CHAPTER 61
" Pagsamba sa Kadiliman P3 "
Previously....
Nagising na sina Jessel, Susmihta, Katalina, Jenna, Charles at Ian. habang sina Theo at Tyler ay tulog padin. at Sinubukan ni Katalina na silipin sa kanyang ikatlong mata ang nangyayari kina Theo at Tyler.
" Sandali susubukan kung silipin.." Sabi ni Katalina.
" Bakit Wala akong makita ? "
Ngunit sa kasamaang palad, wala syang makita.
Right now...
" Anong nangyayari Insan? bakit wala akong makita?" Sabi ni Katalina.
"Susubukan ko... " Sabi ni Susmihta. At lumapit ito kina Tyler at Theo. Ngunit katulad ni Katalina bigo itong makita ang mga nangyayari sa kanilang mga panaginip.
"Bakit ganun? tila may pumipigil saaking makita ang mga nangyayari.." sabi ni Susmihta.
" Marahil di kayo pinahintulutan ng Batibat.." Sagot ni Mang gaspar.
"Anong gagawin natin?" tanong ni Alpia.
" Titingnan ko sa Libro... " sabi ni Jenna.
" Minsan na akong naging taga pangalaga ng librong iyan Jenna. Walang maibibigay na kasagutan ang librong yan tungkol sa ating suliranin ngayon. " sabi ni Mang gaspar. Habang si Jenna ay patuloy pa din nyang binubuklat ang mga bawat pahina ng libro.
" Pano kung sabay sabay nating gamitin ang ating mga kakayahan Kat?" Sabi ni Susmihta.
"Magandang ideya yan.. ngunit mag iingat kayo, dahil maaring mawala ang inyung mga kakayahan. " Babala ni Mang gaspar sakanila. Ngunit sinubukan parin nila. Hinawakan ni Susmihta ang ulo ni Tyler habang si Katalina naman ay nasa ulo ng kanyang asawa na si Theo.
" Okay....
Isa...
Dalawa...
Tatlo.... " Sabay nilang sabi.
Samantala Balik tayo sa lumang simbahan....
Nang nakaupo na silang apat. at sa gitna naman ay si Father santiago. Nag dasal ng kakaibang mga lenguahe si Father santiago. at isa isang hinawakan ang kanilang ulo.
" Ipikit nyo ang inyong mga mata.. wag kayong didilat pag di ko pa sinasabi" Utos ni Father santiago. Habang nakapikit silang apat nakaramdam ng kakaibang enerhiya si Rowell sakanyang paligid. Imbes na mag reklamo, ipinagsawalang bahala nalang nya ito. Pagkalipas ng ilang minuto ay isa isang tinapik ang mga ulo nilang tatlo.
at nang makarating na ito kay rowell..
" Idilat muna ang iyong mga mata... " sabi ni Father santiago sakanya.
At padilat nya ay nasa kakaibang lugar na sila. Tila nasa ibang mundo na sila.
" Nasaan tayo father?" Tanong ni rowell. agad namang sumagot si Father santiago.
" Nasa Impyerno... Di nyo ba alam ang mga exercises na ginagawa natin.. Yun ang mga hakbang upang maging alagad ka ng kadiliman. " Sabi ni Father Santiago habang ang mga mata ni father santiago ay naging kulay itim ito. Biglang tumayo ang isang pari na kasama ni Rowell.
" Father Santiago Niloko mo kami.. akala ko ba ang mga ginawa namin ay para sa Diyos?" Sabi nya.
" Tila galit kapa ? magpasalamat ka dahil ang marka ng demonyo na nasa iyong noo. magagamit mo yan sa mga susunod na araw. Magpasalamat ka dahil nailigtas kita sa palilitis ng inyong panginoon. " Sabi ni Father santiago. Habang si Rowell naman ay tumitingin sa kapaligiran ng nasabing impyerno.
" Ganito ba ang impyerno? " tanong ni Rowell sa kanyang sarili. Nang di nya alam ay naririnig din ni father santiago ang kanyang mga sinasabi gamit ang isip.
" Oo, father rowell.. ito nga ang Impyerno kung saan.. Magliligtas sainyo! " Sagot ni Father santiago sabay tawa ng napakalakas. at ilang sandali pa ay nag bago ulit ang lugar na kanilang kinauupuan. Bumalik sila sa lumang simbahan. At hindi pa dyan nag tatapos. May isiniwalat pa si Father Santiago sa kanila.
" Total kaisa na kayo... nais kung ibahagi sainyo ang mga bagay bagay." Sabi ni Father Santiago.
" Di lang kayo o ako ang sumasamba kay satanas. o mas tawagin natin sa pangalang Sitan." Sabi ni Father Santiago.
" Since 2001, taga sunod na ako. at katulad nyo naging taga sunod ako dahil sa isang kapwa ko pare. kaya di lahat ng nasa liwanag ay tunay na nasa liwanag. " Sabi ni Father Santiago. Pagkatapos nyan ay isa isa silang nawalan ng malay at nang magising sila rowell ay nasa tabi na sila ng kalsada malapit sa kakahuyan. Agad naman nilang inayus ang kanilang mga sarili.
Balik tayo kina Susmihta ang Katalina,...
