Twenty-four
LINDZZY
"Kumain ka na," saka niya ako inaabutan ng tray ng pagkain.
"Ayoko," saka ko tinapos ang tray mula sa kamay niya na naging sanhi ng pagkahulog ng mga pagkain.
"Lindzzy naman!" Angil niya sa akin at bumalatay ang awa sa mga mata niya. "Kailangang mong kumain!"
"Hinding hindi ko kakainin ang pagkain na galing sa isang traydor na gaya mo, Jice! Pinagkatiwalaan kita sa apat na taon! Ibinigay ko ang buong tiwala ko sa'yo! Kapatid at pamilya na ang turing ko sa'yo! Halos alam mo lahat ng nangyayari sa akin! Alam mo kung gaanong sakit ang inabot ko sa buhay ko na 'to para ganituhin mo pa 'ko!" Umiiyak na turan ko sa kanya.
Yumuko siya. "Hindi ako traydor. Hindi kita kailan man tatraydorin pero kailangan kong gawin lahat ng ginagawa ko para makabawi kami. Hindi matatahimik ang kalooban ko kung hindi kami makakabawi," halos pabulong na lamang niyang wika.
"Kung hindi ka traydor, ibalik mo 'ko kay Aeidan. Ibalik mo 'ko sa kanya!" Pagpapatuloy ko.
"Lindzzy hindi ganoon kadali ang hinihiling mo. Hindi mo naiintindihan ang sitwasyon na mayroon ka," sagot niya sa akin saka nagtaas ng tingin sa akin. "Hindi mo alam ang kakayahan mo na sirain ang lahat," dagdag pa niya na lalong nagpagulo sa isip ko.
"A--Anong ibig mong sabihin!?"
"Kumain ka na. Mag-usap na lamang tayo ulit kapag maipapaliwag ko na sa'yo ang lahat nang hindi mo ako hinuhusgahan. Sa ngayon kailangan mo lang na mag-stay dito. Mas ligtas ka dito na abot ng tingin ko," sagot niya sa akin saka nagsimulang humakbang patungo sa pinto.
"Jice, please," pagmamakaawa ko sa kanya, ngunit hindi na niya ako nilingon pa.
Narinig kong inilock niya ang pinto mula sa labas kaya't tila ako nawalan ng pag-asa na makakaalis pa sa lugar na ito.
Mabilis akong tumungo sa banyo at ganoon na lamang ang pagkadismaya ko nang makita kong nilagyan na nila ng bakal na harang ang bintana na siguradong hindi ko na masisira o malulusotan.
Pabalik na ako sa kama ko nang may maapakan ako na tumusok pa sa paa ko. Pagyuko ko ay tila nagliwanag ang mundo ko nang makita kong susi ito. Marahil ay nalaglag ni Jice nang tapusin ko ang pagkain.
Agad ko itong dinampot at sinubukang isusi sa seradura ng pinto at ganoon na lamang galak ko nang bumukas ito.
Maagap akong nakalabas at nagtago-tago sa mga haligi na nararaanan ko. Nanginginig ako sa takot ngunit hindi ko mawari kung bakit tila bumubulong ang utak ko na mali ang ginagawa ko.
Halos mapadasal ako nang makita ko ang gate ng kinaroroonan ko. Nakikita ko ang patag na daan. Mali lang pala ang dinaanan kong talahiban kanina. Marahil ay likurang bahagi iyon.
Nagtatakbo ako patungo sa gate sa kagustuhan kong makaalis agad sa lugar na ito. Ang lubos na ipinagtatakha ko ay ni walang ibang tauhan ang humahabol sa akin. Tila si Jice lamang ang narito.
Walang hirap akong nakalabas ng gate. Lakad, takbo, lakad, takbo ang ginawa ko nang makarating ako sa patag na daan. Minsan ay pumapara ako ng mga sasakyan ngunit hindi nila ako isinasakay dahil kung titignan nga naman ako ngayon ay mukha akong nasisiraan na ng ulo.
Halos halikan ko ang lupang kitatayuan ko nang unti-unting nagiging pamilyar sa akin ang daan na tinatahak ko at dumarami na rin ang mga tao at sasakyan sa paligid ko.
"Lindzzy Sebastian, ikaw ba 'yan?" Napalingon ako sa nagsalitang iyon sa akin at doon tuluyang lumiwanag ang mukha ko.
"Oo ako 'to. Tulungan mo 'ko parang awa mo na," paghingi ko ng saklolo sa taong ito.
Mabilis niya akong inalalayan at isinakay sa sasakyan niya. Lihim akong napausal ng dalangin nang maging komportable na ang pagkakaupo ko sa likuran ng sasakyan.
Pumasok siya sa sasakyan sa mismong tabi ko dahil mayroon na pala siyang driver. "Ayos ka lang ba dyan?" Tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya at sasagot na sana nang bigla na lamang siyang ngumisi sa akin. Isang nakakatakot at demonyong ngisi.
"Anong---" hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin ko dahil bigla siyang may itinusok na karayom sa balikat ko.
