EPISODE 17
"ANG SIMULA NANG PAGLALAKBAY"
ANG NAKARAAN,
Nagbigay na nang pagsubok ang mga diwata sa mga tagalipon at mga itinakda, Ngunit pinigilan sila ng diwatang si Libulan."Bihasa na sila sa pag gamit nang kanilang mga kapangyarihan. At Isa pa napatunayan na nila ang kanilang mga sarili." Sabi ni Libulan. Na agad naman itong ibinalita nina Maria Makiling At Magayon sa kanilang mga kapanalig.
ANG KARUGTONG,
Habang sinasalaysay ni Makiling at Magayon ang mga inuutus ni Libulan sakanila ay bigla namang dumating si Dalikamata.
"Oh Dalikmata? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Makiling.
"May masama akong balita." Paunang sabi ni Dalikmata sakanila.
"Ano yun?" Tanong ni Magayon.
"Ako na ang magsasabi sa kanila maari ba?" Sabi ni Dalikmata At tumango lang ang Dalawa.
"Ikinalulungkot kung sasabihin sainyo na unti-unti nang nasisira ang mga harang sa bawat mundo." Sabi ni Dalikmata.
"Anong ibig nyong sabihin?" Tanong ni Catalina. At agad namang nagpaliwanag si Alpia sakanila.
"Ang mundo ninyong mga tao at naming engkanto ay maroong harang. Katulad nang nung mga lalagyan sa ref natin sa bahay napansin ninyo, ang bawat lalagyan ay may mga harang upang hindi mahulog o maghalo ang mga Gulay sa Karne?" Panimula ni Alpia.
Habang si Jenna naman ay dahan dahan itong lumalapit kay Alpia at ningitian lang ito ni Alpia.
"At Jenna may idadagdag kapa diba?" Sabi ni Alpia at Agad nagsalita si Jenna sa harapan nila.
"Ginawa ni Bathala ang mga harang na yun upang maging balanse ang mga mundo. At kapag nasira ang mga harang na yun ay tiyak na ni isa mga lahi ng mga tao at engkanto ay walang mabubuhay." Dagdag ni Jenna.
"Tama sila, ngayon kelangan ninyong pagbutihan ang misyon na ito." Sabi ni Magayon sa kanila."Ah matanong ko lang Daragang Magayon? Nasa mundo paba kami ng mga tao?" Tanong ni Raven.
"Hindi nasa mundo na kayo kung saan naninirahan ang mga elemento ng Lupa. Katulad ng mga Aydenian, Duwende at ano pang mga nilalang sa lupa." Sagot ni Magayon.
"Sabi ko na nga ba!" Sambit ni Tyler at muntik na itong bumagsak sa lupa mabuti nalang ay nasalo ito ni Ian. At agad namang lumapit si Jake sabay kumpas ng kanyang mga kamay. Sa isang iglap lang ay may mga dahon na ang ulo ni Tyler.
"May Lagnat siya Bro." Sabi ni Ian kay Theo.
"Dahil pa din yan sa sumpa ng oroskopyo." Sabi ni Jenna at agad naman nagsilapitan sina Alpia, Mia at Raven upang tingnan ang kalagayan ni Tyler.
"Marahil ay nararamdaman na ni Tyler ang unti-unting pagkasira ng mga Harang." Sabi ni Magayon.
"Mabuti pang bukas na kayo magpatuloy sa paglalakbay papuntang Kanlaon. Upang makapagpahinga na din kayo." Sabi ni Makiling.
Pagka alis ng mga diwata ay gumawa na sila nang kanilang mapaghihingahan.
Nagsama sina Ian at Jake, Sina Alpia, Mia at Raven naman sa kabila. Habang sina Jenna at Tyler naman ang nagsama sa isang maliit na kubo.
"Kamusta na siya Jenna?" Tanong ni Jake
.
"Mataas pa din ang kanyang lagnat, Pero gagaling na din siya bukas dahil sa mga gamot na ginawa ko." Sagot ni Jenna.
Samantala nag aalala pa din si Catalina at Theo sa kanilang anak.
"Nakakalungkot, pero kelangan natin siyang iwan." Sabi ni Catalina.
"Ayus lang yan Love, alam ko namang aalagaan ng mga diwata si Kathleya." Sabi ni Theo sabay yakap kay Catalina.
"Pero Love, papano si Tyler? Akala ko tapos na yung sumpa ni Pisces sa kanya?" Pag-aalalang sabi ni Catalina.
"Kahit ako man ay nag aalala din pero, mag tiwala tayo sa kakayahan ni Tyler. Alam kung malalagpasan niya ito. Isa pang problema natin ay nasa kamay ni Sitan ang Libro ni Jenna." Sabi ni Theo sabay kamot sa ulo.
"Isa pa din yan sa iniisip ko. Kung alam ko lang kung saan ang kuta ni Sitan. Kukunin ko yun nang hindi niya namamalayan." Sabi ni Catalina.
Samantala sa Kuta ni Sitan,
"Teka Sitan bat hindi pa tayo kumikilos?" Tanong ni Miguel.
"Hindi pa ito ang panahon Miguel, alam kung naghahanda din sila sa darating na digmaan. At sigurado akong tayo ang mananalo sa pagkakataong ito." Sagot ni Sitan habang hinihimas niya ang Libro ni Jenna.
Pagkatapos niyang banggitin iyon ay agad namang dumating si Cathy kasama si Michael.
