Thirty
LINDZZY
"She's my wife... the wife who left me."
"A–Aeidan," halos ayaw lumabas ng salitang iyon sa mga labi ko. Nakaka-upos ang paraan ng pagtingin niya sa akin... nakakatunaw.
"She's the woman I begged to stay, but still choses to give up and leave. Yes Phoebe, she's my wife," pagpapatuloy niya at nagulat na lamang ako nang biglang umangkla ang babae sa braso niya.
"Hoy hitad na linta ka---"
"Jice tama na!" Saka ko siya hinatak patungo sa tabi ko dahil mukhang susugurin na niya talaga si Phoebe.
"Alam mo miss, kung 'yang kaibigan mo pala ay masasaktan na hawak ng iba ang asawa niya, why did she choose to leave him in the very first place? It's like eating something again after you already refused eating it," matapang na pahayag ni Phoebe kay Jice habang mahigpit ang angkla niya kay Aeidan.
Nasasaktan ako na may ibang babaeng nakahawak sa kanya. Nasasaktan ako na may ibang balat na nakadantay sa balat niya. Gusto ko siyang hatakin, gusto ko siyang angkinin, ngunit ako nga pala ang nang-iwan.
"Wala kang alam na unano ka!"
"It's not the fact that I know nothing, miss. Dahil kung ayaw palang makita ng friend mo na hawak ko ang asawa niya, bakit binitawan niya? She would've fought together with him. Aeidan here is now mine. I'll get you all killed if you insist taking him away from me—"
I slapped her.... hard. Napahinto ang pagsasalita niya dahil doon at mabilis na napahawak sa pisngi niya.
"Lindzzy!"
"Bru!"
Dinig ko pa ang magkapanabay na wika na iyon ni Jice at Aeidan, pero tila na ako namanhid at nawalan na ng pakialam. Mas nanaisin ko na marinig nila ang panig ko sa oras ito. Hindi ko maaaring ipakita na mahina ako, dahil sa mga oras na 'to, mas lamang ang katotohanan na nasasaktan ako sa mga sumbat nang babaeng ito.
"Kapag dumating ang araw na hindi mo magawang bigyan ng anak ang taong mahal mo, doon mo 'ko pagsalitaan ng masakit. Kapag dumating ka na sa puntong unti-unting nagugunaw ang pamilyang pinapangarap mo, doon mo 'ko husgahan. I'd rather be hurt than see Aeidan regret about choosing a woman who cannot give him a family. I'd rather feel devastated than see Aeidan crave for a child that I could not give. You may know quite of our story, but you don't know the pain. You may know quite of his point of view, but you don't know about our scars," pinilit kong masabi ang lahat ng iyon sa matatag na paraan. Masakit? Sobrang sakit.
"I don't really care about your scars and pains, but I do care about you leaving Aeidan when he needed you the most!" Sagot nito sa akin ngunit mas pinili ko na lamang na tumalikod na. Nagbabadya na ang pagpatak ng mga luha ko at ayaw kong masaksihan pa nila iyon. Ayaw kong makita nilang mahina nanaman ako.
"Ikaw kutong lupa ka palasagot ka rin, e! Lindzzy hintayin mo 'ko!" Mga salita ni Jice ang narinig ko bago tuluyang nakalayo.
Saktong tutungo na kami sa cashier nang mapalingon kami ni Jice sa pinanggalingan namin dahil sunod-sunod na tumumba ang shelves na pinagpapatungan ng mga grocery na animo ito isang domino.
"AEIDAN!"
Tila naalarma ang puso at isip kong malakas na tinig na iyon.
NANGINGINIG ang mga kamay ko habang naka-abang ako sa pintuan ng emergency room. Hindi ko alam kung anong nangyari. Hindi ko alam kung anong iisipin ko sa mga oras na ito.
"Kumalma ka—"
"Hindi ko kayang kumalma lalo na at nakakita ako ng dugo sa ulo niya, Jice. Natatakot ako," putol ko kay Jice.
"It is all your fault! Makitid ang utak mo!" Sigaw ni Phoebe na nasa tabi ko at naghihintay rin sa harap ng emergency room.
"Huwag kang magsalita d'yan na unano ka. Walang humihingi ng opinyon mo!" Angil sa kanya ni Jice sala sinimulan na hagurin ang likod ko.
Bigla na lamang bumukas ang pintuan ng emergency room at iniluwa no'n ang doktor na sumalubong sa amin kanina.
