Twenty-nine

LINDZZY

      

Tila nagunaw ang mundo ko sa narinig kong iyon. I've been suffering from pcos for years now.

      

Nakauwi na kami ni Aeidan, naidaan na rin namin si Jice sa lugar na pagbabaan niya. Hindi ako sumasagot sa kahit na anong sabihin o itanong sa akin ni Aeidan. Nais ko lang ngayon ay mapag-isa at mapahinga.

      

"Lindzzy, let's eat," dinig kong katok ni Aeidan sa pintuan ng guest room. Dito ko napiling tumuloy at hindi sa silid namin dahil gusto ko ng espasyo.

          

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin lamang sa kawalan. Natatakot ako sa maaaring maging pagbabago sa pagitan namin ni Aeidan. Natatakot akong ang pamilyang ninanais niyang buoin ay hindi ko maibibigay sa kanya.

           

"Lindzzy, please. I'm begging you. Kumain ka naman," ramdam ko na ang pagmamakaawa sa tono niya at tila nais ng mga mata ko na lumuha sa naririnig kong iyon.

           

Tumungo ako sa pintuan at marahang binuksan ito bago ko siya tinitigan sa mga mata.

         

"Lindzzy, you need to eat. You need to gain energy. Ayoko ng ganito ka. Ayokong nakikita kang nagkakaganito---"

        

"Maghiwalay na muna tayo," putol ko sa kanya at nakita ko ang gulat na gulat niyang mukha.

       

"N--Nagbibiro ka ba?"

       

Ibinaba ko ang tingin ko dahil pinipigilan ko ang pagpatak ng mga luha ko. Ayokong makita ang mga mata niyang iyon.... mga mata na animo nagmamakaawa... mga matang buhay na buhay ang pagkabigla at ang sakit.

      

"Ayoko na, Aeidan. Kung hindi ko rin naman kayang ibigay ang mga bagay na ninanais mo, mas mabuti pang maghiwalay nalang tayo---"

        

"What the actual fuck are you saying!?" Ramdam ko na ang galit sa tinig niya. Bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko kaya't napa-angat ang tingin ko sa kanya. "Tell me your fucking joking, Lindzzy!"

              

Natatakot ako kay Aeidan, pero hindi sa mga oras na ito na mas nananaig ang sakit na nararamdaman ko para sa aming dalawa. "Hindi ko kayang ibigay ang kailangan mo. Hindi ko kayang ibigay ang anak na gusto mo. Hindi ko kayang kompletuhin ka. Kung nasasaktan ka Aeidan, mas nasasaktan ako, dahil mahal na mahal kita pero wala akong magawa para ibigay ang pamilyang gusto mo," halos bulong na pahayag ko sa kanya. Sa sobrang sakit ay tila pati tinig ko ay nababarahan sa lalamunan ko.

          

Bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit. Sobrang higpit na animo ayaw na niya akong pakawalan pa sa mga bisig niya. "Hindi ko kailangan ng kahit sino sa buhay ko. Ikaw lang... ikaw lang Lindzzy, kayang kaya mo nang paikutin ang mundo ko. Please... don't leave me---"

       

Marahas ko siyang itinulak dahil sa narinig ko na naging sanhi ng pagkaputol ng mga sasabihin pa niya. Lumayo ako sa kanya saka ko siya mataman na pinagmasdan bago nagsalita. "Ikaw, kaya mong tanggapin, kaya mong sabihin 'yan, pero naisip mo ba 'ko, Aeidan? Naiisip mo ba 'yong nararamdaman ko? Masakit kasi ako 'yong may pagkukulang. Masakit kasi ako 'yong walang kakayahan. Madali lang sana lahat ng ito kung ikaw ang may pagkukulang, dahil makakaya kong gawin lahat para punuan iyon, pero hindi. Ako ang may pagkukulang sa ating dalawa na kahit bali-baligtarin pa ang mundo, hindi mo 'yon mapupunuan," saka ko pinahid lahat ng luha ko. Sapat nang nasabi ko lahat ng nais kong sabihin.

       

"Y--You're not leaving, aren't you?" Utal na tanong niya sa akin.

         

"Give me some space to think. Let me heal. Hindi ko na alam kung ano pang masasabi ko sa'yo kapag nanatili ako," saka ako naglakad palabas at tumungo sa silid namin. Doon ako nagsimulang mag-empake ng mga gamit ko.

         

"L--Lindzzy," nakasunod pala siya sa akin. "D--Don't leave. We'll get through this together. Ikaw, ako, tayong dalawa. Hindi ganito," saka niya hinawakan ang maleta ko na pinaglalagyan ko sana ng mga gamit ko.

        

"Aeidan, just let me go. Nagmamakaawa na ako sa'yo, hayaan mo na 'ko," saka ko inagaw ang maleta at isinara ito.

