Chapter 30
Chapter 30
Tennis
Hindi ko lubos maisip kung papaano ako napapayag ni Dillon sa kahilingan niya kagabi. Matapos ang paglalaro ng basketball ay nagpaalam na rin naman si Theo. Sumunod naman sa kanya si Caleb na kinausap pa ako bago pumasok sa loob ng kanyang sasakyan.
"I just want to ask permission," aniya. Nasa tapat na kami ng kanyang sasakyan. "Pwede ko bang ipakilala si Dillon kay Mama bukas? Kung okay lang naman sa'yo."
"Hindi ba siya maguguluhan? Baka mas maigi kung ipaliwanag mo muna kay Ma'am Luz bago mo ipakilala mismo si Dillon sa kanya," suhestiyon ko.
"It's fine... I know my mother," kampante niyang sinabi. Pinagmasdan niya nang mabuti ang hitsura ko. Nakita niya siguro ang pag-aalinlangan ko kaya nagpatuloy siya. "She can handle it. I'm even confident that she'll be really happy."
Nakita ko ang matinding kumpiyansa sa awra niya. Dahan-dahan ako nitong nahikayat.
"Sige. Pero kapag... nagkaproblema sabihan mo lang ako. On duty naman ako bukas kaya nasa Pillars lang ako."
Sumilip ang ngiti sa kanyang mga labi. Sa mapanglaw na mga mata ay muli siyang napabaling sa pintuan ng bahay bago ako sinulyapan.
"Thank you, Winona. Pasensiya na talaga sa nangyari kanina... about our son's allergy. Muntik ko nang mapahamak ang anak natin."
"Huwag mong sisisihin ang sarili mo. Hindi mo naman alam. Kalimutan na natin 'yon," napangiti ako dahil sa naaalala, "At saka nga 'di ba sabi niya, mas makikilala mo pa siya sa mga gusto at hindi niya gusto..."
Nahawa na rin siya ng ngiti ko.
"Tama ka nga. Dillon is very understanding despite his condition. Gusto ko rin sanang hingin ang number at address ng doctor niya. I want to know more about our son's condition."
Tumango ako. "Sige. Ite-text ko sa'yo mamaya o 'di kaya ay bukas."
Kinabukasan ay nawala rin naman ito sa isipan ko pansamantala dahil sa pag-iisip sa magiging pagkikita namin ng ina ni Theo para sa pananghalian.
"Tingin mo matapobre iyong nanay ni Doc Theo? I mean base sa hitsura?" si Kim na hindi na talaga napigilan ang sarili at hinarap na si Jane.
Ngumuso si Jane habang halatang pinag-iisipan ang tanong ni Kim.
"Parang. Ewan ko ba. Ayaw kong maging judgmental," inikot naman niya ang inuupuang swivel chair at sa abalang si Nurse Abby naman humarap, "Ano sa tingin mo, Nurse Abby?"
"May mga taong istrikto tingnan pero kapag nakilala mo ay mabait naman. Let's just hope na ganoon si Doktora Hemendez," sagot niya.
"Huwag na kayong mag-alala para sa'kin. Kaya ko na ang sarili ko," sabi ko sabay ngiti. Naalala ko tuloy ang mga naging kaibigan ko noon na sina Ma'am Caitlyn at Ate Jelay dahil sa concern na ipinapakita ng mga kasamahan. Kumusta na kaya sila?
Pinasadahan ako ng tingin ni Kim.
"Sigurado ka ba na hindi ka na magbibihis? Iyang uniporme lang talaga natin ang isusuot mo?"
Umiling ako sabay baba ng tingin sa suot.
"Hindi na. At saka sabi naman ni Theo na hindi formal meeting kaya dapat komportable lang ako. Alam naman ng mommy niya na may trabaho ako ngayon. Saglit lang ang lunch."
"Doc Theo is in!" anunsiyo ni Jane.
Tumayo na ako sabay kuha ng maliit na bag.
"Ready?" si Theo na nakatayo na sa harap ng desk. Tinanguan niya ang mga kasama ko bilang pagbati.
Ngumiti ako at tinanguan siya.
Tahimik kami sa loob ng kanyang sasakyan. Siguro ay hinayaan din ako ni Theo na mapag-isa sa mga iniisip. Medyo kabado rin naman ako sa magiging pormal na pagkikita namin ng kanyang ina. Hindi ko maiwasang isipin kung ano kaya ang magiging pakikitungo niya sa akin.