"Kumusta po si Aeidan?"
"How's my boyfriend?"
"Kumusta po ang asawa ng kaibigan ko?"
Sabay-sabay ang naging pagtatanong namin kaya't nakita kong naguluhan ang doktor kung sino ba ang sasagutin sa amin.
"First, I need to know who's the patient's family?" Tanong nito.
"Ito po," saka ko bahagyang itinulak ni Jice. "Siya po ang legal na asawa sa papel," wika niya at nakita kong nag-make face pa siya kay Phoebe.
"Kumusta po siya?"
"Come with me in my office, Misis." Sagot sa akin nang doktor na kahit bahagya ko pang ikina panibago ang pagtawag niya sa akin ng misis ay agaran akong sumunod sa kanya.
Nakapasok kami ng opisina ng doktor at naupo ako sa harap ng mesa niya.
"Ano pong lagay niya?" Tanong ko nang magsimula itong magtingin sa chart niya.
"He received a simple treatment for bruises and wounds he got. Ang hindi ko makuha ay ang dahilan mismo ng pagkawala niya ng malay tao. I tried searching it for his CT-scan result, ECG result, and X-ray result, but I found nothing. This was the rarest case I ever handled," wika sa akin ng doktor na totoong nagpakabog ng dibdib ko.
"Wala pong sakit ang asawa ko. Wala rin po siyang history ng kahit na anong karamdaman. Malusog po ang pangangatawan niya," sagot ko sa doktor.
"It would be better kung kayo na lamang po ang kakausap sa asawa n'yo. Baka may itinatago siya sa inyo na hindi n'yo alam. Maaari n'yo na po siyang bisitahin sa loob ng kwarto niya. Nailipat ba siguro siya sa mga oras na 'to," wika ng doktor kaya't mabilis akong napatayo.
Lakad takbo ang ginawa kong pagpunta sa sinabi ng doktor sa akin na room number niya.
Nang marating ko ito ay halos mapagutan ako ng hininga sa nadatnan ko. Si Phoebe na nakaumang ang mga labi sa labi ng asawa ko.
Mabilis ang naging pagkilos ng paa at kamay ko. Inilang hakbang ko ang layo namin sala ko siya hinatak palayo kay Aeidan at itinaboy palayo.
"Hinayaan kong tawag-tawagin mo siyang kasintahan mo, pero ang halikan mo ang asawa ko, magkakasubukan na tayo," mahina kong turan sa kanya.
"Sa akin na si Aeidan ngayon. Tanggapin mo ang totoo—"
"Walang ibang makaka-angkin sa asawa ko. Iniwan ko siya dahil gusto kong pareho kaming makapag-isip at hindi para akyatin ng isang gaya mo. Ngayon na nagkita na kami ulit, hindi ko hahayaan na may makakalapit pa sa kanya na maaaring umagaw sa kanya mula sa'kin. He's mine, Phoebe. Kasal siya sa akin. Ako ang legal na asawa. Kung kinakailangan na magpagamot na lamang ako sa ibang bansa upang mabigay ko ang anak na nais niya, gagawin ko. Hindi ikaw, o hindi kahit sino ang magiging ina ng anak niya. Ako lang—"
Hindi ko nagawang matapos ang sinasabi ko dahil may bigla na lamang humatak ng kamay ko mula sa likuran ko at ngayon ay ramdam ko na lamang ang pamilyar na malalambot na labing nakalapat sa mga labi ko.
"GANOON LANG PALA!? SHUTANGENA ANG DAMI N'YONG ARTE!" Napahiwalay ako sa mga labi ni Aeidan at paglingon ko ay naroon na sina Jice kasama si tita Aeickel, Lola Cassandra, at si Phoebe na ngayon ay nakangiti na sa amin.
"A–Anong ibig sabibin nito?" Gulat at nagtatakha kong tanong.
"Wala akong alam bru, ngayon ko lang nalaman," depensang sagot ni Jice sa akin.
"I set this up, young lady. I needed to do this to make you realize things. This girl Phoebe, is my amiga's granddaughter. I'm really glad she helped us out," wika ni Lola Cassandra.
"Lagi kasing tinatrack ni tita Aeickel ang location mo, kaya noong papunta ka ng grocery store, mabilis kong inaya si Aeidan para magkita na kayo. I'm really glad na ayos na, medyo naging out of hand lang ang lahat nang biglang himatayin si Aeidan. That was out of the context," nahihiyang wika ni Phoebe sa akin.
