Chapter 2


Chapter 2

Takot

"G-governor?" hindi makapaniwalang tanong ko. Ang bata niya pa para maging isang gobernador!

Tinanguan ni Mayor ang ilan niyang bodyguards at hindi nagsegundo ay pinaalis ng mga ito ang iilang useserong staffs na nakatingin sa amin.

"Sa ngayon. Well, he will soon become one of the senators in our country . . ."

"Arthur," agap ng lalaki este—ng Governor pala.

Bumaling sa kanya si Mayor at ngumiti. Nilapitan niya ito at palakaibigang tinapik sa balikat.

"Tama naman ang sinabi ko. Doon din naman ang punta mo, sa pagiging senador."

Bumuntonghininga ang lalaki na governor pala na para bang anyo ng pagsuko. Muli namang itinuon ni Mayor ang atensiyon sa akin at tipid siyang ngumiti.

"Ano nga ulit iyong inirereklamo mo, hija?"

Natutop ko bigla ang sasabihin. Hindi pa rin ako makabawi sa nakakawindang na rebelasyon.

"W-wala na p-po . . . Nagkamali y-yata po ako," kandautal kong sinabi. Siyempre, ayaw ko namang banggain ang isang gobernador!

Tumikhim si Gov. Caleb Del Fuego. Inasahan ko na mayabang ang tingin na ipupukol niya sa akin dahil sa pagiging mataas na opisyal, ngunit nagkamali ako. Dahil imbes na pagmamayabang na tingin, ginawaran niya pa ako ng mapagkumbabang ngiti.

"I believe she accused me of harassment. Pasensiya na at kasalanan ko rin. Nagtago kasi ako sa dilim kanina. I was uh . . . smoking. It was only a mistake," sabi niya na parang siya pa ang nahihiya.

"P-pasensiya na rin. N-na bato pa k-kita ng Baygon."

Kumurba paitaas ang sulok ng kanyang labi. May tawa rin sa kanyang mga mata.

"That's fine. Bumilib nga ako sa'yo. Asintado ka bumato."

Mahina akong natawa. Ngunit nang napagtanto na isang gobernador pala ang kaharap ko ay kaagad akong tumigil.

Magkasabay kaming napabaling kay Mayor nang may isa sa mga bodyguard niya ang lumapit sa kanya at may ibinulong. Matapos makinig dito ay tumingin si Mayor kay Gov.

"We should go," aniya at ako naman ang tiningnan, "Okay na ba ang lahat, hija? Kailangan na naming pumasok ng bahay. The Governor is my guest by the way."

Mabilis ang ginawang pagtango ko. Medyo nawalan na rin ng tinik sa lalamunan dahil sa eskandalong nagawa.

"Siyempre naman po! G-good night po . . ."

Nagsimula na silang maglakad at kaagad na pinalibutan ng bodyguards. Hindi pa man nakaka-tatlong hakbang ay muli akong nilingon ni Governor.

"How will you get home?" tanong niya sa mababang boses at nakakunot pa ang kanyang noo.

"Uh . . . may k-kasama naman . . . po ako . . . ,Gov . . ."

Tinitigan niya pa ako ng ilang segundo. "Your . . . boyfriend?"

"Uh . . . " Hindi ako makasagot. Bigla na lang kasing lumakas ang kabog ng puso ko sa paraan ng pagtitig niya. Napakaitim kasi ng kanyang mga mata na para bang kung titigan ng matagal ay ilulunod ka at delikadong hindi na makaahon pa.

"Good night then." Tumango siya at muli akong tinalikuran.

"Nakakaloka ka talaga. Sinasabi ko na nga ba dati pa na darating talaga ang panahon na ikapapahamak mo ang kawalang interes mo sa politika. Nakita mo na! Hindi mo nakilala si Governor!" ratsada ni Raffa. Kanina pa niya ako binubungangaan. Wala yata siyang balak na tumigil.

Iniabot ko na sa kanya ang helmet. Iniangkas niya lang kasi ako sa kanyang motor at inihatid sa bahay.

