sa boses na umaapaw sa emosyon. Ilang segundo ay huminga pa siya bago nagpatuloy. "And I love you, Win."
Natigilan ako dahil sa huling mga salita na binitiwan niya. Ayaw ko nang lagyan ng mabigat na kahulugan ang mga salitang iyon at inisip na lang na baka nasabi niya ito dahil sa sitwasyong nangyayari.
"I will call again soon..." pahabol niya bago ibinaba ang tawag.
Sa payo na rin ni Caleb ay hindi na ako pumasok ng trabaho kinabukasan. Pati ang anak namin ay hindi ko na rin pinapasok sa eskwelahan. Hindi kami nanood ng palabas sa telebisyon dahil iniiwasan na makita kung may iba pang balita tungkol sa amin.
Nagpadala nga si Caleb ng ilang tao niya sa bahay. Proteksiyon daw namin upang kung may dumating man na taga media ay hindi makalapit sa amin. Sana nga lang at maagapan talaga niya para hindi na humantong pa sa ganoong sitwasyon.
Nagkausap na rin kami ni Theo. Pinuntahan niya kami sa bahay upang kumustahin. Sa isang araw lang, pakiramdam ko isang buwan na kaming nagtatago.
Sa ikalawang araw ay dinalaw na rin kami nina Raffa at Nanay Lolit. Imbes na maagapan ay pakiramdam ko mas lumalala lang ang sitwasyon. May nababasa na ako sa social media na mga paninira at panghuhusga sa pagkatao ko. Mga salitang kay Tiyang ko lang naririnig noon. Malandi raw ako. Mang-aagaw. Salot sa lipunan. At ang pinakamasakit na nabasa ko ay ang mistulang isang hiling na sana mamatay na raw ako at mapunta sa impyerno.
"Tama na 'yan, day! Masakit 'yan sa mata. Patayin mo na nga 'yang laptop para matigil ka na sa pagbabasa."
"Bakit kaya? Hindi ko lubos maisip na para sa mga taong hindi ko naman kilala at ni isang segundo ay hindi ko naman nakasalamuha, sa isang iglap lang ay kayang-kaya nilang husgahan ang buong pagkatao ko?"
Malungkot niya akong tiningnan. Lumapit siya sa akin at naupo na rin sa gilid ng kama ko.
Pumikit ako. Sa pagpikit ko ay lumandas na rin ang butil ng luha.
"Kahit alam ko naman na bagay lang sa'kin 'yong mga masasamang pagtawag nila, bakit nasasaktan pa rin ako? Totoo naman na naging isa akong kabit noon... Pero ang sakit sakit pa rin pala talaga..."
Napadilat ako dahil naramdaman ang paghaplos ng matalik kong kaibigan sa aking likod.
"Dahil walang sinuman ang deserving na masaktan. Lalong-lalo na ikaw. Noon pa man na-realize mo nang mali ang ginawa mong pakikipagrelasyon kay Caleb kaya ka nga umiwas 'di ba? Kaya kayo nagkasakitan. Nagbagong buhay ka, Win. Pareho ninyo ni Caleb na itinama ang pagkakamali. Sapat na ang sakit na dinaranas ninyo upang pagbayaran ang pagkakamali na 'yon..."
"Pero bakit pakiramdam ko sinisingil pa rin ako ng lahat? Bakit pakiramdam ko kulang pa ang pasakit na ibinayad ko?"
"Wala kang obligasyon sa mga tao, anak." Sabay kaming napabaling ni Raffa sa may pintuan nang marinig ang boses ni Nanay. Unti-unti na rin niya kaming nilapitan. "Wala silang karapatan na singilin ka at lalong-lalo na wala kang responsibilidad na bayaran sila dahil hindi ka naman nagkautang sa kanila."
Marahan ko siyang tinanguan. Tama sila. Hindi naman ako nabubuhay para sa ibang tao kundi para sa sarili, anak at pamilya. Ano ngayon kung 'yon nga ang ipinta ng iba sa pagkatao ko? Hindi nila ako kilala at mas kilala ko ang sarili. Bakit ako dedepende sa paningin nila?
Humugot ako ng malalim na hininga at seryosong binalingan ang mga taong mas lubusang nakakakilala sa akin.
