Chapter 29
A/N: Binasa mo na rin lang itong story ko, follow mo na rin itong wattpad account ko. :)
You can also add me on facebook. Just search @ Clary Clarita. You can send me a message there regarding my stories. Mas mabilis po akong sumagot doon.
Chapter 29
Awkward
Tulala ako na nakaupo sa station habang hinihintay ang oras para sa susunod kong residente. Inaalala ko ang mga nangyari kahapon. Hindi naman pala ganoon kahirap. Nalampasan ko na rin ito sa wakas at nakita ko nga na pinakamasaya nito si Dillon.
Sa nakita kong turing ni Caleb sa anak, alam ko ang matinding kagustuhan niya na bumawi sa lahat ng nasayang na panahon. At gaya nga ng ipinangako ko sa kanya, hinding-hindi ko ito ipagkakait.
Dahil sa naiisip ay muli akong napasulyap sa cellphone. Binasa ko ulit ang message na nisend ko sa kanya. Address ng eskwelahan ni Dillon. Siya na nga ang susundo rito. Nagpaalam din siya na ipapasyal niya ang anak.
"May nagbabalik..." pakantang pasaring ni Kim na bigla na lang sumulpot sa tabi ko. Si Jane lang naman ang kanina ko pang kasamang tumatambay sa station.
Nag-angat ako ng tingin at nakita si Theo na naglalakad kasabay ni Doc Wenceslao. Mukhang masinsinan ang kanilang pinag-uusapan. Tingin ko ay kadarating lang niya dahil hindi pa suot ang lab coat. Tanging white longsleeve at black pants pa ang kanyang kasuotan.
Ilang sandali pa ay nagpaalam din sa kanya ang babaeng doktor at si Theo naman ay nagpatuloy sa paglalakad. Mabilis natunton ng kanyang mapaghanap na tingin ang lokasyon ko. Nag-iba ang dereksiyon niya at patungo na ito sa station.
"Morning, Doc!" pagbati ni Kim nang nahinto na si Theo sa harap ng desk. Nag-iba ang ngisi ni Kim nang napasulyap sa akin. "Siguro may na-miss kayo rito, ano?"
"Morning," tugon naman ni Theo at pagkatapos ay muling bumaling sa akin. Ngumisi siya. "Meron nga. Pero sana na-miss din niya ako."
Nag-impit ng tili si Kim samantalang para namang sinilaban ang pisngi ko dahil sa pag-init nito. Hindi ko naman ipinagkakaila na may atraksiyon din naman ako kay Theo. Hindi ako bulag para hindi makita ang kagwapuhan niya. Batid kong hindi lang naman ako nag-iisa sa paghanga sa kanya dahil kahit pa man noon sa Canada, may mga babaeng kasamahan ako sa trabaho na halatang humahanga kay Theo.
"Kahapon ka pa dumating?" tanong ko sabay ipit ng tikwas ng buhok sa likod ng tainga.
Tumango siya at itinapik ang mga daliri sa desk namin.
"Puwede ba akong sumabay sa lunch mo, mamaya?"
"Sige ba. May sasabihin din kasi ako sa'yo."
Umayos na siya ng tayo sabay pasada sa akin ng tingin. Parang sagot ko lang yata talaga ang hinintay niya.
"Alright. I'll see you later for lunch then..."
Tumango na ako sabay ngiti. "Sige... See you."
Nang makaalis na si Theo ay tukso na naman ang inabot ko sa mga kasamahan.
"Kailan mo ba kasi sasagutin, Winona? Kung ayaw mo, ako na lang ang sasagot," si Jane sabay hagikgik.
"Bata pa ako," pagbibiro ko naman.
Sinundot ako ni Kim sa tagiliran. "Bata pa raw! Baka nga road to kasalan na iyang magiging relasyon ninyo ni Doc kung sakali, eh!"
"Grabe naman 'yan..."
"Oo nga. At saka ideal man naman talaga si Doc Theo ng mga kababaihan." Nagmuwestra si Jane ng mga daliri at umastang nagbibilang. "Isang doktor, gwapo, mayaman, sobrang bait, single na single. Walang anak!"