"Siyempre talaga namang hindi ko siya makikilala dahil hindi naman natin siya governor," depensa ko.

"Gaga, kahit na sa kabilang bayan siya isang governor, dapat na kilala mo talaga siya dahil malapit sila ng mayor natin. Parang pamangkin niya na!"

"Pero napakabata niya pa tingnan para maging isang gobernador."

"Oo nga. Siya ang pinakabatang gobernador kung hindi ako nagkakamali. Sa pagkakaalam ko twenty nine years old pa lang siya. Mas matanda lang siya sa akin ng isang taon. Yummy looking pa 'no?" malandi niyang sinabi.

Ngumuso ako. "Ewan ko."

Kinurot niya ako sa tagiliran. "Asus! Tanggi pa 'to. Kilala na kita, day! Alam kong na gwagwapuhan ka rin sa kanya. Kaya lang balita ko may asawa na si Gov. Sayang nga."

"Eh 'di good for him! Umalis ka na nga. Baka mamaya niyan magising si Tiyong at lumabas ng bahay, makita ka pa."

Madrama niyang inilapat ang kanyang palad sa sariling dibdib.

"Ang sakit. Ang sakit sakit, day. Matapos mo akong gamitin!"

"Yuck!"

Umirap siya at inilagay na sa ulo ang helmet.

"Oh siya, at ako'y aalis na. Agahan mo ang pagpunta mamaya sa bahay ha. Ready na iyong mga damit mo para sa pageant. Handa na rin ako para make up-an ka. May bago akong na-discover na make up look na babagay sa mukha mo. Pang-Miss Universe! Pak na pak!"

Malapad akong ngumisi. "Thank you, beshy. I love you."

Mahina na niyang pinaandar ang kanyang motor.

"Hoy! Wala bang 'I love you too'?" sabi ko na binahiran ng tunog pagtatampo ang boses.

"Yuck! Saka na kapag may tite ka na at daks," malisyosong sagot niya at saka humarurot na paalis.

Nailing na lang ako at kinuha na ang susi mula sa loob ng bag. Binuksan ko na ang pinto at pumasok na sa loob. Tanging  ilaw lang na nagmumula sa kusina ang siyang liwanag sa sala. Dahan-dahan kong isinara na ang pinto at tumingkayad habang humahakbang patungong kuwarto.

Iniiwasan kong lumikha ng tunog upang hindi magising si Tiyang, lalong-lalo na ang tiyuhin ko. Gamit ang susi ay nabuksan ko na ang pinto. Pumasok na ako sa loob at muli itong ni-lock. Dinoble lock ko pa.

Deretso na ang pagbagsak ko sa higaan sa kabila ng kadiliman. Halos maglumpasay na ako dahil sa matinding pagod. Hindi ko na naisip pa ang maghilamos. Hindi pa naglilimang minuto ay narinig ko na ang paggalaw ng door knob. Ang pagsubok na pagbukas na naman ng pinto ko. Siguro ay nakainom na naman si Tiyong.

Unti-unti kong kinapa ang maliit na kutsilyo na palagi kong itinago sa ilalim ng unan bilang proteksiyon laban sa sarili kong tiyuhin. Ramdam na ng palad ko ang hawakan nito. Mas humigpit ang pagkakahawak ko rito nang marinig na naman ang muling paggalaw ng door knob. Ilang sandali pa ay bigla itong tumigil, ngunit tumindig na naman ang balahibo ko nang gumalaw ulit at sa pagkakataong ito sa tingin ko ay buong pwersa na dahil dinig na dinig ko.

Sa nanginginig na kamay ay inangat ko na ang matalim na kutsilyo. At naghintay.

Kasabay ng paglakas ng pagsubok ni Tiyong na pagbukas nito ay ang paglakas ng kabog sa dibdib ko. Pumikit ako at nagdasal ngunit ang isang kamay ay may hawak naman na isang matalim na bagay na pwedeng kumitil ng buhay. Marahil narinig ng Diyos ang dasal ko dahil matapos ang pangatlong subok na kadalasang nangyayari ay tumigil na rin ang aking tiyuhin. Doon pa lang ako kumalma at paglipas ng ilang minuto ay nakampante na matulog at mahulog sa kawalan.