"Papasok na po ako sa trabaho bukas," pinal na pahayag ko. "Hindi naman pupwedeng huminto ang normal kong buhay dahil lang sa mga isyu at panghuhusga na ibinabato sa'kin."
Hinaplos ni Nanay ang buhok ko.
"Tama nga 'yan, Win. Pinatatag ka ng mga karanasan mo sa buhay. Malalagpasan mo ito."
Hindi ko alam kung ano ang aasahan sa pagpasok sa trabaho. Matapang akong pumasok sa gusali ng Pillars at umastang normal ang lahat. Pag-apak ko pa lang sa lobby ay pansin ko na ang pagtitinginan ng mga nasa loob. Kita ko rin ang mapagmatyag nilang tingin sa akin.
Marahil kung nagpakaduwag ako ay nanakbo na ako palabas nito. Ngunit nilakasan ko ang loob at sumuong pa rin. Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit na natatanaw ko ang pagbubulong-bulungan ng iba habang dinadaplisan ako ng tingin. Hindi ako tumigil. Humugot ako ng malalim na hininga at pumasok na ng elevator.
Nang makalabas ay dumeretso na ako sa station. Mabilis na nasambulat ang umpok nina Kim at Jane pagkalapit ko. Awkward na napatikhim si Kim sabay sulyap sa akin. Ngumiti ako at pumasok na.
Tahimik kong inilapag ang bag sa loob ng cabinet. Nang mag-angat ng tingin ay napansin ko ang nerbiyos na patuloy na pagsulyap sa akin ni Kim. Hindi rin nakalagpas sa bisyon ko ang biglang palihim na pagsiko ni Jane sa kanya.
Maya-maya pa ay pagtikhim na ni Kim ang narinig ko.
"Uh.. May... May nabasa kami sa internet... Tungkol sa kay... Senator Del Fuego." Batid ko ang kaba at pagkailang sa tono ng pananalita niya.
"Noong una, hindi kami naniniwala na ikaw 'yon... Kaya lang may nakalagay na talaga na pangalan mo," sabad naman ni Jane.
Bahagya akong nagulat ngunit sa kasulok-sulukan ng isipan ko ay alam ko namang mangyayari ito. Walang sekretong hindi nabubunyag lalo na at kilala si Caleb ng publiko dahil sa pagiging public servant.
"Hindi ka namin huhusgahan, Winona. Kilala ka namin kaya-"
"Totoo 'yon," deretso kong sinabi. Para saan pa ang paglilihim ko kung nakasisiguro akong sa huli ay mabubunyag naman ito? "Naging... kabit niya ako at may anak kami," dagdag ko.
Imbes na makitaan ng pandidiri at pangungutya sa kanilang hitsura ay pang-unawa at malungkot na ngiti lang ang isinukli sa akin ng mga kasamahan ko.
"Hay. Nakakaloka! Para talagang pang-celebrity ang buhay mo!" si Kim na magaang natawa. "Yong gwapitong bata na hinanap mo rito noong nakaraan, iyon ba ang anak... niyo ni Senator?"
"Oo. Dillon ang pangalan niya."
"Ipakilala mo naman kami sa kanya minsan! Ililibre namin siya ng ice cream," sambit ni Jane.
Medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Sa natitira pang oras ay pinag-usapan namin ang tungkol kay Dillon. Para akong nabunutan ng tinik dahil naisip na hindi naman pala lahat ng tao ay nanghuhusga. May mga totoong kaibigan pa rin na makikilala at makakaintindi sa pinagdaanan ko. May mga tao pa rin na malawak ang pang-unawa.
Nagtrabaho ako na parang wala lang. May mga sandali na naririnig ko pa rin ang usapan tungkol sa akin ng ibang nurses ngunit hindi ko na ito inalintana. Hindi ko dedepensahan ang sarili. Hanggang wala naman silang ginagawang pisikal na makakasakit sa akin, hahayaan ko lang sila.
Kinahapunan, hindi pa man nakakapasok sa silid ni Nanay Luz ay pinatawag ako ng admin. Gusto raw akong makausap ni Madame Hemendez. May pansamantalang pumalit muna sa akin upang asikasuhin ang ina ni Caleb kaya nagtungo na ako ng admin office.
Kumatok muna ako bago pumasok. Nadatnan ko ang ina ni Theo na nakasuot ng spectacles habang abala sa pagpirma ng sa tingin ko ay mga dokumento. Nag-angat siya ng tingin at tipid akong nginitian.