"Eh ako...meron," sabad ko.
Nagtagpo ang kilay niya. "Huh?"
"Meron akong anak," matapang at deretsahan kong pagbunyag. Wala na rin naman akong pinagtataguan dahil alam na ni Caleb.
Tuluyan na akong hinarap ni Kim. "Weh?! Totoo ba?!"
Ngumiti ako sabay tango sa kanya.
Umawang ang labi niya at ilang beses pa siyang napakurap.
"S-Seryoso? H-Hindi halata, ah. I mean... ang sexy mo!"
Mahina akong natawa. "Bakit? Kung may anak ba dapat lusyang na?"
"Oo nga naman! Napaka-judgmental mo, Kimberly," apila ni Jane.
Umikot ang mata ni Kim. "Hindi naman sa gano'n. Hindi ko lang talaga naisip na may anak na pala si Winona."
"So... Alam ni Doc na may anak ka?" nahihiyang tanong sa akin ni Jane.
"Oo. Matagal na. Kahit noong nasa Canada pa kami."
Nabahiran ng pagkamangha ang hitsura ni Jane.
"Wow. Wala na! Tapos na! Kayo na talaga ang para sa isa't-isa!"
"True!" tili naman ni Kim.
"Hindi pa tayo sigurado riyan," pagsali ni Nurse Abby sa usapan. Mukhang kagagaling niya lang sa isa sa mga kuwarto ng Pillars at katatapos lang niyang magpainom ng gamot sa isang residente.
"Aba! Bitter ka pala Nurse Abby," panunuya ni Kim.
Pabagsak na naupo si Nurse Abby sa kanyang silya sa may sulok. Inikot niya ang ulo sabay hilot sa kanyang batok.
"Hindi naman. Observation lang. " Itinuon niya ang tingin sa akin. Misteryoso siyang nagtaas ng isang kilay.
"May nagbabalik kasi."
"Huh? Nagbabalik? Sino?" naguguluhang tanong ni Jane sa kanya. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Nurse Abby.
"Hay naku! Huwag mo nang pansinin iyang sinasabi ni Nurse Abby. Nasobrahan lang 'yan sa katalinuhan," nakaismid na pakli ni Kim.
Nagtagal ang tingin ko kay Nurse Abby na tahimik na ngayong naglalagay ng mga gamot. Hindi ito ang unang beses na parang nagpaparinig siya sa akin. Palagi ko rin napupuna na sa tuwing nagpapasaring siya ay may laman ang bawat salitang binibitiwan niya.
May alam kaya siya tungkol sa amin ni Caleb? Hindi naman sa mayroon pang namamagitan sa aming dalawa. Tanging si Dillon lang naman ang nag-uugnay sa amin ngayon.
Sa isang kilalang café kami nananghalian ni Theo. Malapit lang naman ito sa Pillars kaya mahigit limang minuto lang ang ibiyenahe namin. Matapos kumain ay nanatili muna kami habang umiinom ng kanilang best selling na shake.
"Ano nga pala 'yong sasabihin mo sa'kin?" si Theo.
Isinantabi ko muna ang mango shake at seryoso siyang tiningnan.
"A-Alam na ni Caleb...ang tungkol kay Dil. Nagkita na rin sila."
Bahagya siyang natigilan at napasandal sa backrest ng kanyang inuupuan. Unti-unti siyang tumango.
"Are you okay? How did Dil take it?"
Napangiti ako nang kaonti habang naiisip ang naging reaksiyon ng anak ko.
"Masayang-masaya siya."
Umangat na rin ang sulok ng mga labi ni Theo.
"Then you did the right thing, Winona. I'm glad that it turned out well."
Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita.
"Inisip pala talaga ni Caleb na may namagitan sa amin ni Ben kaya.... kaya sobra siyang nagalit."
"Nagkausap kayo tungkol sa lahat?"
Tumango ako sabay kagat sa ibabang labi.
"Gusto niyang bumawi kay Dillon. Nakita ko kung... kung gaano siya nasaktan dahil sa ginawa kong paglilihim sa kanya tungkol sa...anak namin."
