Twenty-eight
LINDZZY
Hindi ako makapaniwala na yakap-yakap ako ni Jice ngayon. Gusto ko siyang itulak. Natatakot ako sa maaari niyang gawin sa akin.
Kusa siyang lumayo sa akin at sa gulat naming lahat ay bigla niyang malakas na sinampal si Caely.
"Para iyan sa ginawa mong pagpapahirap sa kaibigan ko, Mallari. Kung pwede lang din kitang patayin sa oras na 'to, ginawa ko na!" Sigaw niya kay Caely.
"Saavedra enough," pigil sa kanya ni tita Aeickel na animo ba matagal na silang magkakilala.
"Proceed in my office now Jice, Aeidan, and Lindzzy. Hintayin ninyo ako roon," sagot ni tita Aeickel kaya't tumayo na rin kami at lumabas ng interrogation room.
Naririnig ko pang nagsasabi-sabi si Caely ngunit hindi ko na ito inintindi pa. Mas iniintindi ko ngayon si Jice na naka-angkla sa braso ko na animo ba hindi niya ako kinidnap at wala siyang ginawang masama sa akin.
Tinignan ko siya at biglang lumungkot ang mukha niya. "Pinaghihinalaan mo pa rin ako? Hindi pa rin ba naipapaliwanag ni among Aeickel ang lagay ko?" Tanong niya sa akin at magkakasunod akong umiling.
"Huwag kang magagalit ha, Jice? Pero natatakot akong dumikit sa'yo. Pakiramdam ko ano mang oras ay maaari mong barilin ang ulo ko," kinakabahan kong turan sa kanya.
"Don't worry, Lindzzy. Naiintindihan ko naman, pero sana hintayin mo na makapagpaliwanag sila sa'yo kung sino at ano ba talaga ako sa buhay mo," malungkot niyang pahayag sa akin.
"Sige---"
"Magagamot ka naman ng jugjug ni Sir Aeidan, 'di ba Sir?" Mali nanaman ako. Hindi nga pala marunong malungkot si Jice.
"I don't exactly know your real identity yet. Ayokong makipagbiruan sa'yo---"
"PAKA SUNGET! INAANO KO BA KAYO? Hmp! Napag-utusan lang naman ako ng kidnap-kidnap na 'yan. Bakit.... bakit parang kasalanan ko?" Saka pa siya bumitaw sa akin at humawak sa dibdib niya. Parang napanood ko nang ginawa iyon ni Ms. Bea Alonzo.
Nakarating kami sa opisina ni tita Aeickel at may inabutan kaming lalaki na hindi ko kilala, ni hindi ko ito mamukhaan.
"A--Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Jice sa lalaki na sa tantya ko ay nasa edad na rin siguro ni tito Nigel.
"You need me, of course. How can you prove your innocence without me?" Sagot nito kay Jice saka nagmwestra kay Jice na maupo sa tabi niya.
"Yawkonga!" Saka pa niya inismiran ang lalaki na animo close na close talaga sila.
Naupo kami ni Aeidan sa pandalawahang sofa habang si Jice ay nananatili pa rin na nakatayo at tila nakikipagsukatan ng tingin sa lalaking narito.
"Are you really okay now? Wala ka bang nararamdaman na kahit ano?" Bulong na tanong sa akin ni Aeidan.
"I'm fine Aeidan," bulong ko pabalik sa kanya.
"Hoy, si Kitchie Nadal ba kayo?" Napalingon kami ni Aeidan sa ginawang pagkausap bigla sa amin ni Jice na iyon.
"B--Bakit?" Kinakabahan talaga ako sa mga ganyan niyang klase ng tanong.
"HOY! KAIBIGAN KO, PAKINGGAN MO MGA BULONG SA'YO! WOOOOHHH!" Naghead bang pa siya matapos niyang kantahin ang liriko na iyon.
"Narito ka na rin pala Dylan," biglang natahimik si Jice at mabilis na napaupo sa tabi noong lalaki nang biglang pumasok si tita Aeickel. Animo mabait siyang tupa.
"Awra mo palang talaga amo, nakakatakot na. Para kang kidlat," bulong ni Jice.
"Your mouth," pagbabawal sa kanya nang lalaking tinawag na Dylan ni tita Aeickel ngunit inismiran lamang niya ito.
"Alam ko Lindzzy na naguguluhan ka sa kung sino talaga si Jice sa buhay mo---"
"Ang dakilang bestfriend ng api-apihan na bida, amo! Iyon ako syemperds!" Putol niya kay tita Aeickel.
"JICE!" Bawal muli no'ng Dylan at napatahimik na siya nang tuluyan.
"S--Sa totoo po niyan, nakakaramdam pa rin po ako ng takot na nasa paligid ko ang taong minsan nang kumidnap sa akin," pagpapakatotoo ko saka ko sinulyapan si Jice at nakita kong nagbago ang nakakaloko niyang awra.