"Are you nervous?" aniya nang nahinto na kami sa tapat ng isang eksklusibong restawrant.
Kinagat ko ang ibabang labi at binalingan siya. "Medyo..."
"Don't be. You're with me," puno ng kumpiyansang sabi niya.
Nauna siyang bumaba ng sasakyan at pinagbuksan niya naman ako ng pinto nito. Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng restawrant bago siya muling tiningnan.
"Nandiyan na ba sa loob ang Mommy mo?"
Kunot noo siyang napasulyap sa kanyang cellphone.
"Kadarating lang din niya," nag-angat na siya ng tingin sabay lahad ng kamay, "Let's go?"
Tinanggap ko ang kamay niya at siguro dahil na rin sa nararamdamang kaba ay mahigpit itong hinawakan. Ngumisi lang siya at nagsimula na kaming maglakad papasok sa loob.
Mabilis na natunton ng aking mga mata ang kinauupuan ng mommy niya. Kagaya noong una ko siyang nakita ay muli na naman akong namangha sa sopistikadong awra niya. Nakasuot siya ng white chiffon sleeveless blouse at mayroon ding puting coat na nakapatong lang sa magkabilang balikat niya. Tenernohan niya ito ng white pants. Bahagya siyang tumayo at kumaway nang makita kami ni Theo.
Medyo naibsan ang kaba ko nang makita ang kanyang pagngiti. Hindi na kami nagtagal pa sa kinatatayuan namin at nilapitan na ang ina niya. Hindi nakalagpas sa akin ang mabilisang pagpasada ng mapanuring tingin ng kanyang ina sa akin.
"Hello, Winona! I've heard so much about you, hija," mainit niyang pagbati sabay beso.
Medyo natigilan ako dahil sa gulat sa magaang na pakikitungo ng ina ni Theo sa akin ngunit kaagad din namang nakabawi at sinuklian ang pagbeso niya.
"H-Hello rin po."
Sumunod naman si Theo at hinagkan ang ina sa pisngi.
"Let's take our seats and then decide what to eat," sabi ni Doktora Hemendez sabay muwestra sa upuan.
Naupo na kami ni Theo sa bakanteng silya na nasa tapat niya. Inabutan niya ako ng isang menu. Ramdam ko pa rin ang titig ng ina niya sa akin kaya naman mula sa menu ay nag-angat ako ng tingin. Nakita ko ang pagngiti niya sa akin. Ngumiti na rin ako pabalik.
Maya-maya pa ay nilapitan na kami ng waitress. Sinabi namin ang mga order sa kanya at pagkatapos ay umalis na rin siya.
"So... How's work, hija?" panimula ng kanyang ina.
"Okay lang naman po."
"Please don't work too hard. My goodness! I've heard about that incident with one of the residents. Mabuti na lang at nandoon si Senator Del Fuego!"
"I've taken care of it, Mom," agap ni Theo. "We transferred that resident to a mental institution where her needs would be catered. Huwag na nating pag-usapan. It's a bad memory and I don't want Winona to be reminded of it again."
Tumango-tango ang kanyang ina bilang pagsang-ayon.
"Of course! Of course I understand, hijo." Muli niya akong tiningnan at mapagpaumanhing nginitian. "I'm so sorry, hija."
"There's nothing for you to be sorry po, Madame," magalang kong sambit.
Napasinghap siya sabay dampi ng palad sa aking kamay.
"Please call me Tita Aurelia. Since you are my son's girlfriend."
Natigilan ako sa sinabi niya. Tumikhim naman ang katabi kong si Theo.
"Nanliligaw pa ako, Mom. Hindi pa kami."
"Oh!" Ang palad na idinampi niya sa aking kamay ay itinakip niya sa sariling bibig. "I am so sorry. Akala ko kayo na! Ang hina naman pala nitong binata ko," aniya sabay baling sa pansin kong medyo namumula ng si Theo.
"Anyways, how's Dillon? Next time na mag-lunch tayo you should bring Dillon along. I want to meet him. Sa dami ba naman ng naikukuwento ni Theo sa akin tungkol sa kanya."
Napatingin ako kay Theo. Nakita ko ang mga mata niya na para bang nagsasabing 'See? I told you so.' Muli kong tiningnan ang ina niya.
"O-Okay naman po siya. Salamat po at susubukan ko," nahihiya kong sinabi. Naalala ko rin na ngayong araw pala ang sinabi ni Caleb na ipapakilala niya si Dillon sa ina.
