Chapter 28

Chapter 28

The Truth

Hinayaan ko sila. Hinayaan ko si Caleb na iparamdam ang tila ba pangungulila niya sa anak namin. Pinalis ko ang mga luhang kumawala na rin mula sa mga mata.    Napansin kong nasa tabi ko na rin si Ate Weng.

Kinalas ni Caleb ang pagyakap kay Dillon. Mariin niya pa rin itong tinitigan. Ang mga mata niya ay nangungusap. Nang pakiramdam ko ay nahimasmasan na siya ay dahan-dahan ko silang nilapitan.

"D-Dil..." pagtawag ko sa paos na boses.

Mabilis akong nilingon ng anak. Binalingan niya muna si Caleb na para bang nanghihingi siya ng pahintulot para umalis. Malungkot siyang tinanguan ng ama. Tinakbo niya kaagad ang distansiyang nakapagitan sa aming dalawa.

"Nanay! I made it! Look!" may kagalakan niyang sambit sabay muwestra sa hawak na origami.

Malungkot ko siyang nginitian.

"Can you go with Ate Weng muna, baby?"

Ngumuso siya ngunit sinunod naman ang utos ko. Naiwan kaming dalawa ni Caleb. Nanatili siyang nakaluhod na parang bigung-bigo. Nakalupaypay na ang magkabilang kamay niya sa gilid at bagsak naman ang kanyang mga balikat. Hindi niya ako magawang tingnan. Ilang sandali pa ay dahan-dahan din siyang tumayo.

"We need to talk," malamig at deretsahan niyang sinabi.

Tumango ako at tinanggap na ang kapalaran. Tahimik kaming naglakad palabas ng gusali. Tinungo namin ang tahimik na hardin dahil sa kawalan ng mga residenteng kadalasang nagagawi rito. Saka ko palang naalala na TV session pala. Siguro nasa TV area sila.

Naupo ako sa bench na nasa lilim ng mayabong na punong kahoy. Unti-unti naman siyang sumunod. Ilang minuto pa kaming tahimik lang habang pinagmamasdan ang mga paru-paro na dumadapo sa mga bulaklak.

"You lied to me," pagbasag niya sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa.

Nilunok ko ang pait na nakaharang sa lalamunan. Nilakasan ko ang loob at tiningnan siya.

"I'm so sorry. Hindi ko... Hindi ko alam kung saan magsisimula."

Kasabay ng pag-igting ng kanyang panga ay ang pagbaling niya na sa akin. Maraming emosyong dumaan sa mga mata niya. Nangibabaw rito ang matinding sakit at pagsisisi.

"Start from the truth..." namamaos niyang bulong.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago magsalita.

"Dahil sa kagustuhan kong bumalik ka sa may sakit mong asawa, nagsinungaling ako sa pakikipagrelasyon kay Ben..." panimula ko. Hindi nakalagpas sa paningin ko ang gulat na bumalatay sa mukha niya.

"When... When you told me that I wasn't capable of hate, I found out you were wrong. Dahil sa galit, nagsinungaling ako na ipinalaglag ang baby." Kitang-kita ko ang pagpikit niya nang mariin dahil sa sinabi ko. "Pakiramdam ko...pinagsakluban ako ng langit...no'ng... no'ng sabihin mo sa akin na baka nga kay Ben ang dinadala ko."

Kahit mahirap nang huminga ay nagpatuloy pa rin ako.

"Nawasak ako no'ng inakala ng doktor na nakunan ako. P-Pero siguro nga isang malaking himala ang nangyari dahil kumapit pa rin ang baby. Kumapit pa rin si Dillon."

"Sinakop ng galit ang buong pagkatao ko. Ang galit ang siyang bumuhay sa'kin habang ipinagbubuntis ang anak...natin. Akala ko tama ang desisyon kong huwag na munang ipaalam sa'yo."

"Were you even planning to tell me?" sabad niya na parang nagmamakaawa pa.

Isang beses akong tumango. Inasahan ko na naman na itatanong niya ito sa akin.

"Alam ko na hahanapin ka rin ni Dillon. Hinihintay ko lang na tanungin niya ako tungkol sa'yo... Alam ko na hindi tama ang ginawa kong paglilihim sa'yo tungkol kay Dillon. Kaya kung... kung magagalit ka man sa'kin ay tatanggapin ko."