Alas siyeta na ng umaga ako nagising kinabukasan kaya nakatanggap na naman ako ng talak galing kay Tiyang habang nagluluto ako ng agahan nila ni Tiyong.

"Ano ba ang gusto mong mangyari sa amin, ha?! Ang malipasan kami ng gutom?" pagpapatuloy niya habang sinusundan ako na abalang naghahanda na ng mesa samantalang si Tiyong naman ay nakaupo na sa hapag.

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na alas siyete pa ngunit ayokong masabunutan na naman kaya hindi na ako umalma pa.

"Saan ka naman nanggaling kagabi? Siguro madaling araw ka naman umuwi, ano? Kumerengkeng ka na naman? Ang landi mo talaga! Manang-mana ka sa malandutay mong ina!"

"Pasensiya na po talaga," sabi ko na lang at nilagyan na ng kanin ang mga plato nila.

Sanay na naman ako. Sanay ng palaging nakakatanggap ng mga ganoong pananalita mula sa mga taong kumupkop sa akin. Imbes na magalit, lagi ko na lang iniisip ang malaking utang na loob ko sa kanila ni Tiyong.

Nagkaroon ako ng lakas ng loob upang tingnan ang aking tiyuhin.

"Uh . . . T-tiyong, uminom na naman po ba kayo kagabi?"

Walang interes siyang tumingin sa akin.

"Bakit? Ano bang pakealam mo? Susumbatan mo ba ako dahil sa pera mo?"

"H-hindi naman po. Wala naman po akong sinabi na ganoon. Ang sa akin lang naman po ay sa tuwing nalalasing kayo . . . " Hindi ko na maituloy ang sasabihin dahil pinandilatan na ako ni Tiyang.

Alam ko na ang kahulugan ng tingin na ipinupukol niya sa akin. Isang tingin ng pagbabanta na huwag kong ituloy ang kahibangang pang-aakusa kay Tiyong. Hindi na ako dapat sumubok pa dahil lagi naman. Sa tuwing nagsusumbong ako sa kanya nasa akin ang mali. Ako ang may deperensiya. Ako ang nag-iisip ng kalandian. Tumikom na lang ako at bigong yumuko.

Padabog na naupo si Tiyang.

"Kumuha ka nga ng isa pang plato!" singhal niya.

Kaagad akong napangiti. Sa pagkakataong ito hahayaan na kaya nila akong sumabay sa pag-kain nila sa hapag?

"Anong nginingiti mo riyan? Huwag kang tanga. Para iyan kay Mercedita!" sabi niya na tinutukoy ang isa sa mga kasamahan niya sa parokya.

Parang gumuho na naman ang loob ko. Ngumiti ako kahit na masakit at sinunod na ang utos niya. Maya-maya pa ay dumating na nga si Aling Mercedita. Magiliw siyang binati ni Tiyang.

Nang maupo na siya ay tiningnan niya ako habang naglalagay ako ng tubig sa pitsel.

"Ito na ba iyong anak ni Veronica, Emelda? Ang gandang bata ha at saka makinis pa. Mana sa ina."

Napasimangot si Tiyang. "Manang malandi kamo."

"Kasali ka rin ba sa Mutya ng Pasig, hija? Ngayong gabi na iyon ha."

"Opo," magalang na sagot ko.

"Galingan mo, hija. Malay mo may matandang mayaman na manood. Madali mo pa!" pagpapatuloy pa niya.

Minsan talaga, hindi pa rin ako makapaniwala na alagad ng simbahan silang dalawa ni Tiyang.

Alas diyes na ako kumain. Hindi pa rin naman kasi ako nagutom. Dumeretso na ako kina Raffa dahil ayaw kong manatili sa bahay hanggang hindi pa umaalis si Tiyong para sa sabong.

