CHAPTER 68

" SIMULA NANG DIGMAAN!"

PREVIOUSLY..

Nasugutan si Jenna sa Labanan nila ni Nica. At sa kasamaang palad. Nakuha ang kanyang Libro.

DI KO NA PAPATAGALIN PA! ENJOY READING MGA MAHAL !😉

RIGHT NOW...

Nang magising si Jenna ay nasa isang pamilyar na lugar sya at nakahiga sya sa higaan na gawa sa Kawayan.

" Nasaan ako ? " Sabi nya nang maaninag ang liwanag nang araw.

" Mabuti at Nagising kana iha... Ang mga Sugat mo ay naghihilom na dahil sa Gamot na inilagay ni Sara." Sabi ni Mang Gaspar.

" Mang Gaspar nakuha na nila ang Libro ng Liwanag. " Nauutal na Sabi ni Jenna at babangon na sana sya nang makaramdam sya ng Kirot sa kanyang katawan. Buhat nang saksakin sya ni nica.

" Wag ka munang babangon...! Naghilom na nga ang mga Sugat mo. Pero Di pa nawawala ang kirot nang sugat mo. Kelangan mong inumin ito." Sabi ni Sara nang may Dala Dalang isang mangkok na may mainit na pinakuluang halamang gamot.

" Sara Wala na ang Libro ko..." Naiiyak na Sabi ni Jenna.

" Naikwento nga samin ni Bulan iyan. Pero wag Kang mag aalala. Nagtungo ulit sa Kastilyo si Andy kasama ang mga diwata upang bawiin nila ang Kastilyo at sana magtagumpay sila sa pag bawi. " Sabi ni Sara.

" Ate Jenna, gusto mo para mawala na yang hapdi. Kakantahan kita?" Sabi ng batang si Helena.

" Talaga.. sge nga medyo matagal tagal na din Akong Di nakakakinig nang mga kanta.. " Sabi ni Jenna. At ngumiti lang si mang Gaspar.

" Sge makinig kang mabuti ate.." Sabi ng bata. Natawa nalang si Jenna dahil parang matanda na ito magsalita.


SAMANTALA SA BAHAY NANG MGA ADONIS. Kung saan pansamantalang nagtatago ang mga kasamahan nila.

" Kamusta na kaya si insan Jenna? " Sabi ni Katalina.

" Hayaan mo babe, malakas kaya si Jenna. Magkaiba lang ang oras natin sa mundo ng mga engkanto at diwata. " Sabi ni Theo.

" Alam ko... Mag dadalawang buwan na si Jenna Di nakabalik sa ating mundo. Pero, ang problema Wala tayong magawa. Di natin matulungan ang mga taong nawawala.. para nang Ghost town sa labas ni Pusa wala.. " Sabi ni Katalina.

" Di tayo pwdeng sumugod sa Kuta ni sitan.." Sabi ni Theo.

TOK ! TOK! TOK!

" Pasensya na kuya at Ate.. pinatatawag kayo ni Susmihta at Jessel.. " Sabi ni Tyler.

" Sge susunod na kami!" Sagot ni Theo at bumalik naman sa sala si Tyler kung saan nandoon ang mga kasama nila.

" Susunod na sila ate at Kuya.. pero sure ka ba ate Jessel na aalis ka? Delikado pa ang lumabas. Nakakalat pa ang mga Kampon ni Sitan sa Labas. " Sabi ni Tyler.

" Ayus lang Tyler, nag aalala lang ako sa Kapatid ko na si nonoy. Sabi ni Aling Ising, kasama nya si Nonoy. At pansamantalang nasa Simbahan sila ngayon kasama nang nakaligtas sa aming Baryo. " Sagot ni Jessel kay Tyler at Ilang sandali pa ay Lumabas Sina Theo at Katalina.

" Aalis kana Jes? " Sabi ni Theo.

" Oo, Theo.. hayaan mo mag iingat ako. Ibibigay ko sa mga Survivors ang anting- anting na ginawa ni Alpia. Salamat nga pala dito Alpia." Sabi ni Jessel.

" Walang anuman yun.. mag iingat ka sa labas. " Sabi ni Alpia sabay tayo at niyakap nya si Jessel pati na rin si Susmihta.

" Hayaan nyo isasama ko si Jessel para mabilis syang Makauwi sa kanila." Sabi ni Susmihta.

" Nako sa puno nanaman ba ako Lalabas? Nakakaloka yun.. " Sabi ni Jessel.

" Hayaan muna... Wag nang aarte pa!" Sagot naman ni Susmihta.

" Nakakahilo kaya ang travel nyo no.." Sabi ni Jessel.

" Ito ate Jessel. Gamitin mo itong ibinigay ni Susmihta sa amin nung nasa Aydendril pa kami." Sabi ni Tyler sabay abot nang isang pirasong dahon.

" Oo nga ako nga nagbigay nyan sakanila Bago kayo dukutin.." Sabi ni Susmihta.

" Sandali bigla Akong kinabahan.. " Sabi ni Katalina.

" Ate Ayus ka lang ?" Sabi ni Tyler. At biglang Nahulog ang Picture ni Jenna basag ang frame. At si Ian naman ay biglang natumba at bumagsak sa Sahig.