Unti-unti siyang mabigat na napayuko. Napuna ko ang pag-usli ng mga ugat niya sa kamay dahil sa mariin na pagtukod nito sa gilid ng inuupuang bench. Parang dito na siya kumukuha ng lakas. Kaparis na niya ang tuod dahil sa hindi paggalaw ngunit alam ko namang nagdaramdam siya sa umaapaw na emosyon dahil sa tensiyon na ipinamamalas ng buong katawan niya.

Parang hiniwa ang puso ko nang makita ko ang paghihirap niyang bumaling muli sa akin. Nanatili pa rin siyang nakayuko. Tila ba nahihiyang tingnan ako sa mga mata.

Inangat niya ang kanyang nanginginig na kamay. Marahan niyang kinuha ang isa kong kamay. Kung kanina ay sa anak ko siya kumakapit na parang doon nakasalalay ang kanyang buhay, ngayon naman ay sa akin.

"I'm sorry, Win," sabi niya sa nanginginig na boses. "Kung sana...nilunok ko na lang 'yong pride ko... Sana hindi na lang ako nagpalamon sa galit ko sa'yo... I was so angry because I felt like you betrayed me... Dahil sa  tanginang galit ko, nasaktan kita nang todo."

"Caleb..."

Nanunuot sa buto ko ang sakit na nararamdaman niya.

"Selos na selos ako no'n. I wanted so bad to hurt you. Kaya naging malupit ako sa'yo. Sa tuwing naiisip ko ulit na...hinayaan kita...hinayaan kita no'ng sabihin mong ipapalaglag mo ang baby dahil sa matinding galit ko... para akong unti-unti at paulit-ulit nitong pinapatay..."

Pinagmasdan ko ang luhang pumatak sa kamay kong hawak niya. Mga luhang nagmumula sa kanyang mga mata. Bumuhos ang panibagong luha ko. Bumalik na naman ang lahat ng sakit ng pinagdaanan ngunit ang kaibahan nito ay alam kong panandalian lang naman ito.

"Hindi ko kayang ipalaglag ang baby natin, Caleb..." bulong ko sa basag na boses. "I'm s-sorry kung matagal kong itinago sa'yo ang katotohanan."

"No. I deserved your wrath. Wala akong kwentang tao. Wala akong kwentang ama," mapait niyang pagbitiw.

Marahan kong hinawakan ang kanyang panga. Naramdaman ko ang init nito dahil sa ibinuhos na luha niya. Umiling ako bilang hindi pagsang-ayon sa mistulang pagpapako niya sa sarili.

"Nagkakamali ka, Caleb. Hindi mo pwedeng sabihin na wala kang kwentang ama dahil alam natin pareho na kinuha ko sa'yo ang pagkakataon na iyan. Ipinagdamot ko sa'yo ang pagkakataon na maging ama sa anak ko."

Unti-unti siyang nag-angat ng tingin. Punong-puno ng hubad na pagdurusa ang namumula niyang mga mata.

"Hinilom na ni Dillon ang sugat ng kahapon ko. Pinawi na niya ang galit ko sa'yo. I had forgiven you a long time ago. At sana... dumating din ang araw na mapatawad mo ako. Na mapatawad mo rin ang sarili mo, Caleb,"

Mapait siyang tumango. "Please, allow me to be his father. Give me a chance to make him feel that he is my son, Win."

Pinalis ko ang panibagong luha na dumaloy na naman mula sa mga mata ko. Gusto kong gumuho dahil sa mistulang pagiging desperado ng kanyang disposisyon. Tinanguan ko siya.

"Of course. Nangangako ako sa'yo ngayon na hinding-hindi ko na ipagdadamot sa'yo ang pagkakataon na 'yan. But I need to tell him first. Kailangan ko munang ipaintindi sa kanya ang lahat."

Sumidhi ang determinadong tingin niya.

"I can wait. I will wait for my son."

Umuwi ako ng bahay na wala ng nakadagan sa dibdib. Siguro nga ay naibuhos ko na ang lahat ng nararamdaman kanina sa pag-uusap namin ni Caleb. Alam kong magbabago na ang buhay ng anak ko. Kailangan kong ihanda ang aking sarili para sa kapakanan ni Dillon.

