Twenty-seven
LINDZZY
"You are a Montelibano. You are the lost daughter of Stella Montelibano, also known as Poison. The agent whom I owe a very huge debt."
Hindi ko alam kung manlulumo ba ako sa narinig ko. Halos hindi maprosesa ng utak ko ang mga sinasabi nila. Hindi ko alam kung paano ko ito padadaluyin sa pang-intindi ko.
"H--Hindi ko po makuha ang mga sinasabi ninyo," hirap kong pahayag sa kanila.
Humarap sa akin si Lola Cassandra at hinawakan ang mga kamay ko. "Hindi ka tunay na anak ng Nanay Marissa at Tatay Lucio mo. Hindi ka totoong---"
"P--Pero may larawan po si Nanay na buntis siya sa akin. Wala rin po akong kapatid na maaaring iyon ang ipinagbubuntis niya noong panahon na 'yon," kontra ko sa sinasabi ni Lola. Hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin ko. Hindi ko na alam kung ano pang magiging takbo ng lahat ng ito.
"Dahil totoong nagbuntis ang Nanay Marissa mo sa'yo," sagot ni tita Aeickel sa akin.
"A--Ano pong ibig sabihin no'n?"
"Nang araw na tumungo ako sa basement ng kumpanya ng daddy ni Aeidan upang mahanap ang mga nais mag-traydor sa Phyrric, bigla na lamang dumating ang tunay mong ina na si Stella upang saluhin ang mga balang para sa akin," panimulang paliwanag ni tita Aeickel.
"How did she end up in another mother's womb, mom?" Tanong ni Aeidan. Ayon din ang katanungan na bumabagabag sa akin.
"When I faked my death, lumusob kami ni Tungsten sa hideout nila Scorpio, na ama mo Lindzzy, at doon nalaman ko mismo sa bibig nila ni Freya na buntis ang ina mo noong sinalo niya hindi umano ang mga balang para sa akin. Lubos akong nagulat at nagtakha sa nalaman kong iyon dahil walang lumabas sa autopsy na nagdadalang-tao si Stella," naguguluhan ako ngunit pinipilit kong iproseso ito sa utak ko.
"S--Sino po ba sila? Hindi ko po masundan."
"Scorpio and Freya were agents of Phyrric who chose to betray us for money. They chose to be Eerie's alliance, ang organisasyon na nais kumuha sa'yo. Naging magkarelasyon sina Scorpio at Stella, ngunit hindi maatim ni Stella na magtaksil sa Phyrric kaya't ninais niya sanang isuplong sa akin ang katiwalian na 'yon, ngunit huli na. Nakagawa na pala ng plano si Scorpio at si Freya, na kasalukuyan din na karelasyon ng ama mo noong panahon na iyon, upang patayin si Stella at hindi na makapagsumbong pa."
Unti-unting nagliliwanag sa akin ang mga pangyayari at ang mga taong kasali sa gulong ito.
"I--Ibig pong sabihin, ang ama ko pong si Scorpio ay karelasyon ang ina kong si Stella maging ang isa pang traydor na Phyrric agent na si Freya?" Sunod-sunod na tumango si tita Aeickel. "Paano naman pong babalakin ng ama ko na patayin ang ina ko kung alam niyang nagdadalang-tao ito sa akin---"
"Dahil halang amg bituka ng ama mo. Wala siyang pakialam kay Stella. Pera niya at siya lamang ang mahalaga sa kanya," sagot sa akin ni tita Aeickel at nakita ko pa ang pagkuyom ng kamao niya. "Lubos ang hirap na dinanas ng ina mong si Stella sa kanya, kaya't hindi na ako nagtatakha kung bakit naging mabilis ang isip ni Stella sa pagdedesisyon na mailigtas ka at hindi na niya nagawa itong ipaalam pa sa akin," dagdg pa niya na muling nagpagulo sa akin.
"A--Ano pong ibig ninyong sabibin doon?"
"Nang hindi lumabas sa autopsy ni Stella na nagdadalang-tao siya, taliwas sa sinasabi ni Scorpio at Freya, maging sa lampin na natagpuan ko sa locker niya, doon ako nagsimulang maghalungkat. Kahit nagdadalang-tao ako kina Aeignn, Aeiryn at Aeidan nang mga panahon na iyon, hindi ako tumigil sa paghahanap ng kasagutan," sagot niya saka bumuntong hininga. "Nahinto ako sa paghahanap ng kasagutan nang kinailangan kong manganak at mag-alaga sa tatlo, lalo na nang ibigay sa akin ang pagiging chief commander sa Phyrric.... but not until four years ago."
"O--Opo. Halos lahat nang nais kumuha sa akin ay ipinagpipilitan ang apat na taon na pagmamasid sa akin," wika ko.
"Because four years ago lang kita natagpuan Lindzzy," nagulat ako sa sinabi niyang iyon. "Huli na nang makita ko sa log ng isang hindi tanyag na ospital na nanggaling doon si Stella. She went there for embryonic transfer. Kaya pala walang lumabas sa autopsy na nagdadalang tao siya," napatayo si Aeidan saka humarap sa ina.
