Twenty-one
LINDZZY
"Leave this fucking place," napalingon ako kay Aeidan dahil sa sinabi niyang iyon sa akin ngunit muli ko lamang ibinaling ang mga mata ko sa tiyahin at tiyuhin ko.
"A--Anong babawiin n'yo ako? Hindi pa ba sapat na binenta ninyo ako---"
"I fucking said, leave this place! Now!" Tumingin akong muli kay Aeidan dahil sa pagtaas ng boses niya at napansin kong nakakuyom na rin ang kamao niya.
"Lindzzy, leave this pleace for a while. Hayaan mong kami nalang ang mag-usap muna," dinig kong wika ni Darryl habang pinapakalma niya si Aeidan.
"A--Ano ba 'ko sa inyong lahat? Gamit? Kung kailan n'yo nais na gamitin, gagamitin? Kung kailan n'yo nais na itapon, itatapon? Kailangan kong malaman kung anong tinutukoy nila. Kailangan kong malaman kung bakit binabawi nila akong muli. Kailangan maproseso ng utak ko na kung bakit ang natitira kong kamag-anak na binenta ako ay ngayon ginugulo ang tahimik kong buhay!" I broke down in tears. Hindi ko na napigilan. Marahil ito talaga ang bigat ng dibdib ko na hindi ko maihayag kanino man.
"Aba Mr. Ricafort, mukhang wala pa palang kamuwang-muwang ang pamangkin ko sa totoong lagay ng sitwasyon na mayroon siya---"
"SHUT YOUR FILTHY MOUTH OLD MAN!" Kulang na lamang ay suntukin ni Aeidan si tiyong Osel dahil sa sinabi nito.
Lumingon ako kay Aeidan at natagpuan kong nakatingin din siya sa akin habang ang mga mata niya ay hindi ko mabakasan ng ibang emosyon kung hindi sakit at lungkot. "A--Anong lagay? A--Anong sitwasyon? May itinatago ka sa akin?" Sisigok-sigok na wika ko sa kanya.
"I told you to leave this room! Bakit ba ayaw mo akong sundin Lindzzy!?" Sigaw niya sa akin. Tila nanghihina ako at tila nanglalambot ang mga tuhod ko.
"Ayaw mo bang malaman niya ang totoo? Mas maaga mas maigi. Isa pa Mr. Ricafort, ang gusto lang naman namin ay ibalik mo sa amin si Lindzzy. Wala kaming hinihinging kahit na anong halaga sa inyo. Ibalik mo sa amin ang pamangkin ko---"
"AEIDAN!!!"
Hindi natapos ni tiyong Osel ang dapat na sasabihin niya dahil bigla na lamang siyang sinuntok ni Aeidan ng malakas na naging dahilan pa nang pagkahulog niya sa upuan.
"ABA PUTANG INA MO RICAFORT---"
"I could kill you now pero hindi ko gagawin dahil nasa harap tayo ng asawa ko. Kung gusto n'yong maging matino ang usapan natin, umuwi kayo at hintayin ang tawag ko," pigil na pigil ang bawat salita ni Aeidan. Pigil na pigil siyang hindi saktan si tiyang Naning sa ginawa nitong pagmumura sa kanya.
"Tayo na ho muna. Saka na kayo mag-usap ni Aeidan. Kailangan na muna siguro nilang mag-usap na mag-asawa---"
"WALA AKONG PAKIALAM SA USAP NILA! ANG AMIN, IUUWI NAMIN SI LINDZZY SA AYAW AT SA GUSTO NIYA!" Saka biglang tumayo si tiyong Osel at hinaklit ang kamay ko saka ako sinimulang kaladkarin patungo sa pinto.
"Kahit dulo lang ng buhok ni Lindzzy ang mailabas mo sa silid na ito, hangga't buhay ka pagsisisihan mo na binangga mo 'ko!" Sigaw ni Aeidan na nakapagpahinto kay tiyong sa pagkaladlad sa akin.
"Ilabas mo ang tapang mo bata kapag nalaman na ni Lindzzy ang totoo!" Sigaw pabalik ni tiyong sa kanya.
Akma akong muling kalaladkarin ni tiyong nang makita kong mabilis na tumungo sa kinaroroonan namin si Aeidan saka ako mabilis na inagaw kay tiyong at niyapos ng napakahigpit.
"LEAVE THIS PLACE AND FUCKING WAIT FOR MY CALL!!" Sigaw niya bago ako inakay patungo sa banyo niya opisina.
Hindi ko na narinig ang naging protesta nina tiyang at tiyong. Sa ngayon ay may kinuha siyang bimpo. Marahan niya itong binasa saka idinampi sa pisngi ko kung saan naglandas ang mga luha ko kanina.
"A--Aeidan, anong inililihim mo sa akin?" bulong ko sa kanya.
