CHAPTER 74

" ANG LIBRO NI JESSEL "

Ito na ang Karugtung ng ating kwento mga mahal.. salamuch sa pag antay.

PREVIOUSLY..
Nalaman na nina Jessel at Karen na ang tuta na palaging kasama ni Chacha ay si Nonoy. At ang batang si Chacha ay dati pala nilang kaklase sa Unibersidad. Madami silang Tanong kung ano ba talaga ang nangyari. Ang makakasagot lang nyan ay si Charity/Chacha.

RIGHT NOW...

" Father Santiago.. pano mo nalaman na si Nonoy ang tutang ito?" Tanong ni Jessel.

" Lingid sa kaalaman ninyong Dalawa.. tinutulungan ko si Charity na tuluyang kumampi sa Kadiliman. At kagaya mo Karen, Inutusan kung hikayatan kang maniwala sa Diyos natin Hindi sa ibang diyos. At nang nabalitaan kung nawala na si Charity ay Agad akong umaksyon at ginabayan kita." Paliwanang ni Rowell.

" Sandali Hindi ba mag tatak ang father Santiago na Hindi kayo nag tungo sa misa nya?" Tanong ni Jessel.

" Hindi dahil inaakala nyang inaabuso ko si Karen. " Sabi ni Rowell

" Anong abuso ito Karen? Naguguluhan ako... Sabihin mo saakin?" Tanong ni Jessel.

" Jessel... Lahat kasi nang mga dalaga dito saating baryo. Simula nang mag hari-harian ang Demonyong pari na yan. Hinihiwalay ang babae at Lalaki kapag matutulog na. Pero Gabi-Gabi kaming mga babae ay pinapapapunta sa Silid ni Father Santiago upang Halayin." Sabi ni Karen habang umiiyak ito sa pagkukuwento.

" Demonyo pala ang paring yan.." Galit na Sabi ni Jessel.

" Kaya nga kapag Gabi ay pinapatulog ko sina Charity at Karen sa kwarto ko sa itaas.. Di ko sina Hinahalay ha? Itanong mo pa kay Karen." Sabi ni Rowell.

" Tama si Father Rowell.. pero nung Sandaling umalis si Father Rowell nag punta sa ibang bayan kasama ang itim na alagad ni sitan. Ay ako naman ang nabiktima ni Father Santiago. Wala nya akong awang hinalay.." Umiiyak na Sabi ni Karen at halatang Halata talagang may epekto sa kanya ang mga nangyari. Dahil sa bawat kwento nya ay palagi nyang kinakagat ang kanyang mga Kuko sa Daliri.

" Tama na Karen... " Sabi ni Jessel.

" Pasensya kana Jessel mae kung Hindi ko matulungan Kaibigan mo. " Sabi ni Rowell at agad syang kumuha nang isang kulay Pink na panyo. At ibinigay nya ito kay Karen.

" Salamat father..." Sabi ni Karen at agad naman nya itong kinuha at ipinunas nya sakanyang Luha.

" Wala kang kasalanan father rowell... Kung nandito lang sana ang aking Libro. Maari kung maibalik sa dating anyo si Chacha at ang Kapatid ko. " Sabi ni Jessel habang nakatingin kina Chacha na natutulog katabi ang tuta nya.

" Libro ng panggagaway?" Sabi ni Rowell.

" Oo father pano mo alam?" Tanong ni Jessel.

" Jessel mae... Mabuting Hindi mo Dala ang librong yun. Dahil alam mo bang ang mga Manggagaway, at Albularyo ay dinudukot nang mga itim na nilalang. Kinukuha nila ang mga kapangyarihan nito. " Sabi ni Rowell.

" Oo Jessel.. Balita ko ang Papa mo ay isang Albularyo diba.?" Sabi ni Karen.

" Oo Karen at Father rowell.." Sabi ni Jessel.

" Nanganganib ka Jessel.. kelangan ka naming protektahan..." Sabi ni Rowell.

" Handa akong tumulong father... " Sabi naman ni Karen.

" Sandali lang guys.. grave kayo. Kaya kung ipagtanggol ang sarili ko.!" Sabi ni Jessel.

" Kaya mo nga pero Balita ko may nakuha nanamang mahalagang sandata si Sitan.. yun ang pagkakadinig ko sa mga maiitim na nilalang sa labas." Sabi ni Rowell.

" Anong sandata father ?" Tanong ni Jessel. Nang biglang sumulpot si Father Santiago sa loob nang Kwarto. Agad naman silang nagulat.

" Anong ginagawa mo dito?"
" pano mo nalaman na nandito kami.?"  Sunod sunod na Tanong ni Rowell.

" Ayuko na sayo Rowell.. pakialamero ka. " Sagot ni Father Santiago at bigla nalang napaangat sa ire si Rowell at tila sinasakal sya.

" Karen ang mga bata..." Sabi ni Rowell habang hinahabol ang hininga nya.

" Opo.!" Agad namang kinarga ni Karen si Chacha. At kasama ang tuta.

" Karen Dear... Bakit Di mo sinabi na may bisita pala tayo.?" Sabi ni Father Santiago.

" Tumahimik kang demonyo ka! Handa akong makipagpatayan sayo. Alang-alang sa Kaligtasan at kalayaan ng mga kaibigan ko. Hindi mo sila makukuha !" Sigaw ni Karen. At agad syang kumuha nang isang hibla nang Buhok at Itinapon nya ito sa Kanyang paanan.