"So that is how Lindzzy ended up in her Nanay Marissa's womb?"
Tumango si tita Aeickel. "I only got Stella's record kaya't medyo natagalan ang paghahanap ko sa mag-asawang Marissa at Lucio."
"N--Nakausap n'yo po si Nanay at Tatay?" Tanong ko.
Muli ay tumango si tita Aeickel. "You were in the university that time, I met your Nanay and Tatay. They actually begged me not to take you away from them," maluha-luha ako sa naririnig ko. "They told me that they love you so much, and they are willing to do everything for you lalo na't sa kanila ka ipinagkatiwala ni Stella. Ang Nanay Marissa mo na hindi magka-anak ang napili ni Stella na pagsalinan sa'yo. They both undergone the embryonic transfer. It was pretty possible because you were just 6 weeks old then. It was successful, and that is how you ended up in Marissa's womb."
"P--Pero ano po 'yong sinasabi ninyong 26 na talaga ako?"
"Sinabi ni Marissa sa akin na nakiusap si Stella na ibaba ng dalawang taon ang totoo mong edad, para sa sarili mong kapakanan. Marahil ay ginawa ni Stella iyon para hindi ka mahanap nino man. Marahil ay nais niyang bigyan ka ng normal na buhay. Malayo sa nakalakihan namin, malayo sa magulong mundo na mayroon kami," sagot ni tita Aeickel. Hindi ko alam ngunit sa mga naririnig ko pa lamang ay tila minamahal ko na ang totoo kong ina dahil sa dakila nitong pagmamahal sa akin.
"Hindi ko alam na sa ginagawa kong masusing paghahanap kay Lindzzy, ay may nakakasunod pala sa mga bakas ko na myembro ng Eerie, kaya't alam nila ang tungkol dito. Ninanais nilang makuha si Lindzzy upang gamitin laban sa amin, upang gamitin laban sa mga konsensya namin, dahil nga nawala si Stella dahil sa aming kapabayaan."
"Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang nagpapatakbo sa Eerie. Hindi ako titigil hangga't hindi ko naisasa-ayos lahat ng buhay na inagaw nila mula sa atin," wika ni Lola Cassandra.
"Lola, we will get through the head chief, I promise," sagot ni tita Aeickel kay Lola.
"Mom, bakit hindi mo sinabi sa lahat kung sino si Lindzzy? Bakit hindi mo kami inabisuhan?" Tanong muli ni Aeidan.
"Because her Nanay at Tatay asked me to just let her be. Nagmakaawa sila sa akin na hayaan ko na lamang na mamuhay ng normal si Lindzzy. Nakiusap sila sa akin na huwag kong ibalik si Lindzzy sa mundong ginalawan at naging sanhi nang pagkawala ni Stella. I agreed with them, dahil na rin sa awa ko sa kanila at sa nakita kong tunay na pagmamahal nila kay Lindzzy. Everything was smoothly sailing not until you fell inlove with her and you chose to marry her," nakita ko pang bahagyang nagulat si Aeidan.
"So in the end, it was all my fault."
"I was really in great shock when you brought her in Phyrric that time and told me and your dad that you wanted to marry her. I badly wanted to protest, but as I saw how much you need her in your life, I became a selfish mother who's after the welfare of her child, so I chose to ignore the possibilities. I prioritized your wants and needs, kaya't pumayag ako. I forsaw that only Lindzzy could cure you."
"Ang taong inilalayo namin sa mundo na 'to ay bigla mo na lamang inilapit at ginawa mo pang mundo mo," nakangiting wika ni Lola Cassandra kay Aeidan. "Hindi talaga mapipigilan ang mga nakatadhana. Hindi talaga mapipigilan ang pagmamahal."
Lumapit si Aeidan sa akin saka ako biglang niyakap. "Hindi ka ba galit sa akin? Hindi mo ba ako susumbatan na kasalanan ko kung bakit nalagay ka sa alanganin---"
Natigil ang pagsasalita niya dahil inilayo ko siya. "Noong bilhin mo 'ko, malaking malaki na ang pasalamat ko dahil hindi ako sa kung kaninong kamay lamang napunta. Noong pinili mo akong pakasalan, mas naging masaya ako dahil hindi ko na kailangan pang manlimos ng pamilya na nawala sa akin. Noong mahalin mo rin ako ay hindi ako nakaramdam ng kahit na anong pagsisisi na minahal kita. Hindi ko magagawang magalit sa'yo kahit na kailan. Ibinalik mo man ako sa mundong pinipilit ilayo sa akin, ngunit ang naging kapalit naman ay ikaw. Hindi man maayos ang naging takbo ng lahat, ngunit kuntento ako sa kung ano man ang mayroon ngayon. Ito siguro talaga ang tama, ito siguro ang dapat," nakangiti kong pahayag sa kanya.
"Thank you," he whispered as an answer.