Tumango-tango siya. Banayad at mariin niyang tinitigan ang aking mukha.
"Do you still have feelings for him?" tanong niya sa mahinang boses. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya.
"Hindi ko alam," matapat kong sinabi. Naniningkit ang mga mata ko habang tinititigan ang kawalan. "Sinabi ko sa'yo noon na wala. Gusto kong sabihin sa'yo ngayon na wala na talaga... Pero naguguluhan ako sa tuwing kasama siya...parang may tumutusok sa puso ko na hindi ko alam kung bakit... Kaya gusto ko munang klaruhin kung ano ba talaga 'to."
Tahimik niya lang akong tinititigan. Nagpatuloy naman ako.
"I want to be honest with my feelings because you deserve it, Theo."
Masakit ang ngiting ibinigay niya.
"Do you have... feelings for me?"namamaos niyang tanong. Napalitan na ang takot sa mga mata niya ng matibay na determinasyon.
Kinuha ko ang isang kamay niya na nasa gitna ng mesa. Mariin ko itong hinawakan.
"Yes. I do. My feelings for you is with clarity and certainty. It is sure."
Pinagsiklop niya ang aming mga kamay. Ilang sandali niya pa itong tinitigan.
"Then it is enough for me to hold on to. It is enough for me to keep on loving you." Banayad niya akong tinitigan sa napakamaunawaing mga mata. "I want you to always remember that my love for you is not selfish, Winona."
Ngumiti ako sabay tango. Alam ko kung gaano katotoo ang mga salitang binitiwan niya.
Ilang sandali pa kaming natahimik.
"Hindi pala tayo makakapag-sine ngayong Sabado kung gano'n." Pilit man niyang pinagaang ang boses ay dinig ko pa rin ang kaunting lungkot dito.
"Ngayong Sabado na pala 'yon?" pagklaro ko sa naging usapan namin noong nakaraang linggo. "P-Pwede pa rin naman tayong manood."
"Okay lang. Gaya nga ng sinabi mo, gustong bumawi ng ama ni Dillon sa kanya. They should spend more time together. Alam ko kung gaano kasabik si Dillon sa isang ama. I don't want to be a hindrance to his happiness."
Bumalik na rin kami ng trabaho matapos na mag-usap. Hindi na ako nagtaka pa nang hindi dumalaw si Caleb sa ina niya. Sigurado ay abala sila sa pamamasyal ni Dillon. Hindi na ako nag-aalala pa dahil alam ko naman na aalagaan niya ang anak namin.
Matapos ang shift ay inihatid ako ni Theo sa basement kung saan nakaparada ang aking sasakyan. Pauwi na rin naman siya kaya nagsabay na rin kami.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan kaya pumasok na rin ako sa loob.
"Salamat sa paghatid," nakangiting paalam ko.
"Anytime. Hahanapin ko na rin ang sasakyan ko."
Napalinga ako sa paligid ng basement.
"Nakalimutan mo na naman kung saan mo ni-park?"
Napakamot siya sa batok sabay ngisi.
"Kinda. I'm still not used to the basement here. Akala ko nasa Canada pa rin ako."
Natawa ako sabay iling. Nakatayo pa rin siya sa tapat ng sasakyan ko. Hinihintay ako na makaalis bago puntahan ang sariling kotse. Kinuha ko na ang susi at sinimulan ang pag-start ng sasakyan ngunit kaagad na namatay ang makina. Sinubukan ko ito sa pangalawang beses. Ganoon pa rin ang resulta.
"Problem?" si Theo na nakatingin pa rin.
"Ayaw mag-start eh."
Kumunot ang noo niya. "Let me try..."
Bumuntonghininga ako at lumabas ng sasakyan. Siya naman ang pumalit sa akin sa pagpasok. Sinubukan niya rin itong paandarin ngunit sa kasamaang palad ay ayaw pa rin nitong mag-start.
Lumabas siya ng sasakyan at dinukot ang cellphone mula sa bulsa ng suot niyang pants. May nidial siya rito.
"Sinong tinatawagan mo?"