Magiliw akong tinanggap ni Nanay Lolit, ang nanay ng bakla kong kaibigan. Hindi ko maiwasang mag-isip na mas pamilya pa ang turing nila sa akin kaysa sa sarili kong kadugo. Tulog pa ang bakla kaya nag-usap muna kami ng nanay niya na ikinasaya ko naman.

Sakay sa tricycle ay nagtungo na kami ni Raffa sa venue ng gagawing pageant. Siyempre marami kasi kaming dalang damit. Tatlong beses yata akong magpapalit ng suot.

"Patingin nga ako ulit ng mukha mo. Para talagang masyado kong nakapalan ang itim na eye shadow," pag-aaligaga niya nang makababa na kami ng tricycle.

Dahil nasanay na ako na ganito siya sa tuwing minimake-upan ako ay inignora ko na lang.

Pagpasok namin sa malaking cultural center ay wala pa masyadong tao maliban sa mga kandidata. Maaga kasi kami dapat at alas singko pa lang ay naroon na kahit na alas nuwebe pa magsisimula ang programa.

Nag-final briefing muna kami ng ilang minuto. Nag-check na rin sa iba pang mga candidates. Pagkalaon ng isang oras ay nagsimula na ang pagmemake up ng iba habang ako naman ay nagsusuot na ng puting tube at kulay puti rin na napakaiksing shorts.

"Kung ang itatanong ay tungkol sa gobyerno, ano ulit ang side mo?" tanong ni Raffa sa akin na kanina pa nakaaligid.

"Basta sa safe side at neutral ako," sagot ko, "Wait nga, hindi ka na ba talaga busy? Ako na ang inaatupag mo."

"Hindi na, beshy. Production number lang naman ang itinuro ko sa inyo. Bahala na iyong iba, focus na ako sa'yo for this moment."

Tumayo na ako nang matuwid at hinarap siya.

"Okay na ba ang suot ko?"

Hinila niya pababa ang tube ko.
"Iyan, keri na! Very hot, lantad cleavage."

Nailing na lang ako at isinuot na ang white heels. Matapos gawin ito ay muli ko siyang hinarap.

"Okay, I am good to go!"

"Ikaw pa lang ang good to go. Heto at maupo ka na muna. Gawin mo na iyong routine mo tuwing bago ang salang sa pageant," wika niya sabay muwestra sa plastik na silya.

Naupo ako at mariin na pumikit. Nagsimula na akong mag internalized. Isinantabi ko ang ingay ng paligid at nag-imagine na naglalakad sa disyerto ng mag-isa. Hindi ako inistorbo ni Raffa dahil alam niya na ginagawa ko talaga ito.

Hindi ko alam kung ilang minuto ako na ganoon. Napukaw lamang ako nang marinig ang sigaw ng  overall in-charge ng pageant.

"Get ready, girls. Entrance na in ten minutes!"

Humugot muna ako ng malalim na hininga at dahan-dahang tumayo.

Kayang-kaya mo ito, Winona. Bulong ko sa sarili at nagsimula ng maglakad papunta sa puwesto na malapit sa pintuan kung saan nakatayo na si candidate number 4.

Sa saliw ng musika ay isa-isa ng tinawag ang mga kandidata at nagsimula ng rumampa. Dinig na dinig ko ang hiyawan ng mga taong nanonood.

Nang lumabas na ng entablado ang nauna sa akin ay naging alerto na ako. Inilagay ko na sa beywang ang magkabilang kamay. Ngumiti na ako at lumabas. Hindi ko na maramdaman ang pag-apak ng paa ko sa entablado. O baka naman dahil sa mahabang heels na suot ko.

Upang maiwasan ang kaba ay hindi na ako tumingin sa mga tao habang rumarampa. At gaya na lang nang nakagawian ko, ay matapang kong ibinaling ang tingin sa mga judges na nakaupo sa harapan ng entablado.

Doon na ako natapilok.

Dahil nakita ko, katabi ng iba pang judges, ang lalaking titig na titig sa akin. Ang nag-iisang si Governor Caleb Del Fuego.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top