Chapter 16

Chapter 16

Atonement

Gabi na nang nakauwi ako sa apartment. Sa tuwing maaalala ko ang ginawang pagmamakaawa ni Fatima sa akin ay nanlulumo ako. Pakiramdam ko, ako na ang pinakamasamang tao sa mundo. Namanhid na ako habang humihiga sa kama. Hindi ko pinindot ang on switch ng ilaw. Nagtago ako sa dilim. Sa dilim naman siguro talaga ako nababagay.

Sa buong araw ng Sabado ay wala akong ginawa kundi ang mag-isip.  Sa unang pagkakataon ay nagpapasalamat ako na palaging abala si Caleb. Ayaw ko siyang makita. Ni ayaw kong huminga sa parehong paligid na hinihingahan niya. Nahihiya ako sa sarili ko. Nasusuklam ako.

Dahil sa buong araw na pag-iisip ay humantong na ako sa isang mabigat na desisyon. Isang desisyon na nakasisiguro akong makakasakit ako nang lubusan. Isang desisyon na alam kong parehong magpapalaya sa aming tatlo. Hindi ako kumain. Hindi rin naman ako nagugutom. Ni hindi ako uminom ng tubig. Pakiramdam ko wala naman akong karapatang mauhaw habang ang taong inaagrabyado ko ay may mabigat na pinagdadaanan.

Dumating ang araw ng Linggo. Ganoon pa rin ang ginawa ko. Ang magmukmok. Ni hindi na nga ako nasisikatan ng araw. Magtatanghali na nang maisipan kong maligo. Halos dalawang oras ako sa loob ng banyo. Nililinis ang sarili habang nakikipagsabayan ang mainit na mga luha sa pagbuhos ng malamig na tubig.

Grabe ang naging kaba ko dahil sa narinig na katok mula sa pintuan. Naisip ko na kung si Caleb ito ay hindi na talaga ako makakaiwas pa. Kailangan ko na siyang harapin at kausapin. Basang-basa pa ang buhok at suot ang bulaklaking daster ay dinaluhan ko ang kumakatok. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Ben.

"Pinapasundo ka ni Gov, ma'am."

Unti-unti akong tumango. Tanggap na ang mangyayari. Inihanda na ang sarili. Tipid ko siyang nginitian.

"Magbibihis lang ako."

Bumalik ako ng kuwarto at nagbihis. Isinuot ko ang puting off shoulder dress na may nakaimprentang isang bulaklak na gumamela. Hinayaan kong nakalugay ang buhok. Sinuklay ko lang ito patalikod. Nang maging handa na ay muli kong pinuntahan si Ben na naghihintay sa labas. Ni-lock ko ang pinto.

"Nasaan ba si Caleb?"

Naglakad na kami papunta sa sasakyan na nakaparada sa tapat ng apartment. Pinagbuksan niya ako ng pinto nito sa may passenger's seat.

"Nasa Hotel Basco, ma'am."

Pumasok na ako sa loob at naupo. Sumunod na rin siya. Ilang sandali pa ay pinaandar na niya ang sasakyan. Sa labas ng bintana lang ang tingin ko. Tahimik na pinagmamasdan ang nadadaan. Napaahon ako bigla nang makita ang pagliko niya ng sasakyan. Nagtagpo ang kilay ko dahil sa pagtataka nang balingan ng tingin si Ben.

"Saan tayo pupunta? Hindi ito ang daan papuntang Hotel Basco."

Hindi siya sumagot. Sa halip ay mas binilisan niya ang pagpapatakbo ng sasakyan. Ginapangan ako ng kaba.

"Ben! Ano bang nangyayari?! Saan mo ako dadalhin?"

Hindi niya pa rin ako sinagot. Napatingin ulit ako sa labas ng bintana. Masyado na kaming malayo. Ni wala na akong nakikitang mga kabahayan. Muntik na akong mabuwal sa kinauupuan nang bigla niyang ihinto ng walang abiso ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"N-nababaliw ka na ba!" singhap ko. Napakapit sa seatbelt na suot.

Nilingon niya ako. Nakita ko ang determinadong tingin sa kanyang mga mata. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpakita siya ng emosyon.

"Layuan mo na si Governor, Winona," aniya sa baritonong boses.

Nagulat ako sa inasta niya. Parang hindi na siya ang bodyguard ni Caleb na kilala ko.

"A-ano...b-bakit... Sino ka ba talaga?"

"May cancer si Fatima. Hindi ka ba naaawa?"