"Okay ka lang ba, anak?" nababalisang bungad sa akin ni Nanay na nakatayo sa bukana ng pinto. Mukhang kanina niya pa ako hinihintay na dumating. "Nasabi sa akin ni Weng..."

"Okay na po ako, Nay," sambit ko sabay hakbang papalapit sa kanya. Niyakap ko siya at niyapos naman niya ako pabalik.

Pareho kaming hindi na nagsalita at nagyakapan lang. Hinagod niya ang likod ko. Naging mas mapayapa ang pakiramdam ko. Dahil sa init ng yakap ni Nanay ay para ko na ring ipinagpahinga ang sarili ko. Minuto pa na ganoon lang ang aming ayos.

"Si Dillon po?" tanong ko nang nakalas na ang yakap.

"Nandoon sa kuwarto niya naglalaro. Pinakain na 'yon ni Weng kanina."

"Kakausapin ko po siya."

Pinagmasdan ni Nanay ang hitsura ko.

"Ngayon na ba talaga? Kumain ka na muna at ipahinga ang sarili mo."

Umiling ako. "Wala po akong gana, Nay. At hindi ko na po pwedeng ipagpabukas 'to. Hindi ko na po masisikmura na paghintayin pa ang ama niya. Limang taon na ang ipinagdamot ko sa kanya. Sa kanilang dalawa ng anak ko."

Nakitaan ko ng awa ang mga mata ni Nanay. Marahan niyang kinuha ang dalawang kamay ko. Hinigpitan niya ang pagkakahawak rito.

"Alam ko ang bigat na pasan pasan mo. At ayaw kong sisihin mo ang sarili mo, anak. Ginawa mo lang ang sa tingin mo ay tama. Ginawa mo lang ang sa tingin mo ay makabubuti sa lahat. Naging ina ka lang."

Matapos ang naging madamdaming usapan namin ni Nanay ay dumeretso na nga ako sa kuwarto ni Dillon. Pagbukas ko ng pinto ay nadatnan ko na siyang nakaupo sa ibabaw ng kama habang nilalaro ang isa sa mga legos na bigay ni Caleb sa kanya.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Naupo ako sa tabi niya.

"Dil, Nanay has to tell you something very important," panimula ko sabay haplos sa kanyang likod.

Huminto siya sa ginagawa at umusog upang maharap ako.

"Is it... Is it about my Tatay?" paghula niya na may tamang kutob na.

"Yes, anak. You just met him earlier in the nursing home. The man who hugged you. He wants to... He wants to meet you again," anas ko.

Hindi siya umimik. Dahan-dahan siyang yumuko. Hinintay ko ang pagsagot niya ngunit nanatiling nakatikom ang kanyang bibig.

"Do you want to meet him?" marahan kong tanong.

"Will it make you sad?" aniya sa mahinang boses.

"Of course not," agap ko at hinangad na mag-angat siya ng tingin para mabasa ko naman ang emosyon niya. "Remember what I taught you about telling each other's feelings?"

Marahan siyang tumango na nakayuko pa rin. Kinuha ko itong senyales upang magpatuloy.

"Your Tatay and I just did that. We told each other's feelings."

"Did you cry?"

Napangiti ako dahil sa nahimigan kong matinding pag-aalala sa boses niya.

"I did. We did. But it wasn't because we were sad. It was because we were happy.  And he told me that he wants to know you... so bad. He said he will wait for you until you are ready to meet him."

Nakuha ng sinabi ko ang atensiyon niya. Kaagad siyang nag-angat ng tingin.

"H-He wants me?"

"Yes. He wants you, Dil. Sino ba naman ang hindi, anak? He hugged you, remember?"

"He did. And then he cried." Puno ng lantarang pagkamangha ang boses niya. Inilapat niya ang maliit na kamay sa aking braso. "I think I'm ready to meet him, Nanay!"

"You will meet him."

"Tomorrow?" May pananabik na ito.

Napaisip ako sa senate hearing ni Caleb.

"I'll try to check with him. He'll be busy because of his job. But I will try, okay?"

Tumango siya at ngumiti. Nabunutan ako ng tinik dahil naging maayos ang pag-uusap namin ni Dillon. Sobrang napakamaintindihan ng anak ko. Mas inaalala niya pa yata ang mararamdaman ko kaysa sa sariling emosyon.

