CHAPTER 67

" ANG PAGKAWALA NG KAPANGYARIHAN KO! "

Ito na ang Karugtung mga mahal salamuch sa pag aantay. Enjoy!

PREVIOUSLY...
Isinalaysay ni Mang Gaspar ang Kasaysayan ng Libro na ginagamit ni Jenna. Ngunit Lingid sa lahat ng kaalaman nila ay may Lihim pa ito na Dili nila alam. Anyhow, Pinakawalan ni Faith ang mga diwatang ikinulong ni Sitan sa Kanlaon. Sa Tulong ng kanyang Kakayahang gumawa ng Ilusyon. Nagawa nyang ipakita sa mga mata ng kanyang kasamahan na nakakulong padin ang mga Diwata.
Habang walang ka Malay Malay si Jenna na kasama nya ah Huwad na magayon sa mga Oras na yun.

RIGHT NOW..
Sa Kanlaon, sa Ikatlong Palapag ng Kastilyo.

" Mahal na Diwata na saan ba Sila nakakulong? " Tanong ni Jenna.

" Lagot! ganito ba ka kulit ang mga Tagalipon? " Sabi sa Isip ni Nica.

" Ah hindi! Malapit na tayo konti nalang!" Sabi ng huwad na Magayon.

SA KUTA NG TAGABANTAY NG LAGUSAN

Habang natutulog si Helena, ay agad naman nyang tinulungan ang dalawang tagabantay sa gawain.

" Maari ba Akong Tumulong Sara?" Sabi ni Mang Gaspar habang nakikita nya si Sara na naghihiwa ng mga gulay. Habang si Andy naman ay nag sisiga.

" Oo naman po, halikayo!" Ngiting Sabi ni Sara.

" Salamat.. " sagot ni Mang Gaspar sabay upo sa isang upuan.

" Ah mang Gaspar, naikwento mo saamin nung nakaraang araw. Ang Tungkol sa Libro na ginagamit ni Jenna. Tunay ba na Nagamit anyo ito noon? " Tanong ni Sara.

" Oo nung medyo bata-bata pako!" Sagot ni Mang Gaspar. Nang Biglang Nagsulputan ang mga Diwatang si Magayon, Makiling, Dalikmata, Lalahon, at Gassia.

" Mga Mahal na Diwata..." Sabi ni Sara na gulat na gulat ito.

" Papano kayo nakatakas? Na saan si Jenna?" Tanong ni Sara.

" Si Jenna ? Naririto si Jenna? " Gulat na Sabi ni Lalahon.

" Oo, nagtungo sya ng Kastilyo upang iligtas kayo. " Sagot ni Sara.

" Yan nga ang gusto kung Sabihin sainyo dati.. ang bibilis nyo kasi!" Sabi ni Gassia.

" Hindi si Jenna ang nagpatakas saamin, kundi ang Sugo ni Magwayen. Ang dating Gabay Diwata ni Haik. " Sabi ni Magayon.

" Teka parang Kilala ko ang matandang ito.." Sabi ni Lalahon habang nakatitig kay mang Gaspar.

" Ako Po si Gaspar, taga Baryo Orcas." Pakilala ni Mang Gaspar.

" Oo nga.. Ikaw nga ang may hawak dati ng Libro de Archangel." Sabi ni Dalikmata.

" Mabuti naman at naalala nyo pa ako mahal na diwata." Sabi ni Mang Gaspar sabay Yuko.

" Mabuti at nakaligtas ka sa inyung mundo. Nasaan ang mga kasamahan mong Pantas?" Tanong naman ni Lalahon.

" Sa aming Lima.. ako nalamang ang nakaligtas. Sa Bawat lugar na aming kinalalagyan ay pinatay isa-isa ng mga kasamahan ni Sitan. Sya nga pala? Papano nabuhay ang dati nyong Sugo. At ngayon nasa Panig na sila ni Sitan?" Sabi ni Mang Gaspar.

" Gaspar lumalakas na ang kapangyarihan ni Sitan ngayon. Minsan na din nyang sinakop ang Tatlong mundo. Ngunit palaging napipigilan ng mga tagalipon at mga itinakdang engkanto ng Dalaket si Sitan sa mga tangka nya. " Sabi naman ni Gassia.

" Pero, nasa panganib si Jenna ngayon. Kelangan nating mag balik ng Kastilyo. " Sabi ni Magayon.