         

"Hindi ko alam kung anong magiging buhay ko kapag umalis ka. Hindi ko alam kung anong itatakbo ng mundo ko kapag iniwan mo 'ko. You're my life. You're the only reason why do I still choose to exist. Kung mawawala ka, paano naman 'yong mga pangarap ko para sa ating dalawa? Will that be good as garbage now?" Ramdam ko ang sakit sa sumbat na iyon ngunit pinili ko pa rin na hatakin ang maleta palabas ng kwarto.

        

"Give me sometime to think. Let's part ways for now," saka ako mabilis na lumabas ng gate ng bahay at tumawag ng taxi.

        

"You chose to leave after hearing me begging you not to. You're cruel Lindzzy."

     

Nakita ko siyang nakatunghay lang sa akin mula sa pintuan ng bahay hanggang sa makasakay ako ng taxi. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Ramdam ko ang hirap niya.... pero ako muna.... sarili ko naman muna.... nararamdaman ko naman ang uunahin ko.

       

       


        

    

  

"SAWANG sawa na ako sa pagmumukha mo," sita sa akin ni Jice habang nakatunghay sa akin. Nanonood kasi ako ng tv. Narito ako sa bahay nila at wala rito ang Papa niya. Halos dalawang buwan na rin na nasa misyon. Iyon ang sabi niya. Ako naman ay mahigit isang buwan na rin na naglalagi rito.

          

"Ito lang nga ang maibabawi mo sa akin sa pagkidnap mo noon---"

       

"Ayan! Ayan! Manunumbat ka nanaman!" Singhal niya sa akin saka kinuha ang chichirya na kinakain ko.

        

"Hayaan mo, malaki naman ang pasasalamat ko sa'yo dahil ikaw ang kumukuha ng mga modules ko. Kapag nakagraduate na ako at nakapagtrabaho, sa'yo ang una kong sweldo," nakangiti kong sagot sa kanya ngunit mabilis lamang niyang kinurot ang pisngi ko.

       

"Wala akong pakialam sa sweldo mo. Kaya kitang buhayin hanggang mamatay ka---"

        

"Marami kang pera!?" Literal na gulat na tanong ko.

        

"Sa Papa ko Lindzzy. Remember, isa rin akong palamunin. Pero alam mo naman ang kaibigan mong Jice Saavedra lang ang nag-iisang heredera na magkakamal nang lahat ng yaman ni ama," saka pa siya tumawa ng tumawa.

         

"Dito nalang pala talaga ako--- Ouch!" Bigla niya akong sinapok.

        

"Ayaw na kita rito. Sawang sawa na 'ko sa mukha mo. Panahon na para si Sir Aeidan naman ang sumilay sa magandang mukha na 'yan---"

     

"Jice."

        

Alam niyang may banta na sa tinig ko na iyon. Buhat nang tumira ako rito sa kanya ay sinabi ko sa kanya na ayaw kong pag-uusapan namin siya. Ayaw kong makakarinig ng mga bagay na tungkol sa kanya.... dahil nasasaktan ako.

       

"Hindi, bru! Tama na 'yang chuvachuchu mong chorva. Panahon na para magkita naman kayo! Mahigit isang buwan mo nang tinitiis si Sir, baka nasiraan na 'yon dahil walang kajugjugan o kaya naman humanap na ng ibang magpapasarap langhap sarap, magic sarap!"

      

Tumayo ako sa sofa dahil sa mga pinagsasasabi niya. Kinuha ko ang bag ko at ang susi ng sasakyan niya.

      

"Tumayo ka nalang dyan at mag-grocery nalang tayo. Kung anu-ano pang sinasabi mo," saka na ako nagpatiuna sa sasakyan.

       

"Umiiwas ka lang! Aminin mo kasi namimiss mo rin ang espada niya na mahaba pa sa espada ni Ichigo Kurosaki---"

      

"BIBIG MOOOO!"

       

      

     

     

  

NARATING namin ang hindi kalakihang grocery store at itong babaeng ayaw raw sumama sa akin na mag-grocery ay daig pa ang may magulang na kasama kakahakot ng mga pagkain na magustuhan niya.

        

"Jice, hindi naman natin kailangan nang ganyan kalaki na gallon ng ketchup. Dalawa lang naman tayo---"

     

"Hayaan mo na. Malay mo may makilala ako na sadista tapos gamitin naman sa akin 'to," napakamot na lamang ako sa ulo ko sa sinabi niya. Kung may makakarinig siguro sa kanya, iisipin na hindi na siya birhen.

        

Naglalakad kami sa may fruit section nang may makita akong hinog na mangga. Mabilis ko itong kinuha ngunit may mga kamay na kumuha rin nito.

         

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang isang babae na masasabi kong napakaganda. Maliit siya kumpara sa akin.

      

"Sige po, sa iyo na lang," saka ko inabot sa kanya ang mangga.

       

"Hala ka po. Totoo po ba?" Hindi makapaniwalang saad niya. "Mas nauna ka po---"

       

"Hindi po Miss, okay lang po talaga," saka ko iniwan ang babae at tumuloy sa mga pakwan kung saan kinukulit ni Jice ang nagbibigay ng free taste.