Hindi ko alam pero dahil na siguro pareho kami ng nararamdaman napagtagpi-tagpi ko ang lahat.

"M-mahal mo... si Fatima," anas ko. "Alam niya ba? Alam din ba ni Caleb?"

Umigting ang kanyang panga at nag-iwas siya ng tingin.

"Masyadong abala si Governor sa'yo para mapansin niya ang pagtingin ko kay Fatima. Wala rin naman akong aksiyon na ginawa para sa nararamdaman ko."

Mali ka. Gusto kong sabihin. Dahil itong aksiyon na ginagawa mo ngayon ay alam kong para kay Fatima.

Napasinghap ulit ako nang maalala ang nakaligtaan na detalye.

"I-Ikaw ang nagbayad ng upa sa apartment..."

"Oo. Binayaran ko ang apartment dahil naisip ko na baka 'pag ginawa ko 'yon pwedeng hindi mo na kailanganin si Gov."

"Sa tingin mo ba talaga pera lang ang kailangan ko kay Caleb? Ganyan ba kababa ang tingin mo sa'kin?"

Marahan siyang umiling.

"Alam kong hindi ka gano'ng klase ng babae. Pero kailangan ni Fatima ang asawa niya ngayon."

"Paano mo nalaman na may cancer siya?"

"Sinabi niya sa akin. Pinagkakatiwalaan niya ako," halos pabulong na niyang pagkakasabi dahil sa hina nito.

"Alam na din ba ni Caleb?" kuryoso kong tanong.

"Hindi. Naghihintay si Fatima sa aksiyon na gagawin mo. Umaasa siya."

"Kung gano'n... alam mo rin na nagkita kami ulit ni Fatima?"

Unti-unti siyang tumango at nag-iwas na ng tingin.

"Ayaw kong makialam sa inyo ni Gov. Alam ko ang saklaw ng trabaho ko at kung hanggang saan lang ako. Pero sa kondisyon ng asawa niya, hindi ko na kayang manahimik na lang..."

Malungkot ko siyang nginitian. Dahil alam ko ang hirap ng posisyon niya. Nagmamahal sa taong may mahal namang iba. Pinagsisilbihan ang taong niloloko ang babaeng mahal niya.

"Huwag kang mag-aalala, Ben. Kahit hindi mo pa ako utusan, alam ko na ang gagawin ko."

Binalot kami ng katahimikan. Binasag ko iyon nang muli akong magsalita.

"P-pwede ba akong humingi ng pabor sa'yo?"

Bahagya man siyang nagulat, tinanguan niya pa rin ang sinabi ko. Kinuha ko ito bilang hudyat at sinabi ko sa kanya ang gusto kong mangyari. Ang huling alas ko upang maitama ang lahat.

Nagpatuloy na kami sa pagbiyahe. Hindi na kami muling nag-usap pa ni Ben. Mistulang may naging tahimik na kasunduan na kami. Komportableng katahimikan ang ibinigay namin sa isa't-isa. Inihatid niya ako kay Caleb sa Hotel Basco kagaya na lang ng naging utos nito.

Pagpasok ko sa loob ng kuwartong inuukupa niya ay ngumiti ako na parang walang nangyari. Nagbatian kami na parang wala akong kinikimkim na bigat sa dibdib.

"As I was saying, Davao is a beautiful place. Gusto mo do'n na tayo mag-celebrate ng first year anniversary natin?" si Caleb na abala sa pagpaplano. Gusto kong mahawa sa sigla na ipinapakita niya.

Matamis akong ngumiti kahit na parang patay naman sa loob. Nakahiga lang kami sa kama habang nag-uusap. Nakapatong sa bisig niya ang ulo ko.

"Ikaw ang bahala kung saan mo gusto." Itinupi ko ng pahalang ang papel na kanina ko pa pinaglalaruan.

"Pwede rin sa Baguio tayo. You know... mountains... cold weather. Magugustuhan mo ro'n."

"Hmm."

"Is everything okay? May problema ba, Win?"

"W-wala naman. Mas magaling ka kasi sa mga magagandang lugar kaya ipapaubaya ko na lang sa'yo ang pagpaplano."

"Alright then."

Natapos ko na rin ang origami sa wakas. Ipinatong ko 'to sa ibabaw ng kabinet na nasa gilid ng kama.

"N-nakausap mo na ba si Fatima?" pag-iiba ko ng usapan. Alam kong naglalakad ako sa basag na salamin sa ginagawa.