"Please, take a seat, Winona," alok niya sabay muwestra sa bakanteng silya na nasa tapat ng kanyang mesa.
"Salamat po." Naupo na ako.
Isinantabi niya ang mga dokumento at ibinaba ang hawak na ballpen. Ilang minuto niya pa akong pinagmasdan.
"How are you doing, hija?"
"Okay lang naman po ako."
Bumuntonghininga siya at tinanggal ang suot na manipis na spectacles.
"This is hard..." Inilagay niya ang salamin sa lalagyan nito na kulay silver. Muli niya akong tiningnan. "The rumors have reached the administration..."
Lumunok ako at umalerto. Nagpatuloy naman siya habang mariin akong pinagmamasdan.
"Probably not rumors since they are from credible sources. But still, I want to personally hear the truth from you."
Alam kong wala na akong kawalan pa. Unti-unti akong tumango.
"Opo. Totoo po 'yon."
Tila ba may panghihinayang na dumaan sa kanyang mga mata. Ang palakaibigan niyang ngiti ay napalitan ng hindi na maabot na distansiya.
"I have to be honest with you, Winona. I like you but I do not tolerate that kind of scandal. I am a woman too. A wife. I can never imagine myself if ever my husband finds a mistress for I simply do not tolerate infidelity."
May parte na bumagsak sa pagkatao ko.
"Alam kong malaki ang kasalanan na nagawa ko pero pinagbayaran ko naman po ito," sabi ko nang mahanap na ang boses.
"I pity his former wife. God rest her soul," mahinahon niyang sinabi. "Anyways, ipinatawag kita para i-discuss ang professional matter regarding your credibility and integrity as an employee in my nursing home. And I am sorry to tell you that you have failed."
Dahan-dahan akong napayuko. Nanginig ang labi ko. Parang unti-unti na akong binagsakan ng lahat. Gusto kong hilingin na sana masamang panaginip lang ito.
"We do not tolerate immoral acts done by our employees. You have broken its moral standard that we righteously preserved." Naging maawtoridad na ang kanyang boses.
"N-Naiintindihan ko po. At...tinatanggap ko po ang desisyon ninyo ng bukal sa kalooban," nanghihina kong tugon. Bilang respeto na rin ay muli ko siyang tiningnan. Ngumiti ako kahit na masakit. "Maraming salamat po sa pagtanggap ninyo sa akin dito. I will treasure my experiences in your nursing home, Madame."
Ang buong akala ko ay tapos na siya pero hindi pa pala.
"Aside from that, I have a favor to ask."
Natigilan ako. "Ano... Ano po 'yon?"
"I want you to leave my son." Banayad man ang tingin niya ay nakitaan ko pa rin ng pinalidad ang kanyang awra. "Again, I will be frank, hija. You do not just failed me professionally but you have also failed me personally. You are not good for Theo. I am sure that there were instances that you have seen that too."
"Mom!"
Sabay kaming napabaling ni Madame Hemendez sa pinto. Nanigas ako nang makita si Theo na sa lamig ng titig sa sariling ina ay parang nakakapanigas na.
Marahil dahil na rin sa masinsinan naming pag-uusap ng doktora ay hindi na namin narinig ang pagkatok at pagpasok ni Theo sa silid kanina.
Napatayo ako at mabilis naman na nilapitan ni Theo.
"Ano bang pinagsasabi niyo sa kanya?" galit niyang untag sa ina.
Sa natatakot na disposisyon ay muli kong sinulyapan ang kanyang ina. Ramdam ko ang nerbiyos nito. Ilang beses siyang napakurap bago nakasagot.
"I was only...telling her the truth. She's not good enough for you, hijo. Can't you see that?"
Hinawakan ni Theo ang braso ko. Matalim niyang tiningnan ang ina.
"She's more than enough for me. I love her and there's nothing you can do about it."
"Cain Mattheo!" Umalingawngaw ang boses ng kanyang ina sa buong silid.
Inignora lamang ni Theo ang pagtutol ng ina. Sa nag-aalalang mga mata ay sa akin niya itinuon ang pokus.
"Are you alright? Let's get out of here. I'll drive you home."
Walang kibo akong marahang tumango. Hindi ko na sinulyapan pa ang doktora.