       

"Ma'am kayo na po ang nakaubos!" Narinig kong bulyaw sa kanya nang babae kaya't mabilis akong napalapit.

       

"Free nga, e! Sana nilagay n'yo sa placard n'yo, not unlimited!" Singhal ni Jice pabalik sa babae. Hindi mo talaga siya makikitang nagpapatalo.

         

"Miss, pasensya ka na. Bigyan mo na lang kami ng tatlong malaking pakwan, para hindi ka na magalit sa kaibigan ko," saka ko pa nginitian ang babae.

      

"Sige po, Ma'am. Sana all mabait kausap," narinig ko pa ang sinabi na huli ng babae na mukhang hindi rin nakaligtas sa tainga ni Jice.

      

"NAOL HINDI PANGIT! NAOL HINDI MADAMOT! NAOL HINDI MAASIM ANG MUKHA! NAOL KASING TAMIS NG PAKWAN ANG UGALI! TSE!" Saka niya ako hinatak paalis doon. Hindi ko na nakuha ang pakwan. Napaka warfreak niya talaga.

       

"Ikaw talaga. Iyang pasensya mo hindi mo na mahahabaan pa?"

       

"Iyong pera ko marami pa, pero 'yong pasensya ko, parang paputok sa New Year, GOODBYE PHILIPPINES!"

        

Nakakahiya siya kaya't mabilis na lamang akong tumungo sa may milk section. Paborito ni Jice ang gatas. Wala siyang pakialam kahit anong brand, basta milk powder na pwede niyang papakin. Saktong dadampot na sana ako ng isa nang may nauna nanaman sa akin at pagtingin ko ay iyong babae muli kanina.

      

"Hala! Sige po miss ikaw naman ang mauna," nakangiting wika niya sa akin. "Pasensya ka na lagi tayong nagkaka-agawan," nahihiyang wika nito.

       

"Pasensya ka na rin---"

         

"Phoebe, hindi ka pa ba tapos?"

      

Halos mabitawan ko ang gatas na hawak ko dahil sa tinig na iyon. Lalong nagrigodon ang puso ko nang magtama ang mga mata namin.

       

"Patapos na Aeidan. Itong magandang babae kasi lagi ko na lang nakaka-agawan," nakangiting sagot sa kanya nang babae ngunit hindi niya pa rin inaalis ang mataman niyang pagkakatitig sa akin.

        

"Huwag kang mag-alala, Phoebe. Mukhang mahilig naman magparaya at bumitaw agad itong binibining 'to," sagot niya nang hindi tumitingin sa babae saka ngumisi sa akin. Isang ngisi na maraming kahulugan. "Hindi ba, Miss?"

       

Halos hindi ko magawang ilumod ang laway ko dahil sa tindi ng kabog ng dibdib ko. Isang buwan... isang buwan ko siyang hindi nakita. Sa loob ng isang buwan walang ipinagbago ang taglay niyang kagwapuhan. Siya pa rin si Aeidan.... siya pa rin ang asawa ko.

        

Naibaba ko ang tingin ko dahil sa klase ng titig niya. Mapang-usig. Masakit pagmasdan.

      

"Hoy bru! Layas kang layas, nagsasalita pa 'ko--- Ay palakang nakatuwad ni Pedro ang asawa mo nandito!" Mabilis akong napalingon kay Jice na nakasunod na pala sa akin.

          

"Magkakilala kayo?" Tanong nong babaeng tinawag ni Aeidan na Phoebe.

        

"Hoy Neng, ano ka ba nito ni Sir Aeidan!?" Kulang na lamang ay hatakin ko si Jice paalis dahil sa maaari niyang sabihin at gawin.

       

"Jice tara na---"

      

"His girlfriend," sagot ng babae na tuluyang nagpalumo sa akin.

        

"GIRLFRIEND!?" Sigaw ni Jice saka bumaling kay Aeidan na ngayon ay nakatitig pa rin sa akin. "HOY MAWALANG GALANG NA SA'YO SIR. GIRLFRIEND MO 'TONG KUTONG LUPA NA 'TO? SA SOBRANG CUTE NIYA ANG SARAP NIYANG KURUTIN NG NAIL CUTTER!"

        

"Jice tama na. Halika na please," saka ko hinahatak sana si Jice ngunit hindi ko siya madala.

         

"Bakit kayo, sino ba kayo?" Tanong no'ng Phoebe.

         

"ITONG KAIBIGAN KO LANG NAMAN ANG ASAWA NG JOWA MONG UNANO KA! KYOKYOMPALIN KITA! Liit-liit mo tapos sisigaan mo 'ko. Pektusan kitang minsan, e!"

             

Hindi ko na inintindi si Jice dahil bigla na lamang naglakad papalapit sa akin si Aeidan. Halos mapagot ang hininga ko nang huminto siya sa harap ko.

       

"She's my wife... the wife who left me."

      

--

   
BUKAS KO PO IPA-PUBLISH ANG CHAPTER 30 AT EPILOGUE. THANK YOU FOR STAYING. THANK YOU FOR THE LOVE. ❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top