Pumasok ako sa trabaho kinabukasan. Umagang-umaga ay hiningi ko kay Nurse Abby ang business number ni Caleb mula sa files ni Nanay Luz. Hindi naman siya nang-usisa pa kung bakit ko hinihingi ito. Ang sabi pa niya, pwede naman daw na deretso ko nang i-contact si Caleb sa kanyang personal number. Hindi ko na iyon ginawa.

Dahil may twenty minutes na break time pa ako, tinawagan ko muna ang opisina ni Caleb. Magtatanong lang naman ako kung abala ba siya at kung kailan siya pwede. Sa unang ring palang ay may sumagot na sa kabilang linya.

"Senator Caleb Del Fuego's office, how may I help you today?" anang pamilyar na boses ng isang babae. Ang sekretarya niya. Hindi pa rin pala nagbago, siya pa rin ang sekretarya niya.

"H-Hi. Pwede ko bang malaman kung nandiyan ba si Senator?"

"Pasensiya na po. Senator Del Fuego is currently in a closed door meeting right now. I can make an appointment for you."

Nadismaya ako. Sinasabi ko na nga ba at abala talaga siya.

"Ah, gano'n ba. S-Salamat na lang. Pakisabi na lang sa kanya na tumawag si W-Winona."

Dinig ko ang gulat sa pagsinghap niya.

"Ma'am Winona? Oh my God! I'm so sorry po, Ma'am. I will give the phone to Senator now."

Natigilan ako dahil sa pagtataka. "Naku hindi na. Ayaw ko namang makaabala pa—"

"Hindi po, Maam. Kabilin-bilinan po kasi ni Senator na sabihin ko raw po sa kanya kaagad kapag tumawag po kayo," paalam niya. Dinig ko ang mga boses sa background, "I am currently walking towards their room now. I will put you on hold po muna for a minute or two."

"S-Sige..." sagot ko sabay sulyap sa pinto papasok ng nursing home.

Hindi pa nag-iisang minuto ay narinig ko na ang malalim na boses ni Caleb sa kabilang linya.

"Winona?"

Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan. Nakagat ko ang ibabang labi.

"Pasensiya na. Alam kong abala ka..."

"No. Your call is more important. Is this about Dillon?"

Lihim akong napangiti. Parehong-pareho talaga sila ni Dillon kung manghula. Sapul na sapol.

"Oo. He wants to meet you."

Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita. Tanging maginhawang paghinga niya lang ang narinig ko sa kanyang linya.

"Sabihin mo sa'kin kung saan at pupunta kaagad ako,"indulhente niyang tugon.

"May meeting ka pa 'di ba?"

"I can leave," agaran niyang sagot.

"Mamayang hapon na lang. Aagahan kong mag-out sa trabaho. Gusto ko sana na sa bahay kayo magkita ni Dillon."

"Alright. Pupunta na lang ako riyan mamaya para na rin bisitahin si Mama. And then...let's go together?"

"S-Sige..." pagsang-ayon ko.

Ganoon nga ang ginawa namin. Matapos kay Nanay Luz ay umalis na kami kaagad. Inalok niya ako na sa sasakyan niya na sumakay pero tinanggihan ko dahil may dala naman akong sariling sasakyan. Bumuntot ang sasakyan niya sa sasakyan ko. Nagtaka ako dahil hindi ko napansin ang bodyguards niya. Siya pa nga mismo ang nagmamaneho ng sariling sasakyan.

Nai-text ko na naman si Nanay at naipaalam na darating nga kasama ko si Caleb. Alam kong naghihintay na sila sa bahay lalong-lalo na ang anak ko. Sinabi rin sa akin ni Nanay na naroon daw si Raffa.

Pagdating sa bahay ay ipinarada ko na ang sasakyan sa garahe. Maayos namang sumunod si Caleb sa pagparada ng sasakyan niya. Halos sabay kaming lumabas ng kani-kanyang kotse. Tiningnan ko siya at nakita ang pagsuyod niya ng tingin sa kabuuan ng bahay. Nagsimula na akong maglakad papunta sa pintuan. Ramdam ko naman ang pagsunod niya.

Pinihit ko ang door knob sabay lingon sa kanya.

"Pasok ka."