Naputol na rin ang usapan namin dahil sa pagdating ng mga pagkain. Ang kaba na kanina ko pa naramdaman ay unti-unti ng nawawala. Mabait naman pala ang ina ni Theo. Sa bawat usapan ay ramdam kong gusto niya akong isali. Nangumusta rin siya sa nanay ko. Naging maayos ang aming pananghalian at matiwasay ang magaang na usapan.
Kinahapunan ay pinuntahan ko na ang kuwarto ni Nanay Luz. Alam kong naroon na sa loob ang mag-ama ko dahil ito ang naging usap-usapan ng mga kasama sa trabaho pagbalik ko mula sa pananghalian kasama nina Theo at kanyang ina.
Kahit man bahagyang nakabukas na ang pinto ay kumatok pa rin ako bago pumasok. Medyo nabigla ako sa bumungad sa bisyon ko. Nakita ko si Dillon na nasa tabi ni Nanay Luz sa kama. Namamangha siya habang ipinapakita ni Nanay Luz ang kanyang mga iginuhit na larawan sa sketch pad. Dahil sa pagiging abala ng anak ko ay hindi na niya napansin ang pagpasok ko.
"Dil, your Nanay is here," si Caleb ang tahimik na nag-anunsiyo nito.
Agarang nag-angat ng tingin ang anak ko. Nang makita ako ay mabilis siyang bumaba mula sa kama.
"Nanay!"
Yumuko ako at hinagkan siya sa bandang ulo.
"I have another Wowa! How cool is that?!" tuwang-tuwa na sabi niya sabay sulyap kay Nanay Luz.
Base sa narinig ko mula sa kanya ay mukhang kanina pa nagkakilala ang dalawa. Nginitian ko si Dillon at tiningnan si Nanay Luz. Malungkot ang kanyang ngiti habang nagmamasid sa amin ng anak ko.
Binalingan ko ang anak. "Nanay has to work na muna, okay?"
Maintindihin siyang tumango. Bitbit ang tray ng mga gamot ay nilapitan ko na si Nanay Luz sa kanyang kama.
"Inom po muna tayo ng gamot." Hindi ko magawang mag-angat ng tingin sa kanya. Nahihiya ako sa sarili dahil sa mga kasinungalingang sinabi.
Hindi man siya nagsasalita ay batid ko naman na pinagmamasdan niya ako. Dahan-dahan kong kinuha ang tableta mula sa lalagyan nito. Kinuha ko na rin ang isang baso ng tubig.
Tahimik niya lang na tinanggap ang baso ng tubig at ininom ang tableta. Matapos na magampanan ang trabaho, sa unang pagkakataon ay para na akong nangangapa sa dilim habang iniisip ang susunod na sasabihin.
"I-I'm sorry po," anas ko na lang. Naduduwag pa rin na mag-angat ng tingin.
Nanatili siyang tahimik. Iisipin ko na sana na galit siya sa akin ngunit nagulat na lang ako nang bigla niyang kunin at hawakan ang isa kong kamay. Dahil sa ginawa niya ay unti-unti akong nag-angat ng tingin.
Nakita ko na may mga luha ng nangingilid sa kanyang mga mata.
"Sobra siguro ang naging paghihirap mo, Winona," bulong niya. Hinaplos niya ang kamay kong hawak niya na para bang pilit na pinapawi ang paghihirap na kanyang tinutukoy. Napapikit siya nang mariin at kumawala na nga ang luha. "Sinabi sa akin ni Caleb ang lahat. Ang... Ang mga paghihirap mo. Ang mga pasakit mo..."
Dahil sa kakatitig sa kanya ay hindi ko man lang namamalayan na ang mga mata ko ay nagbubuhos na rin pala ng sariling mga luha.
"Patawarin niyo po ako sa mga kasinungalingan ko."
"Shh," agap niya. "Bakit ka ba humihingi ng kapatawaran? Ni hindi ko lubos maisip ang mga sakit na dinaranas mo sa mga panahong...halos masira na ang buhay mo. Patawad, hija. Patawarin mo rin sana ang mga pagkukulang ng anak ko..."
Niyakap ko siya at ipinaramdam sa kanya ang pagpapatawad ko. Siguro man ay darating ang araw na hindi niya na ito maaalala pa dahil sa karamdaman ngunit alam ko naman na hindi ko ito makakalimutan. Ako ang aalala nito para sa aming dalawa.
