Twenty-six

LINDZZY

      

"Hello Sir Aeidan, ako nga pala ang isa sa subordinates ng Eerie, at ang nakatakdang pumatay sa inyong mag-asawa," wika nito saka biglang bumunot ng baril at itinutok sa akin.

       

"One wrong move little girl and you'll end up in vain," lahat kami ay napalingon sa nagsalitang iyon at nakita ko ang nakangising si tita Aeickel na ngayon ay may hawak na dalawang baril sa magkabilang kamay.

         

"N--Night," nanginginig na wika ni Caely habang nakatitig kay tita Aeickel na nakatutok ang baril ngayon sa kanya.

      

"Mom."

       

"I could never let my son and daughter-in-law be hurt, little girl. Hindi mo pa alam kung sino at ano ang kinakalaban mo," pahayag niya at sa isang iglap na lamang ay nasa tabi na siya ni Caely na ngayon ay nakaluhod na sa ginawa niyang pagtuhod sa sikmura at pagsiko sa likuran nito.

       

"M--Mapapabagsak namin kayo!" Hirap na hirap na wika nito habang umuubo.

      

Lumapit sa akin si Aeidan saka na sana niya ako kakalagan nang magsalitang muli si tita Aeickel.

      

"Don't move her, Aeidan," wika nito na ikinakaba ko.

       

"Why!?" Takhang tanong ni Aeidan sa ina niya.

      

"Just don't son, o pare-pareho na lamang tayong mamamatay rito," sagot ni tita Aeickel na ikinapatda ko.

        

"What do you mean by that, mom!?" Ramdam ko na nang natataranta si Aeidan base sa timbre ng tinig niya. Maging ako ay hindi ko na alam kung gaano ang kabog ng dibdib ko.

          

"She has a booby trap behind her," doon ako tuluyang nanlumo.

        

"A--A bomb?" Nanginginig na wika ni Aeidan. Nakita kong sunud-sunod na tumango si tita Aeickel.

     

Tila gumuho nang tuluyan ang mundo ko sa narinig kong iyon. Paano na? Paano na ang pamilyang nais kong buoin?

     

"A--Aeidan..." Maiyak-iyak na wika ko. Natatakot ako--- hindi sapat ang salitang natatakot. Halos hindi ko na maisip kung ano pa bang tamang salita.

        

"I will keep you safe, Lindzzy. Please trust me," nakikita ko na ang mga luha ni Aeidan na naglalandas sa mukha niya.

       

This is the first time I saw him crying. Hindi kayang tanggapin ng sistema ko na umiiyak sa harap ko ang lalaking mahal na mahal ko dahil lang nasa alanganin ang buhay ko.

       

"P--Please Aeidan, don't cry. N--Nagtitiwala ako sa inyo," hirap na hirap na wika ko.

        

"Wait for Aeignn and the other agents. I already gave them heads up," wika ni tita Aeickel na kahit paano ay bumuhay sa kakaunti kong pag-asa.

        

"Tiwala!? MGA BOBO!" Saka sunud-sunod na tumawa si Caely bago hirap na hirap na tumayo. "Kayo mismo sa isa't isa mga wala kayong tiwala! Paano n'yong itinago kay Lindzzy na isa siyang malaking katarantaduhan? Paano n'yong itinago kay Lindzzy na isa lamang siyang buhay na ilusyon!? NAKAKASUKANG MARINIG ANG SALITANG TIWALA SA INYO---" Hindi natapos ni Caely ang sinasabi niya dahil bigla siyang sinuntok ni tita Aeickel na naging dahilan ng pagbagsak niya sa lupa.

       

"Hindi kasing kitid ng Phyrric ang utak ninyo para isiwalat na lamang basta-basta ang mga bagay," sagot ni tita Aeickel.

        

"MASTER!" Napalingon kami sa pinaggalingan ng tinig na iyon at maraming tao ang dumating, hindi ko kilala ang karamihan. Tanging si Griss, kuya Aeignn at Aeiryn lamang ang kilala ko.

        

"Mabuti at dumating na kayo, dalhin n'yo na ang isang ito," utos ni tita Aeickel at mabilis na dumulog si Griss kay Caely. Nagulat kami nang bigla niya itong inupuan sa likod at pinagpipitik niya ang tainga nito.