Bumaling siya sa akin. Nasa bandang tainga na ang hawak na cellphone.
"Utility worker here. Baka may kilala siyang mechanic. Maybe we can ask the mechanic to come here or the other way around."
Tumango ako at naghintay. May kinausap pa siya sa kabilang linya. Pagkababa niya sa tawag ay may lumapit na sa aming isang staff ng Pillars. Isang payat na lalaki na siguro ay nasa edad kuwarenta na.
May pinag-usapan pa sila ni Theo. Sabay nilang binuksan ang hood ng sasakyan at kritikal itong pinagmasdan. Nag-usap ulit sila at may binanggit na mga terminong pangsasakyan na hindi naman pamilyar sa akin.
Matapos nilang mag-usap ay binalingan ako ni Theo.
"Okay lang ba sa'yo kung ibigay mo muna ang susi kay Kuya John? Siya na ang tatawag sa kilala niyang mechanic para papuntahin dito." Muli siyang napasulyap sa sasakyan. "Mukhang matatagalan pa sila sa pag-aayos sa sasakyan mo dahil sa sira. Ihahatid na kita."
Nagpaubaya na ako at ibinigay ang susi sa kanya na kaagad naman niyang iniabot kay Kuya John. Sabay naming tinunton ni Theo ang kanyang sasakyan. Lumipas ang ilang minuto at nakita rin namin ito. Pinagbuksan niya ako ng pinto at agaran naman akong pumasok sa loob. Sumunod na rin siya.
"Tingin ko bukas mo pa magagamit 'yong sasakyan mo. Pwede kitang sunduin bukas ng umaga. Isabay na rin natin si Dillon papuntang eskwelahan. Sabay na tayong magpunta ng Pillars..." aniya nang nasa kalsada na kami.
"Sige. Medyo hirap din kasi kung magko-commute pa ako."
Tumango siya at iniliko na ang sasakyan.
"Bukas nga pala, nag-iimbita si Mommy ng lunch. She wants you to come. Is that okay with you?"
"Sige. Pero kinakabahan ako. Nakakatakot kasi ang mama mo. Parang istrikto," sabi ko sabay mahinang tawa.
Sinulyapan niya muna ako bago muling ibinaling ang tingin sa daan.
"She is that. But she won't be strict with you. I swear, she likes you. "
"Paano mo naman nasabi 'yan? Hindi pa naman kami nagkausap."
"Lagi kasi kitang naikukuwento sa kanya kahit pa no'ng nasa Canada tayo. I told her about your compassion towards the residents."
"Does she know about my...son?" sabi ko sa maliit na boses. Ayaw ko lang na maging isyu pa ang pagkakaroon ko ng anak.
Kalmante siyang tumango. "She knows about Dillon. She also knows how I feel towards your son. You don't have to worry about a thing, Winona."
Ngumiti ako at tumango. Humupa na ang kaba.
"Sige. Sasama ako sa lunch niyo."
Nang makarating na kami sa bahay ay bumaba na kami ng sasakyan. Napasulyap ako sa suot na relos. Mag-aalas singko y medyo na at mukhang wala pa si Dillon sa loob. Nakita namin si Nanay na nagdidilig ng mga halaman sa gilid ng balkonahe.
"Good afternoon po, Tita," magalang na bati ni Theo sa kanya.
Umaliwalas ang hitsura ni Nanay at nahinto na sa pagdidilig.
"Parang good evening na yata, Doc!" natatawa niyang sabi sabay baling sa akin. "Hinatid mo pala itong si Winona."
"Nasiraan po kasi ako ng sasakyan, Nay," sabi ko.
"Ah. Gano'n ba." Napalinga siya sa pintuan ng bahay. "Wala pa si Dillon eh. Sa bahay ka na maghapunan, Doc," pag-iimbita niya.
Napatingin muna si Theo sa akin. Ngumiti ako at tinanguan siya.
"Sige po. I also missed homecooked meals kaya hindi na ako tatanggi," nakangisi niyang tugon. Siguro ay dahil mag-isa siyang nakatira sa eklusibong condominium niya.