" Ako na lamang ang magtutungo roon mga mahal na diwata.." Sabi ni Sara.

" Hindi pwde sara. Ikaw lang ang makakapag sarado ng Lagusan. At Kelangan nating tulungan si Bulan dahil Hindi sya kasama sa mga nakakulong. Ngunit kasama syang kinuha ng mga sugo ni Sitan." Sabi ni Magayon.

" Magayon kung ipapahintulot mo! Nais kung magtungo ngayon sa mundo ng mortal. Dahil nasa malaking Crisis din ang mga Tao doon. Nakikita kung Hindi maganda ang kalagayan ng aking Gabay na si Katalina. " Sabi ni Dalikmata.

" Sge Dalikmata. Pumapayag ako. Ngunit sumama ka na rin Makiling. Nais kung Humingi kayo ng Tulong kina Sinukuan at Lidagat." Sabi ni Magayon.

" Masusunod Magayon.." sagot ni Makiling at Dalikmata at agad naman silang naglaho.

" Ngayon, Oras nang bawiin ang Tahanan ng mga diwata. " Sabi ni Magayon.

" Ngayon ko lang Nakita ulit ang Galit na Yan Magayon.. huli kung nakita ang mga nangangalit na mata mo ay noong kinalaban natin si Margarita. " Sabi ni Gassia.

Samantala Sina Jenna naman at Huwad na Magayon ay nakarating na sa ikalimang palapag ng Kastilyo.

" Nandito na tayo.. mag iingat ka dahil may nakabantay dito. " Sabi ng huwad na magayon.

" Ah eh, diwatang magayon feel ko may something sa Likuran ko." Sabi ni Jenna.
Agad namang hinila ng huwad na magayon si Jenna at kinalaban nya ang kawal na itim. Pero nagulat si Jenna sa kanyang nasaksihan.

" Fuego " Sabi ng huwad na Magayon. At agad namang Lumabas ang apoy sa mga kamay nito.

" Sa pagkakaalam ko! Hindi apoy ang taglay ni Magayon. Ilang beses na naming nakasama ang diwatang magayon sa labanan. Ngunit kelaman Hindi sya gumagamit ng Apoy. Bagkus Hangin ang kanyang panlaban." Sabi ni Jenna sa kanyang Isipan ng Di nya namalayan na may kalaban na pala sakanyang Likuran at mabuti nalang ay agad namang ito natamaan ng apoy ng huwad na magayon.

" Maraming Salamat mahal na diwata.." Sabi ni Jenna.

" Halikana! Wala na tayong Oras!" Sabi ng huwad na magayon.
At kahit nag aalangan man ay sumunod pa din ito.

" Parang nakakahalata na ata ang babaeng ito! Basahin ko kaya iniisip nito" Sabi ng huwad na Magayon sa kanyang Isipan habang naglalakad sila patungo sa isang silid. Nang Sandaling sinubukan nyang basahin ang isipan ni Jenna ay nakaramdam sya ng pagkapaso.

" Ayus lang Po ba kayo ?" Tanong ni Jenna nang biglang natumba ang huwad na diwata.

" Maayus lang ako.. nandito na tayo sa piitan. " Sabi ng huwad na magayon at sa Di kalayuan ay nakita nyang nakagapos ng Kadena ang diwatang si Bulan. Kasama naman ang Kapatid nyang si Haliya.

" Mahal na diwatang Haliya? Bulan ? " Tumakbo si Jenna patungo sakanila. Nang magising silang dalawa ay..

"Masaya ako at Ligtas kayo Jenna ngunit papano mo kami nahanap dito?" Tanong ni Bulan.

" Oo nga.. " dagdag na Sabi ni Haliya.

" Sa Tulong ng diwatang si Magayon..nakatakas daw sya nung Sandaling sinakop ang Kastilyo. " Sabi ni Jenna sa Dalawa.

Sa mga sinabi ni Jenna ay Gulat na gulat ang dalawa.

" Jenna.. Katulad namin ay nakakulong si Magayon. Nasa pinakaibabang bahagi sila nakakulong. Papano nangyaring nakatakas.?" Sabi ni Bulan.

" Pero kasama ko sya ngayon.." Sabi ni Jenna.

At agad namang nagpakita ang huwad na magayon sa kanilang tatlo.

