CHAPTER 46

            " Ang Iyak ng Banshee P2 "

Previously...
Nakita na nila ang Banshee, at binigyan na ng Babala sina Tyler, Jake, Jessel at Raven sa taong mamatay. Habang sa Dalakit naman ay unti-unti nang nanghihina si Mia dahil sa daming Dugo ang nawala sakanya.

Right now....

Sa Silid ng Repleksyon.

" Mga walang Kwenta! Basagin nyo ang Kalasag na yan.. At tapusin nyo na sila.!" Sigaw ni Agnes sa mga Kamukha nina Theo, Katalina, Alpia, Mia, Ian at Jenna.

" Heto na tinutunaw ko na po... " Sagot ng Kamukha ni Katalina.

Samantala sa Loob ng Kalasag na ginawa ni Ian. Ay unti-unti ng natutunay ang Yelo na bumabalot sa kanila.

" Hindi ko na kaya pa.. nanghihina na ako.." Sabi ni Ian.

" Iwan nyo na ako dito Guro.. Iligtas nyo na si Gurong Ofelia. " Sabi ni Mia habang namimilipit sa sobrang sakit.

" Alpia.. maraming Dugo na ang nawala Kay Mia. Kung madadala natin sya sa mundo ng tao. Para madalang natin sya sa Hospital. " Sabi ni Jenna.

" Wag na! Di na ako aabut.." sabi ni Mia.

" Anong gagawin natin Alpia..." Sabi ni Katalina.

" Tanggalin nyo ang Kalasag.." Sabi ni Alpia habang nakayuko ito.

" Pero Binibining Alpia baka sugurin tayo ng mga Repleksyon natin.." sabi ni Ian.

" Mag Tiwala kayo saakin.." sigaw ni Alpia. Nakakapit pa ang kamay ni Mia sa Braso ni Alpia.. ilang Sandali pa ay bumagsak ang kamay ni Mia sa Sahig.

" Mmmmmiiiiiiaaaaaaa!!!!!!" Sigaw ni Alpia.

" One down.. isusunod na namin Kayo.." sabi ng Kamukha ni Ian.

" Oo nga di nakayo mapoprotektahan ng mga kaibigan nyong Dalakit." Sabi ng Kamukha ni Katalina. Paisa isa ang kanilang Hakbang papunta sa mga Tagalipon.

" Wag nyong Lalapitan o sasaktan ang mga kaibigan ko." Sabi ni Alpia at nang Makita nila si Alpia. Tumawa ang kanilang balahibo. Nanlilisik ang mga mata.

" Mga Lapastangan kayo.. alam kung nandirito ka lang sa Loob ng Silid Agnes.. Lumabas ka. O gagamit pa ako ng Dahas para Lumabas ka." Banta ni Alpia.

" Miss Alpia.. ayus lag ba kayo?" Tanong ni Katalina.

" Sis.. anong nangyayari ?" Sabi ni Jenna.

Ilang Minuto pa ay Lumabas si Agnes..

" Hindi ako nasisindak sa dugong Dalakit mo Alpia... " Sabi ni Agnes.

" Hindi man kita tinatakot, Bagkus pagbabayarin kita sa ginawa mo. " Sabi ni Alpia.

" Bago mo saktan si Panginoong Agnes.. dadaan ka muna saamin.." sabi ng Kamukha ni Alpia. Tumayo si Alpia at inisa-isa nyang sinakal ng mabilisan ang mga Kamukha nila.

" Ngayon Ikaw naman Agnes.." sabi ni Alpia.

" Wag kang Lalapit..!" Sabi ni Agnes, nginig na nginig si Agnes sa kanyang nakita sa itsura ni Alpia.

" Nilapastangan mo kaming mga Dungong Bughaw.. Si Mia ang Prinsesa ng Hilagang Dalakit. At ako! Ang nawawalang Anak ni Haring Sebastian at Reyna Daniela.. at anong Karapatan mong Umupo sa Trono ko!" Sigaw ni Alpia. Habang Si Agnes naman ay paatras itong naglalakad. Sinugod si Alpia ng Dalawang Kamukha nina Jenna At Mia.
Ngunit sa isang Kumpas lamang ng kanyang kamay ay naging abo nalamang ito.

" Hindi ako nagkakamali.. may dugong Bughaw sina Mia at Alpia. Hindi lang yun. Dahil may dugo rin sila ng mortal. Katulad natin.. " sabi ni Jenna.

" Ang Itim na Phoenix  Ikaw ang may Taglay nito?" Sabi ni Agnes..