"What are you doing, Theo? Are you trying to destroy your reputation? Masisira ka dahil sa kanya! Please, son! Will you listen to me?" pagsusumamo ng nanay niya.
Hindi siya binalingan ng anak. Patuloy lang akong inalalayan ni Theo hanggang sa makalabas na kami sa opisina.
Namanhid ako. Mahigpit ang pagkakahawak ni Theo sa kamay ko habang naglalakad kami sa lobby. Nagtiim bagang lang siya at inignora ang lahat ng mga usyosong titig mula sa iilang empleyado na nadadaanan namin. Sa ipinapakita niyang istriktong hitsura ay para ako nitong dinala ulit sa nakaraan noong una ko siyang makilala. Masyadong malamig at mukhang mahirap paamuin.
"Kabit 'yan 'di ba? Grabe hindi na nahiya at nang-aakit na naman.." Dinig kong bulong ng isang nurse sa katabi niyang isa ring empleyado. Marami namang nagbubulong-bulungan ngunit mas dinig lang talaga ang sa kanya.
Huminto si Theo sa tapat nila. Umigting ang kanyang panga at matalim na binalingan ang babae.
"What's your name?" tanong niya rito sa nagyeyelong boses dahil sa lamig. Sa katahimikan ay alam kong dinig ito ng lahat ng nakikiusisa.
"Theo," awat ko sa mahinang boses upang pigilan siya dahil kilalang-kilala ko ang Theo na ito.
Nakita ko ang panginginig ng mga labi ng nurse. May takot sa kanyang mga mata. Napayuko na rin ang isa niyang kasama.
"Uh... K-Kelly po, Doc..." kandautal niyang tugon.
"Well, Kelly... you're fired," malamig na pahayag sa kanya ni Theo. Pinasadahan niya ng tingin ang mga empleyadong naroroon at halatang nakikinig. "Whoever says something bad to Winona will be fired. Do you hear me? I will fucking fire everyone who dares insult her!" matalim niyang sigaw.
"Theo, tama na." Hinawakan ko ang braso niya. "G-Gusto ko nang umuwi... Ihatid mo na ako, please..."
Napalis ang galit sa mga mata niya nang balingan ako. Banayad niya akong tiningnan. Siguro nga ay nakita niya ang pagsusumamo sa mga mata ko kaya sumuko na rin siya at tumango.
Hindi ko alam kung paano kami nakalabas ng gusali. Narating na namin ang basement. Iginiya niya ako sa lokasyon kung saan madalas niyang ipinaparada ang sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok na kami sa loob.
Habang nagmamaneho ay napasulyap siya sa rearview mirror ng sasakyan.
"Someone's tailing us."
"Baka 'yong security na bigay ni Caleb," walang kabuhay-buhay kong sagot. Hinilig ko ang ulo sa headrest ng upuan.
"Pasensiya ka na kay Mom... I will talk to her. I will make her understand. Hindi ka niya pwedeng basta-basta tanggalin nalang sa trabaho without due process."
Tiningnan ko siya. Nakitaan ko ng pagod at matigas na paninindigan ang kanyang mga mata. Huminga ako ng malalim.
"Alam nating pareho na may matibay siyang basehan para tanggalin ako. At tama naman ang sinabi ng mommy mo. Hindi ako mabuti para sa'yo. Baka masira ko pa pati reputasyon mo."
"Stop it. That's not true," matigas niyang sinabi.
Pumikit ako at pagod na bumuntonghininga. Binalot kami ng katahimikan. Ipinagpahinga ko na rin ang sarili. Masyadong mabigat ang araw na ito sa akin. Iniisip ko rin ang susunod na hakbang na gagawin dahil wala na akong trabaho simula bukas. Paano na lang ang therapy ni Dil at ang maintenance ni Tiyang?
Sa dami ng mga problemang iniisip ay hindi ko na namamalayang kanina pa pala nakahinto ang sasakyan. Dumilat ako at nakitang nasa tapat na kami ng bahay.
Maagap na pinalibutan kami ng tatlong security ni Caleb. Ibinaba ni Theo ang salamin sa pintuan ng sasakyan.
Kritikal kaming tiningnan ng mga bodyguards. Nang dumapo ang tingin nila sa akin ay agad naman silang umatras.
"Ang strikto naman ng security ng ex mo," si Theo.
Nagkibit ng balikat lang ako at binuksan na ang pinto. Nang makalabas na ay nilingon ko siya.