"Why are they crying, Tatay?" Dinig kong tanong ni Dillon sa likuran. Hindi ko narinig ang isinagot ng kanyang ama.
Matapos ang yakapan ay napunta na sa magagaang na paksa ang usapan. Sa halos dalawang oras na pamamalagi ko sa kuwarto ay ipinakita ko kay Nanay Luz ang mga pictures ni Dillon na nisave ko sa cellphone simula noong isinilang ko siya. Hindi na ako masyadong nagkuwento dahil naikuwento ko na naman ang halos lahat tungkol kay Dillon sa kanya noon.
Kahit nasa bandang sofa lang sina Caleb at ang naglalarong si Dillon ay ramdam ko naman ang titig ni Caleb sa akin. Tiningnan ko siya at ngumiti. Tila puno naman ng pasasalamat ang ngiting isinukli niya sa akin.
"I thought she would hate me for what I did to you. I was expecting that she would hate me," si Caleb. Magkatabi kaming nakaupo na sa sofa habang pinagmamasdan ang mag-lola na masiglang nag-uusap malapit sa may bintana.
"Tingin ko naman hindi marunong magalit ang mama mo," sagot ko.
Magkasabay kaming natahimik.
"Pwede bang ako na ang maghatid kay Dillon mamaya sa bahay niyo?"
Tiningnan ko siya. "May pupuntahan pa ba kayo pagkatapos dito?"
"Uh wala na..." Wala sa sarili niyang ipinalandas ang kanyang dila sa ibabang labi. "Pwede rin na sumabay ka na sa amin... Kung 'di pa okay ang sasakyan mo."
Tinitigan ko lang siya. Napatikhim siya at nag-iwas ng tingin.
"Uh...naikuwento lang sa'kin ng anak natin na nasiraan ka raw ng sasakyan kahapon. Kaya ka ba inihatid ng manliligaw mong doktor?"
Inignora ko ang tanong niya at mariin siyang tinitigan.
"Hindi ka ba nag-aalala na baka may makakita? May makaalam na may anak ka sa... labas?" Pumiyok ang boses ko sa huling binitiwang salita.
Mabilis niya akong muling binalingan. Tumango siya na parang inasahan na niya ang paksang nasambit ko.
"I want my son to have my name. With your permission I want to start taking care of the papers."
"Hindi ka ba nag-aalala na baka masira ang pangalan mo?" matapang kong tanong. "Hindi ka naman ordinaryong tao lang. You are a senator of this country. "
Masakit na emosyon ang lumandas sa kanyang mga mata. Sumidhi ang titig niya sa akin.
"Hanggang ngayon ba... nag-aalala ka pa rin sa magiging kahihinatnan ng career ko?"
"I'm just being realistic, Caleb."
Umigting ang kanyang panga ngunit wala naman akong nakitang ni anong bahid ng galit sa kanyang mga mata kundi purong determinasyon lang.
"I don't care about my career. Kahit noon pa man wala na akong pakialam dito pagdating sa'yo. Even in the past I was willing to give up everything for you. That's how much I loved you." Mapaghanap na ngayon ang tingin na ipinupukol niya. "Hanggang ngayon ba hindi pa rin 'yan klaro sa'yo, Win?"
Hindi ko na siya kaya pang magawang tingnan nang deretso. Kapag nagiging ganito talaga ang takbo ng usapan, pakiramdam ko naduduwag na ako.
Dinig ko ang marahas niyang pagbuntonghininga. Nang sulyapan siya ay nakita kong sa nakangiting anak na namin siya nakatingin.
"That same goes to my son. I don't want to be a coward father to him anymore. I am willing to lose everything for my son," binalingan niya ako, "and for you."
Tumatak sa isipan ko ang huling sinabi ni Caleb kaya naman hanggang kinabukasan ay ito pa rin ang gumagambala sa isipan ko. Hindi rin ako nagpahatid sa kanya dahil naging maayos naman na ang sasakyan ko.
"Puntahan mo na sila," panunudyo na naman ni Raffa.
Palibhasa ay Sabado, binisita ko siya sa kanyang parlor na ipinatayo niya rito lang din sa Makati.
"Hindi nga ako pupunta. All boys nga 'di ba?" sagot ko sabay sulyap sa kamay na pinapa-manicure. Nagiging kulay pink na ang kuko ko.