" Hi, kamusta ka tagalipon!" Sabi ng huwad na magayon at unti-unting nagbago ang anyo nito.

" Sinasabi ko na nga ba. Hindi ka si Magayon dahil Hindi gumagamit ng Apoy ang diwatang si Magayon !" Sabi ni Jenna.

" Yeah your right duhling! Nakakulong padin sa mga Oras na ito ang totoong magayon.." Sabi ni Nica.

" Ikaw nga." Sabi ni Jenna.

" Ako nga at Wala nang iba pa..!" Sabi ni Nica at pinaapoy nya ang kanyang mga palad. At si Jenna naman ay agad nyang kinuha ang Libro.

" Kaya pala Hindi ko mabasa ang isipan mo kanina dahil sa pesteng Libro na yan." Sabi ni nica.

" Tama ka.. dahil ang librong iyan ay pinapangalagaan nya ang sino mang nilalang na may hawak sakanya. Kaya matakot na kayo!" Sabi ni Haliya.

" Ganun ba tingnan natin kung makakasurvive kayo sa Gagawin ko. " Sabi ni Nica at pinaikot ikot nya ang kanyang mga braso. Bago pa man sya nagtagumpay ay nabuklat na ni Jenna ang Libro at binasa na ang mahiwagang Salita dito.

" Aking Libro..
Ilahad saakin ang iyong Salita... " Sabi ni Jenna Sabay bukas ng mga pahina at binasa nya ito ng napakalakas.

" Pahina ng liwanag parusahan mo ang sumasamba sa kadiliman.." basa ni Jenna sa mga nakasulat.
At sa isang iglap ang mga Pahina ng Libro ay nag silabasan. Kumalat sa Paligid at ang mga Kadena na nakagapos sa dalawang Diwata ay natunaw nalang bigla.

Di nag tagal nag kumpol kumpol ang mga Pahina ng Libro at naging Espada.

" Ngayon Lumaban ka ng Patas.." Sabi ni Jenna.

" Well, Honestly napaka boring ng Transformation mo.. ano to ? Akazukin Chacha? Yung isisigaw ng dalawang Kaibigan ni Chacha ang ...

Pagibig! Katapangan! Pag-asa ang aking panawagan. Magical Princess Holy up? Ganun ? Hahaha! Mas cool ito. Tingnan mo!" Sabi ni Nica at patuloy pa din ito sa pagsasalita.

" Ganun ba ka daldal ang Gabay Diwata dati ni Lalahon.?" Tanong ni Haliya.

" Oo nga mahal na diwata.. sobrang daldal eh." Dagdag na Sabi ni Jenna.

" Hooooooiiii!! Nagsasalita ako dito Di kayo nakikinig! " Sigaw ni nica.

" Tayo na nga!" Sabi ni Bulan.

" Lalalala! " Pakanta kanta pa silang tatlo na umalis.

" HHHOoooiiii!!! Nandito pa ako.." sigaw ulit ni nica. Ngunit Di padin sya pinansin nito bagkus ay nagpatuloy pa din sila paglalakad. Napatigil nalang sila ng biglang may bolang apoy ang tumama sa Bag ni Jenna.

" Ang bag ko! Ang Libro..." Sabi ni Jenna.

" Lapastangan Kang bata ka!" Sigaw ni Bulan.

" Gusto mo talaga ng away ha!!!!!" Sigaw ni haliya.

" Wag na Mga mahal na diwata.. ako nalang ang tatapus sakanya. " Sabi ni Jenna.

" Wow? Ikaw ang tatapus sa akin? Ano nama ang gagawin mo ? Magtatransform ka ulit..." Sabi ni Nica.

" Simple lang. Kagaya nito!" Sagot ni Jenna at agad syang naglaho.

" nasaan ka!" Sigaw ni nica.

" Nandito ako.." biglang sumulpot si Jenna sa Harapan ni Nica at isinaksak nya ang Punyal na galing sa kanyang Libro.

" Punyal magbalik ka!" Sabi ni Jenna at ilang sandali pa ay nawala na ang Punyal sa kanyang palad habang si nica naman ay sugatan.

" Magaling.. makukuha ko na ang Kapangyarihan mo?" Sabi ni nica habang nahihirapan ito dahil sa sugat nya sa tyan.

" Anong pinagsasabi mo..?" tanong ni Jenna.