"Hindi. Hindi pa kami nagkikita. Maybe when we see each other again it will be to talk about the annulment papers," kinuha niya ang oregami na gawa ko mula sa kabinet at kunot-noong sinuri ito, "A swan?"

Pansin ko ang pagiging maliit nitong tingnan dahil sa laki ng kamay niya.

"Ang sosyal naman ng swan. Pato lang naman 'yan," sagot ko.

"Pa'no ka natutong gumawa nito?"

Bumuntonghininga ako. Sabay naming tinitigan ang origami.

"Sa eskwelahan. Day care 'ata ako no'n. Basta five years old. Sabi ng teacher ko, ang pato raw kahit na lumalayo babalik din sa pinagmulan. Naghahanap lang sila ng mas maduming putikan para uminom at kumain... pero umuuwi naman."

Nanatili ang pagkunot ng kanyang noo. Nagpatuloy naman ako sa pagkuwento.

"No'ng iniwan ako ng Nanay ko, araw-araw akong gumagawa ng ganito.... Akala ko kasi...tulad ng pato...babalikan niya rin ako."

Naramdaman ko ang marahan niyang paghalik sa aking noo.

"Naka-isang daan na lang ako ng ginawang ganyan, hindi pa rin siya umuwi." Nakangiti man ay may bahid ng pait naman ang boses ko.

"I'm sorry, Win..." paos niyang bulong at mas hinigpitan ang pagkakayapos sa akin.

Nag-angat ako ng tingin upang tingnan siya. Ngumiti ako kahit na durog naman ang puso.

" 'Yong pang next month na plano mo para sa anniversary natin gawin na natin next week..."

Nagtagpo ang kilay niya. "Bakit natin aagahan?"

Nilunok ko ang bukol na biglang bumara sa lalamunan.

"G-gusto ko lang na... maaga. Hindi na kasi ako makapaghintay. Pwede naman 'yon 'di ba?"

Umangat ang sulok ng mga labi niya. Nagniningning sa tuwa ang kanyang mga mata.

"You're that excited, huh?"

Tumango ako at mas pinag-igihan pa ang pagngiti para lang makumbinsi siya.

"Okay, Win. Ibibigay ko kahit anong gusto mo. I'll make some arrangements tomorrow. Pero 'di ibig sabihin no'n na hindi na tayo magce-celebrate next month. We'll still have it." Napakamapagbigay ng boses niya.

Gusto kong umatras sa plano at bumigay na lang. Ngunit mistulang nakaukit na sa utak ko ang pagluhod ng asawa niya sa harap ko. Isinagad ko na hanggang buto.

"Gusto ko rin na ipag-shopping mo ako bukas. O kung busy ka, kahit kami na lang ni Ben."

Mariin niya akong tinitigan. Pilyo siyang ngumisi.

"Ano bang nakain mo ngayong araw? Noon naman ayaw na ayaw mong binibilhan kita, ah? And now I'm not even lifting a finger at ikaw na nagre-request. Pinapadali mo buhay ko, ah."

"Wala naman... Gusto ko lang ng mga bagong damit."

"Of course. As I said, ibibigay ko lahat ng gusto mo."

"Thank you, Caleb," bulong ko. Punong-puno ng emosyon.

Sa namumungay na mga mata ay tinitigan niya pa ang bawat sulok ng mukha ko. Puno rin ng emosyon ang mga mata niya. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa akin. Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko at bumulong. Mariin akong napapikit.

"Don't push me away again, Win. Tingin ko 'di ko na kakayanin 'pag ginawa mo ulit 'yon. Mababaliw na siguro ako..."

Sa sumunod na linggo ay nag-leave ako sa trabaho. Tinupad ni Caleb ang pangako niya at dinala niya ako sa Baguio. Umukupa kami sa isang villa roon. Binisita namin ang sikat na Burnham Park kung saan nakalanghap talaga ako ng sariwang hangin. Nag-boating din kami. Hindi na namin kinailangan pa ng tour guide dahil si Caleb na mismo ang naging guide dahil sa ilang beses na niyang pagpunta rito.

Sinabihan ko naman siya na sa ibang lugar na lang at baka naumay na siya pero sabi niya naman na para raw 'to sa akin. Gusto niyang makita ko ang lugar na gusto niya. Gusto niyang magawa ko ang mga bagay na nasisiyahan siyang gawin.