Tahimik siyang sumunod. Naglakad na kami papasok sa loob ng bahay. Bumungad sa amin sa may sala ang pamilya ko. Si Nanay at Raffa na nakaupo sa sofa. Ang anak ko naman ay nasa gitna at abalang nag-aassemble ng kanyang kastilyo na gawa sa legos. Nakapatong ito sa munti niyang mesa. Simula noong dumating kami ng Pilipinas, inumpisahan niya na ang pagbuo nito.

Nahinto siya nang mapansin kami. Kitang-kita ko na kahit hirap man ay pinipilit ng aming anak na sundan ng tingin ang bawat paghakbang ng kanyang ama sa likuran ko. Puna ko ang kasabikan sa kanyang hitsura kahit na pilit man niya itong pagtakpan ng kalmadong awra.

Huminto ako sa tapat niya. Nasa anak ko lang ang aking tingin. Unti-unti akong lumuhod at mariin siyang tinititigan kahit na ang buong atensiyon niya naman ay nasa kanyang ama. Nakatingala siya rito na parang isang araw ang kaharap niya.

"Dil, I am with Senator Caleb Del Fuego. Your...Your Tatay," anas ko.

Naramdam ko kaagad ang pagluhod din ni Caleb sa gilid ko. Sinulyapan ko siya. Nakita ko ang masakit niyang pagngiti sa aming anak.

"H-Hey..." sambit niya sa paos na boses.

Ni isang segundo ay hindi lumikot ang mga mata ng aking anak. Mistulan itong nakapokus sa mukha ng kanyang ama. Bahagyang umawang ang labi niya. Nababanaag ko rito ang lubos na pagkamangha. Unti-unting sumilay ang pinakamagandang ngiti sa kanyang labi.

"I know you'd come home, Tatay," may kumpiyansa niyang pahayag.

Marahan na tumango si Caleb. Nawalan na ng kakayahang magsalita.

Sa isang iglap ay umahon mula sa upuan at niyapos siya ng aming anak. Kumapit ito sa kanya nang mahigpit. Kaagad siyang niyakap ni Caleb pabalik. Wala ng luha na bumuhos pa kundi purong kasayahan lang. Tila ba tinuldukan na ang panahon ng pighati. Kung makayakap nga ang anak ko ay parang hindi nawala ang ama sa tabi niya. Ang yakap niya ay puno ng pagpapasalamat at pag-asa.

Matapos ang matagal na yakapan ay sabay nilang pinagmasdan ang kastilyong matagal ng binubuo ni Dillon.

"Is it finished?" si Caleb.

Binalingan siya ni Dillion at matamis na nginitian.

"Now it is," malamyos niyang bulong.

Doon ko lang napagtanto na si Caleb lang pala ang hinihintay ng anak ko.

Hindi si Caleb pinauwi ng aming anak. Kinumbinsi siya nito na sa bahay na maghapunan na ikinasamid ko naman habang pinakikinggan ang pag-uusap nila. Kababalik ko lang noon sa sala dahil panandalian akong nagpunta ng kuwarto para magbihis. Nang lingonin ako ni Dillon para kumpirmahin ang pahintulot ko ay mistulan akong napasubo sa sitwasyon. Tinanguan ko na lang siya.

Iniwan ko muna silang dalawa at nagpunta ng kusina para tulungan sina Nanay at Raffa. Sinabi ko sa kanya ang gusto ni Dillon na mangyari. Na sasalo si Caleb sa amin sa hapunan. Hindi naman siya umapila pa.

"Kaya naman pala ang pogi ng apo ko. Sobrang pogi naman pala ng ama niya," patutsada ni Nanay.

"Naku, Mommy V. Mas lalo nga pong pumogi si Senator ngayon. Hot papa!" si Raffa naman habang nagsasandok ng kanin.

"Hinaan niyo naman po iyang mga boses ninyo at baka marinig tayo," pagsita ko.

"Aysus! Affected!" tukso ni Raffa.

Naglapag na ako ng mga plato. Napansin kong pinagmamasdan ako ni Nanay.

"Tapatin mo nga ako, anak. Nagkakamabutihan na ba ulit kayo no'ng Caleb?"

"Hindi po, Nay," agap ko. "At saka kung makapag-Caleb kayo parang hindi isang senador ang tinutukoy ninyo, ha."

Mapagduda pa rin ang tingin niya habang ipinagpapatuloy ang ginagawa.

"Tatawagin ko na po 'yong dalawa," anunsiyo ko nang makitang nakahanda na ang lahat sa hapag.