" sandali Kapatid.. parang nakita ko na ang Labanang ito.." Sabi ni Bulan.

" Ito ang pinakita saatin ni Dalikmata. Bago tayo Lusubin ng mga kampon ni sitan." Sabi ni Haliya.

" Oo nga.. naalala ko na. Ang ganyang estilo ay gawain ng mga sugo ni Sitan dati nung nakaharap ni Bathala si Sitan. Hindi maari.!!" Sabi ni Bulan.

" Jenna Ilabas mo ulit ang punyal na ginamit mong panaksak. " Sigaw ni Bulan.

" Bakit Po? " Tanong ni Jenna.

" Dahil sa Sandaling mapatakan ng dugo ko ang mga bagay na may taglay na malakasna kapangyarihan. Ay magiging kabilang na saakin" Sabi ni Nica.

" Hindi maari... Punyal Lumabas ka!" Sigaw ni Jenna ng walang punyal ang lumabas.

" Huli na tayo.." Sabi ni Haliya.

" Subukan mo pa din Jenna..." Sabi ni Bulan.
At yun nga ang ginawa ni Jenna. Paulit ulit nyang binigkas ang mga salamagka ngunit Wala pading nangyayari.

" See.. I told you. now watch this.." Sabi ni Nica.

" Libro ng Liwanag.. halikana !" Sabi ni Nica. At biglang gumalaw ang bag ni Jenna.

" Hindi ? Hindi mo makukuha saakin ang Libro ng itay!" Sabi nya.

" Kung ganun..? Bakit nasa mga kamay ko na sya ?" Sabi ni Nica at nagulat silang tatlo ay hawak hawak na ito ni nica. Pagbukas ni Jenna sa Bag ay Wala na ito sa loob.

" Ibalik mo yan.." sigaw ni Jenna.

" Wala Akong Naririnig Jenna.. tingnan natin kung Anong mararamdam mo. Ang dating Libro na Sayo sumusunod ay nasaakin na." Pang iinis ni nica sakanya.

" Lapastangan ka!" Sigaw ni Bulan.

" Ngayon.. Tikman mo ang sarili mong kapangyarihan " Sabi ni Nica.

" Libro ng Liwanag babaguhin ko ang iyong Pangalan. Ikaw ang magiging Libro ng kadiliman.." sabi ni nica sa iglap ay nagbago ang itsura ng libro.

" Hindi!!!" Sigaw ni Jenna.

" Libro ng kadiliman, mga pahina moy ilahad.. Sandatang makakapatay sa babaylang ito ibigay." Sabi ni nica.

" Jenna makinig ka! Ikaw parin ang may ari ng libro utusan mo ang Libro. Ang ama mo ang nagbigay nyan sayo. " Sabi ni Bulan.

" May tiwala ako sayo Jenna. " Sabi ni Haliya.
Agad namang tumayo si Jenna at sinubukan ulit na kontrolin ang libro.

" Libro ng Liwanag.. sa ngalan ng aking ama! Ako si Jenna inuutusan kitang mga pahina moy magsara. Hindi ka magagamit ng nino man hanggat ako ay..." Naputol ang engkantasyon ni Jenna nang Sinaksak sya ni Nica gamit ang Espada na ginamit ni Jenna kanina nung nakuha nya sa kawal.

" Hiiiinnnddddiiii!! Jennnnaaaa!!!" Sigaw ni Bulan.

" Inuulit ko. Mga pahina moy magsasara Hanggang ako ay Buhay pa. " At bumagsak si Jenna sa sahig.

" Bilis Haliya umalis na tayo dito!" Sabi ni Bulan at agad naman silang nag laho.




OMG! KATAPUSAN NA BA TALAGA NI JENNA?
YAN ANG DAPAT NYONG ABANGAN MGA MAHAL. I HOPE NAG ENJOY KAYO!😘

Thanks pala sa mga nag Pm, sharing their feedbacks on my story. Also, some of my readers nakita na nila ako sa FB. At nakakatuwa dahil pinalitan pa talaga nila ang name nila sa FB. Some of them using the name of Theo and Tyler Adonis.😍 Nakakataba naman ng puso.! At mas naiinspire pa Akong mag update ng bongles.

Anyhow, Daldal ko!😂 Leave your comments below and your votes is highly appreciated. Thanks mga mahal!😘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top