CHAPTER 89
" ANG PAGBUKAS NG PINTUAN NG IMPYERNO "
Sensya na mga mahal.. Akala ko Yung Chapter 88 naka Published na. Hindi pa pala. And naging busy ako lately so medyo matagal tagal din akong di nakapag update. Pero hayaan nyo ito na ang Karugtung wag kalimutang bomoto at mag iwan ng komento sa Ibaba. Salamat!
PREVIOUSLY..
Nalaman na nila ang tunay na pagkatao ni Kathleya.
" Anak mo ang babaeng yan Katalina.. " Sabi ni Alunsina.
" Pero papano sya lumaki nang napakabilis.?" Tanong ni Katalina.
" Dahil sa Konting mahika naming mga diwata. " Sabi ni Alunsina.
" Tantya ko nasa Sampung taon na sya.. " dagdag na Sabi ni Tyler.
" Oo nasa Sampung taon nga sya ngayon sa kanyang anyo ngayon. " Sabi ni Alunsina.
At Samantala binigyan nang bagong utos si Bulan galing kay Bathala.
" Hayaan mong buksan ni Sitan ang Pintuan ng Impyerno.. " sabi ng malaking boses na umaalingaw-ngaw sa Paligid.
" Masusunod Bathala.. di ko kayo kukuwesyonin sainyong mga utos..!" Sabi ni Bulan.
RIGHT NOW...
Sinundan agad ni Bulan ang kanyang mga kasamahang diwata sa Sulad. At nang makarating sya doon sa Sulad. Agad nyang sinabi ang sinabi ni bathala sa kanya. At Kahit nag aalangan man ang ibang diwata sa kanyang ibinalita ay agad naman silang sumunod sa utos.
" Kahit nakakaloka ang utos ni bathala.. Disappear!" Sabi ni Gassia at naglaho ito.
Habang si Magwayen ay umatras na din at pinagbuksan ang Pintuan.
" Mabuti naman at umatras na ang iba mong kasamang diwata.." Sabi ni Sitan habang papasok sa Sulad.
" Nandito pa kami sitan.. wag kang gagawa ng gulo sa look ng mga kaluluwa." Sabi ni Lalahon. Ngumiti lang si Sitan habang papasok sa Sulad.
" Bakit di makapasok ang mga Kasamahan ni sitan.?" Tanong ni Magayon.
" Dahil may inilagay akong sumpa sa mga alagad ng dilim. Makakapasok nga Sila pero di naman sila tatagal ng ilang Oras dahil magiging abo na Sila pag nag tangkang pumasok sila. " Paliwanag ni Magwayen.
" Pero bakit si Sitan ?" Tanong ni Lalahon.
" Dahil nakakaya nyang labanan ang Sumpa ko. Pero Ano kaya ang plano ni Bathala...?" Sabi ni Magwayen.
" Magtiwala kayo sa mga tagalipon at mga itinakdang engkanto. Alam kung magtatagumpay sila.." Sabi ni Magayon.
Habang sa Dalaket naman ay nakikita nila ang lahat nang mga nangyayari sa Mundo mga mortal.
" Nakakaawa ang mga tao.. Ano ang pwde nating gawin.?" Tanong ni Alpia habang nakikita nya ang mga imahe sa isang bukal kasama Sina Ofelia, Raven at Mia.
" Di pa napapanahon Mahal na reyna.. Kelangan nating mag antay ng Tamang panahon. Hindi pa masyadong nababawi ni Mia ang kanyang kapangyarihan. " Sabi ni Ofelia.
" Ngunit nakakabahala na ang mga nangyayari sa Mundo nila Guro.." Sabi ni Raven.
" Alam ko raven. Pero Kelangan nating mag antay ng Tamang timing. Kasi nga ang taong di marunong tumingin sa kanyang pinangalingan ay..." Naputol ang sasabihin ni Ofelia nang biglang sumabat silang tatlo.
" Ay di makakarating sa paruruonan!" Sabay sabay na Sabi ni Alpia, Mia at Raven.
" Hindi ! Ang taong di marunong tumingin sa kanyang pinangalingan ay Malamang One way.. " Sabi ni Ofelia.
" Binago na pala ang mga kasabihan ng mga tao ?" Sabi ni Alpia.
" Hayaan muna.. nagugutom lang si Guro.." Sabi ni Mia at tumawa ito nang malakas.
Habang si Sitan ay nagtagumpay sa kanyang balak na pagkuha sa tatlong kaluluwa nag dating tagalipon ng oroskopyo ng Pisces.
At Dinala nya ito sa kanyang Kuta.
" Mahal na reyna anong gagawin mo sa mga kalag na hawak mo?" Tanong ni Faith.
" Isasagawa ko na ngayon ang pagbukas ng Pintuan sa Impyerno. " Sagot ni Sitan habang hawak ang isang maliit na bote na may laman ng tatlong Kaluluwa.
" Maiba tayo mahal na reyna bakit di nalang si Tyler ang gamitin nyo?" Tanong ni Miguel.
" Kung Hindi nyo sana pinatakas ang magkapatid. Di sana nabuksan ko na ang Pintuan ng Impyerno. Pero hayaan nyo na nagpakahirap pako. Mabuti nalang nakuha nyo ang Libro ni Jenna. " Sabi ni Sitan
" At dahil yun sa akin..." Pagmamalaki ni Nica.
" Nakita nyo ba si Bea?" Tanong ni diosca habang humahangos.
" Hindi Akala ko kasama mo Faith. " Sabi ni Nica.