"Eh, obvious na obvious naman kasi na gusto mo silang puntahan! Nando'n naman si Ate Weng bilang chaperone ni Dil 'di ba? Nasaan daw ba? Sa exclusive sports center?"
"Oo. Hindi ko sila pupuntahan. Nag-aalala lang naman ako."
Inirapan niya ako. "Nag-aalala ka na baka magsuntukan ang past at present mo? Huwag kang mag-aalala, day at nandoon si Dillon. May referee." Umakto siyang nag-iisip. Mabilis na nagbago ang ngisi niya at naging malisyoso na ito. "Puntahan na lang kaya natin? Baka boxing na ang nilaro nila at wala ng pang-itaas na saplot sina Doc at Senator. Rawr!"
Napatingin ako sa kanyang babaeng empleyado na siyang nagtatrabaho sa kuko ko. Mukhang wala naman itong pakialam sa mga pinagsasabi ng boss niya.
"Tumigil ka nga," saway ko. Ilang minuto pa kaming natahimik bago ako muling nagsalita. "Sisilip lang ako at pagkatapos ay aalis din."
"Sige! Makikisilip na rin ako!" bungisngis niya.
Nagpasya kami na iche-check lang talaga ang lagay ng tatlo at pagkatapos ay aalis din agad. Mula sa parlor ni Raffa ay nagpunta na kami sa Huggin's Sports Center, isang eksklusibong gusali kung saan naroon na halos lahat ang equipments ng mga laro.
Nang makarating doon ay nag-visitor's log pa kami at nagbayad ng entrance fee dahil hindi naman exclusive member. Ni-text ko na naman si Theo at ang sabi niya ay nasa table tennis room daw sila.
Tinunton namin ito ni Raffa. Nang mahinto na sa tapat ng malaking pinto ay may staff na nagbukas nito para sa amin. Tumambad sa paningin ko si Caleb na wala ng saplot pang itaas at tanging jeans nalang ang naiwang suot. May hawak siyang raket sa isang kamay na mabilis at eksperto niyang pinaiikot habang hinihintay naman ang pag-serve ni Theo ng bola sa tapat niya. Maski si Theo ay nakasuot lang ng manipis na puting sleeveless shirt.
Umawang ang labi ko habang pinagmamasdan ang tagaktak ng pawis ni Caleb na lumandas mula sa kanyang noo pababa sa kanyang malapad na dibdib. Hindi ko na napigilan pa ang sarili at binilang na talaga ang abs ni Caleb. Napakunot ang noo ko. Nadagdagan pala ang mga ito simula noong naghiwalay kami?
"Pahingi ng kanin, day," pabulong na tili ni Raffa sa tabi ko.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Raffa. Napagtanto ko na kanina pa pala ako nakanganga habang tinititigan ang dalawa. Mabilis kong itinikom ang bibig at hinagilap ang anak sa loob. Nakita ko siya na nakaupo na sa may sulok habang pinupunasan ni Ate Weng ng maliit na tuwalya ang kanyang likod.
Tuloy-tuloy na ang ginawa kong pagpasok. Sumunod naman sa likuran ko si Raffa. Mukhang hindi rin naman nila kami napansin dahil nagsimula na naman sa walang humapay na pagpalo ng bola ang dalawa. Nahalata ko rin na sa kanilang mga hitsura na parehong pawisan ay mukhang kanina pa silang naglalaro.
Nalukot ang mukha ng anak ko pagpakita sa akin.
"Are you here to pick me up, Nanay?" malungkot niyang tanong.
Bumuntonghininga ako. "No. Not yet." Naupo na ako sa katabing silya. Tumabi naman sa akin si Raffa na hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa dalawang naglalaro sa harap.
"Kanina pa ba 'yang dalawa sa paglalaro, Ate?" sabay baling ko kay Ate Weng.
"Naku oo, ma'am! Halos dalawang oras na nga eh. Wala yata sa kanila ang gustong magpatalo!"
Dahil sa naging pahayag niya ay muli na naman akong napasulyap sa dalawa. Halos hindi ko na makita ang maliit na bola dahil sa mabilis na pagtatapon nila nito ng bawat palo. Kung titingnan ay daig pa yata nila ang mga propesyonal na atleta dahil sa napakaseryosong pagturing sa laro.
"Woho! Go, DocSen!" biglang hiyaw ni Raffa sa tabi ko.
Sa naniningkit na mga mata ay binalingan ko siya.