"Hirap na hirap kaming hanapin ka. Ikaw pa pala ang kusang lalapit sa amin," huling mga katagang narinig ko bago ako pinanawan ng ulirat.
IMINULAT ko ang mga mata ko at ngayon ay nakagapos ako sa isang poste at nakabusal ang bibig ko.
Nakakasulasok ang amoy ng paligid. Tila kami nasa estero at hindi ko maatim ang amoy. Magulo rin ang ayos ng mga kagamitan na animong sinadya upang hindi paghinalaan ang lugar na ito.
Marami ang taong narito na may dala pang malalaking baril na animo isa akong mahalagang tao na kailangan bantayan. Nahihirapan ako sa posisyon ko ngunit wala akong magawa. Kumakalam na ang sikmura ko sa gutom at nararamdaman ko na rin ang pang-lalambot ng mga binti ko pati ang unti-unting pagbigay ng katawan ko.
"Gising ka na sa wakas," wika ng taong nasa harap ko saka inalis ang telang nakabusal sa bibig ko.
"Ano bang kasalanan ko sa inyo!?"
"Wala ka namang kasalanan Sebastian," nakangising pahayag nito sa akin.
"Pare-pareho ang sinasabi ninyo na wala akong kasalanan pero heto kayo at pinagpapasa-pasahan ako!" Sigaw ko. Halo-halo ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Sakit, ang pakiramdam nang pinagtraydoran ng kaibigan, ang pakiramdam nang niloko ng asawa, ang pakiramdam nang gulong gulo sa takbo ng buhay at sitwasyon. Hindi ko na halos malaman kung ano ba ang tunay na nararamdaman ko sa mga oras na ito.
"Alam mo Sebastian, ang tagal kong nagtiis na hindi ka kantiin. Ang tagal kong nagtiis na hindi ka galawin kahit kating kati na ang mga palad ko na ipakilala ang sarili ko sa'yo!" Sigaw rin niya pabalik sa akin saka tumawa ng napakalakas.
"Ano ba talagang problema ninyo? Ano ba talagang kasalanan ko!? Hindi ako mayaman! Wala akong maraming pera! Hindi ako isang tao na may kapangyarihan---"
"Ngunit ikaw ang nag-iisang tao na kayang baligtarin ang lahat nang mayroon sila. Ikaw ang nag-iisang tao na maaaring makatulong sa akin na pabagsakin sila. Ikaw ang nag-iisang taong magagamit namin laban sa kanila," putol niya sa akin.
"Dahil asawa ko si Aeidan? Dahil asawa ko ang isang Freezell? Dahil asawa ko ang isang Ricafort? Liwanagin mo ang dahilan dahil hindi ko maintindihan! Hirap na hirap akong intindihin kayo sa nais ninyo sa akin. Hindi ko mahanap ang mga kasagutan na hinahanap ko!" Lumuluhang sagot ko sa kanya ngunit sa gulat ko ay nakatikim lamang ako ng mag-asawang sampal.
"Alam mo bang ang isang Lindzzy Sebastian ay isang malaking kasinungalingan? Isa kang malaking katarantaduhan! Isa kang malaking kalokohan!Isa ka lamang malaking kasinungalingan, Sebastian!"
"A--Anong tinutukoy mo!? SABIHIN MO!" Halos garalgal at paos na ang tinig ko dahil sa sakit at hirap na inaabot ko. Gulong gulo na ako sa naririnig ko.
"Hindi ka na dapat nabuhay Sebastian. Hindi ka na lamang dapat nabuhay. Mas kakaunti ang nalalaman mo, mas mapapagaan ang buhay mo. Sana hindi ka nalang nagmahal ng isang Aeidan Lex Freezell--- Ricafort. Sana hindi ka na lamang nahulog sa hayop na iyon, dahil kahit paano ay nakararamdam ako ng awa dahil sa kabaitang taglay mo. Wala akong masasabi sa apat na taon na pagsubaybay ko sa iyo. Ngunit namali ang landas na tinatahak mo, nang makilala mo si Aeidan. Nagulo ang buhay mo nang magmahal ka. Hahayaan na lamang sana kitang mamuhay ng normal, ngunit lumabas ka pa ng lungga mo at nagpakilala sa mundo. Nakakaawa ka Sebastian," mahabang turan nito sa akin na hindi ko mapagtagni-tagni.
"I--Ikaw ang naggapos noon sa akin sa eskwelahan!?" Tanong ko dahil naalala ko ang pamilyar na tinig na iyon.
"Ako nga Sebastian. Ako nga."
AEIDAN
"Hindi ko inaasahan na ang lugar na iyon ang lalabas sa tracker," wika ni Aeiryn habang magmamaneho ako ng sasakyan patungo sa lugar kung saan niya nalocate si Lindzzy.
"Just drive. Malalaman natin ang lahat once we see the place," sagot ni kuya Aeignn na hanggang ngayon ay walang tigil sa kakatipa sa laptop niya.