Iminuwestra ko ang daan patungo sa pintuan ng bahay.
"Pasok na tayo."
Pumasok na kaming dalawa sa loob ng bahay. Batid ko naman ang pagsunod ni Nanay sa likod.
Pinaupo ko muna si Theo sa sofa at iniwan para magpalit ng damit sa kuwarto. Mabilis ko naman siyang binalikan.
Narinig namin ang tunog ng sasakyan sa labas ng bahay. Sabay kaming napatayo ni Theo. Ilang minuto pa ay masiglang boses na ni Dillon ang naririnig namin. Dahil hindi ko na isinarado ang pinto, dere-deretso na ang pagpasok ng anak ko at siyempre ni Caleb din na nasa likod niya.
Lumapad ang ngiti ng anak ko nang makita kung sino ang katabi kong nakatayo.
"Uncle Theo!" aniya sabay takbo papunta sa amin.
Sinalubong siya ng nakangiti ring si Theo ng yakap.
"Hey, big boy!"Ginulo niya ang buhok ng anak ko.
Napasulyap ako kay Caleb. Tahimik lang niyang pinagmamasdan ang dalawa habang nakapamulsa sa suot na casual jeans. Hindi nga talaga siya pumasok ng trabaho ngayong araw dahil napakakaswal lang ng kanyang suot na gray cotton longsleeve shirt. Bakat nito ang kanyang matipunong katawan.
"I'm with my Tatay!" mapagmalaking anunsiyo ni Dillon habang tinitingala si Theo. Mabilis niyang nilingon ang ama. "Come on, Tatay! You gotta meet my Uncle Theo!"
Medyo na-awkward ako dahil ang anak ko pa talaga ang mukhang may balak na ipakilala ang dalawa sa isa't-isa. Tumikhim ako upang makuha ang atensiyon ni Dil ngunit wala sa sarili niya lang akong sinulyapan at bumaling naman kaagad sa ama.
Walang ibang nagawa si Caleb kundi ang magpadala sa kagustuhan ng anak. Lumapit siya sa amin. Tinanguan niya ako at binalingan na ang kaharap na si Theo. Dahil sa pagtatapat nila ay napansin kong medyo magkasingtangkad lang sila ni Theo. Pareho rin na matikas at matipuno ang kanilang pangangatawan. Ang kaibahan lang ay may kaonting pagkamestizo si Theo samantalang si Caleb naman ay may pagkamoreno.
"Tatay, this is my Uncle Theo. He is a doctor!" si Dillon na nagsimula na sa pagpapakilala. Ngumiti siya habang nakatingin naman ngayon kay Caleb. "Uncle Theo, this is my Tatay, Caleb Del Fuego. He is a senator!"
Nagkatinginan ang dalawa. Pakiramdam ko may namagitan na sukatan sa kanilang mga tingin. O baka naman imahinasyon ko lang.
"Nakapagluto na pala si Weng. Kumain na tayo—" Hindi natuloy-tuloy ni Nanay ang sasabihin nang makita ang dalawang lalaki na hindi pa napuputol ang matalas na tinginan sa isa't-isa.
Napatikhim ulit ako kaya napatingin na si Theo sa akin.
"Let's eat?"
Hinila ni Dillon ang kamay ni Caleb.
"Let's go, Tatay! I am so hungry. We did a lot of things today!''
"It's fine, Dil. I have to go too," pagtanggi niya na may ligalig.
Mabilis na nalukot ang mukha ng anak namin. Bumagsak ang kanyang balikat.
Pakiramdam ko mapapasubo pa tuloy ako kaya hinarap ko na lang si Caleb.
"D-Dito ka na rin maghapunan." Halos bumaluktot ang dila ko sa napipilitang pag-imbita.
Napatingin na siya sa akin.
"Are you sure? I don't want to intrude your dinner..."
"Okay lang. Mukhang madami rin yatang nailuto si Ate Weng." At saka ayaw ko namang maging kontrabida sa harap ng anak ko. Siyempre hindi ko na isinatinig ang huling linya.
Binalingan ko ulit si Theo. "Let's go?"