" Tama ka...at ngayon Buhay mo naman ang kukunin ko kapalit ng Buhay ni Mia.. " sabi ni Alpia at agad nyang ikinumpas ang kanyang kamay kasabay rin nito nakaramdam si Agnes ng pagkasakal sa kanyang Leeg.

" Bitiwan moko..Alpia. !" Sabi ni Agnes..

" Simula sa araw na ito.. isinusumpa ko sa hangin na hinihiningahan ng mga Kauri nating Dalakit na mawawala ang inyong Hininga sa Pagsapit ng Araw na ito.  At Isasara ko na nang panghabang Buhay ang ano mang lagusan na papasok at Palabas ng Dalakit. Walang Makakalabas sa Impyernong ito.  Magbubukas lamang ang lagusan kung bubuksan ko ito gamit ang aking Salamangka O, Papahintulutan kayo ng mga mortal na papuntahin sa mundo nila. " engkantasyon ni Alpia. Kasabay ng pagbigkas ng mga katagang iyon ay Lahat ng Lagusan na ginagamit ng kanilang lahi ay nagsara. Sa puno ng Balete na ang Lagusan nila papuntang mundo ng mga tao. Pati na rin sa puno ng Acacia patungong Aydendril, Mangrove Tree patungong Oceana. Lahat nang mga yun ay nag Sara ng tuluyan.

" Hindi ako makahinga Piste ka!" Sabi ni Agnes habang hinahabol nya ang kanyang Hininga. Samantala ang mga natirang kamukha nila ay unti unting naagnas ang katawan nila.

" Anong nangyayari pinsan?" Tanong ni Katalina Kay Jenna.

" Nangyayari na ang sumpa ng Itim na Phoenix. " Sagot ni Jenna.

" Anong gagawin natin ngayon? Paano tayo makakarating sa Aydendril. ?" Sabi ni Ian.

Habang sa Aydendril naman Sa Lumang Kastilyo. Nasaksihan nina Theo, Raven, Jessel at Tyler ang bagsik ni Alpia. At pati narin sa pagsumpa nito sa kanilang mundo.

" Papano yan mahal na reyna kung sarado na ang lagusan ng mga dalakit..papano sila makakapunta dito. ?" Pagaalalang sabi ni Jessel.

" Wag kayong mag aalala, tutulungan tayo ng Mahiwagang salamin na si Sarah. Kukunin natin sila doon sa Dalakit. " Sabi ni Olivia.

" Tama ka nga Raven.. Kay Mia nga ang damit na nilalabhan ng Banshee kanina sa Ilog. " Sabi ni Tyler.

" Wla na si Ate Mia..." Yun lang ang naisagot ni Raven dahil nasaksihan Niya kung papano namatay ang kanyang matalik na kaibigan.

" Wala akong nagawa... Wala akong Kwentang Kaibigan.." sabi ni Raven.

" Bro.. Wala kang kasalanan.. Tama na!" Sabi ni Jake.

" Oo nga Raven.. di mo ba naalala sinabi ni Mia sayo Bago sila pumasok ng Dalakit..."  Sabi ni Tyler.

Flashback>>>>>

" Mauna na kami raven... Alangaan mo sarili mo. Malaki kana. Sa tingin ko kaya mo na ang sarili mo. Wag agad mainit ang Bangs. " Sabi ni Mia.

" Ate Mia... Di naman mainitin Ulo ko ah." Sagot ni Raven.

" Pagkatapos natin dito sa misyon natin gusto ko raven. Bumalik ka sa US ituloy mo yung career mo sa Banda.. tsaka Iniwan mo doon si Kevin. And Kevin text me this morning he's still in love with you. And Palabas lang yung nabalitaan mo na nakipagrelasyon sya saiba. Alam mo naman showbiz daming Eklat sa Life. " Sabi ni Mia.

" Well... Papano si Tyler ?" Sabi ni Raven.

" Bunso... Tyler is for Jake.. can you see and noticed Tyler still have a feelings on Jake. And Jake have the same feelings too. Wag kanang makigulo sa Love story nila.. in fact, gusto kung kumuha ka ng Lesson sa kanila.." sabi ni Mia.

" Pumasok na po kayo..." sabi Raven.

" Do it for me and for ate Alpia mo.. okay? Ako na ang bahala kay Kevin.." Sabi ni Mia.

Present day<<<<<<<<

Umiyak si Raven ng maalala nya ang Huling Habilin ni Mia sakanya.

" Di matutuwa si Mia pag umiiyak ka ng ganyan. Sige ka." Sabi ni Jessel.

" Maiiwan ko Muna kayo.." sabi ni Olivia.