"At Masamang Balita Panginoon, nagsama-sama na ang mga Tagalipon at mga itinakdang engkanto." Sabi ni Cathy.
"Hayaan ninyo silang magsama, wala silang panasama sa aking libro." Sagot ni Sitan.
TRIVIA:Sino sina Lalahon at Alunsina?
Lalahon, Goddess of Fire, volcanoes and harvest. In ancient times, ancient visayans blamed her for sending armies of locust to destroy their harvest. In response, natives will offer her gifts in order to please her and prevent her from doing that,
Alunsina, she was the virgin goddess of the eastern world.
Samantala binisita nina Lalahon at Alunsina si Ofelia sa kanyang tahanan.
"Magandang umaga Ofelia." Bati ni Lalahon sa kanya. Gulat man ang matanda ay nagawa pa din nyang yumuko sa mga panauhing dumating.
"Ano po ang maililingkod ko sainyo? May nagawa bang masama ang aking mga anak?" Tanong ni Ofelia. Tinawag niyang anak sina Alpia dahil yan ang turing niya sa mga ito.
"Hindi naman Ofelia kakasimula lang nang kanilang pagsubok. Narito kami upang pasalamatan ka saiyong pagpayag."Sabi ni Alunsina.
"Walang anuman iyon Alunsina, dahil alam ko yun ang tamang gawin." Sagot ni Ofelia.
Samantala balik sa Kuta ni Sitan,
"Panginoon handa na sila." Sabi ni Miguel ang tinutukoy niya ang mga dating tagalipon na kasamahan ni Michael.
"Magaling, ipatawag sila at nais ko silang makausap. Tungkol sa nalalapit na digmaan." Sabi ni Sitan kay Miguel.
"Masusunod Panginoon, at may napansin lang ako." Sabi ni Miguel.
"Ano?" Tanong ni Sitan.
"Napansin ko lang, kagabi sumama ako sa mga lipi ng mga asawang. May sinalakay silang anim na buntis sa Santa Clarita. Nung susugurin na namin ang isang bahay. Bigla nalang naglalaho ang mga kampon natin at maiiwan nalang ang isang maliit na kulay pulang Tela." Sabi ni Miguel.
"Hindi yan kagagawan ng mga tagalipon, Kagagawan ito ng isang Diwata na mahilig mangialam." Ngiting sabi ni Sitan.
"At tila masaya kapa?" Tanong ni Miguel.
"Marahil pinagtatakpan nila ang mga kalaban natin. Sabi pa nga ni Cathy ay nagsasanay na ang mga tagalipon at itinakdang engkanto. Hayaan mo silang magpalakas para may challenge na din." Sabi ni Sitan.
TRIVIA:
LAKAMBINI She is known as the pure maiden for his incomparable beauty, ironic that he is a male diwata. Yes, He is a male diwata! He was originally known as the god of Kapurihan(Purity) and is also the good of food, festivity and anti-gluttony. Worshiped mainly by men: they pray to lakambini to let them find a beautiful maiden to wed. An obscure deity called "Abogado dela garganta" (Throat Advocate) by the Spaniards and was turned into the god of gluttony.
Kinaumagahan, sa paanan ng bundok Yayaisa.
"Kamusta na si Tyler?" Tanong ni Magayon.
"Hindi mabuti mahal na diwata, patuloy pa din ang kanyang panghihina. Akala ko gagaling na sya sa mga gamot kung gawa. Pero hindi. Hindi kaya dahil ito sa libro? Hindi ko na kayang manggamot?" Sabi ni Jenna.
"Hindi yan Jenna, sya nga pala may kasama ako." Sabi ni Magayon at mula sa likuran nito ay lumabas ang di pamilyar na lalaking diwata.
"Siya si Lakimbini ang diyos ng kapurihan." Pakilala ni Magayon.
"La-lakambini? Totoo nga ang sabi ni Itay. Napakaganda ninyong Lalaki!" Sambit ni Jenna na agad naman niyang binawi sa pamamagitan ng pagsabi ng...
"Paumanhin."
"Ayus lang magadang Dilag!" Ngiting sagot ni Lakambini.
"Ang cute nga niya infairness." Sabi ni Alpia habang nakatitig kay Lakambini.
"Hi po?" Sabi ni Alpia.
"Ikaw si Alpia hindi ba?" Tanong ni Lakambini.
"Opo ako nga" Sagot ni Alpia.
"Ikinagagalak ko kayong makilala mga magagandang dilag!" Sabi ni Lakambini. At si Catalina naman ay tinitigan ng mabuti ang diyos ng kapurihan.
"Bakit binibini?" Tanong ni Lakamibini sakanya.
"May kawangis ka mahal na diwata." Maikling sagot ni Catalina.
"Sino naman?" Sabay na tanong nina Alpia at Jenna.
At ganoon din ang ginawa nila, tinitigan nila ng mabuti ang mukha ni lakambini."Alam ko na!" Sigaw ni Catalina.
"Sino?" Duet na sabi nina Alpia at jenna.
"Sina Theo at Tyler. Pansinin ninyo ang mga labi niya, Mata at ilong! Kung hindi lang mahaba ang kanyang buhok. Akalain mong kambal nila ang magkapatid na Adonis. Kahit Moreno si Jake. Pero kapag naging kasing puti niya. Naku! Magiging triplets na sila pag ipinagdikit mo!" Sabi ni Catalina.
"Dahil kilala ko ang kanilang Ina." Ngiting sabi ni Lakambini.
Abangan ang karugtung ng ating kwento....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top