Tinungo na namin ang kusina. Ramdam kong nakasunod sa amin ni Theo sina Dillon at Caleb.
Unang naupo sa silya si Theo. Uupo na sana ako sa tabi niya nang maunahan ako ni Dillon. Hinila niya pa ang ama niya kaya napapagitnaan na siya ng dalawa. Wala na akong nagawa at naupo na lamang sa tabi ni Nanay na nakaupo na sa tapat nila. Pati siya ay nagulat din at halatang hindi alam paano pakikitunguhan ang sitwasyon.
"Si Ate Weng po, Nay?"tanong ko dahil medyo naasiwa na sa katahimikang namayani sa buong hapagkainan.
"Uh... Nasa kuwarto. Pinapakain ang Tiyang mo."
Napasulyap ako sa nakaupo sa tapat kong si Caleb. Nagsisimula na siya sa paglalagay ng kanin sa pinggan ni Dillon.
Tahimik na rin akong nagsimulang maglagay ng kanin sa sariling pinggan. Nilagyan ko na rin ng adobo ang tuktok ng kanin ko. Susubo na sana ako nang matigilan dahil sa nakitang pag-angat ni Caleb sa isang bowl ng ulam.
Napasinghap ako nang makita na akma niyang lalagyan nito ang pinggan ni Dillon. Ngunit bago ko pa maibuka ang bibig ay naunahan na ako ni Theo na nakapansin din pala.
"He can't eat that... He's allergic to nuts."
Nabitin sa ere ang kutsara ni Caleb. Mabilis niyang inilapag ang bowl ng ulam.
"I-I'm sorry... I didn't know, " hiyang-hiya niyang sinabi.
Nakagat ko ang ibabang labi dahil medyo nakaramdam ng awa para sa kanya. Inilipat ko ang bowl sa malayo.
"O-Okay lang. Hindi mo naman tuluyang nailagay..." Kumuha ako ng dalawang piraso ng fried chicken at nilagay ito sa pinggan ni Dillon.
Problemadong napabuntonghininga si Caleb sabay titig sa anak naming nakatingala na rin sa kanya.
"It's okay, Tatay. Tomorrow, I'll tell you all my likes and dislikes. My allergies and whatnot! You will get to know me more," pagdeklara ng aming anak na parang nakaplano na ang lahat ng gagawin sa isipan.
Nagtagpo ang kilay ko at binalingan na si Caleb.
"May usapan kayo ni Dil bukas?"
"Balak ko sana siyang ipasyal sa Manila Ocean Park bukas. Kung okay lang naman sa'yo?"
"Uh... S-Sige..."
"I promise I'll bring him home before five pm tomorrow. Medyo natagalan lang kami ngayon dahil nakaligtaan ko ang oras..." pahabol niya.
Tinanguan ko siya. Tahimik lang kaming nagpatuloy na sa pagkain. Pati si Dillon ay inabala na ang sarili sa pagkain. Minsan ay nagpapasubo pa siya sa kanyang ama. Puna ko ang pagiging masaya niya dahil sa buong atensiyon na ibinibigay ni Caleb sa kanya.
Napatingin ako kay Nanay. Nakita ko ang wala sa sarili niyang paghilot sa sentido na parang may mabigat na pinoproblema. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay kaagad na siyang umayos.
Tinulungan ko si Nanay sa pagliligpit ng mga pinagkainan. Pinauna ko na sa sala ang tatlong mga lalaki. Hindi ko lang alam kung ano na ang pinagkakaabalahan nila ngayon.
Matapos mapunasan ang mesa ay nilapitan ko si Nanay sa may lababo para sana tulungan siya sa paghuhugas ng pinggan. Hindi ko pa man naibubuka ang bibig para sana alokin siya nang tulong ay inawat niya na ako.
"Hayaan mo na ako rito at huwag ka ng tumulong. Sundan mo iyong mga bisita mo sa sala. Baka nagsuntukan na iyon do'n."
Halos irapan ko siya. "Nay, naman..."
Napahawak siya sa kanyang baywang at tuluyan na nga akong hinarap.