" Nakikita ko na...!!! " sabi ni Susmihta.
" Oo nga pakiramdam ko, iisang imahe ang ating nakikita." Dagdag na sabi ni Katalina.
" Tama ka Kat.. " Sagot ni Susmihta.
Habang sa panaginip naman nina Theo at Tyler....
"Anak Gising na... kakain na tayo. " Sabi ng isang babae na gumigising kay theo.
" Ikaw din Tyler gumising kana akala ko ba may pasok kayong dalawa ngayon?" sabi ng babae sakanila sabay alog sa kanilang mga katawan. Nang inimulat nila ang kanilang mga mata ay nagulat sila sa kanilang nakita.
"Mama?" gulat na sabi ni Theo.
" Ako nga bakit? ngayon mu lang ba nakita si Mama ?" sabi ng mama nila.
" Mama ikaw ba talaga yan ?" Tanong ni Tyler.
" Isa ka pa ako nga to.. bakit ano bang nangyayari sainyo ?" Sabi ng mama nila.
Naguguluhan man ay bumangon silang dalawa at nagtungo sa kusina upang kumain.
habang nasa mesa silang tatlo na kumakain. Napatingin si Theo sa mga display sa kabinet. kung saan nandoon ang kanilang family picture.
" teka mama nasaan si Papa?" Tanong ni Tyler at nagkasalubong sila ng tingin ni Theo.
" Di nyo ba alam na nasa business trip mama nyo.. kasama nya papa ni Jake. Teka Tyler kamusta naman kayo ni Jake? " Ngiting sabi ng mama nila.
" What do you mean mama?" naguguluhang sabi ni Tyler. Habang si Theo naman ay nakita nya ang isang naka frame na picture kasama sina Jake, Katalina, Mama nila at Papa nila. kasama ang isang batang babae na nasa edad dalawa.
" Ay nako Tyler, alam ko naman nangliligaw pa si jake sayo. " Sabi ng mama nila.
" mama? " gulat na sabi ni tyler.
" Ewan ko sayo.. mamaya pupunta si Jake dito!" sabi ng mama nila ng makita nya si Theo nakatitig sa picture kung saan kasama sina Jake, at Katalina.
" Namimiss mo na ba mag-ina mo Theo?" Tanong ng mama nila.
" Mama may tanong po ako.. ilan na ba ang anak namin ni Katalina?" Tanong ni Theo.
" Dalawa.. bakit wala kabang naalala? ano bang nangyayari sainyo? may lagnat ba kayo?" sabi ng mama nila.
" Mama ? may itatanong ako sayo.." sabi ni Tyler.
" Alam mo ba ang tungkol sa mga Tagalipon at Gabay Diwata?"
Agad namang nagulat ang mama nila at tumayo ito sa mesa.
" Nako di ko nagugutuhan ang mga tinatanong nyo sakin.. saan nyo ba nakukuha ang mga ganyan? " sabi ng kanilang mama.
Para di sila mahalata, Kahit naguguluhan man di na sila nagtanong...
Habang nasa labas sila si Theo naman ay patungo sa RADIO STATION kanyang tinatrabahuan.
" Di ko inaasahan kuya na lahat ng mga nangyari ay---- " naputol ang sasabihin ni Tyler ng bigla syang inakbayan ni Jake.
" Babe saan punta mo? " Sabi ni jake sabay lapit ng mukha nya sa mukha ni Tyler.
"Jake?? " sabi ni Tyler.
" Ako nga.. bakit? parang nakakita ka ng multo? diba may usapan tayo ngayon na pupunta tayo kina ate Kat ngayon. " Sabi ni Jake sabay kindat kay Theo.
" Saan ba si Katalina ngayon Jake? " Tanong ni theo..
" Nasa kanila.. sa Quezon City. diba Bayaw. may usapan tayong tatlo na haharanahin natin ulit si Katalina.." Sabi ni Jake.
" haharanahin bakit anong nangyari.?" Gulat na sabi ni theo.
" Naghiwalay kayo diba? tapos ngayon You realized na mahal na mahal mo pa misis mo.. kasing tulad ng pagmamahal ko sa kapatid mo. Diba Ty?" Sabi ni Jake sabay kindat kay Tyler at hinalikan nya ito sa pisngi at tumakbo patungo sa kotse.
" Bilisan nyo na.... " sabi ni sigaw ni Jake. at sumabay nalang silang dalawa.. Habang nasa Bayhe pa sila. maingay silang tatlo parang mga bata. puro tawanan at hagikhikan. Ngunit naisingit ni Tyler at tungkol sa mga Oroskopyo, sa aydendril, oceana at mga dalakit. pati na ang mga sapalaran nila sa pagtalo kay sitan at sa mga alagad nito.
" Wow grabe ang mga na-hithit nyo. bawal ang drugs magagalit si Pres.Duterte. " Sabi ni Jake di makapaniwala sa mga ikinuwento nina Jake at Tyler.
" Sabi ko na nga ba.. di maniniwala ang boyfriend mo Tyler. " sabi ni Theo.
Alrighty.. abangan ulit ang karugtung mga mahal. leave some comments and Votes are appreciated. Enjoy
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top