"She's Jice Isaiah Twizler-- Saavedra. 25 years of age. Daughter of Dylan Isaac Saavedra and Flordeliza Saavedra. Her mother died after giving birth to her. It is her primary information," gulat na gulat ako sa mga naririnig ko, ramdam ko na ganoon din si Aeidan na nasa tabi ko. Ilang taon ko siyang kaibigan ngunit hindi ko pala alam ang totoo niyang pagkatao.
"Is she an agent? Hindi ko siya nakikita dito sa Phyrric---"
"She's not an agent. She's just a mere daughter of a nobel agent. Dylan here, is the highest nobel agent of Phyrric," paliwanag ni tita Aeickel at biglang tumayo ang lalaki.
"Good afternoon Mr. And Mrs. Ricafort. I am Dylan Isaac Saavedra. Father of Jice. Thank you for enduring her mischievousness---"
"PAPA WALA KANG EBIDENSYA!" Putol ni Jice sa ama niya.
"Shut your mouth," napanguso naman siya sa pagpapatahimik na ginawa ng ama niya sa kanya.
"Mas nauna kang nakilala ni Jice, Lindzzy. Mas nauna ka niyang inalagaan dahil siya ang binigyan ko ng misyon na bantayan ka. Hindi ko ibinigay sa mga agent ang pagbabantay sa iyo dahil ayokong maging kahina-hinala sila at maging mabilis ang pagtuklas ng iba ukol sa pagkatao mo. I appointed her to supervise you from afar, but this lady here befriended you. Such a hardheaded," wika ni tita Aeickel na lalong ikinatulis ng nguso ni Jice.
"Ang bait-bait kasi niya, amo. Tapos ang ganda-ganda pa niya, tapos maraming inggeterang shok-shok ang ayaw sa kanya dahil sa mga katangian niyang 'yon, kaya ako nalang ang kumaibigan sa kanya. Isa pa deserve ko naman 'yon. Ang ganda ko ay bagay sa ganda niya," saka pa siya tumingin sa akin at tinaas-taasan ako ng kilay na ikinangiti ko. Hindi ko man alam ang pagkatao niya, pero siya pa rin ang Jice na kaibigan ko. "Ginawa ko lang naman kasi talaga ang pagkidnap na iyon para iligtas ka at hindi na mahanap ng mga gustong kumuha sa iyo. Tsaka pakiramdam ko kailangan ko rin bumawi kay tita Stella dahil nagtatrabaho nga si Papa dito sa Phyrric."
"I am planning to include you in the undercover agents---"
"Ayaw ko, amo. Okay na 'ko sa mga ganito---"
"I am allowing her, Chief. Do what you want to do with her. She's well-trained in any field since I brought her up that way," putol sa kanya ng ama niya na lalong ikinabusangot ng mukha niya.
"Papa naman kasi!"
"You have to settle yourself. Hindi mo na kailangan na bantayan pa si Jico at ang Mommy niya. Kukuha na ako ng ibang agents na maaaring sumubaybay sa kanila," wika ni tita Aeickel sa kanya.
"H--Hindi mo talaga kapatid si kuya Jico?"
"Jico is her cousin and my nephew. Jico's mom, ate Elizabeth is my wife's sibling," paliwanag ni tito Dylan. "Habang binabantayan ka niya ay roon ko siya pinapatuloy upang masubaybayan din niya ang mga ito," pagpapaliwanag nito sa akin.
"Pasensya ka na talaga, bru. Kailangan kong itago lahat nang iyon para sa kapakanan mo," paghingi niya ng paumanhin sa akin.
"Naiintindihan ko na," nakangiti kong sagot sa kanya.
"At first, I really thought that my Mom was the one who kidnapped Lindzzy. 'Yong lugar na pinagdalhan mo sa kanya ay abandonadong lugar na ni-raid noon ng Phyrric because of drugs. Kaya pala hindi ka inintindi ni kuya Aeignn. Mukhang kilala ka niya," turan ni Aeidan. "Ang nais kong malaman ay kung paano mong naging kasabwat si Shawn?"
Bigla at napaisip ako sa sinabing iyon ni Aeidan. Si Shawn nga ba ang isa pang tao noon na nagpapakain sa akin sa lugar na iyon na ayaw magpakita ng mukha?
"He's a trainee agent, son. We sent him to help Jice when things started to crumple," paliwanag ni tita Aeickel.
"Kaso ang loko, na-inlove kay Lindzzy," tatawa-tawang wika ni Jice.
"Your mouth!"
"Totoo naman. Kaya nga wala 'yon dito ngayon kasi nahihiya kay amo. 'Yong unang misyon niya kasi kina-inlovan ng loko," nagpatuloy pa rin siya sa pagtawa.
"Mom, we need to go now," paalam ni Aeidan. "She still needs some rest---"
"Pahinga lang? Hindi ako naniniwala na pahinga lang, Sir. Alam ko 'yang karakas mo. Boom boom bass---"
Napatigil ang pagsasalita niya nang biglang takpan ni tito Dylan ang bibig niya. "I'm sorry. Hindi ko naman siya ganito pinalaki."