"Bakit DocSen?"
"Dahil ship ko silang dalawa! Kapag 'di ka pa talaga pipili ay ako na ang aangkin sa kanila!" aniya na hindi man lang ako tinitingnan. Nasa dalawa lang ang atensiyon.
Napasimangot na lang ako sabay iling.
Muntik nang malaglag ang panga ko nang makita ang halos pagtama ng bola sa mukha ni Theo. Eksaherada namang napasinghap ang kaibigan ko.
Hindi rin ito naging sagabal sa paglalaro dahil nagpatuloy pa rin ang dalawa. Ilang minuto ang lumipas ay nakarinig kami ng isang chime. Magkasabay na nahinto ang dalawa sa paglalaro at parehong napayuko habang hinahabol ang hininga.
Bigla akong inabutan ni Raffa ng dalawang puting tuwalya. Hindi ko napansin kung saan niya nakuha ang mga ito.
"Punasan mo ang mga pawis ng dalawa na sigurado akong para sa'yo," utos niya.
"Bakit naman ako?" reklamo ko.
Ngumuso siya. "Alangan naman ako? Ako ba ang pinag-aagawan dito?" Nanatili lang akong nagmamatigas na nakatingin sa kanya kaya umirap siya. "O sige! Ako na! Kahit labag sa kalooban ko at dahil mabuti akong kaibigan, ako na ang magpupunas ng maiinit nilang pawis!"
"Parang gustong-gusto mo naman!"
Tuso siyang ngumisi. "Oo, day! Bet ko. Anyways, ayaw ko naman silang ma-disappoint kaya ikaw na!"
Naglahad ako ng kamay para sa mga tuwalya.
"Akin na!"
"Aysus! Pa-hard to get pa eh bibigay din naman pala!"
Inignora ko siya at tumayo na dala-dala ang dalawang tuwalya. Una kong nilapitan si Theo na halatang nagulat nang makita ako. Umayos siya ng tayo sabay tanggap sa iniabot kong tuwalya.
Tumikhim siya at nagsimula ng punasan ang pawis.
"Kanina ka pa?"
"Medyo. Masyado kayong...nadala sa paglalaro kaya siguro hindi niyo ako napansin."
"Sorry.." aniya sabay sulyap sa nakatayo sa tapat na si Caleb.
Sinundan ko ang tingin niya at nakita ang pag-iwas ng tingin ni Caleb sa aming dalawa ni Theo. Matalim niyang tinititigan ang pader.
Iminuwestra ko ang isang hawak na tuwalya kay Theo upang iparating ang balak kong susunod na gawin. Tumango lang siya ng isang beses.
Si Caleb naman ang tinungo ko. Siguro napansin niya ang paghinto ko sa kanyang tabi kaya nilingon na niya ako. Kaagad kong iniabot sa kanya ang tuwalya.
"Thank you," marahan niyang sinabi.
"You're welcome," mahinang tugon ko sabay iwas ng tingin dahil kasalukuyan na niyang pinupunasan ang dibdib.
"I uh... I didn't see you coming," si Caleb.
"Hindi mo lang ako napansin." Napatikhim ako dahil para yatang may tunog pagtatampo sa sinabi ko. "I mean... busy kayo ni Theo sa paglalaro kanina."
Awkward siyang mahinang natawa. "Oo nga..."
"Tatay! What would be our next sport?" si Dillon na lumapit na sa amin.
Muli akong napasulyap kay Caleb. Pansin kong nakasuot na siya ng tshirt. Napasulyap muna siya sa suot na relo bago binalingan ang anak naming nakatingala sa kanya.
"It's already four in the afternoon. Aren't you hungry, Dil?"
"Well... Since you've mentioned it, Tatay. I think I'm kinda hungry."
Sabay na umangat ang sulok ng mga labi ng dalawa. Halos mapaawang naman ang mga labi ko dahil sa mas nagiging depina na pagkakahawig ng hitsura ng mag-ama. Hindi nga maipagkakaila.
Hinarap ako ng nakangisi pa ring si Caleb.
"Can we have an early dinner together? I can make us a reservation. What do you think?"
"Uh...S-Sige. Sabihan ko lang si Theo."
"Tss. Isasali pa talaga..." bulong-bulong niya.
Nagtagpo ang kilay ko. "H-Huh?"
"Wala. I'll just take my bag and shower," sagot niya sa mas malakas na boses. Hindi na ako tiningnan pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top