"We will talk about it when we get home," sagot niya sala muling pinunasan ang mukha ko. "Calm down. I will tell you everything."
NAKAUWI na kami sa bahay at ngayon ay nakaupo lamang ako sa dulo ng kama, habang siya ay nagpalit naman ng damit pang-bahay.
Nang matapos siya ay lumapit siya sa akin saka ako hinarap. "Hindi ka muna ba kakain?" Tanong niya sa akin at mabilis akong umiling.
"S--Sabihin mo na sa akin kung anong sinasabi nila tiyang at tiyong. Hindi ako matatahimik, hangga't hindi ko nalalaman," muli ay bumagsak nanaman ang mga luha ko.
"Calm yourself, Lindzzy. Hindi ko magagawang makapagpaliwanag sa'yo kung ganyan din lang ang estado mo," turan niya sa akin saka may kinuha sa ilalim ng mga nakatiklop niyang damit. Isang envelope.
Ibinaba niya ito sa harap ko. "A--Ano 'to?"
"Kailan ang alam mo na unang beses tayong nagkita?" Tanong niya kaya't napaangat ang tingin ko sa kanya.
Pinunasan ko ang mga luha ko. "Noong nasa burger machine ako, at nagtanong sa akin si Darryl ng lugar. Alam kong ikaw ang nasa loob no'n sa pagkakatanda ko," sagot ko sa kanya ngunit magkakasunod siyang umiling sa akin.
"Wrong," wika niya saka naupo sa tabi ko at humarap sa akin. "Matagal na kitang nakikita. I am a regular customer at your Mama Eva's restaurant. I got interested at you when I smell your innocence. I felt the urge to take you. I felt the urge to marry you," dagdag niya na lubos kong ikinagulat.
"M--Matagal mo na akong kilala?" Tanging nasambit ko.
"I did a terrible thing to you because of that urge," sagot niya sa akin.
"A--Anong ibig mong sabihin?" Gulong gulo na ang isip ko sa mga sinasabi niya.
"I was dating Francia that time but my eyes already settled at you. When she left me, I didn't really mind it at all, because my attention was all yours. Hindi kita kilala, hindi mo 'ko kilala, until I asked Darryl to dig you up," tugon niya na tila unti-unting kinagugunaw ng mundo ko.
"H--Hindi ako matalinong matalino, pero hindi naman ako bobo para hindi makuha ang sinasabi mo, Aeidan. Did you set me up?" Naibulalas ko ang ganong na kanina pa tumatakbo sa isip ko.
Naibaba niya ang tingin niya bago sumagot. "Yes, I did. I did set you up to end up in that auction," iyon ang tuluyang nagpagunaw ng mga natitirang piraso ko.
"Nanghihina ako. Ipaliwanag mo sa akin hangga't kaya pang iproseso ng utak ko, please." Hirap na hirap na wika ko sa kanya habang nakalagay na ang mga palad ko sa mukha ko.
"After I learned from Darryl that you were left behind by your parents because of an accident, and they left you with a huge debt, that was when I grabbed the opportunity to take you," paliwanag niya.
"H--How? H--How did I end up in that auction!? Kagagawan mo ba!? Ikaw ba ang nagsabi kay tiyong at tiyang na ibenta ako---"
"I talked to your auntie. I told her to sell you to Waldo. I told her that I will double the price basta hindi makakaabot sa'yo na ako ang may kagagawan nang lahat---" There. I slapped him. This is the first time my hand laid at his face.
Napatayo ako at tumingin sa kanya. "Pera-pera nalang ba talaga ang lahat sa'yo!? Katawan ko lang ba talaga ang gusto mo una palang!?"
"Yes," pirming sagot niya matapos makabawi sa sampal ko. "Iyon naman talaga ang gusto ko sa'yo sa simula, Lindzzy. Ang katawan at kainosentehan mo. I would be a damn liar if I tell you that I was interested with your character and personality because that wasn't the case!"
Muli ay umigkas ang kamay ko at sinampal ko siya. "N--Noon hindi ako nagsisisi na minahal kita, pero binabago mo ang paniniwala kong iyon ngayon Aeidan," nanghihinang wika ko sa kanya.
"Things are different now, Lindzzy."
Mapait akong umiling. "Hindi. Hindi mo alam dahil hindi ikaw nasa sitwasyon ko. Paanong tatanggapin ng sistema ko na ang taong mahal ko ang may kagagawan nang lahat ng hirap ko? Hindi mo alam kung anong takot ang naramdaman ko nang mapasama ako sa auction na 'yon. Hindi mo alam kung anong naramdaman ko nang malaman kong sarili kong kadugo ay ibinenta ako para sa pera. Hindi mo alam kung gaano kasakit na ang taong nais mong pag-alayan ng lahat ng mayroon ka ay siya palang taong naglagay sa'yo sa kinasasadlakan mong sitwasyon. Napakasakit mong magmahal Aeidan," tuloy-tuloy lamang sa paglalandas ang mga luha ko.