" Sandali Mahal na reyna may mga berries Paba dito?" Sabi ni Jake.

" Oo, halika samahan moko mamitas.." sabi ni Olivia.

Sa Dalakit...

  " Ngayon... Gagawin kung kahindik-hindik ang inyong mga itsura.. ang sino mang Sang-ayon sa pagdukot ng mga tao at pag alila sa mga tao ay mapaparusahan ng kamatayan. Sinusumpa ko yan.." sigaw ni Alpia.

" Jenna.. sinumpa na ni Alpia ang Boung Dalakit baka anong mangyari sa kanya. Labis na ang kanyang paggamit ng Kapangyarihan. " Sabi ni Theo.

" Oo nga pinsan kelangan may gawin tayo upang di masira ng tuluyan ang dalakit.." sabi ni Katalina..

" Sandali...

   Alpia Tama na.. nasisira na ang mundo nyo.." sigaw ni Jenna.

" Yun nga ang Gusto ko Jenna.. di mo ba alam ? Noon kwento ni amang hari. Ang mga mortal, Diwata at Engkanto ay magkaibigan. Dahil sa kasakiman ng mga kauri namin nagkagulo na ang Lahat. " Sabi ni Alpia. At biglang lumakas ang lindol.

" Binibining Alpia.. Tama na po." Sabi ni Theo.

" Oo nga Binibining Alpia.. hindi matutuwa si Mia pagsisirain mo ang mundong pinagmulan nyo.." sabi ni Ian.

" Alpia.. Sissy Makinig ka saamin. Hindi lahat ng Dalakit ay dapat parusahan.. katulad ninyo ni Mia mamabait kayong Engkanto kahit nasa Kadiliman ang inyong mga Kapangyarihan.  Katulad din naming mga tao may bubuti at masasama. Pero kahit ganun di parin kami sumuko..sa tulong ng mga Gabay naming diwata natutunan naming Pama anumang Uri ka ng nilalang ay dapat maging patas pagdating sa hustisya at kalayaan. Kaya utang na Loob Alpia.. malulungkot si Mia sa ginagawa mo.." sabi ni Jenna.

Ilang Sandali pa ay tumigil na ang Lindol pati na ang malakas na hangin at kulog at Kidlat.

" I'm sorry.. di ko masyadong makontrol ang black Phoenix sa katawan ko.." sabi ni Alpia.

" Ayus lang yun Binibining Alpia. Naiintindihan namin.. heto Apoy ng Kaliwanag ipapatong ko ito saiyong Ulo upang maging Kalmado ka at upang kahit papano mawawala ang iyong pagkalito. " Sabi ni Katalina at pinaapoy nya ang kanyang mga palad.

" Pero nasaan na ba ang Cryatalya ng Dalakit? Kung Wala ito Kay Ofelia nasaan ito?" Sabi ni Ian.

" Tyak na sira na ang mga daan ngayon palabas ng Silid.. " sabi ni Theo.

" Sandali sisilipin ko sa aking Ikatlong Mata.." sabi ni Katalina.

" Katalina nais kung silipin mo saiyong ikatlong mata kung nasaan si Ofelia.? " Utos ni Alpia.

" Sobrang sira na ang nasalabas... mga Puno ay natumba.. may mga nasugatang Dalakit. Mga bata, Matanda.. babae at Lalaki.. Ang kanilang tahanan ay sobrang Sira na." Salaysay Ni Katalina.

" Si Ofelia...naman ay Ligtas nasa Isang Magandang Higaan sya.. " Sabi ni Katalina.

" Linawan mo hon..." Sabi ni Theo.

" Ligtas si Binibining Ofelia. Nasa Higaan sya na Kulay ginto. May nagbabantay na mangagamot. Sirena? Sirena? " Sabi ni Katalina.

" Sa Oceana.. " sabi ni Theo.

" Ligtas si Binibining Ofelia.. " sabi ni Katalina.

" Ngunit nakita mo ba kung nasakanya ang Cryatalya ng Dalakit?" Tanong ni Ian.

" Hindi nandito na saakin.. itinago ni Agnes sa kanyang Earings.." sabi ni Alpia.

" Papano ba tayo makakalabas sa Dalakit?" Tanong ni Ian.

Sa isang iglap ay may kakaibang ipo-ipo ang humigop sakanila.

" Alam ko kung kaninong Ipo-ipo yaan..." Sabi ni Theo.

" Kanino? " Tanong ni Katalina.

" Basta tayo na..." Sabi ni Theo.



Sorry waiting for so long...
Medyo busy lang si Author.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top