"Aalis na muna kami, I need the two of you in Phyrric this afternoon for further interrogation. We need specific testimony from the victim," wika ni tita Aeickel.
"Tita---"
"Call me Mom from now on, Lindzzy. Kahit dito man lamang ay maging ina ako sa'yo bilang pambawi ko kay Stella," nakangiting pahayag nito sa akin.
"N--Nasaan po sina Scorpio at Freya ngayon?" Hindi ko napigilang usisa ko.
"They are in an isolated island away from here. Tanging mga nobel agents lamang ang nakasubaybay sa kanila. Don't worry. Wala nang makakasakit sa iyo ngayon, hindi na namin hahayaan," sagot niya sa akin saka lumapit sa akin at yumakap.
"M--Maraming salamat po."
"No iha, thank you. Thank you for being alive."
NAKARATING kami sa Phyrric habang alalay-alalay ako ni Aeidan.
"Okay na nga po kasi ako," wika ko sa kanya dahil tila ba ako isang babasaging bagay sa kanya na hindi maaaring mabasag.
"No. Kung pwede lang na ikulong kita, ginawa ko na, para makapagpahinga ka," sagot niya sa akin.
Saktong papasok kami ng interrogation room nang makasalubong namin si Elle.
"Lindzzy," tawag nito sa akin. "Not for being plastic but I am really glad you are safe," saka ito ngumiti sa amin.
"Salamat Elle," sagot ko sa kanya.
"Excuse us. We need to see my mom," malamig na turan ni Aeidan saka na ako inakay paalis.
"Bakit ang lamig ng pakikitungo mo sa kanya---"
Bigla na lamang niyang inilapit ang labi niya sa tainga ko saka bumulong. "Sa'yo ko lang gustong mag-init, Lindzzy. Sa'yo lang."
Ramdam ko ang paggapang ng hiya sa katawan ko dahil sa sinabi niya. Even the situation can't change him.
Hindi na ako nagsalita at narating na namin ang interrogation room. Nagulat pa ako sa nadatnan ko dahil narito si Caely na masama ang tingin sa akin, at si Dean Villeza na may sunog ang kalahating parte ng katawan na mukhang nakaligtas sa pagsabog.
"This is just a formality Lindzzy, though we already know the truth, we want you to testify that these people tried to kidnap you and tortured you," sambit sa akin ni tita Aeickel nang makaupo na kami ni Aeidan sa harap nila Caely at Dean Villeza.
"O--Opo. Sila po," sagot ko saka biglang humalakhak si Caely.
"Kung alam ko lang na ganito ang aabutin ko, pinatay na sana kita noong may pagkakataon ako. Nilumpo na sana kita noong iginapos kita!" Sigaw niya sa akin.
"S--Sana Caely sinabi mo na lang sa akin kung anong gusto mo, baka ako pa mismo ang tumulong para makuha mo," sagot ko sa kanya habang nakatitig mismo sa mga mata niya.
"HUWAG MO 'KONG KAAWAAN! HINDI KO KAILANGAN NG AWA GALING SA'YO! KAYANG KAYA KITANG PATAYIN! KAYANG KAYA KITANG DURUGIN NOON SA MGA KAMAY KO PERO HINDI KO LANG GINAWA! HUWAG KANG MAGYABANG SA AKIN NGAYON NA AKALA MO BA AY NASAKOP NA 'KO SEBASTIAN, DAHIL UULITIN KO SA'YO, KAYANG KAYA KITANG PATAYIN NOON---"
"Pero hindi mo magagawa Mallari, dahil naroon ako," lahat kami ay napalingon sa tinig na iyon.
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
"J--Jice!?"
"HI BRU! SINABI KO NA KASI SA'YONG LIGTAS KA SA'KIN, BAKIT BA HINDI MO 'KO PINANIWALAAN!?" Sabay niya pa hinawi ang buhok niya at bigla akong niyakap ng napakahigpit. "Hinding hindi kita papabayaan, sinabi ko na sa'yo 'yan nang makailang beses. Hinding hindi ko papabayaan ang bestfriend ko."
--
NYENYE. 🤪😂
DAPAT HINDI FREEZIES TAWAG SA INYO, DAPAT THEORISTS. HAHAHAHAHAHA. THANK YOU. MAHAL NA MAHAL KO KAYO. 😊❤
Ps. 11am palang tapos ko na 'to. Nag-enjoy lang ako ng husto sa mga theory n'yo. 😊 We are down to the last 3 chaps before epilogue. 🥀
Pps. Silent reader ko pumalo na ng 900. HAHAHAHA. 500 lang kayo dati. Sana happy kayo. 😂
Ppps. Comment ka lang kapag may naguguluhan kang part, I am more than willing to assist you. Hehehe. I even reminisce the past events (sinulat ko dyan) para kahit 'yong mga hindi nagbasa ng previous series ay makasabay at hindi maguluhan. Pinakilala ko ulit ang mga karakter nila Scorpio, Freya, at Poison (Stella). Salamat. 😊
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top