" Kinakabahan ako Nica. Baka may nangyari na sakanya. " Pag aalalang Sabi ni Diosca.
Lingid sa Kaalaman nila Hawak ng mga diwata si Bea sa mga Oras na iyon.
" Hahanapin ko sya sa Palasyo baka nakatulog ito..hahanapin ko.." Sabi ni Faith.
" Hindi na.. dahil Kinuha sya ng mga Diwata." Sabi ni Sitan.
" Lagot! Papanong nangyari yun.." Sabi ni Nica.
" Bubuksan ko na ang Pintuan ng Impyerno.. Tumabi kayo.." Sabi ni Sitan.
At Nagsimula na si Sitan sa kanyang Ritual. Nag sambit sya ng mga kakaibang Salita.
" Hahanapin ko si Bea!" Sabi ni Nica.
" Sandali... Sasamahan kita." Sabi ni Faith.
" Hindi ako papayag!" Sabi ni Diosca.
" Wag kayong Umalis... " Sabi ni Miguel.
" Kelangan ko kayo dito.. babawiin natin si Bea!" Sabi ni Sitan at nagpatuloy sa kanyang Ritual.
Habang sa Kalaon..
" Pakawalan nyo ko!" Sigaw ni Bea.
" No I don't like!" Sabi ni Gassia.
" Umalis ka sa katawan ng babaeng yan.." Sabi ni Bulan.
" Ano to mag eexorcist ka?" Sabi ni Bea.
" Hindi mo katawan ang ginagamit mo. Matagal nang naging abo ang katawan na yan." Sabi ni Bulan.
" Hindi mo kami mapipigilan... Mananalo kami Bwahahaha." Sabi ni Bea habang naging Pula ang kanyang mga mata.
" Isang Demonyo?" Sabi ni Lakambini.
" Ikaw pala Lakambini. Kelangan ko nang iyong kakayahan. " Sabi ni Bulan.
" Pinuno.. baka di ko na kayang hawakan pa sya.." Sabi ni Magayon habang ang mga ugat at baging na kumukulupot sa katawan ni Bea ay kanyang kinokontrol.
" Anong maitutulong ko?" Sabi ni Lakambini
" Nais kung sunugin mo ang Demonyo sa Loob ng katawan ng ating kaanib na namayapa na." Sabi ni Bulan.
Habang si Bea ay pilit pa ding kumakawala.
" Sge akong Bahala..." Sabi ni Lakambini at Sinimulan nyang gamitan ng kapangyarihan nya si Bea.
" Hindi ako aalis sa katawang ito. Aaahhhh!!!" Sabi ni Bea habang naglalabasan na ang mga ugat nya sa Leeg.
" Magayon Higpitan mo pa ang pagkakagapos!" Sabi ni Bulan at Yun nga ang gumawa ni magayon. Mas hinigpitan pa nya ang pagkakagapos ng mga ugat at baging sa katawan ni Bea.
Ilang sandali pa ay biglang umusok ang katawan ni Bea.
Aaaaaaaaaahhhhhhh!!!!!
Naging Abo na ang katawan ni Bea at ang Demonyo na sumapi sa katawan nya ay Masunog na din.
" Napatumba na natin ang isang kakampi ni Sitan. Di nyo ba alam na magiging dahilan ito ng sigalot!" Sabi ni Makiling.
" Matagal na ang Digmaan natin kay sitan. Ilang Sugo na ang mga sumugal sa kanilang mga Buhay.. at mas lumala pa dahil pati ang ibang mga Mundo ay nadadamay na sa pagiging sakim nya.!" Sabi ni Bulan sabay upo sa kanyang Gintong Upuan.
" Tama si Pinunong Bulan Makiling. Kelangan na nating tapusin ang pananalasa ni Sitan sa Mundo na ating binabantayan. Isa pa.. upang makapagpahinga na tayo" Sabi ni Magayon.
" Ibig sabihin.. pag na tapos na ang Digmaan ito. Di na tayo makikita muli ng mga Tao. Wala nang tagalipon o kung sino man. Mamumuhay na nang normal Sina Theo at Tyler. Malaki na ang naging epekto sa kanilang dalawa." Sabi ni Dalikmata.
" Maghanda kayo dahil nabuksan na ni Sitan ang Pintuan ng Impyerno. At nakikita ko na mas masalimuot pa ang digmaang mangyayari." Dagdag na Sabi ni Dalikmata.
Samantala sa Kuta ni Sitan. Matagumpay nyang nabuksan ang Pintuan ng Impyerno.
" Nandito na sila ! Bwahahaha!!" Sabi ni Sitan.
Habang sa Mundo ng mga Tao..
Biglang Mas dumilim pa ang kalangitan.
" Anong nangyayari?" Sabi ni Theo habang lumalakas ang Hangin.
" May ibinubulong saakin ang Hangin.." Sabi ni Tyler.
" Anong nangyayari bat mas nakakapangilabot pa ang nararamdaman ko. " Sabi ni Jenna.
" Ibinubulong saakin nang hangin na may parating na panganib. Maghanda kayo!" Sabi ni Tyler.
" Nakikita ko saaking Ikatlong Mata. Ang digmaang magaganap. Napaka madugo nito. Maraming tao ang madadamay! Nakakapangilabot ! " Sabi ni Katalina.
Ilang sandali pa ay Lumindol ng napakalakas.
" Pati ang Lupa iisa ang sinasabi sa Panganib na mangyayari. " Sabi ni Jake.
Abangan ang kasunod mga mahal.
Salamat sa pagbabasa. Lablab
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top