Twenty-five
EARLY NOTE: SA MGA NAGBABASA NA NITO NA HINDI PA BINASA ANG THE ARROGANT CLIENT, HUWAG N'YO PO AKONG IIYAKAN NA NAKAKALITO ANG MGA IMPORMASYON DITO. BAHALA KAYO. KAYA NGA SERIES, E. MAYROONG MGA CHARACTER BUHAT SA MGA NAUNANG LIBRO, NA MADADALA DITO.
--
AEIRYN
Gustong gusto ko na talagang barilin 'yong Jice na 'yon pero hindi ko magawa dahil sa utos ni kuya Aeignn. Kung ako lang talaga ang masusunod, pinaglalamayan na siya ngayon!
"Report everything to mom, Aeiryn. I have some hints regarding this matter," wika sa akin ni kuya Aeignn habang nagtitipa siya sa laptop niya.
"And what are we suppose to do with Aeidan?" Tanong ko sa kanya habang turo ko si Aeidan na natutulog dito sa tabi ko--- no, hindi pala siya natutulog. Pinatulog siya ni kuya dahil nagwawala siya at nagpipilit na hanapin niya nang mag-isa si Lindzzy.
That was the first time I saw Aeidan that miserable. He was never the serious type. He was never the inlove kind of guy. And he was never been smitten. Saksi ako sa mga past flings ng kapatid kong ito dahil siya talaga ang madalas ipatingin sa akin ni Mommy, I honestly don't know for what reason, pero sumusunod na lamang ako, until kanina na narinig ko sa usap nila ni kuya Aeignn na sadista rin pala si Aeidan. I never expected this cheerful brother of mine to be a sadist.
"He better sleep and take a rest. Kapag na-finalize na ni mom kung anong gagawin natin, doon nalang natin sabihin kay Aeidan. I'm afraid that he will be a hindrance. He's not trained like us, he may be trained physically, but his battle instinct isn't good as us," mahabang paliwanag sa akin ni kuya Aeignn na ikinatango ko na lamang.
Kung hindi ko kilala ang kuya ko, iisipin kong lider siya ng isang mafia organization o ng isang gangster group. He's a leader by heart, pero kung sa pag-iisip, I still do idolize my mom and my cousin, kuya Ayce.
Eerie. I once heard this organization about a year ago? They are the organization that had tried penetrating out organization's system with their cheap tactics. I also heard that Eerie was the organization who helped the traitor of the Mondragon Clothing Line, Sera Aragon. They also helped Aressa Aragon, the one who killed one of our elite agent, Eulyco, also known as Neptune. They were nasty people who suck at others wealth. Eerie's goal is to destroy Phyrric. I don't know what's with them. They do think that they could easily destroy something that the famous Cassandra Freezell had built.
"Kuya, what's with Eerie? Why are they so eager to turn our organization down?" Usisa ko.
"It's not their eagerness. It's their pride. I once heard the noble agents, that Eerie were protecting high profile drug syndicates and drug lords. I also heard that Eerie is famous when it comes to hacking. They do blackmail people to easily give them what they want," sagot sa akin ni kuya kaya't bigla akong napaisip.
Noble agents? Sila ang mga agents ng Phyrric na hindi gumagawa ng mga side or cheap missions. Sila ang mga agents na hindi mo mapapalabas kung hindi naman kinakailangan. Sila ang mga agents na tanging si Lola Cassandra lamang ang nakapag-uutos ng gagawin. They were trained for more extreme missions. Honestly, I haven't met any noble agents even before. I don't exactly know how they move nor how they think. I don't even know how do they handle their missions, but they are really trustworthy.
"What if Eerie will make Lindzzy as a bait?" Kusang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko. I am really thinking about that possibility.
"That's a good conclusion, but I am thinking of something more Aeiryn," doon ay bahagya akong napapreno at lumingon kay kuya.
"What? I don't really like how you think kuya. Para kang si Mommy, madalas tama ang conclusions!" Kinakabahan kong usal sa kanya. That's the truth. Ayokong kasama si kuya Aeignn sa mga missions dahil madalas wala pa naman thirty minutes, naso-solve na niya ang palaisipan!
"There is something more, that Eerie found out. Something that they could literally use against us. It's not just the fact that Lindzzy is Aeidan's wife. There is something more. It is bothering me, actually," sagot niya sa akin.
"Why didn't you ask that Jice girl? Mukhang marami rin naman siyang alam," dagdag tanong ko pa. Mabigat pa rin ang dibdib ko na basta na lamang pakawalan ang babae na 'yon!
"Then what? Get fooled? I don't trust anyone in this field, Aeiryn. Anyone could easily betray you," sagot sa akin ni kuya. "Now drive. Mamaya ka na magtanong," utos niya na agaran ko na lamang sinunod.