" Iaaaaannnn!!!" Sigaw nilang lahat. Agad naman nilang inalalayan ang walang Malay na si Ian.

" Raven kumuha ka ng Tubig daliii!" Utos ni Alpia.

" Jusko ano bang nangyayari sa mga people ngayon.." Sabi ni Mia.

" Wag Kang mag ooa Dyan kumuha ka nang pamaypay.. nasaan ba kasi si Jake at Charles.." Sabi ni Alpia.

At bigla nalang nagsalita si Ian habang walang malay  pa sya.

" Kamusta kayo Theo at Tyler... Naalala nyo ba ako?" Sabi ng isang malaking boses na komokontrol sa bibig ni Ian.

" Sino ka !" Tanong ni Alpia.

" Ikaw pala ang tagapag mana ng Dalaket. Kamusta ka Reyna Alpia ?" Sabi ulit ng malaking boses.

" Sino kaba? Umalis ka sa katawan ng Kapatid ko!" Galit na Sabi ni Tyler.

" Di nyo talaga ako nakikilala...? My ghad so Slow!" Sabi ng malaking boses na unti-unting naging Babae.

" Si Alice!" Sabi ni Katalina.

" You're right sissy, Alam mo Ikaw lang ang matalino sa kanila. Well anyhow, nais ko lang namang Sabihin sainyo ay Talo na kayo.. Hahaha !" Sabi ni Alice.

" Anong Ibig mong Sabihin.. ?" Tanong ni Theo.

" Talo na si Jenna! Nabagsak na ng alagad ko ang Kaibigan nyo.. " Sabi ni Alice.

" Wala hiya ka.. Ibalik mo saamin si Jenna.." mangiyak-ngiyak na Sabi ni Katalina.

" Loka Loka Hindi ko hawak si Jenna...Pero Alam kung nag aagaw Buhay sya ngayon. Hahaha Babye!" Sabi ni Alice.

" Anong ginawa mo!" Sigaw ni Katalina. Ngunit bumalik na ang malay ni Ian. At takang-taka ito kung bakit halos lahat ng Mga kasamahan nya ay nasa kanya nakatingin.

" B-bakit Anong nangyari?" Tanong ni Ian. At tumayo naman si Jake.

" Pupuntahan ko si Jenna sa Bundok Yayaisa. " Sabi ni Jake.

" Sasama ako Jake..para maging kampante ako. " Sabi ni Katalina.

" Teka ano ba ang Nangyayari dito?" Tanong ni Ian.

" Nagsimula na ang Digmaan. " Sabi ni Theo.

" Theo, Tyler, Aalis na kami ni Jessel.. hayaan mo sasabihin ko agad kay Reyna Olivia ang mga nangyari. Asahan mong tutulong kami sa Digmaan. " Sabi ni Susmihta.

" Maraming Salamat..." Sabi ni Tyler.

" Theo, Hindi lang Sina Susmihta ang aalis.. Kelangan naming Balik. kaming tatlo sa Dalaket upang Itayo muli ang Kaharian." Sabi ni Alpia.

" Maayus na din ang aking Pakiramdam Theo. Maraming Salamat sa Halamang Gamot Jake." Dagdag na Sabi ni Mia.

" At pare.. wag na wag mong papaiyakin ulit si Tyler. " Sabi naman ni Raven.

" Oo naman pare kayo din mag iingat kayo doon." Sagot naman ni Jake.

" Nauna na si Ofelia sa Dalaket.. Hindi sya nakuha ng mga sugo ni Sitan. Hayaan mo magkikita tayong muli sa Araw ng Digmaan." Sabi ni Alpia.

" Teka Alpia... papano kita makakausap?" Tanong ni Katalina.

" Sa kahit Anong paraan Katalina. Ang Dalaket ay laging Bukas para sainyo. At maiiwan ako ng isang rosas bilang mas tumatag pa ang Harang sa bahay ninyo." Sabi ni Alpia. At isang kumpas lang nang Kamay ni Alpia ay may Kulay Puting Rosas ang tumubo sa pader nang bahay.

" Salamat Alpia.." Sabi ni Katalina at niyakap nya ito.

" Theo at Tyler palagi nyong pakikinggan ang bawat isa.. " Habilin ni Alpia.

" Para namang Di na tayo magkikita Alpia.. aasahan ko kita sa digmaan.." Sabi ni Theo.

" Paalam!" Sabi ni Susmihta na hawak nya si Jessel. At Itinapon nya sa ire ang dahon ng mga lagusan. Sa isang Iglap lang ay naglaho sila.

" Kami rin Di na kami mag tatagal.." Sabi ni Alpia.

" Magpapalakas ulit ako !" Sabi ni Mia.

" Mag iingat kayo.." Sabi ni Raven sabay Titig kay Tyler. Di nya maitatanggi na may pagtingin pa din sya kay Tyler pero, tanggap naman nyang sina Jake ang nakatadhana para sa isat isa.

AND ABANGAN ULIT ANG KARUGTUNG...
HOPEFULLY NA ENJOY NYO ANG KABANATANG ITO MGA MAHAL. JUST LEAVE YOUR COMMENTS AND Your Votes is Very important and Highly appreciated.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top