         

"Ikaw punyeta kang kupal kang mas kupal ka pa sa asawa ko, ako nalang ang totodas sa'yong lintik ka! Ang dami mo pang pa-eme tapos myembro ka pala ng Eerie ang pambansamg basura! Kapag nalaman ko sinong boss n'yo, pipinuhin ko kayong lahat!"

      

"Move now," utos ni tita Aeickel. Sinipa ni Griss palayo ang baril nasa gilid lamang ni Caely bago niya ito dinampot ng isang kamay.

       

"Liit-liit mo, ang tapang mo. Kayang kaya kitang tirisin, e!" Pahabol pa niya bago inilayo sa amin si Caely.

         

"HAHAHAHAHAHA! KAYO!? MAKAKA-ALIS DITO NG BUHAY!? HAHAHAHAHA! ISANG PATAYAN LAMANG KAYONG LAHAT!" Sigaw nito at halos lahat ng taong dumating ay tila naalarma.

       

"Search the whole place, Tungsten." Utos ni tita Aeickel saka lumapit sa akin. "We will keep you safe. I promise to keep you safe, Lindzzy. Hindi ko na kaya kung minsan pang malalagay muli sa alanganin ang buhay mo. May utang pa akong kailangan pagbayaran," turan niya sa akin na hindi ko nakuha.

          

Lumapit siya sa akin habang si Aeidan ay nakatitig lamang sa akin. Kitang kita ko ang awa niya para sa akin na nakabalatay sa mga mata niya.

            

"W--We'll get through this. Magkaka-anak pa tayo, 'di ba?" Saka ako ngumiti sa kanya habang lumuluha.

         

Bigla niyang tinawid ang pagitan namin saka ako siniil ng halik. Wala siyang idinikit na kahit anong bahagi ng katawan niya sa akin kung hindi ang mga labi lamang niya. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya sa klase ng halik na ito, maging ang pagpatak ng mga luha niya sa pisngi ko.

       

Humiwalay siya sa akin saka idinikit ang noo niya sa noo ko. "I'm sorry for causing you too much pain, Lindzzy. I'm sorry for causing you to suffer like this. I'm sorry---"

        

"M--Mahal kita, Aeidan. Mahal na mahal kita. S--Sinabi ko sa'yong kaya kong gawin at ibigay lahat sa'yo---"

        

"MOM! WE ARE ALL IN DANGER!" Lahat ay nagulat sa pagsigaw na iyon ni Aeiryn.

         

Napalayo sa akin si Aeidan at humarap sa kanila.

       

"We all need to retreat, Night," wika no'ng Tungsten.

        

Umalis sa likuran ko si tita Aeickel at luminga-linga sa paligid. "All of you leave this place. Bring Aeidan with you---"

       

"MOM!" Halos sabay-sabay ang sigaw nilang tatlong magkakapatid.

        

"Just fucking leave! I said what I said! I am the Chief Commander! You all have to obey me! Now, goddamn leave!"

          

"I CAN'T FUCKING LEAVE WITHOUT MY WIFE! YOU HAVE TO KILL ME FIRST!" Pagmamatigas ni Aeidan.

      

"Aeidan... please leave. May tiwala ako sa mommy mo. Ligtas kaming makaka-alis dito. Mas hindi ko kakayanin kung pati ikaw mapapahamak," sasagot pa sana siya nang bigla na siya hatakin ni kuya Aeignn at nang iba pang lalaking kasama nila. Nakita kong nagpapasag pa si Aeidan ngunit wala na siyang magawa.

          

"Trust me Lindzzy. Hindi kita pababayaan. I am indebted to you. Hindi ko na hahayaan na lumaki pa ang mga pagkakautang ko," makahulugang wika niya saka nagsimulang galawin ang kung ano mang nakakabit sa likuran ko.

          

"G--Gusto ko po sanang malaman kung ano po bang alam n'yo ukol sa mga sinasabi nila patungkol sa akin. Gusto ko pong malaman. Gulong gulo na po ako," tanong ko sa kanya.