Upang hindi siya masyadong makilala ay nagsuot siya ng shades at itim na sombrero. Kahit naman nag-desguise siya pinagtitinginan pa rin siya ng mga babae. Kapansin-pansin naman talaga kasi siya. May nakaantabay pa rin sa aming mga bodyguards niya. Nga lang, nakadestino sila sa may 'di kalayuan para hindi kami maistorbo. Hindi sumama sa amin si Ben. Sabi ni Caleb, nag-leave raw. Hindi na ako nagtanong ng dahilan kung bakit. May kutob na naman ako.

Sa sumunod na araw ay namitas naman kami ng strawberries sa strawberry farm na matatagpuan sa La Trinidad. Doon ako pinakanag-enjoy talaga. Tinuruan niya rin akong mag horseback riding. Dalawang beses pa akong muntik ng mahulog. Sa unang beses ay umayaw pa siya dahil baka raw mapahamak pa ako. Tinawanan ko lang ang eksahiradang reaksiyon niya.

Niyapos niya ako galing likod. Pareho naming tanaw ang paglubog ng araw sa likod ng malaking glass window sa loob ng villa na tinutuluyan namin. Huling gabi na namin sa Baguio. Sumandal ako sa kanya habang pinagku-krus ang braso. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at marahan akong hinagkan sa ulo.

"Masaya ka ba?" bulong niya.

Ngayon ay unti-unti nang tinatago ng mga ulap ang kulay kahel ng araw.

"Oo naman. Pinakamasayang linggo ng buhay ko 'to," malamyos kong bulong pabalik.

"Soon... we will start our future together, Win."

Anumang panlalaban ng araw ay nilalamon pa rin ito. Gusto ng magwagi ng kadiliman. Palagi naman. Babalik sa dati ang lahat. Sa tamang kinalalagyan. Dahil gano'n naman talaga ang nararapat.

Unti-unti kong tinalikuran ang magandang tanawin para harapin ang lalaking siguro'y buong buhay ko nang mamahalin. Ginawaran ko siya ng pinakamatamis kong ngiti. Sana nga lang ay hindi niya makita ang nakakubling lungkot nito.

Dahan-dahan kong inalapit ang mukha sa kanya at ginawaran siya ng mababaw na halik sa labi. Nanunudyo. Sinuklian niya naman ito ng malalim na halik. Nangangako. Ilang segundo o minuto pa kaming nagpakalunod hanggang sa pareho na kaming hingal. Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga kamay niya sa baywang ko.

Napakapit ako nang mahigit sa balikat niya nang kargahin niya ako. Kaagad kong inilingkis ang mga binti sa baywang niya. Sa kabila ng pagdampi ng magaspang na tela ng kanyang maong na pantalon, derekta ko pa ring naramdaman ang kagustuhan niya sa mangyayari.

Nagpakalunod ako sa mga halik niya. Mababaw. Malalim. Nanunudyo. Mapusok. Tuluyan ko na ngang naramdaman sa likod ang gilid ng kama. Dahan-dahan niya akong ibinaba kaya napaupo na ako rito. Mas nadepina pa ang pag-itim ng kanyang mga mata habang tinititigan ako. Habang tinititigan ako'y inabala naman niya ang mga kamay sa pag-angat sa suot kong itim na plunging neckline dress.

"A-akala ko ba magdi-dinner pa tayo?" walang lakas na apila ko.

"Dinner can wait."

Napakagat ako sa ibabang labi nang tuluyan na nga niya itong matanggal at naiwan na nga ako sa suot na underwear. Ipinagpatuloy niya ang pag-angkin sa mga labi ko. Ramdam ko na ang lambot ng malaking kama sa aking likod. Ibinaba niya ang maiinit na halik sa aking leeg. Lalo akong nag-init.

Gumapang ang isa niyang magaspang na palad mula sa tiyan ko pataas sa ibaba ng aking dibdib. At nagpirmi doon. Tila iniiwasan ang lugar na gusto kong hawakan niya.

"Caleb..."

Marahil ay narinig niya ang pagsusumamo ko. Idinampi niya ang mainit na palad sa aking dibdib. Malamyos niya itong hinagod. Napaliyad ako sa sensasyon na nararamdam. Dahil sa ginawa ay natamaan ko ang matigas na ebidensiya ng pagiging mapusok niya. Mahina siyang napamura.

Ibinaba niya ang halik sa gitna ng aking dibdib. Samantalang inaabala ang mga daliri sa tuktok nito. Hindi na magpirmi ang katawan ko. Napapikit ako nang mariin niyang hinalikan na rin ito. Pakiramdam ko parang mas lalo lang umiinit ang bawat pagbuga niya ng hininga.

Magkasabay na singhap at pagdilat ang ginawa ko nang marinig ang marahas na pag punit niya sa suot kong black panties.