"Sanay na po ako," saka ako tumawa ng payak.
"Bruuuuuuuu naman!!"
NARITO kami sa bahay ngayon at itong si Aeidan ay animo ba ako prinsesa na hindi maaaring magasgasan kung ituring.
"Aeidan, kaya ko naman na promise," saka sana ako pwe-pwesto sa kusina ngunit pinigilan niya ako.
"I told you to sit just fine, Lindzzy. Ang tigas ng ulo mo," saka niya ako minasdan ng mga mata niya na animo nais bumaon sa pagkatao ko. Hindi siya nakangiti. Basta mataman lamang siyang nakatingin. "Kapag ang ulo ko sa baba ang tumigas, magsisisi ka na hindi ka nagpahinga sa mga oras na pinagpapahinga pa kita," wika niya sa akin na bigla kong ikinakaba. Kahit na hindi ko na mabilang kung ilang beses nang may nangyari sa amin, hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan. Siguro.... dahil hindi ko alam kung anong eksperimento ang mga maaari niyang gawin?
"Ahmmm---"
"You are thinking something mischievous, my wife. Parang gusto ko ang itinatakbo ng utak mo," saka niya mabilis na tinawid ang pagitan namin at hinapit ako.
"M--May lakad tayo---"
"Why do I feel like I want to taste you? Why do I feel like I want to punish you for turning your back at me that night? I want to tie you tightly in bed then fuck your womanhood with my tongue," saka niya binasa ang pang-ibabang labi niya habang nakatingin sa akin.
"P--Patawarin mo 'ko. Dapat hinayaan na lang sana kitang magpaliwanag. Hindi na sana ako nakidnap---" Bigla na lamang niya akong hinalikan.
"I love you, Mrs. Ricafort."
"BRUUUUU! NGAYON TAYO PUPUNTA SA OB-GYNE--- AY SHUTANGENA PORNNNNNN!" Napatulak tuloy ako kay Aeidan dahil sa pagdating bigla ni Jice.
"H--Hindi mo ba sinara ang bahay?" Naibulong ko kay Aeidan bigla sa hindi ko malamang dahilan.
"I didn't know that someone would join us going to the hospital. Hindi mo 'ko sinabihan," sagot niya sa akin saka sumimangot.
Lumapit ako kay Jice saka ko siya iginiya patungo sa sasakyan habang hinihintay namin si Aeidan na matapos mag-ayos.
"Ikaw bruha ka, balak mo pa yatang humingi ng isang round bago magpacheck-up. Akala mo naman kapag tinaniman siya ngayon araw na 'to mabubuntis siya agad-agad," nakangisi niyang wika sa akin.
"H--Hindi naman nga. Mali naman 'yong nakita mo," sagot ko sa kanya.
"Huwow. Leptulelap tapos mali? Kulang nalang nga bru magbold kayo para matuloy na tapos sasabihin mo mali lang?" Panghuhusga niya sa akin.
"H--Hindi nga kasi!"
"Oo nga kasi! Tsaka ako pa ba naman ang lolokohin mo. Hello bru, bago ako nag-aral ulit para sabayan ka, graduate ako ng BPP major in PIT," napakunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon.
"Anong course 'yon!?"
"Bachelor of Pagiging Pakialamera, major in Pagiging Intrigera at Tsismosa," nakangisi niyang sagot sa akin kaya't nakurot ko siya sa pisngi.
"Binitin mo na nga 'yong asawa ko, pinagloloko mo pa 'ko---"
"Ede umamin ka rin! Talagang may balak kayo! Pero kidding aside, graduate ako ng Tourism Management."
"Hindi naman halata. Alam ko dapat kapag tourism graduate may delikadesa," pagbibiro ko.
"Lindzzy nakakarami ka na! Sasabihin ko kay Sir Aeidan patayin ka sa jugjug! Makaganti-ganti man lang ako!"
Tinawanan ko lamang siya.
"HOW was it Mamita?" Tanong ni Aeidan kay Mamita Yna niya. Siya pala ang Lola ni Aeidan na may-ari ng unibersidad na pinapasukan ko.
Naiwan si Jice sa labas dahil dalawang tao lamang ang maaari sa loob ng clinic.
Muling nitong tinignan ang resulta ng ultrasound saka tumingin sa amin.
"W--Wala pa namang isang buwan mula nang mangako ka at hintoan ko ang gamot Aeidan. Hindi naman tayo nagmamadali---"
"Ano pong resulta? Handa po kami sa kahit na ano," saka niya ginagap ang mga kamay ko ng kaliwang kamay niya at ang kanan naman ay ini-akbay at ipinanglapit niya sa akin patungo sa dibdib niya.
"I can see the massive count of polyps in both of your ovaries, Lindzzy. I'm sorry but there is a low possibility of you getting pregnant."
--
I ALREADY PUBLISHED THE PROLOGUE OF:
"THE DISTRESSED RACER"
ALONG WITH THIS CHAPTER. KINDLY CHECK OUT MY PROFILE. THANK YOU SO MUCH. ❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top