        

"I will tell you the whole truth after we recover from this. I need you to be safe first before I finally tells you the real situation. Just know that whatever you will learn from me, we all did it for your sake, we did it to protect you, and we all did it to help you live a normal life," sagot niya sa akin na hindi ko pa rin alam kung anong pinatutungkulan.

        

"M--May nagawa po ba akong mali? H--Halos puro kabutihan po ang itinanim ng mga magulang ko sa akin kaya't hindi ko po alam kung bakit nararanasan ko 'to," hirap kong wika.

          

Naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng pagkakagapos ko at lumitaw si tita Aeickel sa harap ko. "There. I accomplished one fourth of my debt," nakangiti niyang wika sa akin bago ako tuluyang sinalo nang maalis na niya lahat ng gapos ko. Hindi ko na pala kayang tumayo sa sarili kong mga paa.

     

"S--Sorry po," paghingi ko ng paumanhin dahil sa pagbubuhat niya sa akin.

       

"I did more terrible things than this Lindzzy.  No need to say sorry, ako pa nga ang dapat humingi ng tawad sa'yo," sagot niya sa akin saka na kami tumungo sa bukana ng kinaroroonan namin.

           

"NOT SO FAST," nagulat ako sa paglitaw ng isang babae sa harap namin, ngunit hindi si tita Aeickel na animo ba inaasahan na niya ito. Gulat na gulat ako sa nakikita ko. Sinu-sino pa ang mga taong kasali sa paghihirap ko? Bakit lahat ng inaakala kong maaari kong pagkatiwalaan ay lumabas na kalaban ko.

        

"D--Dean Villeza," utal na wika ko.

       

"Long time no see, Lindzzy," nakangisi nitong wika sa akin.

        

"Iba rin talaga ang karakas ng Eerie. Sinakop n'yo nang buo ang unibersidad na pag-aari mismo ng isang Freezell," sagot ni tita Aeickel na may pait sa tinig.

     

"Hindi ka man lamang nagulat Night, mukhang inaasahan mo na talagang isa ako sa mga may pakana nito," nakangisi pa rin na wika nito.

        

"Hindi naman sa inaasahan Cynthia. Alam ko lang talaga simula pa lamang dahil umaalingasaw ang amoy ng baho mo," sagot ni tita Aeickel ngunit tumawa lamang ito.

         

"Iba rin talaga ang lakas ng loob mo. Nasa alanganin na kayo ng manugang mo, palaban pa rin ang tabas ng dila mo."

     

Marahan akong ibinaba ni tita Aeickel saka inalalayan na makatayo sa pamamagitan ng pagsampay ng kamay ko sa balikat niya.

          

"Dapat kasi hindi mo nalang pinakilos ang aso mong si Caely para hindi ako ganito katapang ngayon."

     

Naglakad ito saka kami inikutan ni tita Aeickel. "Ayaw mo ba no'n? She did all the dirty deeds for me and in the end she's the one who's suffering while I take all the crowns and trophies? Sa akin mapupunta si Lindzzy na tuluyang magpapabagsak sa inyo."

       

"Halang nga talaga ang bituka ninyo. Kayo mismo sa organisasyon n'yo nag-aahasan," ramdam ko ang iritasyon sa tinig ni tita Aeickel ngunit may napansin ako... malikot ang mata ni tita na wari bang may nakikita siya o inaanalisa na hindi ko mawari.

              

"Hindi ba't kayo rin naman? Nakalimutan mo na bang nagpagamit din sa amin sina Freya at Scorpio? Huwag kang magpatawa, Night---"

     

Hindi natapos ni Dean Villeza ang sinasabi niya dahil mabilis siyang pinaputukan ni tita Aeickel sa binti at bigla akong niyakag paalis ng lugar na iyon.

     

"PUTANG INA!!! AHHHHHH!!!"

        

"Kayanin mo pa Lindzzy. Malapit na tayo," wika niya sa akin ngunit ramdam ko na talaga ang pagbigay ng katawan ko, marahil ay napansin niya iyon.

     

Halos mapausal ako ng mga bining panalangin nang makita kong naka-abang sa amin sa hindi kalayuan ang mga kasamahan ni tita Aeickel.

         

"GO! THIS PLACE WILL EXPLODE IN NO TIME!"