"Kung hindi ko ginawa iyon, siguro hindi tayo ganito ngayon," sagot niya sa akin ngunit ngitian ko lamang siya ng mapait.
"Maraming mabuting paraan, at sa mga paraan na 'yon mamahalin at mamahalin pa rin kita, pero ibang usapan ang sakit na ibinigay mo sa akin. Habang nasasaktan ako sa pagkawala ng mga magulang ko, ikaw pala ay gumagawa na ng mga hakbang para mas saktan ako," mapait kong turan sa kanya.
"Let me explain my side further---"
"Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko. Sana hindi nalang kita nakilala---" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lamang niya akong hinatak saka ikinulong sa mga bisig niya.
"No, don't fucking say that," ramdam ko ang pagmamakaawa sa tinig niya ngunit nanatili lamang akong tuod na yakap niya. "It pains me seeing you this hurt by my wrong decision in the past, but sorry Lindzzy, kung babalikan man ang nakaraan at iyon lang ang tanging paraan para mapa sa akin ka, I will still repeat the same mistake. I will still grab that opportunity to be with you," bulalas niya at akma akong kakawala ngunit mas hinigpitan niya ang pagkakayapos sa akin.
"Kailangan na muna siguro natin ng espasyo," ako man ay hindi ko inaasahan na iyon ang mga salitang lalabas sa bibig ko.
"No! Damn it!"
Hindi ko pinansin ang sinabi niya bagkus ay itinulak ko siya nang ubod ng lakas upang makakawala ako.
"Baka dapat ko nang itigil ang kahibangan at katangahan ko. We both need space to clear things out. Hindi biro ang sinabi mong ito sa akin," saka ako naglakad patungo sa pintuan.
"If you leave me now, hindi ko alam kung anong magagawa ko," ramdam ko ang banta sa tinig niya ngunit mas nananaig sa akin ang sakit nang lahat ng nalaman ko mula sa bibig niya mismo, kaya't hindi ko na iyon inindan. Tuluyan akong lumabas ng silid at ng bahay namin.
Naglalakad ako ngayon at hindi ko alam kung saan ako tutungo nang bigla na lamang may tumawag sa pangalan ko.
"LINDZZY!" Mabilis akong napalingon.
"Anong ginagawa mo dito---"
Hindi ko na nakuhang matapos ang sasabihin ko dahil mayroong biglang tumakip na panyo sa ilong ko at unti-unti akong iginupo ng antok.
SOMEONE
Inihiga ko siya sa kama saka ko kinuha ang pagkain at inumin na para sa kanya. Alam kong sa oras na magising siya ay magpipilit siyang makaalis ng lugar na ito, o magpipilit siyang malaman kung nasaan siya.
"Sigurado ka ba sa ginawa natin na 'to?" Tanong sa akin ng taong nasa harap ko.
"Mas maaga tayong kumilos ay mas mabuti. Mas maagap tayong gumalaw ay mas mapapadali ang trabaho natin. Hindi tayo maaaring magsayang ng segundo," sagot ko sa kanya saka naupo sa gilid ng kama na hinihigaan ni Lindzzy.
"Aalis na muna ako," paalam nito na ikinatango ko na lamang.
Nakatingin ako sa maamo niyang mukha. Sanay akong nasisilayan siya dahil nga sa ginagawa kong pagmamanman sa kanya ngunit ngayon ko masasabi na sadya pala talagang napaka amo ng mukha na mayroon siya. Hindi na nakapagtatakha na nababaliw ang isang Aeidan Ricafort sa kanya, at hindi na rin nakapagtatakha na maraming tao ang umaabuso sa inosenteng taglay niya.
Hindi ko nais na mahirapan siya. Hindi ako isang kalaban, ngunit hindi ko rin alam kung bakit ganito ang takbo ng sitwasyon ngayon. Gusto kong maawa sa kanya ngunit hindi iyon ang kailangan niya sa ngayon.
Natigil ang pag-iisip ko nang pabagsak na may nagbukas ng pinto. "Natagpuan na namin ang pinahahanap mo, ngunit nagkaroon ng engkwentro at sugatan ang ibang tauhan," pag-uulat nito sa akin na ikinadismaya ko.
"Bantayan n'yo si Lindzzy. Ako ang haharap," wika ko saka ko kinuha ang mga baril at patalim na nasa cabinet.
Mukhang kailangan ko na silang patahimikin sa gulong nais nilang buksan.
Huwag si Lindzzy. Hindi ko papayagan.
--
THANK YOU VERY MUCH.
NOW, WE ARE DOWN TO THE LAST NINE CHAPTERS OF TSP. ❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top