"Bakit ba kasi nagkasabay pa iyang dalawa sa pagpunta rito? Ako tuloy 'yong na-awkward!"
"Na-awkward din naman ako. Si Dillon po kasi ang nag-imbita. Minsan hindi ko na nga maawat iyong mga lumalabas sa bibig ng anak ko. Parang pikitmata na lang po akong naghihintay sa mga ideyang isasatinig niya."
Napangiwi siya. "Sige na. Puntahan mo na ro'n at baka ano na namang masabi niyang apo ko."
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at umalis na nga ng kusina. Laking pagtataka ko na lang nang magtungo ako sa sala. Hindi ko nakita ang tatlo. Nanliit ang mga mata ko habang iginagala ang tingin sa kabuuan ng sala. Mabilis akong napahawak sa dibdib dahil sa matinding gulat sa narinig na hiyaw ni Dillon mula sa bandang likuran ng bahay.
Dali-dali akong umikot at pinuntahan ang lokasyon nila. Marahan kong binuksan ang sliding glass door at nadatnan ang tatlo. Si Dillon na nagtatalon sa bandang gilid. Nakatayo naman sa tabi niya si Caleb na nakaigting ang panga at parang madilim ang tingin o baka dahil lang sa repleksiyon ng ilaw. Si Theo naman ay nakatayo sa may hindi kalayuan. Nakatupi na ang kanyang suot na puting longsleeve sa banding siko. May hawak siyang isang bola na isho-shoot niya pa yata sa maliit na ring ng aking anak.
Lumakas pa ang hiyaw ng anak ko nang maishoot ito ni Theo nang walang kahirap-hirap.
"Six points for Uncle Theo! You have a tie with Tatay!"Aktibo niyang hinila ang laylayan ng tshirt ni Caleb. "You gotta do the tie breaker, Tatay!"
Umawang ang labi ko sa nakikita. Mukhang kanina pa nagsisimula ang pa-basketball liga ng Dillon ko, ah. Napakurap ako ng ilang beses at parang nahimasmasan nang maisip na ako ang Nanay. May karapatan akong awatin ang naiisip na ideya ng anak ko lalo na at mukhang sumasabay din ang dalawa.
Nakapamaywang akong nilapitan ang anak sa may gilid. Dahil sa ginawa ko ay tumawid pa ako sa gitna ng maliit na basketball court. Kapansin-pansin ang sabay na mabilis na pag-ayos ng pagtayo nina Theo at Caleb. Mistulang nahuli ng isang titser sa kabulastugang ginagawa.
"That's enough, Dil. It's time for your evening bath so that you can go to sleep right after,"atas ko sa istriktong boses.
"But we're still playing..."reklamo niya.
Binalingan ko ang dalawang mas nakatatandang kasama niya at tinaasan sila ng isang kilay.
Tumikhim si Theo. "Uh... Your Nanay is right, Dil. It's late. We can continue play basketball this Saturday."
"That's right, Dil. We can do it on Saturday. Please listen to your Nanay," dagdag naman ni Caleb.
"Really?! You, Uncle Theo, and I? Just us boys?"
Nasamid ako sa sariling laway. Diyos ko. Paano ko ba mapipigilan itong bibig ng anak ko?
Mukhang naging interesante bigla ang sapatos na suot ni Caleb dahil sa matalim na pagtitig niya rito. Samantalang si Theo naman ay nag-iwas ng tingin sabay kamot sa kanyang leeg. Dahil nawalan na yata ng pag-asa si Dillon na sasagutin pa ng dalawa, unti-unti niya akong binalingan.
"Please, Nanay... Let us have a boys' Saturday fun this Saturday..." aniya sa malambing na tono at kumikislap-kislap pa ang mata.
Mariin kong tinitigan ang anak. Nahabag ako sa ipinapakita niyang hitsura. Sa huli ay bumuntonghininga ako at nakapagdesisyon na ipaubaya na lang sa Diyos ang maaaring mangyari. Pumikit ako nang mariin at nilunok ang pangamba.
"Fine. The three of you can play basketball this Saturday."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top