"Caleb!"

Bahagya siyang natigil sa paghalik sa baba ng aking dibdib. Nag-angat siya ng tingin at napansin kong parang lasing na ang mga mata niya.

"Sorry. We'll get you another one. I promise..."

Ipinagpatuloy na niya ang ginagawa. Bumaba ang halik niya sa tiyan ko. Lumiyad na naman ako habang nanghuhula na sa siguradong alam kong susunod niyang gagawin. Hindi na magpirmi ang ulo ko nang maramdaman na nga ang mainit niyang labi rito. Mas napakapit ako sa bed sheet dahil sa kakaibang kiliting nararamdaman.

Hindi ko na natiis ang patuloy na ginagawa niya kaya naman ay napasabunot na ako sa buhok niya.

"Caleb... gusto kong... gusto kong..."

Tumigil siya sa ginagawa at napaluhod sa magkabilang gilid ko. Mabilisan siyang nagtanggal ng mga damit. Idinampi ko ang likod ng palad sa aking mga labi habang tinitingnan siya sa ginagawa. Tuluyan na siyang hubad sa harap ko.

Muli niya akong kinubawan. Walang abiso'y pumasok na siya. Dahil na siguro sa gulat, nakaramdam ako ng kaonting sakit na kaagad din namang napalitan ng makamundong pagnanasa. Bawat malalalim na pagbaon niya ay sinalubong ko. Halinghing ko lamang  ang namayani sa buong silid. Naging isa na nga ang aming galaw.

Nang sabay naming tuluyan ng maabot ang rurok ay ibinigay ko sa kanya ang lahat. Minahal ko siya nang lubusan. Minahal ko siya sa huling pagkakataon.

At kinaumagahan nga... iniwan ko na siya nang tuluyan.

Gamit ang natitirang pera ay umarkila ako ng taxi. Hindi muna ako umalis ng Baguio bagkus, tumulak ako sa isang dinadayong cathedral dito. Our Lady Of Atonement. Simbahan sa pagsisisi. Sa pagbabayad-puri. Tiningala ko ang kalakhan nito. Namangha ako sa magandang istruktura. Sa hitsura ay parang tumatanggap nang malugod sa kahit na sinong makasalanan. Bigla akong nakaramdam ng kapayapaan. Napatingin ako sa suot ko. Isang kulay gray na sweater at itim na skinny jeans. Mukha nga akong hindi preparado para sa pagsimba. Humugot ako ng malalim na hininga at pumasok na sa loob.

Simula noong maging kami ni Caleb ay hindi na ako nagsisimba. Inaamin ko naman sa sarili ko na dahil ito sa kahihiyan na nararamdaman sa pakikipagrelasyon kay Caleb. Inisip ko na baka hindi ako tanggapin ng Diyos.

Dahil na siguro sa aga ng oras, wala pa akong gaanong nakikita sa loob. Wala pa ring misa. May iilang tao lang akong nakikita na nakaupo. Naupo na ako sa pinakamalayo at unti-unting lumuhod. Ngunit hindi ko naman alam kung saan magsisimula. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Pumikit na lamang ako nang mariin at dinamdam ang kapayapaan sa sarili.

"Huwag kang mag-aalinlangan, hija. Nakikinig ang Diyos sa lahat," anang malalim na boses na narinig ko. Dumilat ako at nakita ang isang matandang pari. Nakaupo siya sa tabi ko habang tinititigan ako gamit ang maunawaing tingin.

Napaahon ako at dahan-dahang naupo. Sa kaba at kahihiyan ay napabaling ako ng tingin sa mga daliri.

"Gusto ko pong mangumpisal, Father," bigla kong sambit sabay angat ng tingin sa kanya. Ni hindi iyon sumagi sa isipan ko. Dumating na lang bigla.

Ngumiti ang pari na para bang inasahan na niya ang sinabi ko. Marahan siyang tumango.

"H-hindi ko p-po alam kung saan... magsisimula," anas ko. Nangangapa sa sasabihin.

Hinawakan niya ang kanyang dibdib.

"Dito, hija. Dito ka magsimula."

Dahil sa sinabi niya ay parang narinig ko ang bawat pagpintig ng puso ko. Tagos ko siyang tinitigan sa mga mata at nagsimula.

"Sana ay patawarin ako ng Diyos dahil ako'y nagkasala at magkakasala pa, Father..." lumunok ako, "Kumabit ako sa isang lalaking may asawa na....at...at mahal na mahal ko po siya...."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top