          

Mabilis silang nagsi-kilos sa utos ni tita Aeickel at hindi nga siya nagkamali. Segundo lamang ang binilang, bigla na lamang sumabog ang lugar na iyon.

           

Marahil iyon ang minamasdan niya kanina na hindi ko mawari.

       

"Lindzzy.... take a rest now."

     


     


      

     

    

  

    

SIKAT ng araw na tumatama sa mukha ko ang nagpagising sa akin. Hindi ako pamilyar sa lugar ngunit alam kong nasa mabuti na akong sitwasyon sa ngayon.

        

"Lindzzy," tinig na nagpalingon sa akin. Nabungaran ko si Aeidan na nakangiti sa akin. "I'm glad you're finally awake my wife. They are all waiting for you," wika niya sa akin saka ako inalalayan na makatayo.

         

Sinuklayan ni Aeidan ang buhok ko. Tinignan ko ang sarili sa salamin at nakita kong may mga gamot na rin ang mga sugat na natamo ko. Kinintalan ako ni Aeidan ng halik sa noo bago ako iginiya palabas ng silid na kinaroronan namin.

        

Paglabas namin ay nadatnan ko sina tita Aeickel at Lola Cassandra. Maluha-luha si Lola Cassandra nang masilayan ako na bumaba ng hagdanan.

      

"Lindzzy..." Saka pa niya ako sinalubong ng mahigpit na yakap. "We are so sorry. Sana mapatawad mo kami. Thank you for living fine and well. Thank you for enduring all the hardships. My thank you may not be enough, but I am really glad that you are alive," wika nito habang nakayapos sa akin. Tila narinig ko na ang mga salitang ito noon nang minsang dumalaw siya sa akin.

            

Lumayo siya sa akin saka ngumiti.

         

"Alam kong gulong gulo ka na sa lahat, Lindzzy. Alam kong hindi mo alam kung anong nangyayari dahil wala kang ni katiting na ideya. Gusto ko lamang ipaalam sa'yo na lahat ng alam mo ukol sa pagkatao mo ay isang malaking kasinungalingan. Lahat ng nalalaman mo ukol sa sarili mo ay isang ilusyon na binuo mismo ng sarili mong ina para sa kapakanan mo," biglang paliwanag ni tita Aeickel bago ako iginiya ni Aeidan papaupo sa sofa katabi nina Lola Cassandra at tita Aeickel.

        

"Ano pong ibig ninyong sabihin?" Gulong gulo kong tanong.

         

"You're not 24 years old Lindzzy, you're actually 26. Halos mas matanda ka pa ng buwan ng kapanganakan kaysa kay Aeidan," sagot ni Lola Cassandra.

          

Hindi ko mapaniwalaan ang sinasabi nila. Kaya ba noong tumungtong ako ng elementarya at akala ko ay anim na taong gulang lamang ako ngunit ang pag-iisip ko ay pang walong taong gulang na?

           

"H--Hindi ko po makuha ang nais ninyong sabihin," kumakabog ang dibdib ko sa mga maaari pa nilang isagot sa akin.

       

"You are not a Sebastian, Lindzzy." Pagpapatuloy ni tita Aeickel na ikinabigla ko ng husto.
     
    

"P--Po?"

   

...

   

...

    

...

    

...

   

...

   

...

    

...

   

...

   

...

   

...

    

...

    

...

    

...

    

...

    

...

   

...

   

...

    

...

    

...

    

...

    

...

   

...

    

...

    

...

   

...

   

...

   

...

    

...

   

...

  

...

  

"You are a Montelibano. You are the lost daughter of Stella Montelibano, also known as Poison. The agent whom I owe a very huge debt."

    

--

   
NO TO SPOILER PLEASE! 😅
The elaboration of this chapter will be in the next chapter. HUWAG N'YO MUNA AKONG TANUNGIN PAANONG NANGYARI 'YON. MAIPAPALIWANAG KO 'YON. TRUST MEEEYYYYY. THANK YOU AND PLEASE.... HUWAG KANG MASHOOKT. IBA TALAGA ANG ANG TAKBO NG ULO KO. HAHAHAHAHA. NYENYE.

PS. Oh, sa mga nagbasa na nito na hindi binasa ang mga naunang series, kumusta kayo? Magulo ba? HAHAHAHAHA.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top