Nanginginig ako. Hindi ako madasalin na tao ngunit napapausal ako ng lihim na panalangin para sa kaligtasan ng asawa ko. Siya lang ang mayroon ako. Si Lindzzy lang natitirang dahilan para magpatuloy pa 'ko.
Narating namin nina kuya Aeignn at Aeiryn ang lugar na natrack ni Aeiryn. Gulantang na gulantang ang buo kong pagkatao sa taong bumungad sa amin.
"J--Jice," hindi makapaniwalang saad ko.
"Anong ginagawa n'yo rito?" Salubong na tanong niya sa amin.
"You kidnapped my sister-in-law, you bitch!" Sigaw ni Aeiryn sa kanya at akmang sasampalin siya ni Aeiryn ngunit mabilis itong nasalo ni Jice.
"Nasaan ang asawa ko!?" Pabalang na binitawan niya ang kamay ni Aeiryn bago tumingin sa akin.
"Wala dito ang hinahanap n'yo. You're barking at the wrong tree, Sir Aeidan," sagot niya sa akin.
"We tried tracking her and this place was the exact location registered! Napakasinungaling mo!" Sigaw sa kanya ni Aeiryn.
"I'm doing my part time job here, Sir. Caretaker ako rito. Kung hindi kayo naniniwala, you may search the whole place kung iyon ang makakapagpaluwag ng kalooban ninyo," sagot ni Jice.
Hindi na siya nagdalawang salita pa dahil mabilis na pumasok si Aeiryn sa bahay at nagsimulang maghanap.
"You can fool them, but not me," napalingon ako kay kuya Aeignn at nakita kong kaharap na niya si Jice.
"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Isa pa hindi kita kilala," sagot ni Jice dito. Naninibago ako sa isinisigaw na awra ni Jice ngayon. Her aura was shouting danger, and it bothers me.
"You may not know me, but I do know you. I saw you once, and I could remember you," I saw how Jice stiffened for what kuya Aeignn said.
"Umalis na kayo rito, wala dito ang hinahanap ninyo---"
"JICE!"
Lahat kami ay napalingon sa tinig na iyon at nakita namin si Aeiryn na may hatak na tao habang nakatutok na ang hawak niyang baril dito.
Nagkagulatan kaming pare-pareho.
"San Joaquin!? Tang ina, bakit magkasama kayong dalawa!? Nasaan si Lindzzy!?" Sigaw ko sa kanila. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Hindi ako makapaniwala na magkasabwat sila.
Napahawak si Jice sa sintido niya dahil nga nakatutok na ang baril ni Aeiryn kay Shawn.
"Let him go, Ms. Ricafort," utos ni Jice kay Aeiryn.
"Now tell me that we are barking at the wrong tree---"
"Aeiryn, let go of that fucker," putol ni kuya Aeignn sa sinasabi ni Aeiryn.
"But kuya---"
"I fucking said let him go!" Binitawan ni Aeiryn si Shawn at mabilis itong lumapit kay Jice.
"Isang tanong, isang sagot. Nasaan ang asawa ko!?" Saka ko kinuha kay Aeiryn ang baril niya at itinutok ito sa noo mismo ni Jice.
"She's---"
"Jice, si Lindzzy nawawala. Wala siya sa silid na pinag-iwanan mo sa kanya," lahat kami ay nagulat sa ibinalitang iyon ni Shawn. Bumaling ako kay kuya Aeignn at iiling-iling siya na nakita ko.
"We're late. They finally got her," tanging mga salitang binitawan niya na ikinagulo ng isip ko.
"WHO THE FUCK ARE THEY!?" Sigaw ko sa kanilang lahat.
"Eerie," ngayon ay napalingon ako kay Jice dahil sa sinabi niya.
"Our enemy," dagdag ni kuya Aeignn.
"The ones who killed Neptune!? The ones who protected Sera Aragon!?" Hindi makapaniwalang saad ni Aeiryn.
Sunud-sunod ang naging pagtango ni kuya Aeignn.
"Kung kinuha nila si Lindzzy, para saan at bakit!? Isa pa, bakit isa ka rin sa gustong kumuha sa kanya!?" Hindi ko na mapigilan ang galit nararamdaman ko. HINDI KO ALAM KUNG NASAAN ANG ASAWA KO! HINDI KO ALAM KUNG ANO BA ANG TOTOONG SITWASYON NA MAYROON SIYA O KAMI! HINDI KO ALAM KUNG SINO ANG KAAWAY NAMIN! HINDI KO ALAM KUNG SINO AT KANINONG MGA SALITA ANG MGA DAPAT KONG PAGKATIWALAAN!
"Their agenda is to secure their spot and to secure their goal. As for my reason, she's ours to begin with. She belongs us."
--
ISA LANG ANG SOMEONE, SI JICE SAAVEDRA LANG. HUWAG MAGPAPALITO. IBA ANG NAGGAPOS KAY LINDZZY, AT IBA SI JICE. BAHALA NA KAYO SA THEORIES N'YO. NYENYE. HAHAHA.
Ps. 6 more chapters to go. LEZZGOW!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top