"Salamat sa paghatid. Ingat ka pauwi."
Ngumiti siya at muling napasulyap sa mga bodyguards na nadagdagan pa dahil nakababa na ang bumuntot sa sasakyan namin kanina. Bumuntonghininga siya at muli nang pinaandar ang sasakyan. Pumasok naman ako sa loob ng bahay.
Inihatid ko si Dillon sa eskwelahan kinabukasan. Bumaba ako at sa mismong classroom siya inihatid. Pinagmasdan ko ang pagpasok niya sa silid. Medyo nagtagal ako roon dahil wala na naman akong trabaho.
Paglipas ng halos kinse minutos ay umalis na rin ako at dumeretso sa apartment nina Raffa. Nag-text din kasi siya sa akin at sinabing hindi siya pumasok sa trabaho. Ayaw ko namang mabagot lang sa bahay kaya napagpasyahan kong bumisita sa kanila.
"Saan ka na mag-aapply?" tanong ni Raffa matapos kaming lapagan ni Nanay Lolit ng pritong saging.
"Hindi ko pa alam. May tatanggap pa kaya sa'kin?"
Ngumiwi si Raffa. "Ewan ko lang sa judgmental world na ito. Pero baka naman hindi ka matanggal dahil 'yon naman ang sabi ni Theo 'di ba?"
Nagbaba ako ng tingin sa saging. Umuusok pa ito sa init.
"Ayaw ko namang umasa kay Theo. Ayaw kong madamay pa siya sa problema ko. Nahihiya nga ako dahil nagkaalitan pa sila ng mommy niya dahil lang sa'kin."
"Huwag mo sanang mamasamain ang sasabihin ko, Winona pero siguro maigi na rin na pahupain mo muna ang isyu," si Nanay Lolit. "Nariyan naman ang ama ni Dil at siguro naman hindi niya kayo pababayaan sa pinansiyal na bagay."
Hindi na ako nagkomento pa kay Nanay Lolit at tumahimik na lang. Wala ni isa sa amin ang muling nagsalita. Bigla namang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa kaya kinuha ko ito at sinagot ang tawag ni Ate Weng.
"Ate?"
"Ma'am, si Dil po nagwawala.... Hindi ko po siya maalu..."
Naririnig ko ang ingay sa background niya. Ingay na dulot ng pag-iyak at pagsisigaw ni Dillon.
Mabilis ang ginawa kong pagtayo. Nagulat pa nga sina Raffa.
"Pupunta na po ako kaagad diyan, Ate!" natataranta kong sinabi.
"Anong problema?" naguguluhang tanong ni Raffa na tumayo na rin.
"Nagwawala raw si Dil. Aalis na ako. Kailangan ko siyang puntahan." Mabilis akong tumalikod at nagsimula ng maglakad.
"Sasama ako, day," sabi ni Raffa na nakasunod naman sa akin.
Halos tinakbo ko na ang sasakyan dahil sa pagmamadali. Pumasok kami ni Raffa sa loob at kaagad ko itong pinaharurot. Sa bilis ng pagpapatakbo ko ay hindi kami inabot ng sampong minuto sa biyahe. Palundag na akong bumaba ng sasakyan nang makahinto na sa tapat ng eskwelahan nila.
Mabilis naman kaming pinapasok ng guwardiya. Doon, malapit sa playground ay nakita ko ang anak na halos nakalumpasay na sa semento. May nakapalibot na sa kanyang mga bata at iilang mga magulang. Nakita ko rin ang adviser niya na pilit siyang inaalu.
"I want my Nanay! I want her!" sigaw ni Dillon habang itinutulak-tulak ang kanyang adviser at si Ate Weng na lumalapit sa kanya. Sinusubukan siyang hawakan nito.
"Dillon!" tawag ko at nilapitan na siya.
Agaran siyang nahinto sa pagpupumiglas. Nahabag ako sa kanyang hitsura na namumula na at basang-basa pa ng luha ang kanyang pisngi. Tumakbo siya palapit sa amin ni Raffa at niyakap ako.
"Nanay!" paulit-ulit niyang sambit na walang tigil pa rin sa pag-iyak.
Hinaplos ko ang kanyang likod. Basang-basa na ito ng pawis.
"What happened? Why are you throwing tantrums again?"
