CHAPTER ONE
Si Maria Makiling
" Lahat ng makita nyong ginto,
Ilagay nyo sa sisidlan! " Utos ng isang lalaki sa mga kasamahan nya.
" Akala ko boss, na kwento-kwento lang ang yamashita treasure.. Boss mayaman na tayo!" Dagdag na sabi ng isang treasure hunter.
" Sandali, Ikaw Arnel.. Bat ang konti-konti ang laman ng Sako mo? " Sabi ng lider ng mga treasure hunters.
" Ah eh, boss Mike tama na ho' ito.. Sapat na po ito! " sagot ni Arnel sa kanyang kasama.
" Kahit kelan talaga tung si Arnel, Napakabait.. Sana maging ganyan din kabait tung si kalbo! " biro ni Mike sakanila.
" Aba boss, bat nadamay ako dyan ? Di bale ng kalbo boss. Magandang Lalaki naman. " Birong sagot ni Kalbo at nagtawanan silang lahat sa loob ng kweba kung saan punong-puno ng mga ginto.
" Mga kasama, Tayo na ! Babalikan natin ang kwebang ito kung sa oras na mangangailangan tayo ng pera. Sa ngayon.. Let's celebrate dahil di na magugutom ang pamilya natin.. " Sigaw ni Boss mike sa kanyang mga kasamahan.
" Boss ! Boss ! May nakita akong Isang kahon. Parang ngayon lang ako nakakita ng kahong ito.. Kakaiba ang kanyang disenyo !" Sabi ng isa sa mga kasamahan nila.
" Ikaw talaga Botchok puro ka kalokohan. Akin na nga yan.. " Sabi ni Mike. At nang aakma na nyang bubuksan ang kahon ay pinigilan sya ni Arnel.
" Boss sandali. Baka anong laman nyan baka makaipahamak natin laman nyan.. " Banta ni Arnel kay mike.
" Ikaw talaga Arnel, Tignan mo--" ng mabuksan ni mike ang kahon ay may kakaibang hangin ang malakas na nagsilabasan mula sa kahon at aksidenteng nabitawan ni mike ang kahon dahil sa pagkagulat. Sa mga ilang sandali pa ay Biglang Umalog ang lupa.
" Lumabas na kayo.. " sigaw ni Arnel sa mga kasama. Unti-unting nagsibagsakan ang mga bato sa kweba. At nagmamadali naman silang lumabas ng kweba.
Habang binababay nila ang palabas ng kweba. May isang maliliit na tinig ang tumatawa kasabay sa lakas ng ihip ng hangin.
" Ano yun ? " Sabi ni Arnel.
" Wag kang hihinto arnel.. " Sigaw ni Mike sa kasama.
Nang malapit na nilang makita ang lagusan papalabas ay biglang nagsibagsakan ang mga malalaking tipak ng bato. Habang nasakalagitnaan ng lindol. Nakita ni arnel na mababagsakan si Mike ng isang malaking bato. Dali-Dali nyang itinulak ang kanyang kaibigan upang di ito matamaan, ngunit sa kasamaang palad si Arnel naman ang nabagsakan ng malaking bato.
" Pare, Iaalis kita dyan sandali.. " Sabi ni Mike sa kaibigan.
" Wag na pare, May ipapakiusap lang sana ako sayo kung pwede bang ikaw na ang bahala sa mag ina ko ? " Sabi ni Arnel habang namimilipit sa sakit.
" Ano kaba pare, Wag kang magsalita ng ganyan pano na si Lourdes iiwan mo ba sya ? Di pwde halikat tutulungan kita.. " sabi ni Mike sa kaibigan. Tinulungan nga ni mike si Arnel mula sa pagkakaipit ng paa sa malaking bato.
" Boss mike, Wala na si Kalbo." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Botchok kay mike.
" Halika tulungan moko dito, tulungan natin si Arnel.. " sabi ni Mike sa kasama.
Habang pinagtutulungan nila si Arnel mula sa pagkakaipit sa isang malaking bato. Biglang Huminto ang lindol at umihip ulit ang malakas na hangin. Mula sa di kalayuan may isang babae na patungo sa kanilang kinalalagyan.
" Pare, multo ! Multo ! " Sigaw ni Mike.
" Oo nga multo ! Multo ! " dagdag pa ni Botchok.
" Sandali.. Hindi yan multo..! " Sabi ni Arnel. Habang papalapit na ang nasabing babae ay mas nasilayan nila ang kagandahan nito.
" Bakit nyo, Ginabala ang lugar nato ? Hindi nyo ba batid na may pinakawalan kayong mga Elemento.. " Sabi ng Babae. Habang papalapit sa kinalalagyan nina Arnel at mike.
" Sino ka ? " takot na sigaw ni Mike habang nakapikit ang kanyang mga mata.
" Siya si Maria Makiling.. " Sagot ni Arnel.
" Taga lupa, paano at bakit moko nakikilala ? " Tanong ni Maria sa kanya.
" Bata palang ako, Kinukwento kana ni lola sakin. At wangis ng iyong mukha ay katugma sa kwento ni lola saakin. Mahaba ang buhok.. Gintong kwentas, Puting kasuotan at Ang mga mata mo ay Kulay Asul. Kasing asul ng dagat. " Salaysay ni Arnel sa Diwata.
" Oo, Ako nga si Maria makiling ako ang taga bantay ng bundok na ito. Lahat ng mga narito sa bundok na ito ay inyong igalang. Lalong-lalo na ang mga Hayop at puno dito. " Sabi ni maria sa kanila.
" Mahal na diwata patawarin nyo po kami sa aming kalapastanganang ginawa.. " Sabi ni Mike.
" Oo nga po , mahal na diwata ! " dagdag na sabi ni Botchok.
Nang makita ni Maria ang kalagayan ni Arnel ay agad syang kumumpas. Dahil dito ang bato ay naglaho..
" Maraming salamat mahal na diwata.. Akoy inyong iniligtas sa pagkakaipit ng aking paa. " pasasalamat ni Arnel kay maria.
" Ngunit, Akoy hihingi ng pabor sainyong tatlo..
Nais kung, Ibalik ninyo sa Kahong ito ang inyong pinakawalang elemento. Kung hindi nyo agarang mabalik ang mga elementong iyon.. Sila ang magiging dahilan sa pagkasira ng inyong mundo at sa aming mundo. " Salaysay ni maria sa tatlo.
" Mahal na diwata anong klaseng elemento ang gusto nyong Ipapahuli sa amin ? " Tanong ni Arnel sa diwata.
" Heto, Kunin ninyo ito, nakasaad lahat ng gusto nyong malaman sa papel nayan. Kung may nais kayong itanong sakin.. Isulat nyo sa papel na yan. Upang kayoy aking magabayan.. " Sabi ni Maria makiling sa kanila.
" Mahal na diwata, maraming salamat po sa pangalawang na inyong pinagkaloob sakin.. " pasasalamat ni Arnel kay maria.
" Kilala ko ang iyong lola arnel, Siya ba si Lukring ? " Tanong ni maria kay arnel.
" Opo , Kilala nyo ho sya mahal na diwata ? " tanong ni Arnel sa diwata.
" Aba syempre pare, Diwata yan.." Sabi ni Mike.
" Ipapaliwanag ko sainyo ang lahat lahat. Ngunit sa ngayon kelangan nyong umalis dito.. Mag ingat kayo ! " Sabi ni Maria at ikinumpas nya ang kanyang Kamay at biglang naglaho ang tatlo sa bundok.
Abangan nyo po yung chapter two. And don't forget to vote. Salamat po
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top