CHAPTER 35

  " Ang Hiwaga ng Bundok Apo "

Previously...
Inihanda ni Alpia ang Lagusang Papuntang Bundok Apo. Habang ang iba nag hahanda na. Sina Rica, Lina, Sierra at Olivia naman ay Nagtagumpay sa paglipat ng kanyang mga kasama sa Lumang Kastilyo ng aydendril.

Right now....

Sa Bahay ng mga Adonis..

" Masamang Balita Theo at Jenna, nawawala ang aking Kapangyarihan. " Sabi ni Alpia.

" Bakit anong nangyayari miss Alpia?" Tanong ni Katalina.

Ipinakita ni Alpia ang paghina ng kanyang Kapangyarihan. Sinubukan ni Alpia pagalawin ang flower base ngunit bigo nya itong mapagalaw.

" Baka pagud ka lang Sis.. " sabi ni Jenna.

" Hindi rin.. mukhang hindi ako makakasama sainyo. Ayukong maging pabigat sainyo. " Sabi ni Alpia.

" Hindi walang maiiwan dito.  sasama ka  saamin miss Alpia." Sabi ni Theo. At biglang Lumapit si Tyler sakanya.

" Ate Alpia may susubukan lang ako.." sabi ni Tyler.

" Kaya mo na bang magpagaling Bunso.?" Tanong ni Theo.

" Tyler tutulungan na kita.." sabi ni Jake. At lalapit din Sana si Raven sakanila.

" Wag kayong lumapit saakin. " Pagbabanta ni Tyler at umatras naman silang dalawa.

" Nakakatawa naman silang dalawa. Under dog sila Kay Tyler. " Bulong ni Ian Kay Jenna.

" Oo nga.. " sagot ni Jenna.

Sinubukan ni Tyler na pagalingin si Alpia..

" Ate Alpia, nanghihina na ang inyong Kapangyarihan. Hindi ko kayang pagalingin ang nanghihina nyong kaluluwa." Salaysay Ni Tyler.

" Panghihina ng Kaluluwa? " Gulat na sabi ni Alpia.

" Bakit Alpia.. ?" Tanong ni Mia.

" Ito na yung babala saatin ni Ofelia. Pag nalalayo tayo sa ating orihinal na Kapangyarihan. Katulad ko ako ay engkanto ng mga Bulaklak. Sa mga Bulaklak ako kumukuha ng Lakas." Salaysay Ni Alpia.

" Kung ganun ako rin manghihina?" Sabi ni raven.

" Hindi yun mangyayari sainyong Dalawa. Dahil Ikaw Mia, Engkanto ka ng Panahon at Ikaw naman Raven sa mga Hayop. " Sabi ni Alpia.

" Kung ganun.. gagawa ako ng mga Bulaklak sa Paligid.. " sabi ni Jake.

" Hindi Jake, kelangan ko nang bumalik sa Dalakit upang maibalik aking Lakas.may Mga Bulaklak doon. At yun ang makakatulong saakin." Sabi ni Alpia.

" Ngunit papano na yan? Mag kocommute ba tayo papuntang Davao ?" Sabi ni Mia. Nang biglang sumulpot sakanilang harapan si Magayon.

" Tutulungan ko na kayo sainyong byahe.." Sabi ni Magayon.

" Mahal na diwata... " Natutuwang sabi ni Jake. Habang sina Tyler at Theo naman ay Yumakap sa diwatang Magayon na matagal nang Gumagabay sa kanila.

" Natutuwa ako Mahal na diwata dahil nagpakita ulit kayo saamin.." sabi ni Tyler.

" Kayo talaga. Na miss ko din kayong dalawa.." sabi ni Magayon sabay tapik sa mga Likud nina Theo at Tyler. Ilang Sandali pa ay Dumating din sina Gassia, Makiling at Dalikmata. Agad silang niyakap nina Jake, Katalina at Jenna.

" Ay jusko nakakaloka ito. " Sabi ni Gassia habang niyakap sya ni Jenna.

" Kamusta kana Katalina.. hindi makakapunta si Lalahon ngayon dahil sya ang naka assign sa pag aalaga ng inyong anak." Sabi ni Dalikmata.

" Malapit na malapit nga sila sa mga diwatang Gabay nila.." sabi ni Alpia.

" Oo nga Binibining Alpia, nakakatuwa silang tingnan. " Dagdag na sabi ni Mia.

" Ang sweet nila.." sabi ni Raven.

" Okay, total hindi kayo makapag travel ng bongels. Kami na ang bahala sainyo.." sabi ni Gassia.

" Wala Na tayong oras mga kasama.,maghawak kamay kayo." Utos ni Magayon.

" Sandali kelangan nating basbasan ang ating mga bagong kaibigan." Sabi ni Makiling.

" Maraming Salamat mahal na diwatang Makiling." Sabi ni Alpia. At ngumiti lang si Makiling.

" Sa ngalan ng aking Kapangyarihan naway magtagumpay kayo sainyong Misyon sa Dalakit at dasal ko Kay bathala na magiging dalisay at inyong mga Puso. " Engkantasyon ni Makiling. Sumunod naman ay si Magayon.

" Katulad ng hangin, gagabayan kayo sa tamang daan at maging malinaw ang inyong mga isipan." Basbas ni Magayon at biglang lumakas ang malakas na hangin sa Paligid. Sumunod naman ay sina Gassia at Dalikmata.

" Sa pinagsama naming Kapangyarihan, katulad nang bato naway maging kasing tatag kayo at sa makita nyo ang katotohanan  at wag magpapalinlang sa nakikita. " Engkantasyon nina Gassia at Dalikmata.