Nagpatuloy lang siya sa paghagulgol at mas hinigpitan pa ang pagyakap sa akin. Nag-angat ako ng tingin at napuna na nagsialisan na ang mga taong naroon kanina. Kanya-kanya na silang nagsiuwian.
"Dil? I will wait until you calm down and then you will tell Nanay everything, alright?"
Kahit na umiiyak pa rin ay nakita ko naman ang pagtango niya.
Nilapitan na kami ni Ate Weng kasama ang adviser ni Dillon. Napalinga ako sa bleachers na nasa lilim ng mayabong na kahoy.
"Maybe we should take a seat, anak. Do you want to do that?"
Mabilis siyang umiling bilang protesta.
"I don't want to go anywhere else! I want to go home."
Yumuko ako at marahan siyang hinawakan sa balikat. Pinagmasdan ko ang kanyang hitsura. Medyo naging kalmado na siya.
"Are you ready to tell Nanay what happened?"
"I had a fight with Jeb, my classmate. I hate him!"
Naalarma kaagad ako. Mariin kong tinitigan ang mukha ng anak ko na puno ng galit.
"Dil, what did I tell you about fighting? And hate is such a mean feeling."
"Jeb told me I'm a bastard... He said... He said mean things about you. He said his Mommy told him that you're a man stealer. I loathe him!"
Natutop ko ang labi. Hindi ko alam ang sasabihin at napatingin na lang sa adviser niyang banayad na nakamasid sa amin ng anak ko.
"I think it's better na iuwi mo na muna si Dillon, Miss Santibañez. I will just schedule a talk with you maybe tomorrow," sabi ng babaeng adviser ni Dil.
"S-Sige po. Salamat."
Binuhat ko si Dil papuntang sasakyan. Kahit na kalmado na siya ay ramdam ko pa rin ang panginginig ng kanyang katawan. Lumabas kami ng gate at nilapitan na ang sasakyan.
"Diyos ko, Win!" tensiyonadong sambit ni Raffa kinalabit pa ako sa braso.
Luminga ako at nakita ang ugat ng pagkabahala niya. Nakahilera palibot ng sasakyan ko ay ang tumpok ng halatang mga taga medya na may bitbit na mga camera. Nakita kami ng mga reporters at mabilis pa sa kidlat nila kaming sinugod. Maagap naman kaming pinalibutan ng security na bigay ni Caleb. Humigpit pa lalo ang pagkakahawak ko kay Dil.
"Miss Santibañez, 'yan na po ba ang anak ninyo ni Senator Del Fuego?" tanong ng isang babaeng reporter mula sa isang kilalang station.
"Ano ang masasabi mo sa mga kumakalat na mga komento ng netizens na sinira mo raw ang pamilya ni Senator?"
"Ipinagpapatuloy mo pa rin ba hanggang ngayon ang pakikipagrelasyon sa batang senador since you are using his security personnel?"
"According to our source, your son has disability. Are you using his pitiful situation to your advantage?"
"Is your son mentally disabled, maam?" insensitibong tanong naman ng isa pa.
Napipi ako sa mga sunud-sunod na tanong ng mga reporters. Hindi pa ako nakabawi dahil sa pagiging gulantang sa nangyayari.
"No comment kami, okay?! No comment! Padaanin niyo kami!" bulyaw naman ni Raffa sa kanila.
"Nanay..." muli na namang nagsimula ang pag-iyak ni Dil.
Mas hinigpitan ko pa ang pagkarga sa kanya.
"P-Padaanin niyo kami," nanginginig kong sinabi.
"Do you have any comments po sa mga nambabatikos sa inyo dahil sa pagiging mistress?"pagpapatuloy pa rin nila sa pambabato ng mga tanong.
"Your son has Autism, Miss Santibañez. Do you think this is your punishment for the immoral act that you have done?"
Nanigas ako dahil sa tanong na iyon.
"Isa itong harassment! Kakasuhan namin kayong lahat!" matapang na sigaw ng nagiging amazona ko ng kaibigan. Hinila niya ako sa braso palapit sa sasakyan. "Halika na, day."
Binuksan ni Ate Weng ang pinto ng sasakyan kaya pumasok na kami sa loob nito. Si Raffa na ang nagmaneho kaya mabilis kaming nakaalis. Nanginginig pa rin ang aking buong katawan habang niyayakap ang umiiyak ko na namang anak.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top