Mapagmatyag ang tingin ni Nanay samantalang malisyoso naman ang ngisi ng kaibigan ko. Nailing na lang ako nang umalis ng kusina.

Nadatnan ko ang mag-amang nanonood na ngayon ng superhero movie. Pero sa tingin ko ay hindi naman sila nakatingin sa palabas dahil pinagmamasdan lang ni Caleb si Dillon na masayang nagkukwento sa kanya. Nang mas lalo pang nakalapit ay narinig ko na pang-iispoil sa palabas lang pala ang ginagawa ng anak namin.

"Dinner is served," anunsiyo ko sabay ngiti kay Caleb na lumingon na sa akin.

Mabilis ang ginawang pagtayo ni Dillon. Hinila niya ang ama sa braso.

"Come on, Tatay. Let's eat! Nanay cooks really delicious foods!"

Napangiti nito si Caleb. Muli niya akong sinulyapan bago binalingan ang anak.

"I know, son."

"Really?! She cooked for you?" manghang tanong ni Dillon.

"Yeah. My favorite is her kare-kare."

"Cool! That's my favorite too!"

Marahil ay pinamulahan na ako. Kung hindi pa titigil ang dalawa ay baka magprito na ako sa pisngi ko dahil sa init nito.

"I did not cook today. Wowa did," pahayag ko.

"Still awesome!" si Dil sabay hila sa braso ng ama. "Let's go..."

Nagpatianod na si Caleb. Sinadya ko namang magpahuli sa paglalakad para mapagmasdan ang dalawa. Hindi mapawi ang ngiti ko dahil sa siglang ipinapakita ni Dillon. Dahil sa turing niya sa sitwasyon, parang napunan nito ang nawalang limang taon.

Kaagad kaming naupo na sa harap ng hapagkainan. Pinagitnaan namin ni Caleb si Dillon. Nakaupo naman sa aming tapat sina Nanay at Raffa. Lalagyan ko na sana ng pagkain ang plato ni Dillon ngunit naunahan ako ni Caleb. Siya ang naglagay ng mga pagkain na walang kakimi namang itinuturo ni Dillon para ilagay niya. Parang may sariling mundo ang dalawa.

Sinubukan ni Caleb na subuan si Dillon. Mabilis naman siyang inilingan nito.

"I can do it, Tatay! I can do it."

Mahina siyang natawa. "Alright, Dillon."

Banayad din silang pinagmasdan ni Nanay habang si Raffa naman ay maluha-luhang nakatitig sa mag-ama.

"Okay ka lang?" mahina kong tanong sa kaibigan.

Suminghot siya bago tumango. "Napuwing lang."

Hindi ko na pinuna pa ang pagsisinungaling niya. Nagsimula na kaming kumain. Sa kauna-unahang pagkakataon ay napakatahimik ng hapagkainan maliban na lang sa tahimik na pag-uusap ng mag-ama ko.

Matapos ang hapunan ay nagpaalam na rin si Caleb. Inihatid namin siya ni Dillon sa labas ng pintuan. Walang tigil na sa kahihikab ang anak namin dahil sa walang sawang paglalaro kanina pa.

"Okay lang ba kung bumalik ako rito bukas?" tanong ni Caleb sa akin.

Napakurap ako. "Uh... May pasok kasi ako— ang ibig kong sabihin... si Dillon bukas."

"Oh," napakamot siya sa kanyang noo. "Eh 'di... okay lang ba kung ako na ang sumundo sa kanya? I just... I just wanna hang out with him."

"Hindi ka ba abala bukas?"

Muli siyang nagbaba ng tingin sa aming anak na antok ng nakasandal sa akin.

"I want to give all my time to him," maemosyonal na bulong niya.

Uminit ang damdamin ko. Hindi na ako nag-alinlangan pa at tinanguan na siya. "Sige..."

Muli niya akong tiningnan. Nangungusap na naman ang mga mata niya.

"Salamat, Winona..." Yumuko siya at hinagkan ang noo ni Dillon. "Good night, son..."

"Night, Tatay..." sagot naman ni Dillon sa mahinang boses. Antok na antok na.

Ngumiti si Caleb at ako naman ang tinitigan sa namumungay na mga mata.

"Good night, Win..." bulong niya.

"N-Night, Caleb..." paos na sagot ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top