" Ngayon oras. Maghawak kamay kayo at magtutungo tayo ng Bundok Apo."Utos ni Magayon. Agad silang naghawak kamay at ilang Sandali pa ay naglaho sila at pagdilat ng kanilang mga mata ay nasa kagubatan na sila.

" Nandito na ba tayo?" Tanong ni Mia.

" Oo mia, nararamdaman ko na din ang Dalakit sa paligid. " Sagot Ni Alpia.

" Kay talas padin ng inyong pakiramdam guro." Sabi ni Raven.

Habang sina Tyler, Katalina, Ian, jake, Jenna at Theo naman ay yumuko sa apat na diwata na tumulong sakanila.

" Wag kayong mag aalala, may kaibigan kaming diwata ang mag susunod at mag hahatid sainyo sa Lagusan. " Sabi ni Magayon.

" Maraming Salamat ulit mahal na diwata." Pasasalamat ni theo.

" Walang anuman yun. Mag iingat kayo. " Sagot Ni Magayon. At ilang Sandali pa ay naglaho silang apat na diwata.

" Nakakamiss din sila.." sabi ni Tyler.

" Oo nga, naalala mo pa ba yung Unang nakilala natin si Ate Katalina mo? " Sabi ni Theo .

" Oo nga kuya yung sa Villa Casa Margarita.. astig ni Magayon doon.." sagot ni Tyler.

" Nakakamiss din sila. Sana makasama natin sila sa ating mga Lakad Hon. " Sabi ni Katalina.

" Oo nga." Sabi ni Theo.

" Theo ano na ang gagawin natin? " Tanong ni Alpia.

" Sandali miss Alpia may diwatang sasalubong saatin dito.." sabi ni theo.

" Sino naman yun theo .?" Tanong ni Mia.

" Ang tagapangalaga ng Bundok Apo. Si diwatang Sandawa. " Sabi ni Alpia.
Ilang Sandali pa ay may Malaking Ibon ang lumilipad sa Ibabaw ng mga puno.

" Kay laking Ibon iyan." Sabi ni Jenna.

" Yumuko kayo, sya ang Diwatang Sandawa.." sabi ni Alpia. At yumuko nga sila. Habang pumapagaspas ang mga malalaking pakpak ng malaking Ibon unting unti namang nagbago ang anyo ng Malaking ibon.

" Maligayang pagdating sa Aking Tahanan." Sabi ni ng Diwatang Sandawa.

" Magandang Umaga sainyo Mahal na diwatang Sandawa. Ako nga po Pala si Theo ang pinuno ng mga tagalipon ng mga oroskopyo. " Pakilala ni Theo sabay Yuko.

" Maayung buntag saimo diwatang Sandawa. Ako si Alpia ang pinuno ng Itinakdang Engkanto. " Sabi ni Alpia.

" Masaya akong makilala kayo.. Teka Alpia, Marunong kang mag Bisaya ?" Tanong ng Diwatang Sandawa.

" Opo, mahal na diwata dito ako lumaki sa Davao. Kaya kabalo ako mag bisaya. " Sagot ni Alpia.

" Nakakatuwa naman.. Pero wag kayong mag alala, modernong diwata ako. Dahil nakikipag halobilo ako sa mga tao. Kaya alam ko na ang mga salitang Bago. katulad ng mga Gay lingo. Tsaka yung mga English alam ko din yun." Salaysay Ni Sandawa. At natawa nalang silang Lahat.

" Mas maayo pa sunod kamo saakoa didto ta sa akong Gamay na balay.
( Mas mabuti pa sumunod kayo saakin, doon tayo sa munti kung bahay) "  sabi ng Diwatang Sandawa. At sumunod naman silang Lahat sa Diwata.
Habang naglalakad sila papunta sa Nasabing bahay ng Diwata.

" Teka Wait, nakakaloloka ang ang outfit kung itey. Baka ma knows nila na diwata aketch so one moment mag tatransform lang ang Lola nyo.." sabi ni Sandawa at yun nga nagbago ang kanyang anyo. Mula sa magagarang kasuotan naging isang normal na tao nalang ang diwata tila kasamahan nalang nila ito.

" Oh diba, 16, 20 and 35 pang Miss Universe ang outfit ko ngayon.. actually guys except for being diwata ako. sa Mundo ng mga tao I'm also a Eco advocate. " Salaysay ng Diwata.

" Talaga po? Eh anong pangalan nyo pag tao kayo." Tanong ni Jenna.

" Michelle ang ginagamit kung pangalan.." sagot ng diwata.

" Astig nyo naman mahal na diwata. Modern Diwata nga kayo. " Sabi ni Alpia.

" Hindi lang updated din ako sa mga Korean movies, shows and music.. " dagdag na sabi ng Diwatang Sandawa.

" As in, Pero saan kayo nanonood ng mga ganun sa Bahay nyo ba?" Tanong ni Theo.

" Oo sa syudad. Pero dito sa bundok nko hindi stress masyado. Dahil puro mga happenings lang ang nakikita ko sa magic monitor ko. Teka, alam nyo ba sayawin nyong Bboom Bboom ?" Tanong ng Diwatang Sandawa.

" Ano yun mahal na diwata ?" Tanong ni Katalina.

" Oh my god Katalina Right ? Ganda mo pa Sana di mo alam yun.. " sagot ni Sandawa.

" Hindi po.. " - Katalina.

" Nako wag na nga lang nakakahiya na.. at nandito na tayo.." sabi ni Sandawa.

Hopefully you enjoy in this kabanata mga Mahal..  - enjoy and Comments for your Feedbacks

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top