" Sge Lumapit ka para ma tusta ka!" Sabi ni Karen.

Arf! Arf! Arf!  Tahol nang Tuta habang nakatingin sa pari ng kadiliman.

" Bad ka... nasaan ang nanay ko!" Galit na Sabi ni Chacha.

" Nakakatuwa naman Tama nga ang mga sapantaha kung mga Traydor kayong dalawa.." Galit na sabi ni Father Santiago at mas lalo pang nakaramdam ng pwersa sa Leeg ni Rowell.

" Walang hiya ka Hindi ka Patas makipaglaban.." Sabi ni Rowell habang nahihirapan sa pag hinga.
Habang si Karen naman ay nagsimula nang makaramdam nang Pag gipit nang hangin.

" Anong nangyayari? Di ako makahinga." Sabi ni Karen.

" Tanggalin mo ang Sumpa sakanila..." Sabi ni Jessel.

" At sino kanaman...?" Tanong ni Father Santiago.

" Ako lang naman ang isa sa mga tinutugis nyong Albularyo. " Sabi ni Jessel at inihipan nya ang maliliit na dahon sakanyang palad at nang lumapag ito sa Sahig ay naging...

" Dumami si Ate Jessel?" Gulat na Sabi ni Chacha sabay Yakap kay toto.

" Magaling... Kung ganun ako na Mismo ang huhuli sayo upang maturuan ka nag leksyon." Sabi ni Father Santiago.

" Subukan mo....!" Sabay sabay na Sabi nang Anim na Jessel.

" Kung ganun.. Di tayo dito mag laban babaylan. " Sabi ni Father Santiago at sa isang iglap ay agad silang naglaho.
Pagkalipas ng ilang sandali ay nasa Labas na sila ng simbahan.

Samantala, habang nag inihahanda ni Katalina ang Mesa nila upang makakain. Ay bigla nalang nahulog ang libro ni Jessel.

" Ay aso! Ano ba yun... Nakakagulat naman!" Sabi ni Katalina.

" May sumigaw. Anong nangyari?" Tanong ni Theo.

" Hindi may nahulog lang.." Sabi ni Katalina at pinulot ang libro na nahulog.

" Kay Jesjes ang libro na yan..." Sabi ni Theo
At ilang sandali pa ay Dumating na sina Tyler, jake, Ian at Charlie habang si Jenna ay nagluluto pa.

" Anong nangyayari ate Kat?" Tanong ni Tyler.

" Nahulog lang kasi ang Libro ni Jenna...iniwan nya kasi ito para kay insan para mas mapalakas pa ni insan ang libro nya kaso eh nakuha ng kalaban.. Sabi ni insan Hindi sya marunong gumamit ng librong yan. " Salaysay ni Katalina.

At biglang nagbukas ang libro at sa unang pahina may nakasulat na..

" Nasa panganib ang aking Kaibigan. "

" Anong ibig sabihin nyan?" Sabi ni Ian.

" Babe... Diba kay Ate Jessel yan? Kung magkaugnay ang librong yan at si Jessel. Nararamdaman nyang nasa panganib ang tunay na nangangalaga sa kanya. " Sabi ni Charlie.

" Mabuti naman ay naalala muna Charlie na may relasyon kayo ni Ian. Aiyyeeeee!!! " Tukso ni Jake.

" Kung ganun pupuntahan ko si Jes Jes.." Sabi ni Theo.

" Ako rin... Kelangan nya ng Tulong natin ngayon." Sabi ni Tyler.

" Tutulong din ako.." dagdag na Sabi ni Jake.

" Hindi walang aalis nang bahay.. kelangan nyo pang magpahinga lalo kana mahal. Hindi pa kayong Tatlo nakakabawi sa Lakas ninyo." Sabi ni Katalina.

" Hindi malakas ata tung asawa mo!" Sabi ni Theo sabay pakita nang kanyang mga biceps sa kanyang dalawang braso.

" Tumahimik ka! " Sabi ni Katalina sabay Suntok sa Braso nito.

" Aaaarrrraaaayyyy!!! Ang sakit!" Sigaw ni Theo.

" Ian, Charlie... Bantayan nyo ang tatlong to. Pag naging matigas ang ulo nila.. Tawagin nyo tatay nila.. si Lakambini.." Sabi ni Katalina kina Ian at Charlie.

" Oo Ate Kat..." Sagot ni Ian at Ngumiti lang si Charlie.

" Pero Katalina magaling nako ui.. matigas na nga Ulo ng ano...." Sabi ni Theo

" Nang ano Theo... Anong ulo ang matigas pagmali Yung sagot mo.. bibigwasan kita.!" Sabi ni Katalina.

" Mahal matigas talaga ulo ko Sige ingat..." Sabi ni Theo at tumaya naman ang lahat.

" Libro dalhin moko sa tunay na nangangalaga sayo." Sabi ni Katalina habang nakatitig sa libro. At ilang sandali pa ay nagliwanag si Katalina at naglaho.


ABANGAN ULIT ANG KASUNOD....
DON'T FORGET TO LEAVE YOUR COMMENTS BELOW AND YOUR VOTES ARE VERY IMPORTANT.
Salamuch mga mahal...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top