You wouldn't want to see an angry Aeignn Lev Freezell-- Ricafort. He's a demon.
AEIDAN
Nagising ako sa pamilyar na pasilidad ng Phyrric. Halos dito kaming tatlong magkakapatid lumaki kaya't kabisadong kabisado ko ito.
"You're finally awake," napalingon ako at nakita ko si Mommy na nakatingin sa akin.
"I need to go. I need to save my wife," saka ako bumangon at akmang lalabas ng silid na iyon nang magsalita siyang muli.
"Let's face the reality son, you can't save your wife. You may know a lot of self defense, but you're not capable in critical thinking," wika ni Mommy kaya't napalingon ako sa kanya.
"I don't need to think critically. I need my wife. Bawat segundong pinalilipas ko, sigurado akong nahihirapan siya at nalalagay sa alanganin ang buhay niya!" At muli at aalis na sana ako ngunit mabilis niyang nahawakan ang braso ko.
"Marami kang hindi alam," walang emosyong wika niya sa akin.
"I know and it hunts the hell out of me. Gusto kong malaman ang mga itinatago ninyo pero hindi ko magawa! Hindi rin nagawang sabihin sa akin ni Lindzzy---"
"Because she knew nothing."
"Aalis ako. Even if it means my death, I don't exactly care. All I want now is to save my wife. Mom, you're a living proof how much I love her. I never loved anyone like this before. She's my life," saka ko inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko at basta-basta na lamang lumabas ng silid na iyon.
Nasa bukana na ako ng Phyrric nang makasalubong ko si kuya Aeignn. Mataman lang ang tingin na ipinukol nito sa akin.
"You can't save her all by yourself," walang ligoy niyang turan sa akin.
"Hindi ako pwedeng tumanga lang gaya ng ginagawa ninyo. Hindi ko pwedeng hayaan lang na naghihintay ang asawa ko kung kailan ko siya sasagipin," saka ko siya nilampasan.
"Why can't you wait 'til mom finalizes everything?"
Napahinto ako sa sinabi niyang iyon. "You will never know the feeling dahil wala ka pang asawa--- oh, scratch that. Hindi mo malalaman ang pakiramdam dahil ikaw ang tunay na hindi marunong magmahal. Wala kang pakiramdam. You're terrible. You're vicious. Now, don't be an obstacle for me in saving my wife," saka na ako lumisan sa lugar na iyon.
Kinuha ko ang telepono ko saka ko idinial ang numero ni Darryl.
"Search for Lindzzy's location. I sent you Aeiryn's last tracking history. Sa palagay ko ay makakatulong iyon," hindi ko na siya hinintay na sumagot. Mabilis ko na rin pinatay ang tawag.
Nakita ko ang sasakyan ko sa parking space ng Phyrric at sa pagtatakha ko, 'pag kapa ko sa bulsa ng suot kong pantalon ay naroon ang susi.
Agad akong sumakay dito at tumungo sa lugar na alam kong mapagtatanungan ko ng kinalalagyan ng asawa ko.
HALOS gibain ko na ang gate ng tiya at tiyo niya para lamang papasukin ako.
"ANO BA 'YANG PUTANG INANG INGAY--- R--Ricafort," nagkanda utal pa ang tiyang Naning niya nang makita ako.
"Let me in o hindi lang panggugulo ang gagawin ko sa inyo," matigas na wika ko at nagkukumahog ito na pagbuksan ako ng gate.
Agad akong pumasok sa loob nang mapagbuksan na ako nito. "A--Anong kailangan mo rito?" Halatang kabado ang paraan ng pagtatanong niya.
"Naning wala pa bang kakainin--- anong ginagawa ng hayop na 'to sa pamamahay ko!?" Gulat na wika naman ni tiyong Osel niya na kakapasok lamang sa sala.
"Anong dahilan bakit kinukuha ninyo pabalik sa akin si Lindzzy, gayong sapat naman ang perang binigay ko sa inyo?" Pigil na pigil ang bawat salita ko.
"W--Wala! Napagtanto lang namin na mahal namin siya at----"
"THE HELL WITH YOUR FUCKING REASON! TELL ME THE GODDAMN TRUTH!" Doon ko na inilabas ang baril na kinuha ko kanina sa may sasakyan. May baon akong ganito dahil hindi maaaring sumugod ako sa gera na walang dalang bala.
"O--Osel, sabihin mo na ang totoo!" Nanginginig na wika ng babae sa asawa niya na ngayon ay patda na rin matapos masilayan ang baril.
"M--May mga taong dumating dito noong nakaraang linggo at sinabing bawiin namin si Lindzzy sa'yo at ibigay sa kanila kapalit ng isang daang milyong piso!" Tila ako nakaramdam ng lubos na awa sa asawa ko.