"Alam mo lahat ng ito?" Tanong ko kay Aeidan nang bumaling ako sa kanya.
"I can never get you out of my mind, Lindzzy. I even placed secret camera's in Jice's place just to see you every second of everyday. I love you so much that I feel like drowning everytime I see you smiling not becuase of me," sagot niya saka ako muling hinatak.
"And Lindzzy, you need to go to tita Yna again," wika ni tita Aeickel sa akin.
"B–Bakit po?"
"I think you are pregnant. This time it is for real—"
"P–Pregnant!?" Wika ni Aeidan na ngayon ay namumutla na animo tinakasan na lahat ng dugo niya sa katawan.
"Aeidan, ayos ka lang ba—"
Bigla na lamang siyang hinimatay at napasandal pa mismo sa akin.
"Don't worry, Lindzzy. It's normal."
WALONG buwan na ang nakakalipas buhat nang bumalik ako sa bahay namin ni Aeidan.
"You look like a tadpole," wika niya sa akin dahil kasaluluyan king tinutungga ang pitsel ng tubig na galing sa ref.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ang sama mo na sa akin!" Singhal ko sa kanya.
"But a very beautiful tadpole at that," bawi niya saka lumapit sa akin at niyakap ako mula sa likod. "I will never get tired and get enough of this tadpole—" hinampas ko talaga siya dahil sa sinabi niya, ngunit tinawanan lamang niya ako.
"Hindi nga ako kasi butete!" Singhal ko sa kanya.
Mula nang malaman kong isang buwan na buntis ako, walang araw na lumipas na hindi ako nagpapasalamat sa Nasa Itaas para sa biyayang ito, kahit pa noong mga naunang buwan ng pagbubuntis ko ay kung saan-saan kami umaabot para lamang masunod ang gusto niya. Lanzones na dapat hindi nakasama sa maramihang kumpol, pipino na dapat ay mamula-mula, burger na hindi dapat sunog ang buns, at marami pang kaimposiblehang bagay. Nalaman ko noon na sa mga lalaking Freezell, sila pala ang naglilihi at isang beses lamang sila magkaka-anak.
*****
"Wife, please wake up," wika niya sa akin. Hirap na hirap ko man idilat ang mga mata ko ay ginawa ko. Baka ayain nanaman niya ako sa mga gusto niyang gawin na madalaa ko na ngayon tanggihan dahil sa pagbubuntis ko.
"Aano tayo?" Aantok-antok kong wika sa kanya.
"I want something," doon ay kinabahan alo dahil baka naisin nanaman niya akong itali sa higaan saka sambahin hanggang umaga.
"A–Aeidan, I'm pregnant. I need to take a rest," bulong kong wika sa kanya dahil sa sinabi niya.
"FINE!" Pagdadabog niya sa akin saka tumungo sa glass window ng kwarto at binuksan iyon.
Tumayo ako kahit na inaantok at sinundan siya. Naabutan ko siyang tila nagmo-monologue sa hangin habang kunot ang mga noo niya.
"How can she be so cruel? Buntis ako— I mean buntis siya at kailangan ako ang maglihi. I want to eat suman na may langka sa loob saka isasawsaw sa kape with pritong baboy na ibababad sa sukang nilagyan ng napakaraming dalanghita," tila gusto kong mapangiwi sa mga pagkain na sinasabi niya. Kanina lamang kasi ay kumain siya ng adobong manok na ang pinang asim niya ay ang softdrinks na royal. I don't know what's wrong with his taste buds.
"Aeidan, halika na. Hahanap tayo ng mga gusto mong kainin—"
Bigla siyang tumingin sa akin at animo bata na nag-beautiful eyes. "Are you for real?"
*****
Bigla ay umalis siya sa pagkakayakap sa akin at mabilis na lumuhod sa harap ko saka niya hinalikan ang tiyan ko. "I love you both so much."
"Mahal ka rin namin—" natigil ang pagsasalita ko nang bigla na lamang humilab ang tiyan ko at naramdaman ko ang pagsipa ng anak ko.
"Ow! He kicked me!" Masayang wika niya ngunit hindi ko siya magawang ngitian dahil sa pagguhin ng sakit dahil sa pagsipa niya. "I want him to be just like you, Lindzzy. Honest and full of love."
"A–Aeidan...."
--
POSTED NA ANG EPILOGUE KASABAY NITO. GOOOO NA SA NEXT. 😊❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top