"Isa lamang ba talagang malaking negosyo si Lindzzy sa inyo? Isa lamang ba talaga siyang taong maaari n'yong pagkakitaan? Hindi n'yo ba naisip na kadugo n'yo siya!?"
"WALA KANG ALAM RICAFORT! SI LINDZZY AY ISA LAMANG MALAKING ILUSYON AT KASINUNGALINGAN! LUMAYAS KA NA RITO!" Sigaw sa akin ng tiyahin niya.
Bigla kong itinutok sa sintido ng lalaki ang nguso ng baril. "Saan nananahan ang Eerie? Saan naglulungga ang mga taong kumausap sa inyo!?"
"I--Isang beses pa lamang kaming napunta roon nang makipagpirmahan kami. S--Sa may ilalim ng estero sa ika-apat na tulay mula rito," nanginginig na tugon nito sa akin.
Mabilis kong nilisan ang lugar na iyon dahil sa nalaman ko.
LINDZZY
Binuhusan ako ng napakalamig na tubig kaya't biglang bumalik ang ulirat ko. Pagod na pagod na ang pakiramdam ko. Pagod na pagod na ang katawan ko at nais ko na lamang sumuko. Mukhang dito na talaga magtatapos ang lahat para sa akin.
"Hindi ka pa maaaring mamatay, Sebastian. Hindi ka pa maaaring mamatay hangga't hindi mo pa nalalaman ang totoo, at hangga't hindi ka pa namin nagagamit upang pabagsakin ang putang inang organisasyon na iyon!" Sigaw n'ya sa akin saka ako sinampal ng malakas.
"Akala ko naaawa ka sa akin? Bakit hindi mo na lamang ako pakawalan at hayaan na mabuhay ng matiwasay? Gusto ko rin ng pamilya na matatawag kong sa akin," lumuluhang wika ko habang nanghihina.
"Kung pinili mo sanang magkaroon ng pamilya sa isang ordinaryong lalaki, hahayaan na lamang kita Sebastian. Kung pinili mo na lamang sanang mamuhay ng simple, ibibigay ko ang nais mo. Kaso hindi, e. Ngayon napagtanto ko kung gaano kalaking bagay ang magagawa mo sa akin, tila gusto ko nang agad na kumilos. Ikaw ang magiging tulay para magkaroon ako ng mas mataas na pwesto sa organisasyon. Sayang naman ang apat na taon kong pagsubaybay sa'yo kung ganoon lang rin naman ang gagawin ko," nakangisi niyang pahayag sa akin.
"Wala akong ipinakitang pangit sa'yo dahil tiwala nga ako sa kakayahan mo. Wala kang pinapanigan. Wala kang pinapaboran. Iyon pala ay naroon ka lamang sa eskwelahan na iyon para lamang manmanan ako at bigla na lamang sasalakay kapag nahanap na ang tamang pagkakataon," mapait na turan ko. "Kung nais mo lamang palang makalugar ng mas mataas sa organisasyon n'yo, bakit gagamitin mo pa 'ko?"
"Sinabi ko na sa'yo, Sebastian. Hindi biro ang kakayahan na mayroon ka para baligtarin ang lahat. Kung ako nga lang sa Phyrric, kung magiging usig de konsensya lamang kita, hindi na kita hinayaan na mabuhay. May pagkatanga rin ang nagpapalakad ng Phyrric. May pagkatanga rin talaga ang mother-in-law mo. Dapat hindi ka nalang nila hinayaan na mabuhay o noon pa lamang ay pinatay ka na nila kung magiging kahinaan ka nila," gulong gulo ang isip ko sa naririnig ko mula sa mga labi niya.
"Ipaliwanag mo sa akin. Hirap na hirap na akong intindihin!" Sigaw ko habang umiiyak.
"Bakit ako ang magpapaliwanag sa'yo? Hindi ko naman obligasyon na patahimikin ang magulo mong utak," saka pa ito tumawa nang tumawa.
"Lindzzy...." Napalingon ako sa tinig na iyon at sa gulat ko ay nakita ko si Aeidan na tila hapong hapo matapos sumuong sa isang laban.
"WOW! ANG GALING MO NAMAN SIR! NAHANAP MO PA RIN KAMI!?"
Napalingon si Aeidan sa sinabing iyon ng taong kausap ko at nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Pareho ng gulat na naramdaman ko nang malaman kong siya rin ang dumukot sa akin.
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
"C--Caely Mallari, anong ginagawa mo rito!?"
Si Caely. Ang aming class mayor na akala ko neutral lamang noon sa lahat.
"Hello Sir Aeidan, ako nga pala ang isa sa subordinates ng Eerie, at ang nakatakdang pumatay sa inyong mag-asawa," wika nito saka biglang bumunot ng baril at itinutok sa akin.
--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top